Hinatid niya si Van sa Villa at inakyat ito sa kwarto. Napapailing na lamang siya, sumobra naman ang pag-inum nito kaya heto't pagewang gewang ito kung lumakad.Nahirapan tuloy siyang tulungan itong makaakyat sa itaas. Nang sumampa ito sa kama ay hindi na ito gumalaw pa, nakapikit ang mga mata nito at humihilik. " B*ysit ka talaga Van oh! Hanggang dito ba naman ay gagawin mo'kong yaya mo!" inis niyang bulyaw sa lalake. Kahit na labag sa kan'yang kalooban ay nagawa niyang palitan ng damit ang asawa at kumuha ng bimpo at nilinis ang katawan nito. Kanina kasi ay sumuka ito sa ibaba habang naglalakad sila papunta sa Villa. Aalis na sana siya sa tabi nito nang bigla siya nitong hawakan sa braso." Thanks for taking care of me, Ela." tanging sambit nito at muli na itong natulog.Ganito siya kapag