Chapter 01

2293 Words
Matapos ang kasong ipinanalo ni ToV ay nabigyan na nang nararapat na parusa ang si Acosta na attempted rape sa dalagang sinasaktan nito sa tuwing tumatanggi ito dito. Nagpasalamat sa kaniya ang mga magulang ng dalaga dahil sa pagkakapanalo nila sa kaso dahil wala ng mananakit o mananakot sa anak nila. Agad din namang umuwi si ToV sa kaniyang bahay matapos dalhin ng kaniyang secretary ang kaniyang sasakyan sa tapat ng supreme court. Pagkarating niya sa kaniyang bahay ay deretso siyang umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto niya, nang makapasok siya sa kwarto niya ay agad niyang hinubad ang suit niya at ibinaba sa kama niya ang suitcase na bitbit-bitbit niya. Inalis narin ni ToV ang kaniyang necktie dahil maliligo muna siya bago muling umalis at pumunta sa bound nila dahil pag-uusapan pa nila ang misyon na ginawa nila kanina. Sa dami ng nangyari sa kaibigan nilang si Lu, Ang pagsugod ng sindikato kasama si David Liu Jingying sa kanila na nagdala ng matinding pasakit kina Lu mula sa pagpatay ng mga ito sa ama nito, at sa laban na naganap sa ospital kung saan unang beses nilang nakitan magmakaawa si Lu, lahat nang iyon ay nakita nilang nalampasan ng dalawa. Pero nang matapos na nila ang kinakaharap na problema ni Lu, matapos masugpo at mabura nila ang sindikatong nagpahirap kay Lorraine at nagbigay ng dagok sa buhay ng dalawa. Ikinasal ang mga ito at masaya ang buong Phantoms dahil nakayanan nang dalawa ang mga pinagdaanan nila sa tulong narin ng mga moral support nilang magka-kaibigan. Pero lahat sila ay nagulat sa balitang biglang hindi nila inaasahan, dahil doon, madaming naglabasan na traydor simula nang mabalitaan sa buong Underground Society ang isang balitang pinasabog ang kotseng sinasakyan ni Valdemor at namatay ito. Hindi sila makapaniwala sa kung paano 'yun nangyari, pero itinuon na nila ang isipan nila sa nangyayari sa Underground, hindi sila makapaniwala na ganun lang kabilis mapapatay si Valdemor ng mga kalaban nito. Kakatapos lang ng kasal ni Lu at Lorraine kasabay ang balita tungkol kay Valdemor na patay na ito ay biglang nagpatawag ang limang founders ng pagpupulong sa lahat ng underground society citizen at lahat ng mga taga US ay nagulantang dahil nagpakita sa kanila si Valdemor sa araw ng pagpupulong, at ipinag-utos nito na hulihin at patayin ang mga lumabas na traydor sa US kaya matapos ang kasal ni Lu at bago umalis ang mag-asawa para sa honeymoon ng mga ito ay pinagtrabaho muna sila ng mga founders. Lahat sila ay clueless sa mga nangyayari, kahit ang apat na Emperor ay napapaisip kung bakit napabalita na napatay si Valdemor pero buhay pala naman ito at humihinga. Ngayon ay inuubos nilang lahat ang mga bumalimbing na mga taga US dahil ang iba ay may kinuhang mga importanteng bagay sa apat na bound at mismong sa pavilion ng mga founders. Inalis muna ni ToV ang mga isipin niya dahil mapag-uusapan din naman nila ‘yun pagbalik niya sa bound nila, hinubad na niyang lahat ang polo shirt at pantalon niya at boxer nalang ang natirang saplot sa kaniya ng tumunog ang cellphone niya na ipinatong niya sa kaniyang kama at tiningnan iyon. Napakunot ang noo niya ng makitang ang nakatatanda niyang kapatid ang tumatawag sa kaniya na matagal-tagal na ding hindi umuuwi sa pilipinas matapo siyang maka graduate ng college noon. Dinampot niya ang cellphone niya at sinagot ang tawag ng kapatid niya na nang-istorbo sa tangkang pagligo niya. “Who are you?”salubong na sagot niya sa kaniyang kapatid ng sagutin niya ang tawag nito. (Anong who are you? Kuya mo ‘tong tumatawag anong who are you?) “Oh? I thought stranger kasi, number lang eh. Nakakaalala ka pa pala Kuya Zandro.”saad na biro ni ToV sa kaniyang kapatid. (Did you delete my phone number in your contacts bunso?”) “Stop calling me bunso, hindi na ako bata Kuya Zandro. Bakit ka ba tumawag? Alam mo bang inabala mo ang tangkang paliligo ngayon?”pahayag na sita ni ToV dito na rinig niyang bahagyang tumawa sa kabilang linya. (Mas bata ka sa akin ng tatlong taon kaya bunso parin ang itatawag ko sayo, para kang si Daddy, tinawagan ko din kanina pero ‘who you’ din ang sinagot sa akin. Alam ko namang tampo kayong dalawa sa pag-alis ko ulit noon but don’t worry pauwi na ulit ako diyan sa pinas, ipapakilala ko na sa inyo ang fiancée ko.) “Umuwi ka nalang kung uuwi ka Kuya but don’t you dare stay in my fvcking house, dahil pag umuuwi ka dito disaster ang nangyayari sa bahay ko.”pahayag na saad ni ToV bago pinatayan na niya ito ng tawag na ngising ikinailing nito bago inilapag ang cp niya sa kaniyang kama. “Fiancée huh? Akala ko deboto din ang kapatid ko na hindi mag-aasawa, but good for him.”saad ni ToV bago nagtuloy ng naglakad patungong cr niya. Pagkapasok niya sa loob ng cr at pagkasara niya sa pintuan ay binuksan niya na ang shower at nagpakabasa na, ang tubig sa shower ay dumadaloy sa matipunong katawan ni ToV. Napagod siya kahit papaano sa paghahabol nila sa mga traydor na nahuli nila kanina, at dumeretso siya sa isang trial niya kaya nakadagdag ng pagod iyon kay ToV kaya alam niyang cold shower ang magpapa-relax sa kaniya. Nag-eenjoy si ToV sa kaniyang paliligo nang matigilan siya nang may marinig siyang kalabog sa sa labas ng kwarto niya. Dahan-dahan na pinatay ni ToV ang kaniyang shower at tahimik lang sa kaintatayuan niya upang pakiramdaman ang kalabog na narinig niya. Dahil may katalasan ang pandinig ni ToV ay narinig niya ang ilang mga yabag na ikinakuha niya sa tiwalya na nakasabit at ibinalot ‘yun sa ibabang parte ng katawan niya. At dahil basang-basa ang buhok ni ToV ay tumutulo mula dito ang tubig sa buhok niya habang dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pintuan ng cr niya. Akmang hahawakan niya ang seradura ng pintuan ng matigilan siya ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kwarto niya na dahan-dahan niyang ikinasandal sa may pader malapit sa pintuan ng cr niya. Maingat na humakbang si ToV papunta sa may shower niya at malakas itong binuksan upang marinig mula sa labas ng cr niya at muling bumalik sa kinasasandalan niya kanina malapit sa may pintuan. Napalingon nalang si ToV sa seradura ng pintuan ng cr ng makita niya itong unti-unting binubuksan na pinaghandaan niya. Nang magbukas ang pintuan ay agad pumasok ang isang lalaking naka-itim na balaclava at may hawak na baril na may silencer na agad hinawakan ni ToV ang kamay niyong may baril na ikinagulat nito. Mabilis niya itong hinigit papasok sa loob ng cr niya at malakas na binalibas sa may shower niya dahilan upang mabasa ito at mabitawan ang hawak nitong baril. Nang makarecover ito ay mabilis itong sumugod kay ToV at sunod-sunod na pinaulanan ng suntok na mabilis lang niyang naiiwasan. Agad na lumabas si ToV sac cr habang tumutulo ang tubig sa buhok niya sa may sahig nang makalabas narin ang lalaking sumugod sa kaniya na binigyan niya ng ngisi. “Sino ka para pumasok sa pamamahay ka? Tresspassing ka ‘tol.”saad ni ToV nang maglabas ng balisong ang lalaking basa ang buong katawan. “Pinadala ako para tapusin ka Atty. Valenzuela!”pahayag nito na mas ikinangisi at ikinapamewang ni ToV sa lalaking kaharap niya. “Did you know that you’re the forty -six attacker who rushed to my house because of an order to finish me off? Do you know that no one can get their lives out of my house?”saad ni ToV sa kaharap niya. “Kung ganun, ako ang makakapatay sayo!”deklara ng lalaki na mabilis na sumugod kay ToV at sinimulang ipatama ang hawak nitong balisong na maingat na iniiwasan ni ToV. Nang bahagya itong madulas dahil sa basang sahig dahil narin sa kagagawan nito ay malakas na sinipa ni ToV ang tagiliran nito na ikinangiwi nito pero akmang susugod ulit ang lalaki nang paikot na sinipa ni ToV ang kamay nitong may hawak sa balisong na ikinatalsik nito, kaya walang nagawa ang lalaki kundi sugurin muli si ToV gamit ang kamao nito. Agad na nahawak ni ToV ang isang braso nito at hinigit palapit sa kaniya. “Sana man lang pinatapos muna akong maligo, do you fvcking know how fvcking weird and awkward to fight like this?” sambit ni ToV kasabay ng malakas niyang panunuhod sa sikmura nito na rinig niyang ungol na ikinangiwi nito. Agad niyang sinabunutan ang buhok nito at mabilis na dinala sa may bintana niya at malakas niyang iniumpog ang ulunan nito sa salamin ng bintana niya dahilan upang mabasag iyon. Dahil sa ginawa niya ay dumugo ang bandang noo ng lalaki pero agad din niya itong hinila pauntog sa pader dahilan upang bumakat ang dugo nito sa pader niya. Binitawan niya ito na bahagyang nahihilo sa ginawa niya bago niya sinipang muli ang sikmura niyo malakas na hinagis papunta sa may veranda ng kwarto niya dahilan upang mahulog ito doon. Bahagyang hinihingal na naglakad si ToV sa may veranda upang tingnan ang lalaking bahagyang nangingisay dahil deretso itong bumagsak sa semento sa may malapit sa pool niya. “I told you, lahat ng sumusugod sa bahay ko hindi nakakalabas ng buhay dito. You trespass my house, attempted murder and I wasprotecting myself, damn Atty. Valenzuela your sav---“ Hindi natuloy ni ToV ang sasabihin niya ng maramdaman niya ang pagkalaglag ng tiwalyang nakatapis sa ibabang parte niya mula sa sahig. “Aish! I need shower again!”saad ni ToV bago dinampot ang tiwalya niya at hubo’t-hubad na naglakad papunta pabalik sa Cr niya upang maligo uli. Matapos makuntento ni ToV sa paliligo niya ay lumabas na siya na nakatapis muli at pinatutuyo ang buhok niya gamit ang isa pang tiwalya nang mapatingin siya sa salamin niyang nabasag at sa damusak niyang sahig na ikinapamewang ng isang kamay niya. “Bakit ba sa tuwing may umaapak sa bahay ko lagi nalang may nasisira.”ani ni ToV na naiiling na kumuha ng susuotin niya. Nagbihis narin siya agad ng khaki na pantalon at itim na poloshirt bago lumapit sa kama niya at dinampot ang cellphone niya at naglakad papunta sa veranda at ibinagsak ang tingin sa lalaking sumugod sa kaniya na hindi na gumagalaw at sa tingin niya ay wala ng buhay. Buntong hiningang tinawagan niya ang kaniyang secretary na tatlong ring lang ay sinagot na nito. (Nakauwi na ako boss kaya hindi mo na ako pwedeng utusan.) “Boss pa din ako Sandra kaya kaya kahit naka-apak ka na sa bahay mo kung kailangan ko tatawagan kita. Bawasan mo nga pagsusungit mo kaya wala kang mahanap na ipapalit mo sa undyi---“ (Ano bang iuutos mo Boss? Pakisabi nalang po at hindi ‘yung may sasabihin ka pa sa ugali ko.) “Tss! Call a glazier to come in my house, may nabasag akong salamin and papuntahin mo din sa bahay ko si Mang Herman ngayon din.”bilin niya sa secretary niya. (Naiintindihan kong palaging may nasisira sa pamamahay mo boss, but calling Mang Hernan? May nagtangka na naman ba sa’yo boss?) “Yeah! Wala namang bago, after ng mga case ko may susugod nalang sa bahay ko para patayin ako dahil hindi matanggap ng kung sinong mga nag-uutos sa mga gagong ‘yun na natalo ko sila. Si Mang Hernan muna ang papuntahin mo sa bahay ko bago ang glazier, paalis ako ngayon kaya ikaw na ang bahala.” (Ano pa bang magagawa ko, secretary mo ko boss kita.) Ibinaba na ni ToV ang kaniyang cellphone at ngiting napailing nalang sa ugali ng kaniyang sekretarya na si Sandra, alam niyang hindi parin ito masyadong nakaka move on kay LAY kaya inaasar nalang niya ito paminsan-minsan. Naglakad na paalis ng veranda si ToV at deretsong naglakad palabas ng kwarto niya, dere-deretso lang siya sa paglalakad hanggang makababa na siya ng sala niya at lumabas na din ng bahay niya. Agad niyang nilapitan ang kotse niya at pumasok doon, pinaandar niya na ang makina nang tumunog ang cellphone niya at makitang si Tad ang tumatawag na agad niya din namang sinagot. “Papunta na ako diyan sa bound, bakit ka pa tumawag?” (Tapos ka na sa trial mo?) “Yeah! Umuwi muna ako at naligo pero paalis na rin naman ako, hindi ako sanay na natawag ka para lang i-check ako kung pabalik na ako ng bou—“ (Gago! Hindi ako tumawag para tanungin kung pabalik ka na dito sa bound, tumawag ako para sabihin sa ‘yo na bumili ka ng pizza para sa ating lahat. Nagugutom na kami, wala sa mood si Ringfer magluto.) “Kung gusto niyong ibili ko kayo, magpadala kayo ng pera. Kilala ko kayo, hindi niyo ako babayaran kaya kung gusto niyong kumain you know my fvcking account. Maghihintay ako Han, bilisan niyo baka dumating ako sa bound na walang dalang pagkain para sa inyong mga sisiw.”ngising pahayag ni ToV. (Babay---) Hindi na pinatapos ni ToV ang sasabihin ni Tad at pinagpatayan niya na ito at nakangising pinaandar na ang kotse niya paalis sa tapat ng bahay niya. Miya-miya pa ay tumunog ang cellphone niya na sandali niyang sinilip at nakita niyang may dumating na pera sa account niya, kasunod ng isang voice message na ikinadampot niya sa cellphone niya at binuksan ang voice message. (Isa kang malaking kuripot na gago, Valenzuela! Damn you!’) Malakas na napatawa si ToV sa voice message ng Phantoms na alam niyang bwisit dahil hindi siya nabudol ng mga ito, at dahil gutom ang mga ito alam niyang walang magagawa ang mga ito kundi magbigayng pera nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD