Chapter 02

2050 Words
“Sinaktan ka na naman ba ng gagong lalaking ‘yun?!” Napapikit si Karina sa kinauupuan niya dahil sa malakas na boses ng kaniyang kaibigan matapos nitong makita ang maliit na pasa sa may braso niya na hawak-hawak ni Therice. Hindi dapat siya pupunta sa bahay ng kaibigan niya pero sa mga oras na ‘yun ay kailangan niya ng kausap lalo na at binubwisit na naman siya ng kaniyang asawa. Kasal si Karina sa isang lalaking mahigit ilang taon din na hindi naman niya mahal, naikasal siya dito dahil sa pakikipagkasundo ng kaniyang ama dito na wala din naman siyang nagawa. Kahit tutol siya noon sa kasal ay wala din naman siyang nagawa dahil lahat ng request ng kaniyang ama ay pinagibigyan niya. Akala niya matututunan niyang mahalin ang asawa niya ngayon pero nagpakita ito ng tunay na ugali sa kaniya matapos mamatay ang kaniyang ama sa isang aksidente. Napag-alaman niya na iniuto nito ang kaniyang ama upang mapapayag na ipakasal ito sa kaniya, nagpakita ito ng kabaitan pero huli na ng makita ni Karina ang tunay na ugali ng ipinakasal ng kaniyang ama sa kaniya. Inangkin nitong lahat ang negosyon ng kaniyang ama, at balak pa nitong kunin ang mga ari-arian na naiwan sa kaniya kay nagmamatigas siya dito dahilan upang saktan siya nito pag-inaayawan niyang pirmahan ang kontrata na nagpapatunay na nililipat niya ang namana niya sa kaniyang ama. Hindi sila magkasama sa iisang kwarto dahil nasusuka si Karina madikitan palang siya ng kamay nito pero may pagkakataon na pagnakakainom ang asawa niya ay binabalak siya nitong galawin at kung hindi lang malakas ang loob niya ay baka nakuha na nito ang p********e niya. Tinatapangalan lang talaga ni Karina ang kaniyang sarili, sinubuka niya na din na mag file ng divorce pero lahat ng nakukuha niyang abogado ay natatapalan ng pera ng kaniyang asawa kaya walang tumatanggap sa kaso niya. Hindi na naiwasan ni Karina na mawalan ng pag-asa na makakalaya pa siya sa asawa niyang si Vernon Hayes dahil sa mga ginagawa nito, hindi narin makuha ni Karina na magtiwala sa mga abogado dahil alam niyang natatapalan ng pera ang mga ‘yun kaya tinitiis nalang ni Karina na makasama si Vernon dahil ayaw din naman siyang pakawalan nito bilang asawa hanggat hindi niya pinipirmahan ang mga dapat niyang pirmahan. Ayaw ni Karina na pati ari-arian na ibinigay ng kaniyang ama sa kaniya ay makuha pa ni Vernon sa kaniya kaya tinitiis niya ang lahat pati narin ang pananakit nito sa kaniya. Hinahayaan pa rin naman siya nito na lumabas ng bahay pero may oras na binibigay sa kaniya at kung lalagpas siya ay nagagalit si Vernon. Ang pasa na meron siya sa kaniyang braso ay dahil isang minuto lang siyang nahuli ng uwi matapos niyang manggaling sa isang business na itinayo niya. Isang travel Agency na hindi din makuha-kuha ni Vernon sa kaniya. “Theirce hindi mo naman kailangang sumigaw, alalahanin mo buntis ka tsaka baka magising si Venyre sayo.”sitang sermon ni Karina kay Therice na tumabi ng upo sa kaniya na may pag-aalalan nakatingin sa kaniya. “Sinaktan ka na naman ng Vernon na ‘yun noh? Hindi ka pa ba nagsasawa sa ginagawa niya sayo? Ilang taon ka ng nahihirapan dahil sa bwisit at selfish na lalaking ‘yan pero tinitiis mo lang. Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin ang advice na sinasabi namin sayo nina Maxine at Paolo noon pa man, my husband ha s a lawy---“ “Save it, Therice. Ilang taon ko na din naman sinasagot sayo na kahit kailan hindi na ako magtitiwala sa kahit sinong abogado kahit kaibigan pa ‘yan ng asawa mo. Pare-parehas lang naman sila eh, pag natapalan ng pera bibitawan nila ang client nila.”putol na pahayag ni Karina na ikinailing ni Therice. “Trust me, iba ang kaibigan ng asawa ko. Hindi ‘yun magpapatapal ng pera dahil may---“ “Don’t push that Therice, never na akong magtitiwala sa mga abogado. Hihintayin ko nalang maaksidente ang Vernon na ‘yun, kung pwede ko nga lang lasunin ang lalaking sana noon pa man ginawa ko na pero ayoko namang makulong.” “Karina, hindi mo kailangang magtiis pa sa poder ng lalaking ‘yun. Ilang taon ka ng nagtitiis sa kaniya at pinagbubuhatan ka na niya ng kamay, sabihin na natin na maliliit na pasa lang ang nakukuha mo sa kaniya pero what if hindi na lang pasa ang ibigay niya sayo? Don’t to this to yourself Karina, alam mo bang araw-araw kong kinukulit ang kaibigan ng asawa ko para ma-iset ka ng meet up sa kaniya pero lagi mo namang hindi sinisipot. Pag nalaman ni talimpadas na araw-araw kong tinatawagan ang kaibigan niya para kulitin siya ay baka magtampo ‘yun sa akin at pagseloson pa ang kaibigan niya.”pahayag ni Therice na buntong hiningang ikinahawak ni Karina sa kamay ni Therice at bahagya itong nginitian. “Salamat sa pag-aalala mo Theirce, alam kong wala pa akong nakikitang pag-asa na makakalaya ako kay Vernon pero naniniwala parin ako na darating ang araw na makakawala din ako sa kaniya. Pasensya na talaga, hindi ko na talaga kasi kayang magtiwala sa mga abogado kaya tigilan mo na pangungulit sa kaibigan ng asawa mo baka pag nalaman nga ‘yan ni Sergio magselos pa ‘yun. Baliw na baliw pa naman ‘yun pagdating sayo, tsaka don’t think too much about me baka makasama sa baby mo.”sambit ni Karina na malungkot na ikinatitig ni Theirce sa kaniya. “Anyway, huwag mong sasabihin kay Maxi at kay Paolong bakla na nakitaan mo na naman ako ng pasa okay? Ayokong bigla silang tumawag sa akin para sermunan ako tulad ng ginagawa mo ngayon, ayoko pating maka-istorbo sa kanila. Nagrereklamo na sa akin si Eric at Kevin dahil nawawala sa pokus ang mga asawa nila sa kanila dahil sa pag-aalala sa akin.”saad pa ni Karina kay Therice. “Nakakainis ka alam mo ‘yun, sobra-sobra ng pasakit ang binibigay sayo ng bwisit na lalaking ‘yun. Tapos ikaw hinahayaan mo lang kaya tumagal ng madaming taon ang paghihirap mo bilang asawa ng lalaking ‘yun pero pera at assets mo lang naman ang pakay niya kaya di ka mabitawbitawan dahil hindi niya makuha lahat. Ayy nako! Pag nalaman kong sinaktan ka niya ulit Karina, hihilahin na talaga kita papunta sa opisina ng kaibigan ng asawa ko at kahit ayaw mo kukunin mo siyang lawyer para makawala na sa gagong Vernon na ‘yun!”pahayag ni Therice na ngiting ikinatapik niya na lang sa balikat ng kaibigan. Nagkwentuhan pa sila ni Therice ng ilang oras dahil wala ang asawa nito kaya sinamahan niya ito kahit papaano, nagpaalam lang siya para umuwi ng dumating ang gwapong secretry ng asawa ni Therice. Madaming bilin ang sinabi ng kaibigan niya sa kaniya na ikinatango nalang niya, pero ang isang bilin nito na hindi niya gagawin ay ang lapitan ang nirerekumenda nitong abogado. Nawala na talaga ang tiwala niya sa mga taong may magandang propesyon pero pag pera ang usapan nakakalimutan ang dignidad at ang dahilan kung bakit sila naging abogado. Sumakay na si Karina sa kotse niya at pinatakbo na ito paalis, dadaan muna siya sa opisina niya sa Travel agency upang kunin ang ilang documents na naiwan niya sa mesa. Kalahating oras nang makarating siya sa opisina niya at dere-deretsong kinuha ang mga kailangan niya at naglakad na ulit paalis ng opisina niya na ikinapagpaalam ng mga employee niya. Nang makasakay na ulit siya sa kaniyang kotse ay pinaharurot na niya ito pauwi sa bahay ng kaniyang mga magulang kung saan sila nagsasama ni Vernon na kaniyang asawa. Gusto niyang humiwalay dito pero ayaw niyang pati ang bahay ng mga magulang niya ay makuha nito kaya ilang taon siyang nagtitiis na makasama sa iisang bahay si Vernon. Twenty three years old siya ng ipagkasundo siya ng kaniyang ama dito, pinatapos lang muna siya ng college bago nagana pang pagpapakasal niya dito. Ayaw niyang sisihin ang ama niyang namayapa na sa ilang taong pinagdaanan niya sa kamay ni Vernon dahil hindi na naman niya mababago ang katotohanan na ipinakasal siya ng kaniyang ama sa isang nagpanggap na anghel pero demonyo pala. Pagkarating sa tapat ng bahay ni Karina ay agad niyang ipinarada ang kotse niya at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa pintuan ng bahay. Nang makapasok na siya ay natigilan siya ng makita niya si Vernon na prenteng nakaupo na parang hari sa usual na inuupuan nito habang umiinom ng alak. “Saan ka galing?”tanong nito sa kaniya na ibinaling ang tingin sa kaniya. Seryoso ang mukha ni Karina na tiningnan niya ang kaniyang relo bago ibinalik ang tingin niya kay Vernon na matagal na matagal niya ng gustong makawala dito pero hindi niya magawa, sinusubukan niya pero hindi siya hinahayaan nito. “Maaga akong dumating sa oras na binigay mo sa akin sa dapat na pag-uwi ko sa pamamahay ng mga magulang ko, kaya hindi mo kailangang magtanong kung saan ako galing. Siguro nga kasal tayo at ang alam ng mga taong nakakakilala sa atin na mag-asawa tayo pero kasal lang tayo sa papel at asawa kita ngayon dahil sa panlilinlang mo sa am ako. So don’t act like a husband waiting for his wife dahil nasusuka ako.”saad ni Karina na malakas na ikinatawa ni Vernon sa kaniya at ikinatayo nito sa kinauupuan nito. Nasasaktan man siya nito dahil wala siyang magagawa dito dahil mas malakas ito sa kaniya pero hindi siya nagpapakita ng kahinaan sa harapan nito. Iiyak lang siya pag siya nalang mag-isa dahil ayaw niyang makita ni Vernon ang weak side niya lalo na ang pag-iyak niya. “Sa tagal ng panahon Karina, mas lalo kang tumatapang at sinusuwag ako. Dahil maaga ka namang umuwi hindi kita sasaktan, may pagkain akong ibinili after ko sa opisina kaya kung nagugutom ka pwede---“ “Alam mong ayokong kumain ng kahit pagkain na galing sayo Vernon, baka lasunin mo pa ako para makuha ang pakay mo. Tsaka huwag kang masyadong masanay sa opisina ng ama ko dahil babawiin ko ‘yan sayo.” “Babawiin? Sige nga Karina, ilang taon mo ng binabalak na bawiin ang kumpanya ng ama mo sa akin? Did you get it back? You know, kung nagiging mabait ka sa akin at pinipirmahan mo na angpinapapir---“ “Never! Nakuha mo man ang kumpanya ng Daddy pero hindi mo makukuha ang ibang properties niya. Babawiin ko lahat ng kinuha mo at kahit abutin ako ng ilang taon pa ilalaban ko ang kumpanya ni Daddy at ang kalayaan ko!”gigil at putol na sigaw ni Karina kay Vernon na nginisian lang siya. “Fight as long as you want, Karina pero hindi ka makakawala sa akin. Makakalaya ka lang pag namatay ako.” “Gusto kong gawin ang bagay na ‘yan pero hindi ko dudumihan ang mga kamay ko ng dahil sayo, I’ll do everything para mapawalang bisa ang kasal nating dalawa, tandaan mo ‘yan Vernon! Wala akong pakiealam kung bilhin mo lahat ng abogado sa buong mundo pero kaya kong ilaban ang sarili ko!”sigaw na paninindigan ni Karina na pinipigilan niyang umiyak sa harapan nito bago siya deretsong naglakad paakyat sa hagdanan. “You can’t escape with me, Karina. You will be my wife until I say so!”rinig niyang sigaw ni Vernon habang paakyat siya ng hagdanan na hindi niya pinansin. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad niya hanggang makarating siya sa kwarto niya at agad pumasok dito at sinaradong mabuti ang pintuan bago padausdos na napaupo sa sahig at hindi na napigilan ang luha niyang dumaloy na sa kaniyang mga mata. “Makakalaya din ako sayo Vernon, I’ll promise that, even if I die I’ll do everything para makalaya sayo.”iyak na pahayag ni Karina na ikinayuko niya sa kaniyang tuhod at nag-iiyak. Dahil sa kasal na sumakal sa kalayaan niya hindi niya na nagawa ang mga bagay na gusto niya, lalo na ang pangarap niya na napigilan dahil sa desisyon ng kaniyang ama na nagtali sa kasiyahan at kalayaan niya ng ilang taon. At kahit walang makitang pag-asa si Karina na makalaya hindi parin niya inaalis sa sarili niya na darating ang araw na makakalaya siya sa pagkakagapos ni Vernon sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD