Episode 5

4171 Words
" When you meet someone special, you'll know your heart will beat more rapidly and you'll smile for no reason." CHAPTER 5 -THIRD PERSON P.O.V- "Langya ka Ruhk, akala ko ba marunong ka nang magluto? Kung mag- malaki ka kanina akala mo chef na chef ang dating mong tangna ka." "Wag mo kong ma tangna- tangna dyan Laochecko, matanda ako sayo ng isang taon kaya matuto kang gumalang." "Kagalang- galang ka ba? Sa tingin mo makakain natin yan? Baka nga ipatapon pa yan ni Kuya Paxton pag nakita yang niluto mo eh, ano ba yang niluto?" "Menudo." "Tangna! Menudo yan? Akala ko dinuguan. Hindi ka na naawa sa baboy, pinatay na nga sinunog mo pa." "Tss! Kahit ganyan itsura nyan lasang menudo parin naman yan. Will you just f*cking taste it first before you f*cking complain." "Kahit aso Verchez hindi kakainin yang niluto mo. Kawawa si Liana sayo, dapat balaan ko na sya na chef wannabe ang lalaking nagkakagusto sa kanya." "Damn you!" Unti-unting nalulukot ni Paxton ang binabasa nyang magazine dahil hindi sya makapag concentrate sa kanyang babasahin dahil sa kaingayan ng dalawang unwanted visitors nya na kanina pa nagtatalo sa kusinya nya. Malapit ng uminit ang ulo nya dahil imbis na nagpapahinga sya ngayon ay hindi nya magawa dahil sa kaingayan na ginagawa nung dalawa na nasa kusina. Wala silang shipment ngayon at akala nya ay makakapag pahinga sya ng ayos ngayong araw na ito, hanggang sa bulabugin ang pamamahinga nya ng tatlong sakit nya sa ulo. Hindi man lang sya inabisuhan na may mag gugulo ng araw nya, Usually kasi pag walang silang delivery o shipment ay may kanya-kanyang lakad ang tatlong ito kaya hindi nya malaman kung bakit ngayon ay nasa pamamahay nya ang tatlong ito. Naririndi na nga sya sa kaingayan ng dalawa na nasa kusina, naiirita pa sya sa ginagawa ni Trace na pabalik- balik sa pagwawalis sa sala nya. Kanina pa nagwawalis ito, kulang nalamg pati mga gamit nya ay walisin narin. Tinitignan lang ni Paxton ang ginagawa ni Trace habang nakaupo sya sa pang isahang sofa at nawalan na sya ng ganang basahin ang magazine na hawak nya. "F*cking care to tell me De Leon what the f*ck three of you doing here on my house?" sitang tanong na ni Paxton kay Trace na lumipat sa tabi ng isang mamahaling vase ni Paxton at pinunasan ito. "Those two idiots drag me here, they said that they want to visit your house. Don't you feel love they visited you Boss?" walang emosyong tanong ni Trace pero ang atensyon ay nasa pag pupunas parin sa kanyang vase "I feel ann---" Hindi natuloy ni Paxton ang isasagot nya kay Trace ng magsimula na namang magbangayan ang dalawang bata na nasa kusina nya na ikinasama nya ng ng tingin sa parteng iyon ng bahay nya. "Verchez parang awa mo na, hindi ka chef na gago ka kaya huwag ka ng magluto. Sinasayang mo ang mga pagkain ni Kuya Paxton." "What i'm doing Laochecko is called effort you f*cking idiot. Don't you f*cking know that?" "HEY! TWO IDIOTS, WILL YOU F*CKING LEAVE MY F*CKING KITCHEN OR I'LL SHOOT TO KILL!" naiinis nang bulyaw na sita ni Paxton sa dalawa na ilang segundo ang lumipas bago sabay na lumabas sa kusina si Maki na nakabusangot ang mukha at si Ruhk na kalmado lang na umupo di kalayuan kay Paxton. "Peste! Hindi ba kayo nagsasawa na nakikita natin araw-araw ang mukha ng isa't-isa? Kasi ako nauumay na eh, tapos ang lalakas ng loob nyong mga tangna kayo na bulabugin ako dito sa bahay ko. Talagang nagpa abot pa kayo ng dilim dito." Sumandal si Paxton sa kinauupuan nya at pasimpleng hinilot ang ulunan nya dahil literal na pinasasakit ng tatlong bwisita nya ang ulo nya. "Ang laki ng impluwensya sayo ni Westaria, Kuya Paxton. Ang dami mong mura eh." kumento ni Maki na poker face ma binalingan ni Paxton "Nabilang mo Maki?" tanong nya dito na inosente pang ikinatango nito at ikinangiti "Oo naman, nakadalawang 'f*ck' ka Kuya Paxton." "F*ck you Laochecko, ayan ang pangtatlo isama mo sa bilang mo gago!" inis na sita ni Paxton na ikinanguso nito "Burn Laochecko." asar pa ni Ruhk na mas lalong ikinasama ng mukha ni Maki "Wala ba kayong balak umuwi? Tsaka pwede ba Trace tigil-tigilan mo na ang kakapunas at kakawalis dito sa bahay ko." sita pa ni Paxton kay Trace na tumigil sa pagpupunas ng vase at walang emosyong nilingon si Paxton "I am your butler Boss so, it's my duty to clean your hou--" "Tangna De Leon, wag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Sige na pakintabin mo na yang vase na yan kung dyan ka masaya." sukong pahayag ni Paxton na hindi maisip kung paano nya natatagalan ang tatlong taong ito na kasama nya sa business nya at sumisiksik sa pamamahay nya. Itinuloy na ni Trace ang ginagawa nya at pinabayaan na ni Paxton ang ginagawa nito kahit naasiwa na ito sa pagsisilbi sa kanya na hindi naman dapat. Kung tutuusin mas mayaman pa sa kanya si Trace pero ang isang heir ng malawak at malaking mafia sa USA ay pinagsisilbihan sya. Imbis na matuwa sya tulad ni Sergio na ineenjoy ang paguutos sa butler nyang si Heiro, sya naman ay naalibadbaran pag dinedeklara nitong butler nya ito. "Pasensya na sa pang iistorbo Kuya Paxton, wala kasi akong schedule ngayon kaya dito nalang muna ako sa bahay mo." ngiting pahayag ni Maki na ikinalingon naman ni Paxton kay Ruhk na prenteng nakaupo "Ikaw na pulubi ka, anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" "Hindi ako pwedeng umuwi ngayon sa mansyon ni Lia, mainit ang ulo nya sa akin at ayaw akong makita." sagot nito "Ano na namang ginawa mo at mainit na naman ang ulo sayo ng irog mo Verchez." tanong ni Maki na ikinahaplos ni Ruhk sa batok nya "I punched really really hard the moron guy who touched Lia on her hands." pahayag ni Ruhk na ikinangiwi ni Maki "At saang parte sa ginawa mo nagalit ang Liana mo?" "The moron guy i punched, rushed on the hospital and i almost kill him." normal na pahayag ni Ruhk na ikinapikit sa konsumisyon ni Paxton. Hindi parin masanay si Paxton na ang mga kasama nya sa negosyo nya ay alagain at sakit pa sa ulo. "What about the family of the moron guy you punched because of jealousy, are they going to file a case against you?" tanong ni Paxton kay Ruhk. Kung idedemanda nga si Ruhk ng mga magulang ng nasuntok nito, mukhang kakailanganin nito ang serbisyo ni ToV. Malaki nga lang maningil ang irerekumenda nyang lawyer pero kahit palaboy at NPA si Ruhk ay barya lang dito ang talent fee ni ToV. "They can sue me but sadly they can't, the parents of that f*cking moron guy recognize me and i'm already found not guilty." malamig na ngising pagmamalaki pa ni Ruhk na ikinailing nalang ni Paxton "Natakot sila sayo dahil nakilala ka nila bilang isang Verchez, eh! hampas lupa kalang naman ngayon na nakikitira sa bahay ng may bahay." pahayag ni Paxton na ikinibit balikat lang ni Ruhk Hindi na sunod na tinanong ni Paxton si Trace na abalang-abala sa ginawa nitong pagpupunas sa mga gamit nya. Basta pag binitbit na sya ng dalawang ito ay walang tutol na sasama ito. Mabuti nalang at hindi pa dumadating sa punto na pinipilit nitong tumira sa bahay nya dahil sa pagpoproklemang butler nya ito. Mukhang mas lalong hindi magiging payapa ang gabi ni Paxton dahil sa mga overnight visitors nya. Mabuti nalang malayo sa kwarto nya ang mga kwartong tutulugan ng mga bwisita nya dahil ayaw nyang sa oras na managinip na naman sya ng tungkol sa nangyari kay Tanya ay hindi maaring makita sya ng mga ito sa ganung sitwasyon. "Pasalamat kayo mabait akong nilalang ng Diyos kaya papayagan ko kayong matulog dito ngayong gabi. Basta pag gising ko bukas hindi ko na kayo makikita sa bahay ko. Mga istorbo!" Wala din naman magagawa si Paxton kahit ipagtabuyan nya ang mga ito. Dahil alam nya kung gaano katigas at kakapal ang mukha ng tatlong ito, hindi lang halata dahil itinatago ng kanilang mga gwapong mukha. "Mabuti nalang Kuya Paxton wala kang lakad ngayon kasama ng Phantoms. Marami akong naisip na magagawa natin ngay---" Hindi natuloy ni Maki ang sasabihin nya ng marinig nila ang pagtunog ng cellphone ni Paxton na nakapatong sa babasagin nyang lamesa na akmang kukunin ni Paxton nang maunahan sya ni Maki. "Oh? Tumatawag yung kaibigan mong may weird na kulay na buhok Kuya Paxton." pahayag ni Maki na ipinakita pa kay Paxton ang nagriring nyang cellphone. "Makadampot ka ng cellphone ko parang sayo Laochecko ah! Nakipag unahan ka pa talaga sa akin. Ihampas ko kaya sayo yang cellphone ko." may ngiting sambit ni Paxton na agad iniabot ni Maki ang cellphone sa kanya dahil alam nito ang meaning ng ngiting pinapakita nya. "Tara Verchez sa kusina, baka sakaling mapag tiyagaan ko ang luto mo." mabilis na pag aaya ni Maki na agad ding tumayo at derederetsong naglakad papunta sa kusina na nagawa pang yakagin si Trace. "Oi Trace, sa kusina ka naman magpunas, marami ding pupunasan doon." Sumunod na din naman si Ruhk kay Maki sa kusina habang si Trace ay walang katinag-tinag na hindi umaalis sa pwesto nito. Sinagot na din naman ni Paxton ang pagtawag ni Blue ma agad na ikinatanggap nya ng reklamo mula sa kaibigan. (Serioulsy Paxton? Talagang inantay mo pang maka limang ring yang cellphone mo bago sagutin ang tawag ko. Ano ka babae?) "Pasensya na Ynarez, ang ganda ng ringtone ko eh." (Anong ikinaganda ng ringtone mo na ring lang naman ang tunog?) "Kanya-kanyang taste yan Ynarez, teka ano bang pang iistorbo ang pakay mo at tumawag ka? Kung iche-check mo kong gago ka kung nanaginip na naman ako, patulugin mo muna akong tangna ka dahil kung hindi sira ang relo ko, alas sais palang ng gabi at bago palang dumidilim sa pilipinas." may sarkasmong pahayag ni Paxton kay Blue na rinig nyang ikinatawa lang nito. (Alam ko naman na hindi ko pa duty Ignacio kaya huwag kang excited dyan, ala una pa ang pangbubusina ng iyong lingkod. Tumawag ako para sabihin sayong dude get your f*cking ass off and come here in the Sky Garden.) Napaarko ang kilay ni Paxton sa pag aaya ni Blue sa Sky Garden. "Bakit naman ako pupunta dyan sa Sky Garden, langya Ynarez may mga walang hiya akong mga bisita sa bahay ko at hindi ko pwedeng iwan sa kanila ang pamamahay ko. Baka pag umuwi ako wala na akong tirahan." (Wow dude! Baka naman mamalimos pa ako ng kaunting suporta sayo sa concert namin dito sa Sky Garden. Hayaan mo muna yang mga bisita mo dyan, papunta na rin ang iba dito. Si Bossing Taz pupunta din kasama si Gail at yung dalawa nilang chikiting nila na bago ko pa mapapayag eh napaulanan na ako ng mga mura.) "Istorbo ka kasing gago ka. Give me 10 minutes andyan na ako." Pinatay na ni Paxton ang tawag at agad na tumayo sa pagkakaupo nya bago nilingon si Trace na hindi nya napansing wala na pala sa pinagpwestuhan nito. Naiwan ang basahan at walis tambo sa tabi ng istande kung saan naka lagay ang vase na kanina lang ay pinakikintab nito. "Damn that no emoticon human, parang bula sa bilis mawala." Nagpamulsang naglakad si Paxton sa kanyang kusina at sinilip ang dalawang bwisita na nagtatalo na naman gamit ang mahinang boses. "F*cking two hopeless creatures." kumento nya sa dalawa "Oi mga baliw, lalabas lang ako at pagbalik ko dapat kung paano ko iniwan ang bahay ko sa inyong dalawa ay ganito ko rin itong dadatnan. Subukan nyong guluhin ang pamamahay ko papaulanan ko kayo ng bala. Tsaka pwede ba para kayong tanga dyan, ngayon pa kayo nahiyang magbubulyaw sa pamamahay ko." sita at bilin ni Paxton sa dalawa na sabay lang tumango kaya naiiling nalang syang iniwan ang dalawa at kinuha ang susi ng motor nya sa lamesa bago dere-derestong lumabas ng bahay nya at bago pa sya tuluyang makaalis ay sya namang rinig nya ng pagtatalo nang dalawa na nasa kusina nya. "Wala na talagang pag asa. ." naiiling na kumento ni Paxton na pinuntahan na ang motor nyang nakaparada sa garahe nya kasama ang ilan nyang mga kotse. Sumakay na sya sa motor nya ng maalala nyang wala pala sa kanya ang helmet nya. "Naibigay ko pala sa baliw yung helmet ko, magkaka violation pa ako nito putsa." Kinuha ni Paxton ang cellphone nyang isinuksok nya sa bulsa nya at tinawagan ang makakatulong sa maliit nyang problema. "Yow! Lu my friend, may maliit akong problema baka naman mailapit ko sayo." ngiting sambit nya sa kaibigan sa kabilang linya. (Anong maliit na problema yan at itinawag mo pa talaga, Teka papunta ka na din ba sa Sky Garden?) "Oo, baka gumulong si Ynarez pag hindi ako nakita." (That gagong asul na alien na'yun, ibinigay ko sa iba ang duty ko para lang panuorin ang tangnang 'yun.) "Pagbigyan na natin ang lalaking yun, our famous friend need our support on this, may banner ka na ba?" ngising tanong ni Paxton kay Lu na sunod sunod nyang rinig na ikinamura ni Lu na malakas nyang ikinatawa (That f*cking Ynarez! Ipadadampot ko sya sa mga tauhan ko for humiliating me like this. F*ck him to the tenth level, i'm a Luietenant for pete sake then he gave me the work to do his f*cking gross banner. Damn him!) "Looking forward to see your banner for Ynarez made by your love and effort Santos." asar ni Paxton kay Lu na ikinatanggap nya lang ng mura. Mukhang kumakalat na nga sa samahan nila ang ugali ni Taz na mahilig mag mura. Naiiling na lihim na natatawa si Paxton dahil malaki talaga ang impluwensya ni Taz sa kanilang lahat lalo na sa larangan ng pagmumura. ( Tell me your small problem Ignacio?) "Oh! about that Mr. Luietenant, naka motor kasi ako pag punta sa Sky Garden, wala akong suot na helmet baka bigyan ako ng violation ng mga kabaro mo na madadaanan ko. I need some assitance you know." (Just tell them my name and that's you're f*cking magic word.) "Nice! Thank you Mr. Banner Maker." (F*ck you!) Nawala na si Lu sa kabilang linya na bahagya pa nyang ikinatawa. Hindi nya talaga maiwasan na minsan asarin ang mga kaibigan nya lalo na si Taz. Kahit papaano nawawala sa isipan nya ang mga napapanaginipan nya dahil sa mga kaibigan nyang mga tangna pero maasahan. -IRISH P.O.V- Hindi ako makapaniwala sa daming tao ngayon na nagsisiksikan papunta sa malaking stage na itanayo sa gitna ng Sky Garden. Mukhang inaabangan talaga nila ang Eastern, bakit naman kasi palalagpasin nilang hindi makita ang grupo na yun dahil hindi lang sila talented, lahat ng miyembro ng Eastern band ay may maipagmamalaking kapogian. Nakakatuwa sa part ko na ang isa sa miyembro ng paborito kong banda na pomagkakaguluhan ng mga taong ito ay nakaharap ko at nakausap pa, I feel lucky. "Ang daming tao! Paano ako makakasiksik sa unahan para i-cheer ang mga idol ko?" nakangusong reklamo ni Mel habang iginagala ang kanyang mga mata dahil for sure nag hahanap ito ng pwedeng daan para makpagsiksikan. "If i were you Rosie, magtitiyaga nalang ako dito sa kinatatayuan ko at sa malaking screen nalang manunuod kaysa makipagsiksikan sa dami ng tao na naandyan. Tanya is here you knew it's bawal." kumentong paalala ni Kuya Tomi kay Mel na binalingan naman ng kaibigan ko ng masamang tingin. "Alam ko yun nuh! Tss, sino bang may sabi sayo na makikipag siksikan kami sa mga tao. Ang judgemental mong matanda ka. Tsaka pwede ba kung mang iinis ka huwag mong paglaruan ang pangalan ko. It's Melrose nasaan ang Rosie dyan sa pangalan ko." "Rosie is more femine than Melrose i guess." natural na kumento ni Kuya Tomi na naiinis na inirapan nalang ni Mel Maswerte na ako kung may isang araw na hindi magbabangayan ang dalawang ito. Laging inaasar ni Kuya Tomi si Mel at ang kaibigan ko naman naasar naman. "Sa fireworks display nalang tayo bumawi Mel, mas maganda ang view dito." sambit ko na ikinabuntong hininga ni Mel "Yeah, marami pa namang chance na makita ko si Tenth ng personal." bagsak na balikat na pahayag ni Mel na ikinaakbay ni Kuya Tomi sa kanya na ikinalingon nya dito. " I can request to Boss Ford na i-invite ang Eastern sa JEYA to perform. May chance na makita mo na ang Tenth mo." sambit ni Kuya Tomi na agad ikinalawak ng ngiti ni Mel "Talaga? Gagawin mo yun?" Nakikita ko ang kinang ng mga mata ni Mel sa sinabi ni Kuya Tomi kaya lang sa kita kong pag ngisi niya mukhang aasarin nya lang si Mel. "Yeah gagawin ko yun, tamang-tama kilala ni Orlin ang babaeng manager ng Eastern." Agad nawala ang mga ngiti ni Mel at naiinis na inalis ang pagkakaakbay ni Kuya Tomi sa kanya. "Wala kang magawa sa buhay mo noh? Kahit hindi mo na imbitahan ang Eastern sa JEYA kahit hindi ko pa makita si Tenth basta walang ibang babaeng lalapit sa Orlin ko." inis na pahayag ni Mel na bahagyang ikinatawa ni Kuya Tomi "Ang lakas mong mang bakod Rosie ah, hindi ka nga type ni Orlin." asar pa ni Kuya Tomi na agad hinabol ni Mel ng mga hampas na tatawa-tawa naman nyang iniilagan. Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa, kung alam lang ni Kuya Tomi na type ni Kuya si Mel baka magulat sya. Kaya lang tulad ng sinabi ni Kuya, wala syang balak na ipakita yun kay Mel na hindi ko maintindihan ang rason nya. Napatingala ako sa kalangitan, binalot na ng dilim ng gabi ang buong paligid. Padami pa ng padami ang mga taong nadating dito sa Sky Garden. Inalis ko ang tingin ko sa kalangitan ng malakas na magsigawan ang mga tao kasabay ng pagtugtog ng malakas na musika. Napatigil na sa paghahabulan yung dalawa kong kasama at muling lumapit sa akin. "Mukhang magsisimula na sila." pahayag ni Kuya Tomi. Ang kaninang hiyawan ay naging mas malakas ng isa-isang magpakita sa stage ang miyembro ng Eastern band. Sa malaking monitor ko lang sila nakikita pero agad itinutok ng camera ang focus kay Blue na malawak na ngumiti na mas ikinawala ng mga tagahanga nila. "Naandito kaya sina Boss Ford at ang iba nyang mga kaibigan para suportahan si Blue Ynarez. After all it's their hobby to support each other." sambit ni Kuya Tomi na lilingunin ko sana sya nang mapabalik ang tingin ko sa monitor dahil sa pagsasalita ni Blue. "Good Evening everyone!! Are you ready to have some fun?" malawak na ngiting tanong nito sa mga tao na malakas na ikinatili ng lahat ng tao na pati si Mel ay nakikisali. Bawat miyembro ng Eastern ay tinututukan ng mga camera kaya ang mga fans nila ay mas nilalakasan ang sigawan pag napapatapat sa bias nila ang focus ng camera. Pero sa kanilang pito, mukhang si Blue ang may pinakamaraming fans. "Thank you everyone for coming here in Sky Garden to watch us. So, let's start to rock the stage tonight!" sigaw ni Blue sa mic nya na muling ikinahiyaw ng mga tao kasabay ng pagtugtog nila ng kanikanilang hawak ng instrumento. Isa sa dahilan kung bakit humanga ako sa bandang ito ay hindi dahil sa mga gwapo sila, given na kasi yun. Humanga ako sa kanila dahil sa bawat kantang inaawit nila, nararamdaman kong sinasamahan nila ng kanilang puso. Siguro na-aappreciate ko yun kasi mahilig din ako sa musika gaya nila. Every circle was a line just connected by design Every part of this reminded me,How your heart met mine And everytime when you walk i will take you home oh. . oh. . oh. . .and you play with the radio oh. . oh. . Unang kanta palang nila sumasabay na ang lahat sa pagkanta sa kanila. Hindi mo maipagkakaila na malakas ang karisma nila. Isa pa, ang hindi ko masisisi ang ilang mga babae na humahanga kay Blue dahil wala talaga ako masasabi sa ganda ng boses nya. I need you to know you are the only one that i ever loved just look what's been done,two hearts beat as one it's never easy but the two are now one just look what's been done,two hearts beat as one i know and you know. . Pati ako napapasabay sa pagpalakpak sa ganda ng kinakanta nila. Napapatawa nalang ako kay Mel dahil napapasayaw narin sya kaya si Kuya Tomi ngiting napapailing nalang kay Mel. If your heart is heaven tell me would'nt mine then be hell and if i get to heavy for you let me know cause i can't tell the door and bell If you want i can take you home and we'll sing to the radio Naisip ko lang, kung wala kaya akong sakit sa puso at normal na namumuhay, magagawa ko kaya ang pangarap ko na makilala ng mga tao sa pag awit? Kung wala sa binggit ng kamatayan ang buhay ko, magagawa ko kayang iparinig sa mga tao ang musika ko? "WAAAHHH! TENTH, ANG GALING GALING MO!" hiyaw ni Mel ni nilapitan ni Kuya Tomi para pigilan sa paghiyaw pero si Mel ayaw paawat. Paano kaya pag nakita ni Kuya na napapahanga ng ibang lalaki si Mel, sisimangot kaya sya? I need you to know you are the only one that i never loved just look what's been done,two hearts beat as one it's never easy but the two are now one just look what's been done two hearts beat as one i know and you know. Lalong naglakasan ang hiyawan sa buong Sky Garden. Nagwala na sila dahil sa kilig ang mga nanunuod, lumibot ang tingin ko sa paligid dahil mas lalong dumami ang mga tao dahil sa mga nagdadatingan. Tumatakbo sila sa mga nagsisiksikan at nakikisiksik narin kaya sina Mel at Kuya Tomi ay naitutulak ng mga nagsusumiksik na mga tao papunta sa maraming tao. Pilit silang umaalis sa pagkakasiksik nila pero dahil sa daming tao mas naitulak sila kaya nalayo sila sa pwesto ko. Sinisigaw nilang dalawa ang pangalan ko. Pati ako nadadamay sa mga nagsisiksikan, kaya napapaatras ako at umiisod sa kinatatayuan ko. "Sandali! Huwag kayong magtulakan!" angal ko dahil talagang nadadala na nila ako kung saan. Pilit akong umaalis sa pagkakasiksik sa akin hanggang sa makalabas ako pero dahil sa pagpupumilit ko ay natalisod ako sa isang bato na ikakabagsak ko sana sa lupa pero may dalawang bisig na sumalo sa akin kaya hindi ako tuluyang napasalampak sa lupa. "Aish! Ingat ingat Miss, ang panget ng boses ng pinagkakaguluhan nyo dito nakikipagsiksikan ka pa. Ayos ka lang?" rinig kong tanong ng isang boses na kahit malakas ang hiyawan at tugtugan ay rinig na rinig ko ang boses nya na parang nakilala ng pandinig ko. I will never need again I am infinite I wont forget the moment I felt the whole earth Cave in love Two hearts 9x You just sing And ill take you home I'll take you home now Unti-unti kong tinunghay ang tingin ko sa lalaking nakaalalay sa akin at ng makita ko ng tuluyan ang mukha nya ay syang pagbilis ng t***k ng puso ko at parang pagtigil ng paligid ko. I need you to know you are the only one that i never loved just look what's been done,two hearts beat as one it's never easy but the two are now one just look what's been done two hearts beat as one i know and you know. Totoo ba ito? Yung lalaking gusto kong makita nasa harapan ko ngayon at umaalalay sa akin. Ang puso ko, ang bilis ng t***k. "Ikaw na naman?" kunot noong sambit niya akin bago ako itinayo ng ayos pero ako parang nanigas sa kinatatayuan ko at hindi maalis ang pagkakatitig ko sa kanya. "Oi Paxton, kilala mo ang magandang binibini na yan?" rinig kong tanong ng isang lalaking nakatayo sa likuran nya na ikinapamulsa nito sa bulsa ng pants nya. "Hindi ko sya kilala pero sya yung baliw na napag interesan ang helmet ko. Aish! hanggang dito ba naman umaabot ka." Bakit hindi ko magawang ibuka ang mga bibig ko? Hindi ko maipalabas ang boses ko, dahil ba mas nagfofocus akong titigan ang mukha nya. "Kung hindi mo naman pala kilala, umalis na tayo dito. Hindi tayo makakadaan sa dami ng tao dyan. Sabi ni ToV sa kabilang side tayo dumaan naandon na yung iba." pahayag ng kasama nito na ikinatango nya "Mabuti pa nga Amadeus. Langyang Ynarez yan, hindi man lang muna gumawa ng dadaanan natin bago mag ngungumawa dun." Sambit nito bago ako muling tapunan ng tingin kasabay ng pagliwanag ng mga fireworks mula sa kalangitan. At ng magtagpo ang mga mata namin mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto kong isipin na inaatake ako ng sakit ko pero hindi. Naranasan ko namang magkagusto sa iba pero iba ang pagkabog ng dibdib ko pagdating sa kanya. Oh Gezz Tanya, You already fell inlove with him at the third sight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD