Episode 6

3758 Words
"It takes only one name to bring back the pain of losing the person you most loved." CHAPTER 6 Hindi makapaniwala si Irish sa kanyang sarili na nagawa nyang sundan ng patago ang lalaking gusting-gusto nyang Makita. Ginagawa lahat ni Irish upang hindi mawala sa kanyang paningin si Paxton hang kausap nito si Travis na kita nyang nagtatawanan sa kanilang pinag-uusapan. Hindi Maintindihan ni Irish kung bakit masyado syang nahuhumaling sa mukha ni Paxton kaya hindi nya na rin napapansin kung saan na sya nakarating dahil sa kakasunod nya kay Paxton. Mabilis na nagtago si Irish sa isang malaking puno nang makita nyang tumigil sa paglalakad sina Paxton dahil sa pagsalubong ni Demon na may kasamang apat na naggagwapuhang lalaki nasa tingin ni Irish ay mga kaibigan ito ni Paxton. Ngayong nakita ni Irish sina Demon at Paxton na magkasama na confirm na ni Irish na si Paxton ang isa sa nagligtas sa kanya at ito ang bumuhat sa kanya kahit sinabi nina Blue na napilitan lang ito. Nakamasid lang si Irish sa magka-kaibigan na ikinabuntong hininga nya sa kanyang sarili. "Para na akong stalker sa ginagawa kong pagsunod sa kanya, Baka mas lalo syang mawirduhan sa akin pag nahuli nya akong nagtatago dito." Bulong na kumento ni Irish sa kanyang sarili habang hindi nya inaalis ang kanyang tingin kina Paxton. At dahil hindi kalayuan ang punong pinagtataguan nya sa pwesto nina Paxton ay naririnig nya ang usapan ng mga ito. "Kailangan bayaran ni Ynarez ang effort natin dahil sinuportahan natin ang gagong yun. Talagang hindi pa tayo binigyan ng magandang pwesto at hinayaan lang tayong makipagsik-sikan." Nailing na pahayag ni Demon na hindi alam ni Irish kung bakit nasisiyahan syang makita ulit ito. "Umaasa ka pang bibigyan tayo ng special treatment ng tangnang yun. I'm sure bumabawi yun sayo dahil pinahirapan mo ang Asul na yun na nakipagsiksikan din makapanuod lang ng laban nyo ni Devil noong nakaraang araw." Pahayag ni Paxton na ikinatawa lang naman ni Demon ng maalala nito kung paano nagreklamo si Blue sa kanya. "May kambal si Demon?" May pagka-manghang bulong ni Irish sa kanyang sarili. Parang na excite syang Makita ang kambal ni Demon sa hindi nya malaman na dahilan. "Sina Bossing Taz at yung maiinitin ang ulo lang ang binigyan ng pwesto ni Ynarez sa unahan, tayo hinahayaan nyang makipagsiksikan. Kung hindi lang nag maka-awa ang gagong yun na panoorin natin ang concert ng banda nya, never akong makikipagsiksikan dito. Maswerte si LAY at hindi sya nakasama ngayon dahil hindi sanay ang prinsipe nay un na makipagsiksikan. Mas masarap pang magbantay ng mga pasyente ko kaysa makigulo dito." Angal ni Tad na ngiting inakbayan ni Travis. "Pag-bigyan na natin ang kaibigan nating 'yun, look at the crowds, talagang dinayo nila ang concert nina Ynarez kahit alam nilang maraming tao na pupunta dito. Kalahati sa mga tong naririto ngayon si Ynarez ang gustong Makita para suportahan. Masyado ng malayo ang narating ng kaibigan nating kulay asul ang buhok, nakaka proud ang gagong 'yan. Isa pa, hindi naman tayo pupunta dito kung hindi tayo proud at Masaya sa narating ng lalaking 'yan. Kahit si Taz alam yun, nakatanggap man ng maraming mura si Ynarez pero tingnan nyo naman pati si Gail at dalawa nyang anak dala-dala nya para suportahan si Ynarez." Nakatuon lang ang tingin ni Tanya kay Paxton at sa mga kaibigan nito at sa tingin nya habang pinagmamasdan niya at naririnig ang pinag uusapan nang mga ito ay ramdam nyang malalim ang samahan meron ang mga kaibigan ni Paxton. "Malabong makapunta pa tayo sa pwesto nina Taz dahil sa dami ng tao, saying at hindi man lang natin masasaksihan si Lu na masama ang mukhang winawagayway ang banner na ginawa nya para kay Ynarez." Ngiting pahayag ni Balance na ikinahinayang din ng iba. Minsan lang nilang masaksihan ang Lieutenant nilang kaibigan na magwagay-way ng banner sa isang concert. "Tsaka na natin asarin si Santos pagkatapos ng concert ni Ynarez, Ang isipin natin ngayon ay saan tayo pu-pwesto habang pinakikinggan nating ngumawa ang Ynarez na iyan." Pahayag na tanong ni Paxton na kanya-kanya nang ikinaisip ng plano nina Balance. "Bakit hindi nalang tayo dito mismo pumwesto sa kinatatayuan natin? Malayo-layo sa mga naghihiyawang tao at naririnig pa natin si Ynarez na kumakanta." Suhestiyon ni ToV na ikinasang-ayon ng lahat "Tama si Attorney, huwag na tayong masyadong lumayo." Pahayag na pag-sang ayon ni Ford na ikina apir nilang dalawa ni ToV "Wala naman tayong choice eh, tss! kailangan tayong ilibre ng gagong Ynarez na 'yan dahil dito." Nailing na samit ni Demon bago pumwesto ng upo sa kinatatayuan nya na ginaya narin nang iba. At dahil nakatayo lang din si Irish sa pinagtataguan nya ay umupo nalang din sya at sumandal sa puno na nagiging dahilan para hindi sya makita nina Paxton. "Bakit ba kailangan kong magtago sa kanila? Bakit kasi pag malapit na sya sa akin natutulala ako eh!" bulong na sita ni Irish sa kaniyang sarili na agad sumilip sa pinagtataguan nya ng marinig nyang muli ang pag uusap ng magkaka-ibigan. "Masarap palang pumwesto dito eh, malayo tayo sa mga taong nabubulag ng banda ni Ynarez." Kumento ni Demon na ikinangisi ni Paxton dahil sa biglang may naisip na kalokohan para asarin si Demon. "Mas sasarap ang pwesto natin ditto kung bibili sina Amadeus at Demon ng alak at tigpi-pisong chi-chirya." "What?!" angal ni Travis na ikinasama naman ng tingin ni Demon kay Paxton. "Langya Ignacio, ang lakas maka- suggest ah!" angal naman ni Demon na mas ikinangisi ni Paxton bago nilingon si ToV. "Tama naman ang sinabi ko, diba Attorney?" "Yeah! Wala si Fritz para utusan kaya palitan mo muna ang adik na 'yun Mondragon the second. Sasamahan ka naman ni Amadeus." Pag sang-ayon ni ToV sa kalokohan ni Paxton. "Per---" "Wag ka nang umangal Demon, tayo ang napagdiskitahan ni Ignacio kaya hindi tayo makaka angal sa mga yan." Nakasimangot na tugon ni Travis na tumayo na sa pagkakaupo nya. "Tangna! Bakit kasi nauso-uso pa ang honeymoon na 'yan." Inis na angal ni Demon na padaskol na tumayo na sa kinauupuan nya at poker face na naglahad ng kanyang kaliwang kamay sa harapan ng mga kaibigan nya. "Oh? Anong meron dyan sa kamay mo Demon?" nagmamaang-maangang tanong ni Tad na lalong ikinasimangot ni Demon. "Hulaan mong tangna ka! Malay mo gusto kong makipag-apir sa inyo." "Balita naming malaki-laki ang premyong napanalunan nyo ni Devil sa karera nyo nung nakaraang araw, wala naming masama kung babawasan mo yun diba?" ngising suhestiyon ni Ford na mas lalong ikinasimangot ni Demon na pinipigilan naming tawanan nina Paxton at Balance. "Ano ito? Ako lang ang gagastos ng iinumin nyo? Pakapalan ng mga mukha Phantoms? Parang naghihirap ah!" angal na pahayag ni Demon sa mga kaibigan "I have a family to raise Mondragon, nilalaan ko yun sa pamilya ko." Ngiting pahayag ni Balance na ikinasang-ayon ni Ford "Tama ang sinabi ni Lance, kaming mga may pamilya na kailangan naming mag tipid." "Hindi pa ako sumasahod Demon kaya utang muna." Ngiting sabi naman ni Tad "Minsan ka lang manlibre Demon kaya lubusin mo na." sabi naman ni ToV na pang-asar na sinegundahan ni Paxton na mas lalong ikinalukot ng gwapong mukha ni Demon. "Hindi naman mababawasan ang yaman mo kung babawasan mo diba?" Masamang tinging ang pinukol ni Demon sa mga kaibigan bago binaba ang kamay nyang nakalahad at bago pa makapag mura si Demon dahil sa inis ay inakbayan na ito ni Travis at inilayo na sa mga kaibigan. "Ganyan talaga sa pagka-kaibigan natin Demon, kaiilangang pilit ang panlilibre." Sambit ni Travis na ikinatingin ni Demon kanya. "Hahatian mo ko sa bibilhin natin diba Amadeus?" pahayag na tanong ni Demon na ikinatapik ni Travis sa balikat nito naa inaakbayan nya. "Pamilyadong tao din ako Demon, isa pa si kumander ang may hawak ng pera ko kaya bente lang ang dala ko ngayon." "Putsa! Kalahating milyon ang binayad k okay Yo dahil sa pag-gamit naming ng barn nya, hindi ako hinatian ni Ynarez, nasermonan ako ni kamal dahil dun tapos may mga makakapal na mukha akong mga kaibigan na may mga pera naman na ang lupet humingi ng libre. Asan ang hustisya dun Amadeus?" "Hustisya? Hawak ata ni Lu, hingin natin sa kanya mamaya." Sagot ni Travis na malakas na ikinatawa nina Paxton na malakas naming nakatanggap ng mura mula kay Demon na higit-higit na palayo ni Travis. "Bakit nag bayad ng kalahating milyon si Demon kay Yo? Anong ginawa nya sa barn?" sunod-sunod na tanong ni Ford sa mga kaibigan na ikinakagat labi ni Irish dahil sa narinig. Nakaramdam ng awa si Irish para kay Demon dahil alam nyang dahil sa kanya kaya naglabas ng malaking halaga si Demon. "Yun ba? GInawa ba namang Ospital ang barn ni Yo talagang maniningil ang isang 'yun. May dinalang babae sina Demon sa barn ni Yo, nung pinapunta nila ako isang namumutlang babae na walang malay ang nadatnan kong nakahiga sa malaking sofa ni Yo sa second floor. Ang sabi ni Ynarez nakita nilang hinahabol ang babaeng yun ng mga lalaki at pinagtangkaang pagsamantalahan na agad daw sinugod ni Paxton yung mga lalake at matapos bugbugin ang mga 'yun ay nagdesisyon yung tatlo na sa barn ni Yo dalhin yung babae matapos mawalan ng malay." Kwento ni Tad na gulat na ikinalingon ni Irish kay Paxton na tahimik nang nakatingin sa malaking monitor. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Irish dahil sa nalama, hindi nya akalain na si Paxton ang nagligtas sa kanya mula sa lalaking balak syang gawan ng masama, buong akala nya si Demon ang nagligtas sa kanya at tanging pilit na pagbuhat lang ang ginawa ni Paxton. "Kailan ka pa naging matulungin sa kapwa Ignacio? Sa pagkaka-alam naming lahat, ikaw ang klase ng taong hindi nangingielam sa problema ng iba. Ikaw pa talaga ang unang sumugod?" asar ni Balance kay Paxton na walang emosyon na ikinalingon nito kina Balance na ikinatigil nilang lahat. "You're right Kiosk, that's not the kind of me. Helping others is not my cup of tea but my body moved on its own when I saw that woman whose trying to raped of those f*cking asshole, my blood boiled on that scene because.." "...you remembered what a happened to her that exactly almost happened to that woman you saved, tama ba ako Paxton?" pagtatapos ni Balance sa sasabihin ni Paxton na kita nilang ikina-igting ng panga nito. Nakikita nina Balance na hindi parin nakakalimutan ang nangyaring pagkawala ni Tanya kay Paxton, nahihimigan parin nila na hanggang sa kasalukuyan ay ayaw bitawan ng kaibigan nila ang nakaraan. Hindi naman maintindihan ni Irish ang pinag-uusapan nina Balance, ang alam nya lang ay wala syang makitang emosyon sa mga mata ni Paxton. "Still can't moved on eh!" kumento ni ToV na walang buhay na ikinangiti ni Paxton "If you're in my shoes Valenzuela, you will understand how f*cking hard to forget that." "Enough from the past guys, we are here to support Ynarez not to reminisce the past. Listen to that our blue haired friend. May sinasabi ang luko." Pag iiba ng usapan ni Tad na ikinalingon nilang lahat sa malaking monitor maliban kay Paxton na sa malayo na nakatuon ang mga mata. May part kay Irish na gustong-gusto nyang malaman kung bakit parang nakita nyang may sakit, lungkot at pangungulila na dumaan sa mga mata ni Paxton. Gusto nyang lumabas sa pinagtataguan nya para lapitan ito pero pinipigilan lang ni iris hang kanyang sarili dahil kasama ni Paxton ang mga kaibigan nito. At dahil sa nakikita ni Irish na halo-halong emosyon sa mga mata ni Paxton ay nagna-nais syan mas kilalanin pa ang lalaking nakapasok na sa puso nya. Nawala ang atensyon ni Irish kay Paxton ng marinig nya ang malakas na sigawan ng mga tao dahil sa sinasabi ni Blue sa stage. "Kalma lang fans, alam ko na excited kayo dahil maririnig nyong kumanta si Tenth, pero bago yun I just want to sing my last song that I proudly dedicated to one of my brother's out there in the crowd." Pahayag ni Blue na ikinatapik ni Ford kay Paxton na ikinalingon nito sa malaking monitor. "Malakas ang kutob kong ikaw ang aalayan nya ng kantang ini-ready ng isang 'yan." Sambit ni Ford kay Paxton "Paxton my friend, wag kang kiligin ah! Minsan ko lang gawin 'to kaya pasalamatan mo ko. Kung nasaan ka man dito sa Sky Garden para sa iyo 'to tol." Malawak na ngiting pahayag ni Blue na ikina poker face ng mukha ni Paxton "I told you." Natatawang sambit ni Ford Nagsimula nang tumugtog ang mga kabanda ni Blue na sabay-sabay ikinalingon nina Balance kay Paxton dahil sa kantang iniaalay ni Blue para sa kaibigan nila na sabay-sabay din nilang ikinangisi kaky Paxton. Going back to the corner where I first saw you Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move Got some words on cardboard, got your picture in my hand "Tamang-tama Paxton ah! Naaayon sa tema ng buhay mo ang dedicated song ni Ynarez para sayo." Kumento ni Tad "Ang lakas ng trip ng tangnang Asul na 'yan." Nailing naman na kumento ni ToV "Anon gang title nyan Lance? Nasa dulo na ng dila ko di ko lang mabanggit eh." Sambit ni Ford kay Balance kahit alam naman nito ang tittle ng kantang inaawit ni Blue ngayon. "If I'm not mistaken Ford, the title of that song is....." Balance hangs his words while grinning to Paxton that is now giving his fiend a deadly stare. "Tangna ka Kiosk, binibitin mo pa ang hinihintay na sagot ni Rosales na hindi mabanggit ng tangna nyang dila. The man who can't be moved title ng p*t*ng **ang kantang yan, Masaya na kayo?" asar na pahayag ni Paxton na sabay-sabay ikinatawa nina Balance. "Mga gago!" "Pikon na an gang mahilig mang-asar sa grupo. Tantanan na natin si Ignacio baka sabay-sabay tayong ipabaril nyan sa butler nya na baka nasa paligid lang." ngiting pahayag ni Balance na ikina-ungos lang ni Paxton. "Sabi nang hindi ko butler ang walang emoticon na lalaking 'yun eh!" MALAPIT nang matapos ang kanta ni Blue ng maramdaman ni Irish ang pag vibrate ng cellphone nya na agad nyang kinuha sa bulsa ng pants nya. Nakahinga ng maayos si Irish dahil naka vibrate mode lang ang phone nya kaya iwas huli sya. Agad nang sinagot ni Irish ang tumatawag sa kanya "Hello?" (Hoy! Tanya saang lupalop ka na napadpad ha? Nag aalala na ako sayo dahil hindi ka namin mahanap ni Kuya Tomi. Saan ka ba nadala ng agos ng mga tao ha? Nasaan ka ba?) Binatukan ng mahina ni Irish ang kanyang sarili dahil nakalimutan nya sina Mel na nag-aalala sa kanya dahil sa napahiwalay sya sa mga ito. "Naandito pa naman ako sa Sky Garden Mel, malayo-layo nga lang sa pwesto natin kanina." Bulong ni Irish sa kaibigan sa isiping baka marinig sya nina Paxton at mahuli pa ang pagtatagong ginagawa nya. (Ano? Hindi kita marinig Tanya! Malakas ang tugtugan at sigawan ditto kaya pwede ba Tanya Irish Petrovic huwag kang bumulong-bulong dyan. Asan ka ba talaga ha?) Napingiwi si Irish dahil ramdam nya ang halong inis at pag aalala ni Me dahil sa pagkakahiwalay nya sa mga ito, hindi naman nya kasi inasahan na magigig wild ang mga fans ng Eastern kaya napalayo sya kina Mel. Lihim pa ngang nagpapasalamat si Irish sa nangyari dahil kung hindi sya inanod ng mga tao hindi nya makikita si Paxton. "Huwag kang praning Mel, okay lang ako. Hintayn nyo nalang ako ni Kuya Tomi sa pinagpwestuhan natin kanina. Pabalik na ako dyan mamaya." (Anong mamaya?Bakit hindi pa ngayon?) "Eh! Kasi Mel naki----" Natigilan si Irish sa pag-kausap nya kay Mel ng maramdaman nyang may nakatayo sa may gilid nya na dahan-dahan nyang ikinapatay ng cellphone na hawak nya. "Oi ToV! Ano bang meron dyan sa puno nay an at bigla-bigla ka na lang tumayo at nagpunta dyan?" Nagtatakang tanong ni Tad kay ToV na malakas na ikinakabog ng dibdib ni Irsh dahil mukhang nalaman ng isa sa mga kaibigan ni Paxton ang pagtatago nya sa malaking puno. "Mukhang may kanina pa nakikinig sa usapan natin." Sagot ni ToV na nagpunta sa harapan ni Irish na gulat na ikinalingon ni Irish kay ToV. "Hi Miss, Anong ginagawa mo dito sa malaking puno? Playing hide and seek in the middle of the night?" ngiting tanong ni ToV kay Irish na dali-daling ikinatayo at ikinaalis nya sa malaking puno dahilan para Makita sya nina Paxton na agad naman namukhaan ni Tad. "Oh! You're the woman that Demon and Ynarez brought in Yo's barn right? Sya yung babae na niligtas mo diba, Paxton?" manghang tanong ni Tad kay Paxton na namumula ang mukhang ikinalingon ni Irish sa pwesto ni Paxton. Hiyang-hiya si Irish sa kanyang sarili dahil hindi nya malaman kung ano ang dapat nyang gawin lalo na at nakatutok sa kanya ang mga mata ng mga kaibigan ni Paxton. "Baliw ang babaeng 'yan Tad, pinagdiskitahan nyan ang helmet ko. Teka? Did you followed us here?" kunot noong tanong ni Paxton na agad ikinailing ni Irish. "Hi-hindi ako b-baliw." Nauutal na sambit ni Irish kay Paxton. "Sinagot nya ang unang statement na sinabi mo Ignacio." Pahayag ni ToV na nakapamulsang nakasandal sa malaking punong pinagtaguan ni Irish. "Kanina ka pa ba nagtatago sa malaking punong 'yan Miss?" malumanay na tanong ni Balance kay Irish na hindi alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Gustong-gustong tumakbo ni Irish palayo sa mga ito pero hindi naman nya maigalaw ang kanyang mga paa. "Mukhang natatakot sya sa atin guys, baka tayo ang nakaistorbo sa kanya dito." Pahayag ni Ford na mas lalong ikinabilis ng t***k ng dibdib ni Irish nang matapos bumuntong hininga ni Paxton ay naglakad ito patungo sa kinatatayuan nya. Hindi malaman ni Irish kung bakit ganito ang epekto ni Paxton sa kanya, kung hindi nya kokontrolin ang emosyon nyang iyon baka mas lalong mawalan sya ng pagkakataong makilala si Paxton. "Sinundan mo kami dito tama ba ako?" seryosong tanong ni Paxton kay Irish na ikinagat labi ni Irish dahil sa kaba. "Huwag mong takutin Paxton, be nice asking a woman." Sita at payo ni ToV na ihahakbang sana ulit ni Paxton palapit kay Irish ng kusa ng bumukas ang mga labi ng dalag. "Gusto kitang makilala!" pahayag ni Irish na agad nyang ikinatakip ng kanyang dalawang kamay sa kanyang bibig. Hindi naman inasahan ni Paxton ang narinig nya mula kay Irish, samantalang sina ToV ay may pang aasar na ngising nakapaskil sa kanilang mga labi. "Gusto ka palang makilala Ignacio eh!" panunudyong asar ni ToV kay Paxton "Nakakagulat na sa dami ng mga fans ni Blue na narito ngayon, may nag-iisa palang tagahanga si Paxton ditto. Dapat nab a tayong maingit Ford?" ngiting pahayag ni Balance na ikinangiti lang ni Ford. "Both of you has already had a fan Kiosk and Rosales, you have your wives f*cker." Pahayag ni Tad na mas ikinangiti nung dalawa. "Anong masasabi mo dyan Ignacio? Taga hanga mo pala ang tinulungan nyo nina Demon." Pahayag ni ToV kay Paxton na nakatitig lang kay Irish ng bigla itong ngumiti sa harapan ng dalaga. "So, ako pala ang pakay mo ditto binibini, hindi ka baliw kundi isang tagahanga ko. Hmmm, may maipaglilingkod ba ako sayo?" malawak na ngiting pahayag ni Paxton kay Irish na ramdam ng dalagang ikinainit ng kanyang mukha. "G-gusto ko lang magpasalamat sa pag liligtas mo sa akin nung isang araw, t-tsaka g-gusto lang kitang makilala ng personal." Nahihiyang sambit ni Irish kay Paxton. "Ahhh, huwag kang magpasalamat dahil nagkataon lang na nakita ka ng mga kaibigan ko at napagkasunduan nilang sundan ka na pati ako nadamay. Pero dahil nagpapasalamat ka binibini sasagutin ko yan ng your welcome." Pahayag ni Paxton na nakatanggap ng mga kumento sa mga kaibigan "You're a handsome jerk Ignacio." Nailing na pahayag ni ToV "Maginoong tarantado ang linyahan mo Paxton." "Hindi maginoong tarantado Ford, pilosopong gago ang dapat tawag sa linyahang ganun." Natatawang kumento naman ni Balance "Hindi nakaka gwapo ang attitude mong 'yan Paxton." Puna naman ni Tad na nakatanggap lang mula kay Paxton ng ngising pagkibit ng balikat. Huminga ng malalim si Irish para kalmahin ang sarili bago muling nagsalita "Alam kong napilitan kang tulungan ako that time pero magpapasalamat parin ako sayo. Baka napahamak na ako noong oras na yun kung hindi kayo dumating." Pasasalamat ni Irish na ikinapamulsa ni Paxton sa harapan ng dalaga "Thank you accepted binibini, may sasabihin ka pa ba?" walang ganang tanong ni Paxton kay Irish "Epekto bay an ng ilang taong pagiging single mo Paxton? What's with your attitude man!" sita ni Balance kay Ford Poker face naming nilingon ni Paxton si Balance at pinakitaan ng gitna nyang daliri sa kanang kamay nya. "Ako lang 'to Kiosk,Si Paxton to oh! Kaibigan mo gago!." Kahit ramdam ni Irish na pinapakitaan sya ng masamang ugali ni Paxton ay hindi parin nababawasan ang paghanga nya para sa binata, na kahit sya ay hindi nya maintindihan kung paano 'yun nagsimula. Gustong itanong ni Irish kay Paxton kung natatandaan sya nito noong gabing nag wallk out ito habang kumakanta sya sa stage ng JEY. Hindi alam ni Irish sa kanyang sarili pero kusang tumataas ang kaliwa nyang kamay para abutin ang manggas ng damit ni Paxton. "Tanya?" Sabay-sabay na napalingon sina Irish,Paxton at ang iba pa kina Travis at Demon na kadarating lang at may dala-dalang plastic na may lamang mga alak at chichirya. Sabay-sabay ding kumunot ang noo nina Balance dahil sa pangalang tinawag ni Demon sa dalagang kausap nila na kahit si Paxton ay natigilan sa kinatatayuan nito. Agad binaba ni Demon ang dala-dalang plastic at malawak ang ngiting nilapitan si Irish "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Demon sa kanya na parang naglaho ang kabang nararamdaman nya dahil sa pagdating ni Demon. "Sinundan ko kasi---" Hindi natuloy ni Irish ang isasagot nya kay Demon ng bigla itong higitin ni Paxton paharap sa kanya. "A-Anong pangalan ang itinawag mo sa kanya?" Nagsalubong ang kilay ni Irish dahil nakikita nya ngayon sa mukha ni Paxton na hindi ito makapaniwala sa pagtawag ni Demon sa pangalan nya. "Ah! Umalis ka nga pala agad kaya hindi mo nakilala itong babaeng nilligtas mo, I mean natin pala." Pahayag ni Demon na ngiting umakbay kay Irish na bahagyang ikinagulat ng dalaga. "Everyone, I want all of you to meet the woman we saved kaya hindi kami nakapunta ni Blue sa pa celebration ng kasal ni Fritz." Pa- umpisang pahayag ni Demon bago nakangising nilingon si Paxton na parang hindi inaasahan ang pangalang narinig. "Si Tanya nga pala, does her name sounds very familiar to you Ignacio?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD