Episode 7 Part I

3156 Words
"Holding the person that gone a long time ago will give you a hard time to move on." - Rhen A. -THIRD PERSON P.O.V- -FLASHBACK- "Damn that Westaria! Natalo na naman nya ako." "Bakit kasi ayaw mo pa tigilan ang paghahamon kay Emp? Kahit anong gawin mo tol, hindi mo sya mauungusan. Baka sa lagi mong paghahamon sa kanya at lagi mo namang pagkatalo baka pati pride mo maubos na." Poker face na tinitigan ni Paxton si Darren na kasama nya lagi pag bababa sya ng Underground Society, ang kaibigan nyang ito ang dahilan kung bakit labas pasok sya sa Underground Society dahil may ranggo ito sa Underground bilang isang Master. Gusto nyang makapasok sa Underground Society nang wala ng tulong ng kaibigan kaya ngayon ay lagi nyang hinahamon si Taz Westaria pag nakikita nya ito sa Underground Society. Si Taz Westaria ang ticket ni Paxton para Malaya na syang makapasok sa naturang lugar ng hindi hinaharang ng mga bantay o hindi humihingi ng tulong kay Darren, si Taz Westaria ay may mataas na pwesto sa apat na bound ng Underground Society. Ang Underground Society ay binubuo nang apat na bound, ang East bound, South bound, West bound at North bound, bawat bound ay pinamumunuan nang apat din na pwesto, ang Elite, Master, Prince at ang pinakamataas na pwesto ang Emperor na hawak ngayon ni Taz Westaria at ito ang Pinaka Boss ng North bound. Ang isang patakaran sa Underground na hindi dapat suwayin ng mga kasali sa U.S na may pwesto sa bawat bound ay pag hinamon sila sa isang laban ay kailangan nilang tumugon sa hamon na iyon at pag natalo sya nang humamon ay kailangan nyang bitawan ang pwestong hawak nya sa nanalo at magiging miyembro nalang sya sa Underground Society Depende nalang sa natalo kung gusto nyang bawiin ang pwesto nya o hindi na. Simula nang makatikim ng talo si Paxton mula kay Taz ay hindi nya ito matangap at nang malaman nya ang pagiging Emperor nito ay naghangad syang kunin yun sa tinuring nya nang matalik na karibal. "Tangna ka Villegas, hindi ganyan ang suporta ng isang kaibigan. Matatalo ko din ang Westaria na yan at makukuha ko sa kanya ang pwesto nya bilang Emperor. Pag natalo ko na ang gagong yun at ako na ang bagong Emperor ng North bound, kukunin kita sa West bound at gagawin kitang Master ng bound na pamumunuan ko, ayos ba?" May ngising pahayag ni Paxton na bahagyang ikinatawa lang ni Darren "Ang taas nang pangarap mo Paxton, sa dami ng pwede mong hamunin ang Emperor pa ng North bound ang gusto mong agawan ng pwesto. Alam mo bang kahit ang Emperor ng South, East at kahit ang bound na kinabibilangan ko ay ilag sa kanya. Maraming naghahangad ng pwesto ng Emperor sa North bound dahil madami sa bound na yun ay mayayaman at kilala sa buong mundo kaya lang simula nang maging Emperor ng North bound si Taz Westaria at hindi na nakabalik ng buhay si Hugo nang East bound, wala ng nagtangkang hamunin si Emp. Ikaw lang yata ang kilala kong masigasig na humahamon lagi sa kanya." Pahayag ni Darren na ikinasandal ni Paxton sa kinauupuan nya "Sabi nga ng isang sikat na kasabihan sa pilipinas, try and try until you succeed!" malakas ang kumpyansang sambit ni Paxton na ngi-ngiting ikinailing lang ni Darren. Nasa isang café sila sa loob ng Underground matapos makatanggap ng pang pitong talo si Paxton mula kay Taz, makikita sa mukha ni Paxton na talagang nahirapan syang agawin kay Taz ang pwestong hinahangad nya dahil sa ilang pasa at sugat na natamo nito sa kanilang laban. "Teka sino nga pala yung Hugo na binanggit mo kanina?" "Si Hugo? Ahhh, sya ang nasa ikatlong rank ng East bound which is the Prince, mayabang at may mataas na tingin sa sarili ang isang 'yun." Sagot ni Darren sa tanong niPaxton na ikinatango lang nito "Nung sinabi mo na hindi na sya nakabalik ng buhay nung hinamon nya si Westaria, ibig bang sabihin nun deretso hukay na ang Hugo na yun?" "Deretso talaga ng hukay, gumamit kasi ng pandaraya ang isang 'yun na natunugan ni Westaria kaya ayun pinagpahinga na nya ng tuluyan. Lucky you Paxton dahil hanggang mga pasa lang ang binibigay nya sayo." May paghangang sambit ni Darren na ikinaalis ni Paxton sa pagkakasandal nya at mataman na tinitigan ang kaibigan "Sa tono ng pagkukwento mo Villegas parang hangang-hanga ka sa Westaria nay un ah?" pag aakusa ni Paxton na bahagyang ikinatawa ni Darren "Sinong hindi hahanga sa kanya? Biruin mo Paxton, nakuha nya agad ang pagiging Emperor ng North bound ng hindi masyadong pinagpawisan, aba! Maraming nahirapan na kunin ang pwestong yun sa dating Emperor na si Ahmon pero nag iisa si Taz Westaria na naka agaw sa pwestong inaasam ng karamihan. Lahat ng nasa Underground Society takot sa kanya,kung wala nga lang parusa ang kusang pagbitaw ng pwesto ko bilang Master lilipat ako sa North bound dahil nakaka proud kahit member lang sa sinasakupan nya basta sya ang Emperor ko, pero wala din naman akong masasabi sa Emperor namin kaya baka magdalawang isip ako na lumipat sa North bound." "Ano namang nangyari dun sa dating Emperor? Yung Ahmon ba yun?" "Simula ng makuha ni Taz ang pwesto nya bilang Emperor ng North bound ay hindi nya na muling binawi ang nawalang rank nya. Ang alam ng lahat ay nagpa-alam si Ahmon sa mga founder na aalis na sya ng Underground Society. Malaki ang binayad na danyos ni Ahmon para payagan syang makaalis ng Underground Society na barya lang sa kanya, wala naman syang masyadong nakalaban na talagang gustong-gusto syang bawian kaya walang naging problema si Ahmon kahit hindi na sya sakop ng batas ng Underground Society." kwentong pahayag ni Darren na ikinatango ni Paxton. Mas na-realize ni Paxton na marami parin syang dapat malaman sa Underground Society na gustong-gusto nyang pasukin. "Ano nang nangyari sa Ahmon na 'yun? Sinayang lang nya ang rank nya." Sambit ni Paxton na bahagyang ikinatango ni Darren. "Yeah! Sinayang nga nya ang pwestong meron sya pero sa tingin ko balewala yun sa kanya, may mas magaling at mahusay naman na bagong Emperor ang pumalit sa kanya para mamuno sa North bound." "Tss! Huwag mong masyadong hangaan ang lalaking 'yun, makukuha ko din ang rank na hawak nya." Pahayag ni Paxton na biglang inakbayan ni Darren na ikinangiwi naman nya kaya malakas nyang naitulak ang kaibigan palayo sa kanya. "Tangna Villegas! Kaibigan kita pero huwag mo muna akong hawakan kahit sa anong parte ng katawan ko ngayon. Peste, masakit na nga ang katawan ko tinatapik mo pa." Ngiwing sambit nti Paxton na ginagalaw ng dahan-dahan ang kanyang balikat na mukhang napuruhan ni Ta na ikinangiti nalang ni Darren. "Hindi ko alam Paxton kung maawa ako sayo o tatawanan na lang kita ngayon eh, ilang beses ka na bang nababalian sa kagustuhan mong agawin ang rank ni Westaria, pitong beses na ata parang trip mo pang dagdagan ah. Saang parte naman ng katawan mo ang gusto mong ipabali sa kanya para naman aware ako." "Gago!" Tinawanan nalang ni Darren ang kaibigan pero lingid sa kaalaman ni Paxton ay labis syang hinahangaan ng kaibigan dahil sa pinapakitang diterminasyon para sa kagustuhan nitong matalo si Taz. "Matanong ko lang bakit madalas ko lang Makita ang Emperor nyo sa West bound?" Usisang tanong ni Paxton na ikinangiti naman ni Darren. "Si Emperor Alpha ay abala sa pagiging stalker ng first love nya." Napangisi nalang si Paxton sa nalaman tungkol sa Emperor ng West bound, hindi nya akalain na maliban sa bound na hawak nito ay nagagawa paring ipagsabay ang tungkol sa lovelife nito na hinding-hindi naman mangyayari sa kanya at 'yun ang sisiguraduhin nya. "Sabihin mo sa Emp nyo baka ang first love nya ang maging dahilan para mapabayaan nya ang bound na dapat tinututukan nya." "Alpha Ruiz Saavedra, remember the name of our Emperor Paxton, multi tasker 'yun." Pahayag ni Darren na ikinailing lang ni Paxton. "Oo nga pala, nabalitaan ko na sinasali ka ng mga kaibigan ni Emp sa grupo nila sa Phantom DX Gang ah, bakit imbis na kalabanin mo si Westaraia sa rank nya bakit di ka nalang sumali sa grupo nya?" tanong ni Darren na ikina-poker face ni Paxton "Gago ba ako ha Villegas? Bakit naman ako sasali sa grupo ng mortal kong kaaway ha? Hindi pa ako nababaliw para gawin yun." Tangging angal ni Paxton na ikinangiti lang ni Darren Ilang beses na syang kinulit ng mga kaibigan ni Taz na sumali sa grupo ng mga ito pero tumatanggi lang sya. Huling beses na kinulit sya ng mga ito ay sa isang firing stadium kung saan nagkita sila ni Taz at muntik na silang magbarilan nung araw na 'yun pero napigilan lang sila ng mga kaibigan nito. "Common Paxton, mukha namang bagay ka sa grupo ni Westaria, makakapasok ka na dito sa Underground Society ng hindi humihingi ng tulong ko. Ang Phantom DX Gang ang nag iisang grupo na hinayaan ng mga founder na makapasok sa Underground. Malay mo maging best buddy mo ang taong tinuturing mong kaaway." "Ipinamimigay mo ba ako sa mga 'yun ha Villegas?" asar na reklamo ni Paxton kay Darren na bahagyang ikinatawa lang nito. "Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga." "Sapakin kaya kita Villegas! Hindi ako natuwa sa joke mo." "But realtalk Paxton,magiging official member ka ng Underground Society na hindi na humaharap sa anim na founders. The rituals they do to those who wants to here was un-imaginable." Seryosong pahayag ni Darren na ngayon lang nakita ni Paxton sa kaibigan. Ilang beses nyang sinabi kay Darren na gusto nyang maging tunay na member ng West bound pero tinatanggihan sya ng kaibigan. Ayaw ni Paxton na maging visitor lang sya ng Underground Society , natigil lang sa pangunglit noon si Paxton ng malaman nya ang pinagdaanan ni Darren bago sya payagang makapasok sa Underground Society na kasama ang kaibigan.Nakatanggap ng isang daang hagupit si Darren sa mga cartier ng mga founders, cartier ang tawag sa mga taga parusa ng mga founders. Nalaman din ni Paxton na tulad ni Darren ay nakatanggap din si Taz ng hagupit ng mga cartier dahil sa mga kaibigan nitong dinala nito sa Underground Society. "Nagawang mai-approved ni Taz sa mga founders ang Phantom DX Gang kahit mabigat na parusa ang kapalit. Ngayon, kung tatanggapin mo ang alok nila na sumali sa gang nila magiging official member ka ng North bound kaya dapat mong pag isipan ang alok nila." Pahayag pa ni Darren sa kaibigan. Bumuntong hininga si Paxton bago tumayo sa kinatatayuan nya at inayos ang sarili na nagtatakang sinundan lang ng tingin ni Darren sa kaibigan. "Magpapahinga na ako, ikaw din baka kailangan mo nang magpahinga kung ano-ano kasi sinasabi mo dyan. Tss! Kahit kalian, pumuti man ang kalabaw sa buong pilipinas hindi ako sasali sa grupo ni Westaria." Nakasimangot na sambit ni Paxton na ikinatango nalang ni Darren. "Mukha ngang kailangan mo ng magpahinga, ingat ka sa paglabas ng Underground Society baka pag initan ka dyan ng mga taga hanga ni Westaria. Isa pa, think what I said to you." payo ni Darren na ikinatango nalang ni Paxton at iniwan na si Darren sa café. Nakasimangot lang si Paxton habang naglalakad at tinutungo ang labasan ng Underground Society, hindi nya maisip kung anong pumasok sa isip ng kaibigan para sabihin na bagay syang sumali sa grupo ni Taz gayong ang pagka Emperor nito ang gusto nya lang makuha. "Hindi ako gago para sumali sa Phantom DX na 'yan! Psh, makukuha ko din ang rank ng Westaria 'yun kaya paghandaan nya ang pagbawi ko." Sambit ni Paxton na natigilan sa paglalakad ng harangan sya ng apat na lalaking masama ang tingin sa kanya. "Woy! Kung makatingin kayo parang naghahamon kayo ng bali sa katawan nyo ah! Ano bang atin mga pare?" tanong ni Paxton na lalong ikinasama ng tingin ng limang lalaking nakaharang sa daanan nya. Binalaan na sya ni Darren tungkol sa mga pwedeng humarang sa kanya dahil sa lagi nyang paghahamon kay Taz, isa pa sa ikinaiinis ni Paxton kay Taz ay marami sa Underground Society ang mataas ang respeto sa kanya na gusto nya din makuha. "Gusto lang namin makita ang lalaking malakas ang loob na naghahamon kay Emp, pipitsugin lang pala kaya lagi kang napapatumba ng Emperor namin." Ngising pahayag ng isa sa mga lalaki na binigyan lang ng malokong ngiti ni Paxton. "Mawalang galang na mga pare ha, kung makasabi kayo nang pipitsugin eh parang hindi kayo ganun ah. Hindi ko inaasahan na pipitsugin din ang mga humahanga kay Westaria." "Ang yabang pala ng isang 'to eh! " Natatawang nagpamulsa si Paxton sa harapan ng limang lalaki bago nya ito bigyan ng mapang insulting tingin. "Kung naghahamon kayo ng away hindi ko naman kayo uurungan, kahit sumasakit ang buong katawan ko ngayon sa loob ng limang minuto mapapagapang ko kayo sa lupa. Pero mas maganda kung hamunin nyo nalang ako pag ako na ang Emperor nyo." Nakita ni Paxton na mukhang napikon nya ang limang lalaking humarang sa kanya, inihanda ni Paxton ang kanyang sarili sakaling mag umpisang sugurin sya ng mga lalaking 'yun. "Mukhang may away dito ah? Lima laban sa isa parang hindi naman ata patas yan." Sabay-sabay na napatingin si Paxton at ang limang lalaki sa apat na lalaking ikinatigil ng limang lalaki ng makilala nila ang apat na bagong dating. "E-emp, i-ikaw pala, niyayabangan kasi kami ng isang 'to kaya tuturuan lang naming ng leksyon." Nauutal at halatang kinakabahang sambit ng isang lalaki na iknasingit ni Paxton "May ipagmamayabang naman talaga kasi ako kaysa sa inyo, sa mukha pa nga lang talon na kayo eh." Sambit ni Paxton na kita nyang ikinaasar ng apat na lalaking humarang sa kanya "Aba't—" "Enough!" seryosong sita ni Taz na parang masusunuring aso na ikinatahimik ng limang lalaki at ikinaseryoso lang ng mukha ni Paxton na nakatingin kay Taz. "No one can fight against him, who dare to hurt him will be given a punishment by me, Understand?" Malamig na pahayag ni Taz na sabay sabay ikinatakbo paalis ng limang lalaki na ikinasama ng mukha ni Paxton. "Hindi ako magpapasalamat sa'yo Westaria, maninigas muna ako sa kinatatayuan ko bago ko gawin yun." Pahayag ni Paxton na ikinangiti ng tatlong lalaking kasama ni Taz. "Tss! Who told you that I need your thank you? If you want to get even on me or get my rank as the Emperor of North bound, make yourself more powerful to defeat me Ignacio. Let's go Kiosk." Pahayag ni Taz bago naunang umalis at naiwan ang tatlo nitong kasama. "Just wait Westaria! darating din tayo dyan, matatalo din kita." Sigaw na sambit ni Paxton na hindi man lang nilingon ni Taz "Kung ako sayo Paxton sumali ka nalang sa grupo namin, mabait naman na lider si Taz di lang halata." "Huwag mong pilitin ang ayaw Lancellot, hayaan mong kusang sumali si Paxton sa atin." "Tama si Ford, hintayin nalang natin na magbago ang isip ni Paxton." Naiiling na nilagpasan ni Paxton ang tatlong kaibigan ni Taz at dere-deretsong naglakad palabas ng Underground Society. Simula ng makilala ni Paxton sa firing stadium ang mga kaibigan ni Taz ay kinulit na sya ng mga ito na sumali sa grupo nila at agad nyang tinanggihan ng malaman nyang ang mortal nyang kalaban ang lider nito.Bigla nalang pumasok sa isip ni Paxton ang isang tanong bago bahagyang nilingon ang mga kaibigan ni Taz na kasabay nitong maglakad. "Alam kaya ng mga kaibigan ng mga 'yun ang parusang tinanggap ng lider nila para makapasok sila sa Underground Society at maging parte ng North bound?" bulong na tanong ni Paxton sa sarili na ikinaungos na lang nya. "Ano bang pakielam ko sa mga 'yan?" naiiling na sita ni Paxton sa kanyang sarili na ikinabuntong hininga na lang nya. "Aish! Bigla akong nauhaw dahil sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan ni Westaria, asa naman silang sasali ako sa grupo nila." Sambit na agad sumakay sad ala nyang motor at umandar na palayo sa Underground Society. Naghanap si Paxton ng mini store para makabili ng inumin at ng may Makita syang 7/11 ay agad syang nagpunta ditto at pinarada ang motor at dere-deretsong pumasok sa loob. "Makabili nga muna ng maiinom bago umuwi, malamang masesermunan na naman ako ng mga ampon ko pag nakita nilang may paasa ang gwapo kong mukha." Pahayag ni Paxton sa kanyang sarili bago naglakad at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng 7/11. Dumeretso si Paxton sa malaking fridge kung saan nakalagay ang mga inumin at ng makita nyang nag iisa nalang ang inumin na nagustuhan ng mata nya ay agad nya itong kinuha pero natigilan sya ng hindi lang sya ang nakahawak sa inumin na gusto nya poker face nyang nilingon ang magiging kaagaw pa nya sa gusto nyang inumin na bahagya nyang ikinatigil ng isang magandang babae ang magiging kaagaw nya. "If I were you Mr. bibitawan ko na ang inumin na 'to, ako unang nakakita dyan kaya bilang isang lalaki dapat mag give way ka sa isang babae." Pahayag ng babae na ikinangisi nalang ni Paxton. "Teka lang Miss ha! Ako kasi ang unang dumampot ng inumin na 'yan so it means, ako ang naunana dito. Hindi ako gentleman kaya bitawan mo na Miss." "Ayoko nga! Favorite ko ang inumin na ito eh!" angal ng babae na kahit naku-kyutan si Paxton ay hindi nya pwedeng ibigay ang inumin na alam nyang sya ang unang dumampot "Nananakit din ako sa babae kaya pwede ba bitawan mo n—" hindi natuloy ni Paxton ang sasabihin nya ng magulat sya ng makatanggap sya ng malakas na hampas mula sa magandang babae na masama na ang tingin sa kanya. "Hoy! Bubwit na babae naghahanap ka ba ng away ha?" inis na sita ni Paxton na ikinabitaw ng magandang babae sa inumin na parehas nilang nagustuhan at masamang tingin na tinitigan ng magandang babae si Paxton. "Napaka un-gentleman mong nilalang ka! Hindi ka ba tinuruan sa paaralan mo na dapat ginagalang at nirerespeto ang isang babae!" "Excuse me lang Miss ah, sa paaralan kasi na pinanggalingan ko di uso ang ganyan, pantay-pantay lang dapat ang babae at lalake kaya pwede ba huwag ka ng makipag talo sa akin. Kababae mong tao nakikipag bangayan ka sa lalake." Pahayag ni Paxton nanginisian lang ang magandang babae bago ito tinalikuran. "Maganda sana amazona naman ang ugali, ang lakas ng hampas nya ah." Kumento ni Paxton na hinaplos ang braso nyang nakatanggap ng malakas na hampas mula sa magandang bababe. "Next time magdikit kayo sa fridge nyo ng first come first serve para walang nahahampas!" pahayag na sermon ni Paxton sa kahera ng makarating sya sa counter para magbayad na ikinatango nalang ng kahera. Napalingon nalang sya sa magandang babaeng nanghampas sa kanya na dere-deretso na lumabas ng 7/11. Napailing nalang si Paxton bago lumabas ng store at natigilan nalang sya ng makita nya ang magandang babae na parang nakikipagtalo sa kasama nitong lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD