"Hindi ka pa ba uuwi? Ilang oras ka na bang nandito?" tanong ni Kate Green kay Ela nang maabutan itong nakaupo sa isang sanga ng isang puno habang tinatanaw ang malawak na view sa ibaba. Ito ang naging tambayan niya dalawang araw na ang lumipas simula nang pagkikita nila ni Van sa hospital na 'yon. Papalit palit siya ng hotel simula nang umalis siya sa mansion. For now, wala pa siyang patutunguhan, gusto na muna niyang palipasan ang lahat ng sakit at pighating nadadama ngayon. She should accept the pain first, unti unti pang pumapasok sa sistema niya ang ginawa ng asawa niya sa kan'ya. But she will be fine, not now but someday. Kailangan niyang mag move on na dahil si Van na mismo ang pumili sa babae nito. Wala na siyang magagawa pa 'di ba? Everything is already worthless, the dreams tha