Nakaupo silang lahat sa buhanginan sa tabi lamang ng dalampasigan. The sun is about to set at may mga tauhan na ng private island ang naghahanda para sa campfire na nirequest nila. Naghanda na rin ang mga ito ng maliit na mesa kung saan sila kakain, nagpaluto si Papa G ng seafoods para sa hapunan nila. " Mga anak, sana ganito na lang araw araw! Ang saya kapag may oras tayo para sa isa't isa ako? Sana, mauulit pa ito." madamdaming sambit ni Papa G sa kanila ni Van. Ngumiti lamang siya ng mapait. Alam niyang hindi na niya mabibigyan pa ang hiling nito dahil pagkatapos lamang ng outing nila rito sa isla ay babalik na ulit sila dati ni Van. Uuwi na ito sa kerida at siya naman ay aasikasuhin ang cafeteria habang naghihintay ng misyon. "Yes naman mom and dad, we will still be doing this a hu