Episode 7 Part II

2898 Words
"Sabi ko na kasi sayong huwag na tayong dumaan dito eh! Dapat nasa bahay na tayo at ginagawa ang dapat nating gawin." Inis na sambit ng lalaking kasama ng magandang babae na kita parin ni Paxton na nakasimangot. "Gusto ko ng umuwi Francis, ihatid mo na ako sa bahay naming. Ayoko nang tumuloy sa bahay nyo." "WHAT?! Anak ng—hindi pwede yun, pumayag ka na sumama sa bahay ko tapos biglang aayaw ka?" Hindi sa chismoso si Paxton pero nakita nalang nya ang sarili nyang dahan –dahan na lumalapit di kalayuan sa pwesto nung dalawa na mas naririnig nya na ang pag-uusap. "Next time nalang natin tapusin ang report papers natin Francis, iuwi mo nalang ako. Kung yaw mo naman tatawagan ko nalang ang kuya ko para sunduin ako dito, sige na umuwi ka na." pahayag ng magandang babae na humampas sa kanya na ikinasalubong ng kilay ni Paxton ng bahagyang napahiyaw ang babae sa biglaang paghawak ng kasama nitong lalaki sa braso nito. "Ano ba Francis, nasasaktan ako sa hawak mo." "Ikaw kasi eh! Pinasabik mo lang ako. Akala mo ba talagang report papers natin ang gagawin natin sa bahay ko? Ofcourse not! Matagal na kitang nililigawan Erza kaya dapat ngayong gabi makuha na kita." Ngising sambit ng lalaking kasama nito bago pilit na hinihila papasok sa kotse nito ang magandang babae na bakas na sa mukha ang takot at kaba sa balak ng kasama nit "Bitawan mo ko Francis! Isusumbong talaga kita sa kuya ko!" "Anong magagawa ng Kuya mo? Huwag ka na ngang pakipot!" Nakikita ni Paxton ang pagpupumilit ng lalaki sa magandang babae na pumasok sa kotse nito, hindi sana pakikielaman ni Paxton ang problema ng babae dahil sa paghampas nito sa kanya pero natigilan sya sa akmang pagtalikod nya ng makita nya ng umiiyak ang magandang babae dahil sa pagmamakaawa. Natagpuan nalang ni Paxton ang sariling mabilis na lumalakad papunta sa pwesto nung dalawa at agad hinagilap ag braso ng lalaki bago ito malakas na sinuntok ang mukha nito na pabagsak na ikinasalampak nito sa lupa. "Damn! The f*ck are you?" angil ng lalaking sapo-sapo ang labing dumudugo dahil sa malakas na suntok ni Paxton. "Hindi mo dapat kasi pinipilit ang isang babae na ayaw naman sumama sayo, kawalang respeto yun dude!" kalmadong pahayag ni Paxton na nilingon ang magandang babae na napaupo sa lupa habang umiiyak na nakatingin sa kanya. Biglang nag init ang dugo ni Paxton sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagpapaiyak sa magandang babae na hindi nya alam kung bakit kailangan nyang maapektuhan sa ginawa ng kasama nitong lalaki. Matalim na tingin ang ibinalik ni Paxton sa lalaki na nakatayo na sa pagkakasalampak nito sa lupa. "Pwede ba huwag kang makielam, problema naming magkasintahan 'to. Erza tumayo ka dyan, tara na." tawag nito sa magandang babae na ikinangisi ni Paxton "Wag nga tayong mag gaguhan dito pare, hindi mo kailangang pilitin ang babaeng 'yan kung girlfriend mo nga 'yan, eh ayaw nga sumama sayo. Kung ayaw mong madagdagan ng putok yang mukha mo pwede ba umalis ka na sa harapan ko." "Mag uusap tayo ulit Erza." Galit na pahayag ng lalaki na agad sumakay sa kotse nito at iniwan sila "Duwag naman pala ang isang 'yun eh! " ngising kumento ni Paxton bago muling nilingon ang magandang babae na humihikbi nalang sa pagkaka upo nito sa lupa na buntong hiningang ikinalapit ni Paxton at paluhod na umupo sa harapan nito. "Kanina ang tapang mo sa harapan ko tapos sa lalaking kasama mo tiklop ka, dapat hinampas mo din ang gagong 'yun nung pinipilit ka nya." Pahayag ni Paxton sa babae na agad pinunasan ang mga matang hilam ng luha. "Anong magagawa ng isang magandang babae na walang laban? Kilala ko si Francis, baka saktan nya ako pag hindi ko sinunod ang gusto nun." "Wow ha! So kanina nung sinabi kong nananakit ako ng babae hindi ka natakot? Akala mo nagbibiro ako kanina kung hindi mo binitawan itong inumin na gusto ko." Pahayag ni Paxton na itinaas pa ang inumin na hindi nya ibinigay sa babae. "Mukha kang sanggano oo, pero hindi naman halata sayo na kaya mong manakit ng babae." Sambit nito na ikinatigil ni Paxton sa harapan ng babae. Agad na tumayo ang babae sa pagkaka upo nya sa lupa at inayos ang sarili na ikinabuntong hininga ni Paxton bago tumayo na din sa pagkakaluhod nya. "Thank you for helping me ha, hindi ko inakala na iba pala ang pakay ni Francis kung bakit gusto nynag sa bahay nya kami gumawa ng report namin, kahit mang aagaw ka ng inumin mabait ka pala." Ngiting sambit ng babae na ikinaungos lang ni Paxton. "Oh, sa'yo na nahiya naman ako sa pamumuri mo sa akin." Pahayag ni Paxton na iniabot ang hawak na inumin sa babae na agad naming kinuha nito "Salamat! Teka babayaran kita." "Huwag na miss, marami akong pera kaya hindi ko kailangan ng pera mo. Kung ako sayo umuwi ka nalang." Nag umpisa nang maglakad paalis si Paxton para makauwi narin sya at makapag pahinga, kailangan nyang mabawi ang naubos nyang lakas para hamunin muli si Taz at makuha na ang gusto nya. Hindi pa masyadong nakakalayo ng tumigil sya sa paglalakad ng maramdaman nya ang isang presensya na sumusunod sa kanya na agad nyang ikinaharap sa magandang babae na malawak ang ngiting nasaikuran nya. "Nabigay ko na ang inumin na gusto mo bakit sumusunod ka pa sa akin?" may pagka iritang sermon ni Paxton na mas ikinangiti lang ng babae. "As you can see kasi Kuya, wala akong dalang sasakyan dahil hindi ako marunong magmaneho. Pinauna ko ng umuwi yung driver ko kasi akala ko talaga report ang gagawin namin ni Francis sa kanila." "Anong pakielam ko kung wala kang sasakyan? Problema ko ba yan?" poker face na angal ni Paxton na ikinanguso ng babae "You help me kanina kaya pwede bang lubusin mo na? Ihatid mo naman ako sa bahay namin." Pahayag nito na ikinatunganga ni Paxton "At bakit ko naman gagawin 'yun? Masakit ang buong katawan ko Miss kaya kailangan kong magpahinga. Hindi porket tinulungan kita eh, obligayon ko ng ihatid ka. Get's mo ko?" sambit ni Paxton bago tinalikuran ang babae "Ginawa pa akong tagahatid eh!" bulong ni Paxton sa sarili "My name is Tanya Kuya." Tumigil sa paglalakad si Paxton at humarap sa babaeng nagpakilalang Tanya na binigyan na naman sya ng malawak na ngiti. "Hinihingi ko ba ang pangalan mo?" "I just feel na sabihin lang sayo ang pangalan ko, mabait ka kasi tsaka matulungin so I trusted you na. Mga trusted people lang ang pinapayagan kong tawagin ako sa first name ko kaya dapat---" "Saan ba ang tangnang address ng bahay mo ng maihatid na kita, ang dami mong sinabi Miss." Inis na sambit ni Paxton na matamis ang ngiting ikinalapit ni Tanya sa kanya. "Bad ang magmura Kuya ha." "This is a free country Miss, I can f*cking cuss whatever I wan—" natigilan si Paxton sa mga sasabihin nya ng makita nyang sumimangot si Tanya na parang umepekto sa kanya. "Saan ba ang bahay mo Miss Tanya ng maihatid na kita at ng tantanan mo na ako." Sambit ni Paxton na ikinaaliwalas na ulit ng mukha ng dalaga. "Ano munang pangalan mo?" "Wengya! Ihahatid ka na nga kai---Paxton ang pangalan ko, Masaya ka na?" poker face n pahayag ni Paxton ng makita nyang sisimangot ang mukha ni Tanya kaya agad nyang sinabi ang pangalan nya. "Nice too meet you Kuya Paxton." "Huwag mo ngang dagdagan ng Kuya ang pangalan ko, kapatid ba kita?" Angal ni Paxton na ikinatango ni Tanya "Okay, so ihahatid mo na ako Paxton?" Natigilan si Paxton ng banggitin ni Tanya ang pangalan nya na bigla ding ikinakabog ng kanyang dibdib na ayaw nyang ipahalata sa dalaga. "Oo na may magagawa pa ba ako feeling close ka na. Let's go, andun sa kabilang side nakaparada ang motor ko. Sumunod ka nalang sa akin, Tanya." "Okay!" -END OF FLASHBACK- "Si Tanya nga pala, does her name sounds very familiar to you Ignacio?" Pakiramdam ni Paxton ay binuhusan ng malamig na tubig ang buo nyang katawan ng banggitin ni Demon ang pangalan ng babae na pagmamay ari ng pinakamamahal nyang namayapang kasintahan. BIglang naramdaman ni Paxton ang pangungulila kay Erza matpos nitong marinig ang pangalan ng babaeng akbay-akbay ngayon ni Demon. "Don't f*ck me Mondragon, don't call her the name of my beloved." Walang emosyong sambit ni Paxton na ikinakunot ng noo ni Tanya. Muling nakita ni Irish ang isang emosyon na nakita nya kanina sa mga mata ni Paxton, nakikita nya ang pangungulila sa mga mata ng binata na hindi nya malaman kung bakit yun ang nakikita nya sa mga mata nito. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo pero yun talaga ang pangalan ko, I'm Tanya Iris---" "SHUT THE F*CK UP! THAT'S NOT YOUR NAME, THAT NAME DOES NOT F*CKING SUIT ON YOU WOMAN!" sigaw ni Paxton kay Tanya na ikinagulat nito "Ma-masama a-ang mag-mura..." "SHUT UP!!!" "Hey! Ignacio, don't shout at her." Sita ni ToV kay Paxton na agad nilapitan ni Travis at agad inilayo sa harapan ni Tanya na gulat sa naging reaksyon ni Paxton "F*ck Amadeus! Tell me that it's not her f*cking name!" malamig na pahayag ni Paxton kay Travis na sinilip ang kinatatayuan ni Tanya. "Wala naman tayong magagawa tol kung parehas sila ng pangalan eh. Kalma ka lang okay." "F*ck!" Hindi alam malaman ni Irish kung bakit ganun ang naging reaksyon ni Paxton ng malaman nito ang pangalan nya, gusto nyang tanungin ito pero sa nakikita nyang itsura ng binata ay natatakot syang muling masigawan nito at maging dahilan pa para atakihin sya ng sakit nya. "M-may mali ba sa pangalan ko Demon?" tanong ni Tanya kay Demon na rinig nyang ikinabuntong hininga nito na agad nyang ikinalingon dito. "Huwag mo nalang pansinin ang gago kong kaibigan, epekto lang 'yan ng sakit nyang hindi makalimot." Sambit ni Demon na ngiting nilingon si Tanya "May kasama ka ba dito sa Sky Garden? Samahan na kita pabalik sa kanila." Aya ni Demon na ikinatango nalang ni Tanya. Ayaw man ng dalaga pero mukhang hindi ito ang tamang araw para kilalanin ang lalaking gusto nya. "Kiosk, ihahatid ko lang si Tanya, kayo na muna ang bahala sa tangnang 'yan." Paalam ni Demon kina Balance na ikinatango ng mga ito Hinila na ni Demon si Tanya na wala ng nagawa kundi ang tingnan nalang ang likuran ni Paxton habang papalayo sya. Hindi alam ni Tanya kung anong meron sa pangalan nya para magalit ng ganun si Paxton, iniisip nya nab aka wrong timing sya at susubukan na lang nya sa susunod na lapitan ito. Naiisip nya makikita pa naman nya ang binata at nararamdaman nya 'yun. "Next time na makakasalubong mo ang madrama kong kaibigan, can you tell him your name again. Baka sakaling magising na sa katotohanan ang lukong 'yun." Sambit ni Demon sa kanya na bahagya nya nalang na ikinangiti Hindi nya alam kung anong meron pero kahit nakita nya ang ugali ni Paxton, gusto nya paring makilala ito bagamat iba ang reaksyon nito sa pangalan nya. "Huwag mo nalang masyadong isipin ang reaksyon ni Paxton kanina, inatake lang ng kadramahan eh." Sambit ni Demon kay Irish na walang imik "May problema ba sya sa pangalan ko? Nung tinawag mo kasi ako sa pangalan kong Tanya parang nagalit sya. May kagalit ba sya na katulad ko ang pangalan?" mga tanong ni Irish na parehas nilang ikinahinto nila ni Demon sa paglalakad. Umalis si Irish sa pagkaka-akbay ni Demon sa kanya at humarap sa binata na maraming katanungan dahil sa nangyari kanina. "Wala lang 'yun kaya huwag mo nalang pansin." Sagot ni Demon na ramdam ni Irish na may ayaw itong sabihin sa kanya. Ayaw nyang matawag na feeling close ni Demon dahil sa tanong na gusto nyang sagutin ng binata, hindi pa naman kasi sila ganun magkakakilala. Dalawang beses palang sila nagkikita at ayaw nitong isipin na interesado sya sa kaibigan nito. Pero hindi nya alam kung bakit may pakiramdam sya na at ease sya sa kasama na parang ok lang na magtanong sya dito kaya muling tinitigan ng seryoso ni Irish si Demon na nahalata ng binata. "That stare of yours Tanya, you're not a quiter are you?" "Gusto ko lang malaman Demon, ang totoo kasi nyan g-gusto kong makilala ng mabuti si Paxton." Pa g-amin ni Irish na agad naman nyang ikinaiwas ny ng tingin kay Demon dahil sa pag-amin nya. "Ey ey ey! Interesado ka ba sa kaibigan ko?" may ngising tanong ni Demon kay Irish na mas lalo nitong ikinayuko dahil sa hiya. "That's bad, get interested with my friend is not really a good idea." Pahayag pa ni Demon na nagging dahilan para muling lingunin ni Irish si Demon na nakatingin parin sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" "Pag interesado ka na sa isang tao ibig sabihin may nararamdaman ka na para sa taong yun, wala akong alam tungkol sa ganyan pero na immune na ako dahil sa mga kaibigan kong tinamaan ni kupido. Magaan ang loob ko sayo kaya ngayon palang ayoko kitang masaktan pag lumalim 'yang pagka- gusto mo kay Paxton, lalo na dahil sa pangalan mo." "Wala akong maintindihan sa mga sinabi mo Demon pero siguro tama ka. Hindi ko alam kung paano ako nagka gusto sa kaibigan mo basta naramdaman ko lang ito noong nakita ko sya sa JEYA at nagreak din sya sa kinanta ko noon tulad ng kanina, hindi na sya nawala sa isipan ko. Hindi ba ako pwedeng magka gusto kay Paxton? Ano bang meron sa pangalan ko?" Pinakatitigan lang ni Demon si Irish na nakikita nyang totoo sa nararamdaman nya para sa kaibigan na alam nyang hindi pwede dahil sa sitwasyon ni Paxton na hanggang ngayon ay di malimutan ang nawalang pinakamamahal na nobya. Gustong isipin ni Demon na baka matulungan ni Irish si Paxton na kalimutan ang nakaraan tulad ng ginawa ni Gail kay Taz pero alam nyang mag-kaiba ang sitwasyon ang kay Taz at kay Paxton. "Wala ako posisyon para sabihin sayo na huwag si Paxton ang gustuhin mo, hindi ko akalain na may kahulog-hulog sa lalaking 'yun." Nailing na sambit ni Demon na ikinakunot ng noo ni Irish "Siguro mukhang kailangan mong ngang kilalanin si Paxton then it's up to you kung patuloy mo syang gugustuhin." Ngiting pahayag ni Demon na ipinatong ang kanang kamay sa ulunan ni Irish "Ma-makikita ko ba sya ulit? Ang tagal ko syang hinanap baka matagalan ulit bago ko ulit sya Makita." "Huwag mong alalahanin ang part na 'yan Tanya, baka bigla mong nakalimutan na kaibigan ko ang gago na 'yun, kung nasaan ako nandun 'yun maliban nalang kung magiging busy yun sa negosyo nya." Pahayag ni Demon na biglang ikinasaya nya pero hindi nya pinahalata sa binata "Saan ko sya makikita?" Malawak na ngumiti si Demon at inilahad sa harapan ni Irish ang mamahalin nyang cellphone na ikinatitig ni Irish dito "Put your contact number here, I'll text you the date, place and time." Hindi na nagdalawang isip si Irish kaya agad nyang kinuha ang cp ni Demon at inilagay ang number nya bago binalik kay Demon na agad din naman nitong na save. "Mabubugbog ako ni Ignacio but I hope it will work." Sambit ni Demon na sabay nilang ikinalingon sa dalawang taong sinisigaw ang pangalan ni Irish habang tumatakbo ang mga ito palapit sa pwesto nila. "TANYA!!!" Agad na niyakap ni Mel si Irish ng makalapit ito sa dalaga at agad inulan ng sermon ang kaibigan. "Pinag-alala mo ko Tanya! Dapat bumalik ka kaagad nung nahiwalay ka sa amin, muntik na akong atakihin sa puso ng dahil sayo. Malalagot pa ako kay Orlin pag may nangyari sayo." Mangiyak-ngiyak na pahayag ni Mel na ikinaalis ni Irish sa pagkakayapos nito sa kanya. "Sorry kung napag alala kita Mel, sorry din Kuya Tomi." "Don't say sorry princess, ang mahalaga okay ka at walang nangyari sayong masama." Ngiting sambit ni Tomin a sabay nilang ikinalingon kay Demon na nakatingin lang sa kanilang tatlo na agad namang nakilala ni Tomi. "Sir Demon kayo pala." "Kamusta Tomi, mukhang malapit na kaibigan ka ni Tanya ah." Pahayag ni Demon na ikinatango ni Tomi Samantala, hindi naman mawala ang pagkaka titig ni Mel kay Demon na napansin niIrish kaya agad nya itong tinapik sa balikat na ikinalingon nito sa kanya at tinapunan ng nagtatakang tingin. "Paano ba 'yan Tanya, mauna na ako at baka hinihintay na akong makabalik ng mga kaibigan ko. See yah!" paalam ni Demon bago sila nito talikuran at iwan. "Mabuti pala princess isa sa kaibigan ng Boss ko ang nakakita sa'yo." Sambit ni Tomin a ikinatango ni Irish "Teka lang guys ha? Ako lang ba ang nakapansin?" nagtatakang tanong ni Mel na ikinalingon nina Tomi sa kanya "Nakapansin ng ano Rosie? Don't tell me nahulog ka sa kagwapuhan ni Sir Demon?" "Baliw! Hindi mo talaga napansin Kuya Tomi? Irish ikaw, nakasama mo sya kanina hindi mo lang napansin?" "Ang alin ba?" takang tanong ni Irish na ikinalingon naman nilang dalawa kay Tomi ng tumunog ang cp nito. "Okay! Naandito na sa Sky Garden si Orlin, tara na." aya ni Tomi na ikinatango ni Irish Sabay na naglakad sina Irish samantalang si Mel ay nakatayo lang at hindi parin mawala sa isipan ang napansin nya sa nakita nyang kasama ni Irish. "Talaga bang hindi nila napansin 'yun? Ako lang ba talaga ang nakapansin sa nakita ko sa lalaking 'yun?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD