Chapter 1

1855 Words
Chapter 1 "Oh my God, Jane! Showing na daw ang Breaking Dawn sa sinehan ngayon!" ang makapanirang tenga at overacting na sigaw ng bestfriend kong si Carlie. "So?" Her eyes widened na para bang hindi makapaniwala sa reaction ko. "So? Hindi ka man lang ba titili at ma-i-excite?" Sya nga pala si Carlie Tan, ang bestfriend ko since birth. Bakit since birth? Dahil baby palang kami ay magkasama na kami. Sabihin na nating close ang mga families namin. "Ba't naman ako titili? Bampira lang ang makikita natin doon. Hindi naman sila totoo. Sayang lang ang pera natin." Nasa classroom kami ngayon at katatapos lang ng first subject namin sa umaga kaya nandito na naman ang bestfriend ko na super addict sa fiction novels. Ay, oo nga pala. Ako si Jane Ortega. Senior na sa highschool at may bestfriend na baliw. Average girl lang ako, hindi gano'n kagandahan at hindi naman matatawag na pangit. Normal lang din ang utak ko. I love english subjects and I suck at any form of math. I live alone and I have a single apartment na binabayaran ng parents ko na nasa probinsya ngayon. Hindi din ako mayaman. Parehong Professor ang parents ko sa isang University pero kahit na malaki ang sweldo nila ay lubog naman kami sa utang. "Nakakainis ka talaga! Gusto ko pa namang makita si Edward Cullen!" she whined. "Sino 'yon? Kapitbahay nyo?" ang tanong ko. "Esssh!" ang pagwawala nya. "Sinasabi ko na nga ba eh! Ilang ulit ko na silang ikinukwento sa'yo pero hindi ka talaga nakikinig!" Of course, nakikinig ako. O sabihin na nating kahit ayokong makinig ay sa araw- araw ba naman na ginawa ng Diyos ay iyon lang lumalabas sa bibig nya. Alam n'yo na siguro ang kwento ng Twilight Saga. Ang kwento nito ay tungkol sa isang bampira na na-inlove sa pagkain nya. Kung iisipin ko 'yon ay parang ako lang na na- inlove sa kanin. It's ridiculous. I tried watching the first movie pero after 'non ay hindi na ako nanood pa ulit. Para sa akin ay napaka-absurd ng kwento. "Hmp! Nakakainis ka talaga! Si Erik nalang ang yayayain kong manuod!" ang asar nyang wika. For the information of everybody nga pala, si Erik ay ang boyfriend nya since like we were...insixth grade? At ito pa, sa iisang apartment lang sila nakatira. Well, I don't mind it naman dahil okay lang sa parents nila iyon. Pero ang weird lang ay mas matanda si Erik sa kanya ng limang taon. "Psh. Hindi naman totoo 'yong bampira noh." I murmured. She glared at me. Eeeek! Nakakatakot sya! "I heard that!" Sa totoo lang ay sya lang ang kaisa-isang taong naiinis kapag sinasabi kong hindi totoo ang bampira. Hindi ko din alam kung bakit, pero baka dahil lang iyon sa sobrang pagkahumaling nya sa vampire fictions. Pangarap pa nga nyang makagat ng isang tunay na bampira eh. And warning, wag kang papasok sa kwarto nya kung ayaw mong himatayin sa takot. Dahil pang horror movie lang naman ang theme ng kwarto nya. Noong unang beses na nakapasok ako sa kwarto nya noong nasa kindergarten palang kami, ay talagang kinailangan pa nila akong paypayan at palanghapin ng white flower nang dahil sa sobrang takot. At oo na, inaamin ko na talagang matatakutin ako. Horror stories can actually kill me. "Okay! Sorry..." ang sagot ko. "Totoo na sila. Period." She smiled saka naupo sa upuan nya. "Pero...paano nga kaya Jane noh?" "Hm?" Ipinatong nya ang siko nya sa desk na kaharap nya at hinawakan ang dalawang pisngi. And in that dreamy look, she spoke. "Paano kaya kung totoo sila?" Natigilan ako ng dahil sa sinabi nya. Paano kung totoo sila? That'll be a total chaos. Sa totoo lang ay iniisip ko palang na totoo nga sila ay nagtatayuan na ang mga balahibo ko. Pero imposible din. They don't exist. Nabubuhay lang sila sa mga fiction novels at hanggang doon lang sila. Busy lang ako sa pag-iisip sa bagay na iyon nang may biglang nahagilap ang mga mata ko mula sa labas ng bintana na katabi ko. At hindi ako pwedeng magkamali. I saw a dark figure of a man standing there while looking at me. Pero nang kumurap ako ay bigla nalang syang nawala. Am I imagining things? Nahahawaan na ata ako ng kabaliwan nitong si Carlie nang dahil sa kung anu-ano nalang ang nakikita ko. "Best?" Ang pukaw nya sa akin mula sa tabi ko. Mabilis naman akong lumingon. "Huh?" Nakita ko ang pagkunot ng noo nya. "Bakit bigla nalang ay pinagpapawisan ka ng malamig?" Nabigla ako sa sinabi nya kaya mabilis kong nahawakan ang noo ko. At tama nga sya, pinagpapawisan ako ng malamig. What's happening to me? Why am I feeling so scared? *** "Kumain na ba ang Erik Fluffy-fluffy ko?" "Bakit susubuan mo ba ako Carlie Chu-chu ko?" Sa totoo lang ay nasusuka ako. Fluffy-fluffy? Chu-chu? Saan naman nanggaling ang nakakadiring endearment na iyon? Pwede na akong mamatay sa dehydration sa pagsusuka pero pinipigilan ko lang. Pero ano ba ang magagawa ko? Mahal na mahal nila ang isa't isa na halos hindi na sila naghihiwalay. At isa pa, masaya naman silang dalawa at iyon lang ang importante sa akin. Lunch break na ngayon kaya nasa cafeteria kaming tatlo para sabay na mananghalian. At malas ko lang dahil magkatabi silang nakaupo sa harapan ko. "Hay, kawawa naman ang bestfriend ko. Mahirap talagang maging NBSB," si Carlie habang sinusubuan ng cake ang boyfriend. My ears perked up from what she said. "Ayoko lang ng sakit sa ulo," ang sagot ko naman. "Uyyyy...bitterrrr," ang tudyo naman ng boyfriend nya. Isa pa itong si Erik Meinhard, ang boyfriend ni Carlie na mas baliw pa sa kanya. Hindi ko din alam kung saang lupalop ng Pilipinas nya nakuha ang apelyido nya pero ang sabi nya lang ay nakuha nya ito sa Papa nyang foreigner. Nasa college narin sana itong si Erik pero tumigil lang sya sa pag-aaral noong magfo-fourth year highschool na sya, para hintayin lang na mag-fourth year din si Carlie. Reason? Gusto nya lang makasama sa iisang classroom si Carlie. So I was stucked between these two lovers s***h my best buddies. At required na 'pag sinabi ang word na bitter ay dapat laging maraming 'R' sa hulian? "Hindi ako bitter noh! Ayoko lang talaga magka- boyfriend!" "Uyyyy...defensive," ang sabay pa nilang pagtudyo sa akin. Bwisit, ang hirap talagang maging single habang ang dalawang bestfriends mo ay magkarelasyon. Feeling ko talaga ay lagi nalang akong napagtutulungan na ma-bully. Pero kailangan kong lumaban para hindi maapi. "Hindi nga ako defen---" "Yo!" Bigla akong natigilan mula sa kinauupuan ko. At pakiramdam ko ay muntik na akong mabulunan nang maramdaman ko ang kamay ng lalaking iyon sa balikat ko habang nakatungo sya sa akin. Carlie and Erik giggled that I just wanna kill them right now. Bwisit. Kinikilig ang dalawa. At mahirap mang aminin pero namumula narin ang magkabilang pisngi ko. "Kumusta na, Jane? Hinahanap kita sa classroom ninyo kanina para ibalik itong notebook mo pero wala ka pala doon." Gosh, hindi ako makatingin sa kanya. At pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko nang dahil sa bilis ng pagtambol 'non. Sya nga pala si Justin Olivar, ang super-duper crush ko since first year highschool. Sabihin nyo ng OA ako pero nang sinimulan na nya akong kausapin last week ay inisip kong pwede na akong mamatay. Sya nga pala ang captain ng basketball team ng school namin at napaka-famous pa nya sa mga girls. And right now, I can already feel the burning glare of all the girls out there na may crush din sa kanya. "A-ah...e-eh...a-ano..." at katulad ng ilang araw na kinakausap nya ako ay nauutal parin ako. Pero kapag ganito na ang eksena... "Ay naku! Ang meaning ng sinabi nya ay sorry daw! At iwan mo nalang ang notes nya sa mesa." ang nakangiti ng nakakalokang sabi ni Carlie. "Pasensya ka na ha. May lahing alien itong bestfriend ko na ito eh kaya ganyan ang lingwahe nya! 'Ah eh ano' lang ang alam nyang words. Gosh, sorry talaga." Pigilan nyo ako at baka masapak ko 'tong bestfriend ko na ito. Wala na talaga syang pinipili na oras para ipahiya ako. Pinamulatan ko sya ng mga mata pero nginisian nya lang ako. I'm going to kill you later, Carlie. Pero natigilan na naman ako ulit nang maramdaman ko ang pag-gulo ni Justin ng buhok ko. "Silly girl. Kung ibigay mo nalang sana sa akin ang number mo para ma-message kita kapag may ibinabalik ako sa'yo." Oh gosh! Totoo ba ito?! He just touched my hair and now asking for my number?! Pwede na talaga akong mamatay! "Naku, hindi ka pa pwedeng mamatay best," ang putol naman ni Carlie sa pagwawala ng puso ko. "May utang ka pa sa akin na bente." "At talagang---" Pero hindi pa man ako natatapos magsalita ay binara na naman nya ako ulit. "Zero-nine-one-nine---, yan ang number nya. Dali! I-save mo na! Tapos i-ask mo na syang mag-date mamaya para magka- boyfriend na sya! Okay?!" Parang-awa. Pigilan nyo ako. Pigilan nyo po ako sa pagpatay sa bestfriend ko nang dahil lang sa pagpapahiya nya sa akin sa harapan ng crush ko mismo. Did she just announced na wala akong boyfriend?! Napalingon naman ako kay Justin and was about to say something pero nagsalita sya kaagad habang nakatingin sa cellphone. "Saved," saka sya nakangiting lumingon kay Carlie. "Thank you Carlie. I owe you for this one." 'Saka sya lumingon ulit sa akin. At nang magtama ang mga mata namin ay pakiramdam ko ay para akong natutunaw. Totoo pala ang sinasabi nila na kapag gusto mo ang isang tao ay mararamdaman mo nalang ang paglipad ng mga paru-paro sa tyan mo. "LBM lang yan, best." Ang putol na naman ni Carlie sa iniisip ko. Utang na loob, tumahimik ka na Carlie. Parang awa mo na. How can she just actually read what is going on inside my head?! Marahil siguro sa matagal na kaming mag-bestfriends kaya nababasa na nya ang mukha ko at ang mga iniisip ko. Justin just smiled at me and I almost gasped for air. Gosh. He smiled at me. He smiled at me. He smiled at me. Wait, mababaliw na ata ako sa kilig. "Um..." he cleared his throat at ngayon ay sya naman ang parang hindi makapagsalita. "Are you...are you...oh God, I can't believe this is hard." he chuckled. "A-ah...b-bakit?" I gulped. Hindi kaya..? "Bro! Kaya mo yan! Go Justin! Go Justin! Go Justin!" ang parang nasa cheering squad na cheer naman nitong si Erik. God, nakakahiya na talaga silang pareho ni Carlie. Pero ngayon ko lang naalala. Magkasama pala sa basketball team sina Erik at Justin kaya close sila. Nasa ganoon lang akong pag-iisip nang bigla akong natigilan nang dahil sa sumunod na sinabi ni Justin. "W-will you go out on a date with me?" Did he just...? Did he just asked me, a mere normal girl for a date? Narinig ko nalang ang malakas at kinikilig na tili ni Carlie while I heard some gasps and whispers around me. And that's it. Hindi ko na kinaya ang pagkakilig ko and my vision gets dark. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD