Prologue

3132 Words
Sa isang kagubatan sa Benguet ay mabilis na hinahabol nina ToV at Blue ang isa sa mga hinahabol nila ngayon na nagtraydor sa underground society sa maliit na halaga para sa information na nakuha nito. Sa kanila ibinigay ng mga founders ang misyon na pagtapos sa mga nag traydor sa US upang hindi makarating sa nag-utos sa mga ito ang mga information na nakuha nila sa habang nasa loob sila ng underground. Hanggang ngayon ay hindi nila maintindihan ang ilan sa mga nakapasok sa US na may lakas ng loob na kalabanin ang US dahil lang sa mga inaalok ng mga taong gustong pabagsakin ang Underground Society. Nahuli na nila ang iba na bantay-bantay nina Tad, YoRi, Devil, Lu at Sergio sa isang lugar sa gubat na pinag-iwanan nila ToV dahil silang dalawa ni Blue ang humahabol ngayon sa natitirang traydor na hawak-hawak ang usb na may impormasyon na nakuha nito. “Sh*t! Si the flash ba ang isang ‘yan? Bakit parang bilis naman atang tumakbo niyan?!” angal ni Blue habang hindi sila nagkakalayo ni ToV sa pagtakbo nila habang hinahabol ang natitirang traydor na malayo-layo ang pagitan sa kanila. “Tsaka ka na magreklamo pwede ba?! Nakakabawas ng lakas pag daldal ka ng daldal diyan!” sita ni ToV kay Blue nang mapansin ng mata niya ang isang pataas na patag mula sa kaliwa niya na biglang may ideya na pumasok sa isipan niya. “Habulin mo lang siya Ynarez, huwag mong ilalayo ang mga mata mo sa gagong ‘yan.” Pahayag na bilin ni ToV kay Blue na ikinakunot ng noo nito. “Huh?! Bakit anong balak mo?” takang tanong ni Blue na ikinangisi ni ToV. “You’ll see, just keep chasing that asshole.” Pahayag ni ToV na agad na tinakbo ang pataas na patag na ikinasunod ng tingin ni Blue sa kaniya. Mabilis na tinakbo paakyat ni ToV ang pataas na patag, kumakapit lang siya sa mga nadadaanan niyang mga puno para mas makaakyat siya ng ayos. At ng makarating siya sa taas ay mabilis siyang tumakbo at deretso lang sa pagtakbo niya. Nakikita niya mula sa baba si Blue na todo habol pa din sa hinahabol nila, mas binilisan ni ToV ang pagtakbo niya dahil kailangan na nilang mahuli ang huling traydor ng US dahil may trial siya ngayong araw na ‘to. Alas-tres ng hapon mangyayari ang trial kung saan may isang babaeng inaabuso at hinaharass ng amo nito ang kailangan niyang maipagtanggol at maipanalo ang kaso na sisiw lang sa kaniya. Ipapahawak niya sana sa iba niyang laywer ng firm niya ang kasong ‘yun pero ng marinig niya ang kwento ng babae at ang takot sa mga mata nito ay siya na ang kumuha ng kaso. Dahil high paid lawyer siya ay alam niyang walang maipambabayad ang babae sa kaniya pero dahil naawa siya dito ay kinuha niya ang kaso nito ng libre at nangako pa siyang tutulungan niya itong makahanap ng marangal na trabaho na walang abusong amo ang mapupuntahan nito. Nilingon ni ToV an tingin niya sa lalaking habol-habol nila na mas binilasan ang pagtakbo ng makita nitong nakakahabol si Blue dito, kaya mas binilisan ni ToV ang kaniyang pagtakbo at ng nauuna na siya sa hinahabol nila ay agad siyang nagpadulas pababa kung saan napatigil sa pagtakbo ang hinahabol nila ng makita siya na bahagyang nataranta sa pagsulpot niya sa harapan nito. Napalingon din ito kay Blue na humihingal na tumigil di kalayuan sa lalaking hinahabol nila na papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. “Gagong ‘to! Bakit ba pinahihirapan mo pa ang sarili mong tangna ka?! Ang layo ng tinakbo mo mahuhuli ka din naman namin, ilibing kaya kita dito para maging pataba ka ng gubat na ‘to.” Angal na singhal ni Blue habang hinihingal sa kinatatayuan nito. “Magtigil ka nga Ynarez, ayaw mo nun nakapag exercise ka ngayong araw na ‘to.” Punang sita ni ToV kay Blue bago itinutok ang tingin sa lalaking pinanggigitnaan nilang dalawa na kita niyang sinisipat ang kabilang daan sa kanan nito para takbuhan palayo sa kanila na ikinangisi ni ToV. “Gusto mong dumaan diyan para makatakas ka sa amin? Sige lang daan takbo ka lang.” pahayag ni ToV na may bahagyang gulat na ikinalingon ni Blue sa kaniya. “Hoy Valenzuela?! Anong sinasabi mo diyan? Ang hirap-hirap tumakbo para habulin ‘yang gago na ‘yan tapos patatakasin mo ulit?” sermon na reklamo ni Blue na hindi binigyang pansin ni ToV. “Patatakasin kita, just give me the usb then your free to run. Pero kung isasama mo ang usb na kailangan namin sa pagtakbo mo, pasensyahan tayo pero hindi ka makakalabas sa gubat na ‘to ng buhay.” Pahayag na pagne-negosasyon ni ToV sa lalaki na kita niyang napaisip sa sinabi niya na ikinatahimik nalang ni Blue sa kinatatayuan niya. “Mas mahalaga naman siguro ang buhay mo kaysa sa usb na ‘yan, right?” sambit pa ni ToV na ikinatingin ng lalaki sa usb na hawak nito na mabilis ang kilos na ikinatakbo palapit ni ToV sa lalaki na napatingin sa kaniya na bago pa makareak ito sa pagsugod niya ay nahawakan niya na ang isang braso nito at agad siyang umikot patalikod habang hawak-hawak ang braso nito bago malakas na hinagis paharap sa kaniya na malakas na ikinabagsak nito sa lupa, na ngiwing ungol na narinig nila ni Blue sa lalaki na bahagya ding ikinangiwi ni Blue dahil sa malakas na pagkakabagsak ng likuran nito sa lupa. Hindi binitawan ni ToV ang braso ng lalaking hawak niya bago siya tumayo sa gilid nito at inapakan ang dibdib nito ng madiin na pigil ang sigaw na ginawa ng lalaki na hinawakan ang paa ni ToV na nakaapak sa dibdib nito gamit ang isa nitong kamay. “Kung hindi ka na nagpahabol, edi sana parehas tayong hindi nahihirapan. You waste some of my time by chasing you asshole, I have work I need to do pero nagpahabol ka pa. I can sue you, regarding in M.L 337 for making me chase you that makes me get tired dimsh*t.” Sambit na pahayag ni ToV na kunot noong ikinalakad ni Blue palapit kay ToV. “M.L 337? Langya ano ‘yun?” takang tanong ni Blue na ikinalingon ni ToV sa kaniya. “Batas ko ‘yun Ynarez.” Sagot ni ToV na mas ikinakunot ng noo ni Blue sa sinasabi ni ToV sa kaniya. “Batas mo? Tangna parang ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang batas. Anong klaseng batas ‘yun?” “My Law, die you asshole. Nagpahabol pa siya sa atin at pinagod tayo, that’s enough case to sue him.” Sambit na wika ni ToV na ikinatunganga ni Blue sa kaniya. “Iba ang utak mo Valenzuela, nakapag isip ka pa talaga ng batas mo.” Naiiling na sambit ni Blue na ibinaling ang tingin sa nahuli nilang traydor at kinuha dito ang hawak nitong usb na naglalaman ng mga impormasyon na nakuha nito sa U.S. “Hindi kayo nag-iisip nuh, ang lalakas ng loob niyong traydorin ang Underground at kalabanin ang mga founders. Nag-iisip ba kayo ng tama bago niyo ginawa ‘to?” sitang singhal ni Blue sa lalaki nahuli nila. “N-nabulag lang naman kami sa offer ng mga taong ‘yun, pabayaan niyo nalang ako makatakas.” Pagmamakaawa ng lalaking inaapakan ni ToV na ngising ikinatawa ni Blue. “Eh kung dukutin ko kaya ‘yang mga mata mo para tanggapin ko ‘yang dahilan mo, tapos ngayon magmama-kaawa kang patakasin ka? Sayang paghahabol namin sayo kung ikaw lang ang ititira naming buhay, gago.” Singhal ni Blue na napatingin kay ToV ng bitawan nito ang pagkakahawak nito sa isang braso ng lalaki at inalis ang pagkakatapak nito sa dibdib nito, na takang ikinatitig ni Blue sa kaniya. “Ano nang gagawin natin sa lalaking ‘yan? I’m sure sina YoRi napatahimik na ‘yung mga kasama niyan.”saad na tanong ni Blue kay ToV. “Takbo.” Sambit ni ToV na ikinalaki ng mga mata ni Blue kay ToV. “Seriously, Atty.? Patatakasin mo nga? Gusto mong mamura tayo ni Boss Taz?” “May puso naman tayo Ynarez, let him escape.” Sambit na sagot ni ToV kay Blue na bahagyang ikinalayo ni ToV sa lalaki na hindi makapaniwalang tinitingnan siya ni Blue. “Walang damayan pag pinaulanan ka ng mura ni Boss Taz ah.” Sambit ni Blue na ikinatango ni ToV. “Just go stra---“ hindi natapos ni ToV ang sasabihin niya nang mabilis na bumangon ang lalaking nahuli nila at mabilis na takbong tinungo ang dapat tatakbuhan nito ng ma-corner ito nina Blue at ToV. Palingon-lingon ito sa kanila habang tumatakbo na ito palayo na ikinapamewang ni ToV sa kinatatayuan niya na ikinatayo ni Blue sa harapan niya. “Alam kong mga gwapong may puso tayo pero ang utos sa atin ni Boss Taz na mula sa founders, iligpit at tapusin ang mga traydor ng US. Bakit mo pinatakas?” may angal na sita ni Blue kay ToV nang parehas naagaw ang atensyon nila ng makarinig sila ng malakas na sigaw sa lugar kung saan tumakbo ang pinakawalan nilang traydor. “Ano ‘yun?” takang tanong ni Blue na ikinabuntong hininga ni ToV. “I will tell him to go straight way, pero hindi niya ako pinatapos, tss katangahan niya ang tumapos sa buhay. Hirap maging tanga kaya ikaw Ynarez, bawas-bawasan mo.” Pahayag ni ToV na nagsimula ng maglakad pabalik kung saan nila iniwan sina YoRi na naguguluhang ikinasunod ni Blue sa kaniya. “Can you elaborate what you we’re saying Mr. Atty.? Sinadya mo bang patakasin ang gagong ‘yun?”curious na tanong ni Blue kay ToV. “I’m serious na patatakasin siya but that stupid choose to run in the wrong way, may malaking bangin sa tinakbuhan niya. Kung dere-deretso siyang tumakbo, I’m sure nahulog ‘yun dun, swerte niya kung mabuhay pa siya.” Paliwanag na sagot ni ToV kay Blue habang naglalakad na sila pabalik kina YoRi. “Paano mong nalaman na may bangin dun?” “Nakita ko lang kanina nung umakyat ako sa paakyat na patag, huwag ka nan gang magtatanong diyan. May hahabulin pa akong kaso kaya bilisan natin.” Pahayag ni ToV na tumakbo na at naiwan si Blue na natutuwang napangisi sa sinabi ni ToV sa kaniya. “Pinabilib mo ko sa part na ‘yun Valenzuela, talino mo Atty.!” Puring sambit ni Blue na napatakbo narin ng napapalayo na ang distansya ni ToV sa kaniya. Nang mabalikan na nila sina YoRi ay naabutan nila ang ibang mga traydor na wala ng buhay at duguang nakahandusay na sa damuhan, nakaupo naman si Sergio sa damuhan habang nakasandal si YoRi sa isang matabang puno at magkakatabing nakatayo sina Tad, Devil at Lu nang dumating sila ni Blue. “Nasaan ang hinabol niyo?” tanong ni Sergio sa dalawa na ngiting ikinaakbay ni Blue kay ToV. “Tinapos namin ng hindi namamantsahan ng dugo ang mga kamay namin, thanks to our Atty. smart brain.” Pamumuri ni Blue kay ToV na ikinatabig nito sa pagkaka-akbay niya dito. “Did you get the usb?” tanong ni Lu na tangong ipinakita ni Blue sa kanila. “Good. Makakaalis na tayo dito. Baka mahuli pa sa flight niya si Santos para sa honeymoon nila ng kaniyang dearest wife. Mahirap ng ma delay baka imbis na nakakarami na si Santos eh mabulilya---“ natatawang hindi natuloy ni Tad ang sasabihin niya ng dumapot si Lu ng nakita nitong sanga ng kahoy na ibinato sa kaniya na naiwasan niya din naman. “Shut up your f*cking mouth, Han.” Poker face na sita ni Lu na ikinatawa lang ni Tad. “May trial ka din ngayong araw na ‘to diba, Valenzuela?” tanong ni Sergio na tumayo na sa pagkaka-upo sa damuhan na ikinatango ni ToV. “Yeah. 3pm, kung lalarga na tayo ngayon hindi ako mahuhuli ng dating. Tara na.” ayang sagot ni ToV “Iiwan lang natin ang katawan ng mga ‘to? Hindi man lang natin ililibing?” tanong ni Blue habang nakaturo sa mga katawan ng mga wala ng buhay na mga traydor habang nagsisimula ng maglakad sina Devil. “If you want to give them a nice funeral the do it, Ynarez.” Seryosong sambit ni Devil kay Blue. “Ako lang mag-isa? Nevermind, kaya naman siguro nilang ilibing mga sarili nila.” Sagot ni Blue na ikinatapik ni ToV sa balikat niya. “I told you, Ynarez. Huwag masyadong tatanga-tanga, nakakaikli ng buhay ‘yan.” Ngising sambit ni ToV na bahagyang ikinasimangot ni Blue. “Gago! Hindi ako tanga nuh.” “Oo Ynarez, hindi ka tanga, bobo lang, don’t worry tanggap ka namin.” Ngising kumento ni Tad na ikinasama ng tingin ni Blue sa kaniya. “Pakyu ka Han, mamatay na ang bobo.” Inis na singhal ni Blue na siya namang ikinangisi ni ToV na nilingon si Blue. “Be careful on what you were saying Ynarez, baka bigla kang mawalan ng hininga diyan.” “Isa ka pa Valenzuela! Mga ganito kayoa mga gago!” asar na sambit ni Blue na pinakitaan ng middle finger niya ang dalawa na nginisian lang siya. Nang makaalis na sila sa kagubatan sa Benguet at lumipas ang ilang oras na biyahe nila pabalik ng Manila ay deretsong ibinaba nina Lu si ToV sa tapat ng malaking building kung saan gaganapin ang hawak na kaso ni ToV. Nauna ng bumalik sina Lu sa US at sinabi nalang ni ToV na susunod siya after ng case niya na confidence niyang sinabi sa mga kaibigan niya na hindi gaanong magtatagal, at alam nina Blue ang ibig sabihin ni ToV sa sinabi nito. Agad namang pumasok na si ToV sa building at inayos ang necktie niya at ang suot niyang coat na dala-dala niya sa sasakyan na gamit nila nang magtungo sila sa Benguet at pati suitcase nito. Dere-deretsong naglalakad si ToV papunta sa court room kung saan nakatanggap na siya ng message sa secretary niya na hinihintay na siya ng kliyente niya. Malapit na siya sa court room ng makita niya ang amo ng kliyente niya na kalalabas lang ng isang kwarto na ngising binilisan niya ang lakad upang makalapit dito. “Mr. Acosta.” Tawag ni ToV dito na napalingon sa kaniya. “How’s your day, mukhang kampante ka sa trial mo.” Magalang na approach ni ToV dito na ikinangisi sa kaniya ng kaharap niya. “Of course, because I know my attorney will win this case.” Confident na sagot nito kay ToV na ikinapamulsa ng kaliwang kamay ni ToV sa slacks na suot niya. “Is that so, kung malaki ang tiwala mo sa abogado mo that’s good.” Ngising sambit ni ToV na biglang ikinaseryoso ng tingin niya sa kaharap niya bago siya mas lumapit dito at may ibinulong dito na unti-unting ikinalaki ng mga mata nito bago siya may ngisi ng humiwalay dito. “H-how d-did you…” “I’m Atty. Tork Valenzuela, they didn’t call me a monster in court for nothing. Think about what I said, baka gumaan pa ang parusa mo.” Ngising sambit ni ToV bago tinapik ang balikat nito na parang may inaalis an dumi bago ito iwan na parang naging tuod sa kinatatayuan nito. Nang dumating na ang oras para simulan ng trial sa kasong sinampa ng kliyenteng babae ni ToV sa amo nitong inabuso at minolestiya ito na pilit na tinatanggi at binabaliktad ng suspek. Kinakabahan na nakaupo ang kliyente ni ToV sa defendant ‘s table habang siya ay kalmado nang tawagin na sa witness stand ang suspek na kita ni ToV na kinakabahan at napapalunok habang naglalakad patungo sa witness stand hanggang sa makaupo ito. Ngising tumayo si ToV sa kinauupuan niya dahil siya ang unang magtatanong sa suspek, deretso siyang naglakad palapit dito habang may kaba sa mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Mr. Acosta, last hearing na ginawa natin ay todo tanggi ka sa kasalanan na ginawa mo sa kliyente ko, that’s why umabot tayo sa trial na ‘to because of your confidence that you didn’t do the accusation of my client, am I right?” tanong ni ToV na napalunok na ikinatango ng suspek na ngising ikinatango niya at ikinaharap niya sa abogado ng suspek na nakatingin sa kaniya. “You told us last time na ang kliyente ko ang umaakit sayo at pagtinatanggihan mo siya ay sinasaktan niya ang sarili niya para ikaw ang idiin, hindi kaya ang mga sinabi mo ay kabaligtaran sa mga totoong nangyari, Mr. Acosta? My client didn’t seduce you and hurt herself because you, Mr. Acosta force her to do what your libido wants and when she refuse you hurt her, am I right?” pahayag ni ToV na ikinabaling niya muli sa suspek na kung kanina ay matapang siyang tinitingnan pero ngayon ay hindi na ito makatingin sa kaniya ng deretso. “Objection your honor! He puts too much pressure on my client!” pagtayong puna ng atty. Ng suspek na ikinangisi ni ToV nang marinig nila ang pagpukpok ng judge sa gavel nito. “Objection overrule!” sambit ng judge na ikinapamulsa ni ToV sa bulsa ng pants niya bago ngising ibinalik ang tingin ni ToV sa kalaban niyang atty. na nakabalik na sa kinauupuan nito. When an objection is sustained,kailangan i-rephrase ni ToV ang tinanong niya sa suspek na bago pa siya makapag tanong ng bago dito ay naririnig na sa bawat sulok ng court room ang boses ng suspek na inaamin ang ginawa nito. “Inaamin ko na?! Pinipilit ko siyang sumiping sa akin, gustong-gusto kong angkinin ang batang ‘yan pero tumatanggi siya kaya nasasktan ko siya!? Inaamin ko na, hindi niya ako inakit ako ang pumipilit sa kaniya.” Iyak na pag-amin ng suspek na gulat na ikinatayo ng Atty. nito sa kinauupuan nito. “Mr. Acosta!” Rinig na rinig ang pagkagulat ng mga tao sa loob dahil sap ag-amin ng suspek sa ginawa nito at hindi na itinanggi ang kasalanan nito na narinig na nila ang pagpukpok ng gavel ng judge dahil patuloy sa pag-amin ang suspek na ikinalapit na ng mga pulis dito upang hulihin ito na ikinaiyak ng kliyente ni ToV sa kasiyahan dahil hustisya na nakamit nito. Ngising naglakad pabalik si ToV sa mesa niya kung nasaan ang kliyente niya na pagdating niya ay todo-todong pasasalamat ang sinabi sa kaniya nito. Pinatunayan na naman ni ToV na sa mga kasong hinahawakan niya hindi siya pumpayag na matatalo siya, he can turn the table into victory kaya maraming lawyer ang takot na kalabanin siya at maraming nagagalit sa kaniya na hindi niya pinagtutuunan ng pansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD