Chapter 3
"My name is Demon. And you, stupid looking human is my servant"
For a moment ay nakatitig lang ako sa kanya. Hindi mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi nya.
"May itatanong lang ako ha" ang unang nasabi ko. "Seryosong tanong 'to. At sagutin mo rin ng tama"
He just stared at me.
"Magkano na ang latest price ng shabu?" Ang seryoso kong tanong.
Pero nabigla ako sa sumunod nyang ginawa. Bigla nalang nya hinila ang leeg ko and in a second ay nasa harapan na kami ng salamin na nasa loob ng kwarto ko. At nang maintindihan ko kung ano ang nangyari ay mas nadagdagan lang ang takot sa dibdib ko.
Grabe, ang bilis nun!
Seryoso ba to?! Natatakot na ako!
"Yan ang pruweba" ang sabi nya at konti nalang ay mabali ang leeg ko sa ginawa nyang pagpapakita sa akin ng markang nasa leeg ko.
The mark looks like a spider web na iginuhit sa leeg ko. At teka, napansin ko din na may dalawang sugat doon na parang...para bang dalawang matulis na bagay ang tumusok doon.
"That is the proof of our contract." ang sabi pa nya.
Biglang nanindig ang balahibo ko at napatingin sa kanya.
"What contract? At sino ka ba talaga ha? Ano ka ba talaga at saan ko nakuha ang marka na 'to at ang sugat nato sa leeg ko?"
"Ito ang pinakaayaw ko sa tao" he walked towards the bed and sat down. "Napakabobo nyo"
His cold gray eyes bored at me and that gives me chills down to my spine.
"Wow naman, nagsalita ang hindi tao" that is sarcasm. Pero mali ata ang ginawa kong yun.
"Tama ka. I'm not human. I'm a vampire" he said na parang wala lang yun. "Hindi ka naman pala ganun katanga"
Hindi ako makagalaw. Dahil siguro sa may possibility na totoo ang sinasabi nya. Sa dami ng ikinukwento sa akin ni Carlie na tungkol sa mga bampira ay nabanggit nga nya na talagang mabibilis ang mga bampira. I can no longer question that because I really saw that in my own eyes. At ang isa pa ay ang pagkontrol nya sa katawan ko kanina. Walang normal na tao ang makakagawa ng bagay na iyon.
"At sya nga pala, muntik ka ng mamatay kagabi. You were shot by those filthy humans."
Nabigla ako.
Kung ganun...
All I can remember is...umuwi akong mag-isa kagabi at malakas ang ulan.
And then...
I was stunned.
"Dalawang tama ng baril ang natanggap mo kagabi. Binihisan na kita ng pajama mula sa madumi mong uniform na puno ng dugo dahil nakakadiri kang katabi matulog" ang parang balewalang sabi pa nya.
And then all those memories came flashing back.
The cold rain.
Ang dalawang holdaper na bumaril sa akin.
Napatingin ako sa duguan kong uniform na nakalagay na sa naroong basket. Saka ko kinapa ang dibdib ko pati narin ang tyan ko.
Pero wala ng masakit. Parang walang nangyari sa akin.
Tama, hindi panaginip ang nangyari sa akin kagabi.
Kung ganun...
Napatingin ako sa kanya.
...sya ang aswang na kumagat ng leeg ko kagabi leaving me these two cuts.
Don't die.
Yun ang naalala kong sinabi nya.
"T-teka..."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"You should thank me dahil nagawa ko ang contract bago ka pa man namatay ng tuluyan" saka sya nahiga sa kama. "The contract saved your life from dying"
I was trembling. At hindi ko rin alam kung bakit. Iyon ba ay dahil sa nasa harapan ko ang isang totoong bampira na akala ko noon ay hindi totoo o dahil sa muntikan na akong namatay pero iniligtas ako ng contract na sinasabi nya?
"H-hindi mo pa sinasagot ang tanong ko..." I felt cold. "Sino ka ba talaga at ano ba yung contract na pinagsasabi mo?"
He stood up from the bed and walked towards me. Napaatras naman ako ng dahil sa sobrang takot. Now that I have come face to face with a true vampire, malay ko ba kung baka bigla nya akong kagatin at ubusin ang dugo ko? Eeeeek! Anemic pa naman ako.
"A fragile, anemic, and a stupid human..." he said with that cold voice habang naglalakad papunta sa akin habang paatras naman ako ng paatras.
Teka, paano nya nalaman na anemic ako?!
"Ngayon ko lang sasabihin ito at hindi ko na ulitin pa." he continued. "Nang dahil sa katangahan mo, I made this contract to save your stupid life. This contract made me lend you my life but in exchange you will be my mate forever. And trust me when I say this, now that you have a contract with me, don't even dare to think that you can run or hide away from me. And if you scream right now, I swear I'll break your neck"
Nasabi nya yun dahil nakanganga na ako sa harapan nya and about to scream.
Mate?
MATE?!
At okay pa sana yun eh, pero...FOR LIFE?!!!
Mate ako ng bampira?!!! AT FOR LIFE PA?!
"H-hahahaha..." napatawa nalang ako ng hilaw. "Joke lang to diba? Diba? Ano to? Nasa gag show ba tayo? Okay, lumabas na kayo! YOU GOT ME! Ilabas nyo na ang mga camera nyo!"
Pero isang nakakabinging katahimikan lang ang sumunod and wether I like it or not,the contract has been made and I BECAME THIS SUPERPOGI AND HOT VAMPIRE'S MATE FOR LIFE!!! CAPSLOCK YAN!
"And by the way" ang dagdag nya pa. "Ang liit ng boobs mo. Do something about it. Gusto ko ng malaking boobs"
Oh GOD!!! JUST KILL ME NOW! KILL ME!!
************
"Yesterday...all my troubles seem so far away..." ang kanta ni Carlie sa upuan nya habang my headphone na nakasasak sa tenga nya.
At hindi ko alam pero parang ako at pinaparinggan ng kantang yun.
Yesterday, hindi pa ako naniniwala sa vampire at inisip ko pa na never in my wildest dream na makakatagpo ako ng totoong bampira.
But now, isa na akong VAMPIRE'S MATE! At kahit anong pilit ko man na itago yun mula sa saril ko ay nasa leeg ko parin ang pruweba nun. Ang parang spider web na ini-marka ng nilalang na iyon sa leeg ko.
Sa tuwing iisipin ko yun ay sumasakit ang ulo ko. And for some reasons ay parang gusto ko nalang maiyak.
"Best? Are you okay? I heard hindi mo daw sinipot si Justin kagabi sa date ninyo" ang bungad ni Carlie.
Tama. May mas malaki pa pala akong problema. Paano ko haharapin si Justin?
Waaaahhhh!!! ANG LOVELIFE KO!!!
"Hi Carlie chu-chu ko" ang bungad ni Erik saka humalik sa pisngi ni Carlie.
"Hi Erik fluffy-fluffy ko" at humalik din ang isa sa pisngi ni Erik.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa sweetness ng dalawa.
Nakakainggit lang ang mga baliw na ito.
At oo na! Naiinggit na ako sa kanila! Like almost all of my life I have to endure looking at them together without having someone like Erik na perfect boyfriend. And now that I have given the chance to have one, it got screwed up!!
"Wow, nagpa-henna tattoo ka Jane?" ang pukaw sa akin ni Erik.
Ang tinutukoy lang naman nya ay ang tattoo na nasa leeg ko. At oo nga pala, amazingly or let me rephrase that, abnormally, ay nawala na ang sugat na nandoon. Ang naiwan nalang ay ang parang spider web na tattoo na naka-marka parin doon.
"Oo nga! Ang ganda naman!" si Carlie at naki-usyoso din.
Hays, oo.
Kung alam nyo lang sana kung ano ang meaning ng tattoo na'to ay tignan natin kung masabi mo pa yan Carlie.
Pero hindi ko na sinabi yun.
"San ka ba nagpa-tattoo nyan ha? Nakakainggit naman." si Erik at nag-pout pa ang gago.
I smiled nervously. "Ah..hehe..sa tabi-tabi lang..."
"Teka, kaya ka siguro hindi sumipot sa date ninyo ni Justin kagabi at yun ay nang dahil sa nagpa-henna ka noh?! GOD! I CAN'T BELIEVE YOU!" Carlie said accusingly.
Matapos nyang sabihin iyon ay parang gusto ko nalang mapaiyak.
Kung alam nyo lang sana kung anong pinagdaanan ko kagabi!
Pero tama, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na may nakatirang bampira sa bahay ko kahit na may pinky promise kaming tatlo na hindi kami maglilihim sa isa't-isa.
Bakit? Oh, eto ang flashback. Basahin nyo.
Nagsusuot na ako ng sapatos ko sa may sala para pumasok sa school nang bigla nalang nagpakita ang cold gray eyes na yun sa harapan ko.
"Eeeekkk!!!" napatili pa ako sa sobrang bigla.
"There is one more thing you need to remember before stepping out of this house." he said in a cold voice.
I trembled. "A-ano y-yun...?"
God! Nakakatakot sya!
"Wag kang magkakamaling sabihin sa ibang tao ang tungkol sa kontrata natin o ang tungkol sa akin. Because if you do..." he suddenly grasped my hair and lean towards me making me tremble with those cold gray eyes. "...I'll kill them."
Kaya dapat ay walang ibang makaalam ng tungkol sa kanya o sa kontrata namin for their safety narin. Gosh, kahit na gusto ko ng magwala at tumakbo sa sobrang takot ay wala na akong iba pang magagawa kundi ang magkunwari na normal parin ang lahat!
"Ah Jane? Buhay ka pa best?" ang pukaw ni Carlie sabay pitik ng daliri sa harapan ng mga mata ko.
Natauhan naman ako. "Ah, yes?"
"I'm asking you kung bakit ba hindi ka sumipot sa date ninyo ni Justin? At bakit nagkaroon ka bigla ng henna tattoo? Like, you hate it so much diba? I remembered when we were still in second year nang yayain kitang magpa-henna pero ang sabi mo ay pang- drug addict lang yun. So why now?"
They both looked at me at naghihintay ng sagot.
Teka, anong sasabihin ko?
ANONG PALUSOT ANG SASABIHIN KO?!
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na this mark is not a mere tattoo but a contract mark with that vampire!
"Ah, eh...for a change?" I unsurely said.
Okay, I give up. Yun lang ang naisip kong palusot.
Carlie gave me this unconvinced look pero bigla nalang tumawa si Erik.
"Then you should have asked us to come too! Ang daya mo! Ikaw lang ang nagpa-henna!" saka nya nilingon sI Carlie. "Carlie chuchu ko, gusto ko rin ng henna. Please?”
At ito namang si Carlie na madaling makuha sa pa-beautiful eyes ng boyfriend ay napangiti din.
"Okay Erik fluffy fluffy ko, magpa-henna tayo mamaya”
Okay, nasusuka na ako.
"But wait!" ang biglang hirit naman ni Carlie. "Bakit hindi mo sinipot ang major-major crush mo s***h! Dream boyfriend mo kagabi?!"
Hays, ano ba naman to.
Akala ko pa naman ay makakaligtas na ako.
Naalala pa eh.
"Ah kasi...." I started.
"Kasi...?" they both chorused looking suspiscious again.
"Nanghina ako bigla eh. Hindi pa ata ako nakarecover sa anemia ko" ang pagsisinungaling ko.
Bahala na. Sana mapaniwala ko sila. I'm a bad liar pa naman.
Pero agad ding nag-alala si Carlie. "Naku, are you okay na ba? Don't worry, I'm sure Justin will understand"
Napatawa nalang ako ng hilaw.
Phew! Akala ko pa naman mahihirapan pa akong magdahilan.
"Ano kasi---"
"Yo, Justin!" ang biglang tawag ni Erik.
Agad akong napalingon sa tinawag nya and I saw that handsome guy standing at our door. Or more likely padaan lang sya nang tawagin sya ni Erik.
"Yo." he answered blankly.
Hindi din sya tumitingin sa akin. Yun lang ang sinabi nya bago sya naglakad paalis.
And my instinct just went off.
"Wait, Justin!"
Saka ko sya hinabol.
to be continued...