Chapter 2
"Jane? Wake up..." I heard that voice. Si Carlie.
"Bakit hindi gumigising ang bestfriend ko?! Doc! Gumawa kayo ng paraan! Huwag ninyong hayaang mamatay sa sobrang kilig ang bestfriend ko! Nakakahiya kapag 'yon ang nailagay sa death certificate nya! Do something!" ang madrama pang wika nya.
Bwisit.
Hindi na talaga titigil itong si Carlie.
Magigising na sana ako pero nang marinig ko na naman ang pagpapahiya nya sa akin ay parang ayoko ng imulat ang mga mata ko.
Wait, bakit ba kasi ako nandito? Bakit ba ako nahimatay?
Tama.
Nang dahil pala iyon sa pag-ask sa akin ng crush ko for four years na makipag-date sa kanya. At nang maalala ko 'yon ay parang gusto ko nalang lamunin ng lupa mula sa kinahihigaan ko. Gosh, nakakahiya ako! Nakakahiya talaga!
"Jane?" I heard Justin's voice.
Tulog ako. Tulog ako. Hindi kita naririnig. Hindi kita
naririnig. Lalalalala...
"Hm? Gising na ba sya?" si Erik.
"Eeer...I don't know. I saw her move her eyes." Oh gosh.
Ayoko na talagang imulat ang mga mata ko! Ayoko talaga! Wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanya!
"Jane? Gising ka na best? Sige na, wag ka ng mahiya kay Justin kung nahimatay ka sa sobrang kilig. He doesn't mind it naman eh."
Bwisit. Mapapatay ko na talaga tong si Carlie.
Mapapatay ko na talaga sya!
Pero kailangan ko na talagang imulat ang mga mata ko bago pa man madagdagan ang pagpapahiya sa akin ng baliw kong bestfriend.
I slowly opened my eyes and the first thing I saw is that blinding light that's coming inside from the window.
Pero pakiramdam ko ay bigla nalang nanindig ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan nang makita ko na naman ang figure ng lalaking iyon na nakatayo sa may bintana. Nakatingin lang sya sa akin dahilan para mas manlamig ako mula sa kinahihigaan ko. Pero hindi ko lang makita ng maayos ang mukha nya nang dahil sa blurry pa ang paningin ko.
Mabilis ko namang kinamot ang mga mata ko para makakita ng maayos. Pero nang tignan ko ulit ang bintana ay katulad ng dati, ay bigla nalang syang nawala.
Am I beginning to hallucinate again?
"Jane?" ang nag-aalalang boses ni Justin ang pumukaw sa akin. "Are you okay?"
At kahit hindi pa ako nakaka-move on mula sa nakita ko, ay nilingon ko nalang ang tatlong mukha na ngayon ay nakatingin sa akin.
"I'm okay..." I whispered.
***
"Anemic po kayo Ma'am kaya kayo nahimatay. You need to get some rest and eat a balance diet. I also recommend you to take some iron supplements," ang paliwanag ng doctor habang nakaupo parin ako sa kama.
"So, hindi po sya nahimatay dahil sa sobrang kilig?" si Carlie.
Sa totoo lang ay kung hindi lang ako hinang-hina ngayon ay baka nasakal ko na sya.
Required na ulit-ulitin 'yon?!
Nakakahiya na talaga kay Justin...
Sinilip ko sya sa sulok ng mga mata ko pero pinagsisihan ko kaagad iyon when I caught him staring at me too. Mabilis ko nalang na binawi ang paningin ko at namumulang napatingin sa ibaba.
"Actually no, stress lang sya at kulang pa sya ng pahinga," ang sagot ng doctor.
"Stress?" ang takang pag-uulit ni Carlie saka sya mabilis na lumingon sa akin at madramang hinawakan ang magkabilang braso ko. "Best! Saan ka ba nai-stress?!"
Sayo, bwisit ka.
"So pwede na po ba syang umuwi?" si Erik.
"Pwede na. Niresetahan ko lang sya ng iron supplements so you can take her home now."
Napahinga naman ng malalim si Justin. "That's great. Pwede ka ng umuwi," he said.
He looked at me and smiled while I felt my cheeks burning.
"Oo nga, best! Umuwi ka na! Pero hindi kita masasamahan dahil naalala kong puputulan ko pala ang kuko ko ngayon!" si Carlie saka sya dali-daling lumabas habang hila sa kamay si Erik.
"Ah, oo!" Si Erik naman. "Naalala ko din na ako ang may- ari ng nail cutter! Bro, ikaw na ang bahala sa kanya ha! Mauna na kami!"
"W-wait!" ang sabay pa naming tawag ni Justin pero nakaalis na sila.
So I was left there kasama si Justin na mukhang natahimik din. Hindi kami nagsalita. Gusto ko syang tignan pero baka mahuli na naman nya ako.
Then I heard him clear his throat.
"S-so ako nalang ang maghahatid sa'yo. Kaya mo na bang tumayo?" he asked at hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan sya.
"A-ah, oo." Saka ako tumayo mula sa kama.
Naging tahimik lang kami habang naglalakad palabas ng hospital.Walang nagsasalita sa amin at parang naghihintayan lang kami. Ang awkward lang na nakakakilig.
Alam mo 'yong feeling na first time mong makasama ng ganito katagal ang crush mo? At binantayan ka pa nya sa hospital? Gosh, ayoko na! Baka himatayin na naman ako sa kilig!
Pero hindi, kailangan ko syang kausapin. Now's my chance!
Baka nga magkaka-lovelife na ako!
"Ano---" ang sabay naming wika.
"Oo nga pala---" nagsabay na naman kami.
Bigla kaming napatawa and that awkwardness na na-feel namin ay unti-unti ng nawala.
"Ikaw na ang mauna," ang sabi ko. At parang hindi narin ako nahihiya sa kanya.
Sa laki ng kahihiyan ko kanina, ay ngayon pa ba ako mahihiya?
"Hindi, ikaw na." Ang nakangiting sabi naman nya. "Hindi, ikaw na ang mauna. Hindi naman importante ang
sasabihin ko eh." I said and looked down.
"A-ano..." he cleared his throat. "S-so, what is your reply?"
"Ha?"
"Anong sagot mo doon sa tanong ko? Pwede ka ba?" "Pwede saan?" ang takang tanong ko.
Teka, may itinanong ba sya sa akin kanina?
"D-doon...sa you know, date. Pwede ka ba mamayang gabi?" he stopped from walking and looked at me. Parang binabasa nya ang isip ko.
I was flustered. Gosh! How could I forget that?! He just asked me to a date?!
"Eh kasi..." I mumbled.
Teka, paano ko ba sya sasagutin?! Ito ang first time na may gustong makipag-date sa akin! And of all people ay si Justin Olivar pa!
"Please?" and now he's begging.
How could I say no to such a handsome face?
So I gave up.
Ngumiti ako at nilingon sya. "Okay, let's have a date."
His eyes widened na para bang hindi makapaniwala pero mabilis parin syang ngumiti.
"Okay, I'll fetch you at your house at exactly seven-thirty this evening."
Mukhang excited talaga sya.
Pero teka, susunduin nya daw ako? Eh wala pa nga akong maisusuot mamayang gabi eh! Teka, kailangan ko munang mag- shopping ngayon! Ayokong pumunta sa first date ko with my crush na mukhang basahan!
"Ah, wag na! Wag mo na akong sunduin!" He looked confused. "But why?"
"Eh kasi..."
Teka bakit nga ba?
"Eh kasi ayoko ng maabala ka pa. Magkita nalang tayo sa meeting place. But wait, saan ba tayo magkikita?"
He smiled. "Okay. Sa Rose Garden Resto tayo magkita." "Ah sige! Wait, kailangan ko na talagang umalis eh! Kita
nalang tayo doon ha!" ang dali-dali kong sabi saka agad na tumakbo paalis. "Bye!"
Gosh, kailangan kong makabili ng dress!
"Wait!" ang tawag nya pero hindi ko na sya nilingon pa.
Sobrang saya ko.
***
Sa wakas ay matutupad na ang matagal ko ng pangarap na maka-date si Justin. Akalain mo 'yon? Ini-ask ako ng crush ko na mag-date? Hanggang ngayon ay hindi parin talaga ako nakaka-move on sa sobrang saya.
Pinaghandaan ko talaga 'to ng maigi. Bumili ako ng magandang dress at sisiguraduhin kong maiin-love sya sa akin ngayong gabi. Bumili narin ako ng make-up. Tama! Magpapa- make up ako kay Carlie!
Huh, humanda ka Justin Olivar. Mahuhumaling ka sa kagandahan ko ngayong gabi!
Para na akong baliw na nakangiting mag-isa habang naglalakad sa madilim na street na ito.
Sa tagal ng paghahanap ko ng magandang maisususuot na dress ay hindi ko na namalayan na gumabi na pala. Iyon ang ayaw ko kapag pumapasok ako sa mall. Hindi ko napapansin ang oras.
Six pm palang ng gabi pero wala ng tao sa daanan na ito. Puro may mga trabaho kasi ang may-ari ng mga bahay dito idagdag mo pa na ang tataas ng walls ng bahay nila.
Nayakap ko nalang ang sarili ko nang maramdaman na parang lumalamig ang paligid.
Bakit bigla nalang ata lumamig ang panahon?
Saka ako napatingin sa street na nilalakaran ko at nakita ko na ang tanging nagbibigay lang ng ilaw sa paligid ay ang streetlights na nagkalat doon.
And then bigla nalang akong napatigil sa paglalakad. My palms started to get cold.
My knees started to tremble.
Saka ako dahan-dahang nagtaas ng mukha at pakiramdam ko ay nanlamig ang bawat sulok ng katawan ko sa sumunod kong nakita.
There he is.
A figure of a man standing all alone on top of one of the buildings. Sa sobrang dilim ay hindi ko maaninag ang mukha nya. Hindi rin nakakatulong ang streetlights na nasa paligid. Pero teka lang, delikado iyon ah. At adik ba sya? Bakit sya nakatayo doon? At bakit gano'n? Bakit pakiramdam ko ay nakatitig din sya sa akin?
Creepy!
Tatakbo na sana ako pero natigil ako sa paghakbang nang may biglang sumalubong sa akin.
Agad naman akong nagtaas ng mukha at pakiramdam ko ay bigla akong pinanlamigan nang makitang dalawang lalaki iyon na parehong may mga hawak na baril. At good news, nakatutok iyon sa akin.
"Holdap 'to miss! Ibigay mo sa akin ang bag mo!" ang sigaw ng isa.
"Oo nga! Ibigay mo!" ang sigaw naman ng isa.
Adik ba 'to? Inuulit nya lang ang sinasabi ng kasama nya.
Pero nagkamali sila ng kinalaban. Huh, tinuruan ata ako ni Erik ng pang-defense na martial arts!
"Bilisan mo! Ibigay mo na ang bag mo kundi babarilin kita!"
"Oo nga! Ibigay mo na ang bag mo kundi babarilin ka nya!"
"Shut up, pare! Wag mo ngang gayahin ang sinasabi ko!" "Oo nga! Shut up, pare! Wag mo daw gayahin ang sinasabi
Bwisit. Pinagloloko ba ako ng mga ito? Pero wala akong time para makipaglokohan sa mga baliw na 'to.
I grabbed their guns and twisted their arms. Pareho silang napasigaw sa sakit 'non. At noong nasa likuran na nila ako ay agad kong sinipa ang mga pwet nila dahilan para mapahandusay sila sa malamig na kalsada.
It started to rain.
Mabilis kong pinulot ang nahulog na paperbag ng dress na binili ko at niyakap 'yon. Mababasa pa ata ang bagong bili kong dress nang dahil lang sa mga kumag na ito.
I dropped their guns and started to run away.
I need to go now. Umuulan na nga tapos mali-late pa ako sa date namin ni Justin.
But when I was about to turn left, I heard two roaring gunshots echoed through the rain. And before I knew it, I dropped at that cold street. Naramdaman ko nalang ang malamig na sahig kung saan ako biglang natumba.
A-anong...nangyari?
Hindi na ako nakagalaw nang maramdaman ko ang pagpulot nila sa bag ko, leaving me behind and the dress I bought earlier.
I was...shot?
Napahawak ako sa dibdib ko na tinamaan 'non and saw blood in my hand.
For a moment, I saw my life came flashing before my eyes.
Ganito pala ang pakiramdam ng mamamatay.
I feel empty.
Ang tanging nakikita ko lang ay ang madilim na kalangitan na may kasamang pagkulog at pagkidlat habang nakahiga akong mag-isa sa daanan na ito. Nararamdam ko rin ang malamig na tubig ng ulan na patuloy sa pagbuhos sa mukha ko at sa buong nanlalamig na katawan ko.
All my life I was thinking of how I will die. Pero nakakatawang isipin na bala lang pala ng mga holdaper ang katapat ko.
Teka nga, mamamatay na nga ako diba? Kaya dapat required na pumikit na ako. Tama, ito na ang segment na mamamatay na ako. At katulad ng mga bida sa mga koreanovela na pinapanuod ko ay madrama kong isinarado ang mga mata ko at kunyari ay patay na.
Pero teka, teka, wait, wait...time first! Wala man lang bang background music?
Bigyan nyo naman ng kadramahan ang pagkapatay ko noh!
Once lang ako mamamatay sa buong buhay ko kaya gusto ko na katulad sa mga koreanovela ang pagkapatay ko!
Ang speaking of background music, hindi ko alam kung bakit ang kantang iyon ang tumugtog bigla sa utak ko.
"Maalala mo kaya... Ang sumpa mo sa akin...
Na ang pag-ibig mo ay hindi magmamaliw.. "
Bwisit. Pang-patay ba 'yan?
O sya, sya, nafi-feel ko na talaga na mamamatay na ako dahil mas nararamdaman ko na ang lamig ng ulan. Siguro nga ay nalalapit na ang katapusan ko. Naks! Kung maka-katapusan naman 'to. Telenovela lang teh?
Opo. Mamamatay nalang ako ay baliw parin ako.
I closed my eyes and waited to die. Pakiramdam ko ay marami ng dugong nawala sa akin. I was shot twice. I can feel the pain in my abdomen and my right chest.
"Don't die" someone commanded.
Huh? Sino naman 'tong epal sa dying scene ko?
I opened my eyes and saw nothing but a blurry vision of someone. Lalaki ata. Boses lalaki eh. At kapag boses lalaki, ibig sabihin ay lalaki sya.
"Don't die" he commanded again.
He did not beg but commanded.
I tried to look as hard as I can pero malabo talaga. Ang alam ko lang ay nakatayo sya. He leaned into me and before I knew it, I felt two sharp things that penetrated into my neck. I can't move. Hindi narin ako nakakapag-isip pa ng tama.
Gusto kong sumigaw na tigilan nya ang ginagawa nya. Diyos ko po! Mamamatay na nga lang ako ay kakainin pa ako ng aswang! I can clearly feel my blood being sucked into his mouth and I can feel the pain too! Pwede bang hintayin nyang mamatay muna ako bago nya ako kainin? Pwede?!
Excited kuya?! Excited?! He looked at me again.
And the only thing I saw before I closed my eyes is his...red eyes.
***
"Tik-tila-ok!"
Isang malakas na huni ng tandang na manok ang biglang pumukaw sa akin.
"Tik-tila-ok!"
Bwisit na manok ng kapitbahay 'yan! Ang aga-aga, nanggigising!
"Tik-tila-ok!"
Humanda ka sa akin mamaya, gagawin na talaga kitang tinola!
Nayakap ko nalang ang unan ko at nagbingi-bingihan. Ramdam ko din ang lambot ng kama ko kaya mas inantok pa ako. Ang weird lang talaga ng panaginip ko kagabi.
Psh, namatay daw ako at bago ako namatay ay may isang aswang na kumagat ng leeg ko. Hindi ko naman masabing bampira dahil---like, hello? Hindi uso sa Pilipinas ang bampira. 'Buti sana kung nasa Europe o sa Western country ako at tatawagin ko talagang VAMPIRE yun para sosy. Pero dahil nasa Pilipinas tayo, ASWANG o MANANANGGAL ang tawag doon. Mahirap version ng Vampire.
At may isang weird pa akong nafi-feel ngayon. Parang...
Parang tumigas ata ang unan ko? Atsaka parang may hangin akong nafi-feel sa mukha ko?
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. At naramdaman ko nalang ang panlalaki 'non nang dahil sa sumunod kong nakita.
Oh lala!!!
It's not a bird!
It's not a plane!
But superpogiman!
Wow! Isang gwapong nilalang lang naman ang kayakap ko ngayon sa gitna ng kama ko.
Natutulala lang akong napatitig sa kanya at ngayon ko lang mas nakita ang itsura nya. I saw that he has a silky gray long hair and a pale complexion. At kaya may hangin akong nafi-feel ay dahil sa hininga nya na tumatama sa mukha ko.
For a moment ay nakanganga lang ako sa kagwapuhan nya.
Teka, nananaginip ba ako?!
Kinapa-kapa ko ang matigas na muscles nya at my goodness gracious! Ang macho! Teka, minamanyak ko na ata ang poging katabi ko.
Eh, anong magagawa ko?! May isang super pogi at mala- supermodel na katabi ako ngayon natulog sa kama! Ang gulo!
Wait, ano bang gagawin ko?! Anong gagawin ko?!
Tama! Ang ginagawa ng mga bida sa mga lovestories sa mga ganitong pagkakataon ay...
Isang malakas na tili ang kumawala sa bibig ko at effective naman ito dahil nagising ang poging katabi ko. Agad akong napatayo sa kama at tinakpan ang sarili ko sa ilalim ng kumot. I stared at him at parang nasa kama nya lang syang nagising at iminulat ang mga mata nya.
Gray eyes.
Bwisit. Pinoy ba 'to?!
At teka, bakit ko pa naiisip kong Pinoy ba sya o Foreigner? The thing is natulog sya sa tabi ko this whole night and I don't even have the slightest idea of who he is!
"Sino ka?!" ang nanginginig ko ng sigaw. "At paano ka nakapasok sa bahay ko?! Magnanakaw ka siguro noh?!"
Sa totoo lang ay hindi naman sya mukhang magnanakaw. Kung iko-compare ang pagmumukha naming dalawa ay mas mukha talaga akong magnanakaw.
"Urgh..." yan ang first word nya. "You're too noisy for a hella damn girl"
Wow. English. My nose is bloodening red. Teka, teka lang, at feel nya rin sa kanya ang bahay na 'to ha!
Pero iba ang reaction ng physical aspect ko. Nakanganga ako at kulang nalang ay mag-drool ako. Dahil ngayong nakatingin sya sa akin ay parang matutunaw ako. Gosh, ang pogi! Pero time first! Hindi ko dapat pinapaibabaw ang hormones ko. Isa akong conservative at dalagang Pilipina na kailangang ipagtanggol ang aking sarili laban sa mga katulad
nyang magnanakaw! Kahit na super-duper pogi sya.
"H-hoy! Sino ka ba kasi ha at paano ka nakapasok sa bahay ko?! At feel at home ka rin ha! Kung mainis 'to. Bakit?! Sayo ang bahay na'to? Sa'yo ang bahay na 'to?"
He stared at me samantalang napalunok naman ako. "Hindi mo ba ako natatandaan?"
For a moment ay nakatingin lang ako sa kanya. Pero bigla din akong natauhan.
"Hah! Gasgas na yang linya mo pre! 'Yan ang usually na linya ng mga lalaking nagdada-moves sa mga bagong kakilalang girls," saka ako namaywang. "Gusto kong malaman mo na kahit na super pogi ka ay hindi ako basta-bastang bibigay sayo noh! Atsaka, teka nga! Paano ka ba nakapasok sa bahay ko ha?!"
"Sa pintuan," he said then yawn.
"Sa pintuan? Huh, no way. I can clearly remember that..." I stopped in mid-sentence.
Tama. Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi ng bahay.
Teka, bakit wala akong maalala?
Atsaka...
OH. MY. GOD.
Nakatulog ako kagabi.
And ibig sabihin...ang date ko!!! Waaaaah! Hindi, hindi,
hindi!
Nasabunutan ko nalang ang buhok ko at nakangangang napatingin sa kawalan. Hindi pwedeng mangyari ito...ang lovelife ko!!!
"Hoy, nababaliw ka na ba? Anong itsura yan?" ang pukaw ng lalaking kaharap ko.
Doon ako biglang natauhan. Tama, nandito pa pala ang magnanakaw na 'to! Kung gan'on ay magnanakaw sya na sa pintuan pumasok.
Teka nga, parang ang awkward naman 'non na sa pintuan sya dumaan? Usually kasi sa bintana dumadaan ang mga magnanakaw, diba? Pero hindi, magnanakaw parin sya kahit na wala naman syang ninakaw.
"MAGNANAKAW!!!" at bago pa sya makagalaw ay nagtatakbo na ako papunta sa sala. "MGA KAPITBAHAY! PINASOK AKO NG MAGNANAKAW! MAY MAGNANAKAW!!!"
Then I smirk. Huh, lagot ka ngayon superpogiman.
Alert-alert naman ang mga kapitbahay ko mula sa malaking building na iyon dahil bigla nalang bumukas ang pintuan ng apartment ko at dumating sila kaagad with all their shining armas.
"Nasaan?! Nasaan ang magnanakaw?!" si aling Ana na may dalang walis tambo at dustpan. Teka, magwawalis ba 'to sa bahay ko?
"Nandoon---" pero hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa paglingon ko ay nakita ko ang gray-haired na poging magnanakaw na iyon sa kusina ko at umiinom ng kape.
Teka, kanina ay nasa kama sya t-tapos ngayon ay nagkakape sya sa kusina ko?!
Paanong----
"Aba'y, ang pogi naman pala ng boyfriend mo hija," si Aling Diana.
"Aling Diana..."ang nandidilim na mukhang simula ko. "Hindi po 'BOYFRIEND! BOYFRIEND! BOYFRIEND!' ang pinangsisigaw ko kanina kundi MAGNANAKAW!MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!"
"Sorry po sa abala. May kaunting misunderstanding lang po kaming dalawa ng girlfriend ko kaya napagkamalan nya akong magnanakaw," ang sabi nya lang bago humigop ng kape.
Girlfriend?!
"Ah sige, paumanhin sa abala mga hija at hijo." Si Aling Ana habang nakangiti saka lumingon sa mga kasama. "Aba'y false alarm lang pala 'to. May kaunting misunderstanding lang sila ng boyfriend nya."
"Hindi---- "
Pero bigla nalang ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. At ang mas nakakakilabot dito ay bigla nalang ay hindi ako makagalaw at makapagsalita.
Teka, anong nangyayari sa akin?!
"Ah sige Jane, aalis na kami ha," si Aling Ana at nanunukso pang ngumiti at bumulong. "Invited kami sa kasal ha."
Iyon lang saka sila umalis at iniwan akong mag-isa kasama
ang poging nasa kusina. Pero hindi parin ako makapagsalita. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Parang hindi ko kontrolado ang katawan ko sa mga oras na ito at hindi ko alam kung bakit.
At nang tuluyan na sila makaalis ay doon na ako nakagalaw. Para akong sinakal na biglang napaupo at napaubo mula sa kinatatayuan ko.
"Kung hindi lang sana naging matigas ang ulo mo ay hindi ko na sana kinailangan pang gawin iyon," and then in a flash ay nasa likuran ko na sya.
Agad akong napaatras.
Diyos ko po, sino ba 'tong tao na ito?
O tao ba talaga 'to ha?!
His cold gray eyes are staring at me while his silky gray long hair is dancing with the gentle wind that's coming inside from the window. Naglalakad lang sya papunta sa akin samantalang umaatras naman ako mula sa kinauupuan kong sahig.
"S-sino k-ka?" I'm trembling.
Seryosong buhay na 'to! Nakakatakot sya! He's using magic!
Hindi kaya magician sya?
"Guess," he said. "Ah...eh...si superman?"
Bakit si superman? Eh gumagamit din kaya 'yon ng magic, diba?
"Wrong answer," he swayed his hands and then parang may hangin na lumabas sa kamay nya at natapon ang lahat ng nadaanan ng kamay nya.
Nakakatakot pa ang mga mata nya. My God, anong klaseng pogi ba itong nakaharap ko ha?!
"A-ah..eh..hindi ko alam!" ang sigaw ko pero agad din bumalik ang inis ko. "SINO KA BA HA?! BIGLA KA NALANG SUSULPOT SA BAHAY KO TAPOS IPAPA-GUESS MO SA AKIN KUNG SINO KA?! BALIW KA BA HA?!"
Pero agad ko ring pinagsisihan ang paninigaw ko sa kanya nang dahil sa parang mas lumamig pa ang mga mata nya matapos iyon.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na napasandig na ako sa naroong pader. At sa pagharap ko ay bigla nalang nanindig ang mga balahibo sa buong katawan ko nang dahil sa halos isang inch nalang ang layo ng mukha nya sa mukha ko.
"My name is Demon. And you, stupid looking human is my servant."
to be continued...