Chapter 4

3020 Words
Chapter 4 "Wait Justin!" I called him. Saka ako lumabas ng classroom at hinabol sya sa hallway ng school. "Justin wait!" Pero hindi din sya lumingon at doon ako kinabahan. Bakit kaya hindi nya ako pinapansin? Oo nga naman Jane, hindi mo nga sya sinipot diba? Tama si Demon, ang stupid mo talaga. Teka, ba't ko ba iniisip ang demonyong bampirang iyon? ERASE, ERASE, ERASE. "Justin sandali lang!" Naririnig ko narin ang bulong-bulungan sa paligid. Oo nga naman, nagmumukha akong desperada na naghahabol sa campus crush ng school. Hangang sa nakalabas na kami ng school building at doon ko lang na-realize na nasa likuran na kami banda. Bigla syang tumigil sa paglalakad at muntik pa akong mapasubsob sa kanya kung hindi lang ako naka-preno kaagad. "Jane, why did you do that?" ang biglang lingon nya sa akin. Napayuko naman ako. "I-I'm sorry. Please give me another chance" Bwiset. Masyado atang madrama ang pagkakasabi ko nun. Para kaming nasa telenobela na nakikipagbreak ang boyfriend sa girlfriend nya. "I'm sorry kung hindi kita nasipot---" "Why did you lie to me?" Huh? Anong lie ang pinagsasabi nito? May sinabi ba akong kasinungalingan sa kanya? But I was taken a back by the pain in his face like he's about to cry. He looked so hurt. Bigla nalang ay parang may pumiga sa dibdib ko. "Justin---" "Akala ko ba single ka? Why did you lie to me?" Ha?! Of course naman single ako noh! Ano bang pinagsasabi nya? "Ang sabi mo ay single ka pero yun pala ay may asawa ka na!" Teka, bakit parang linya ata sa mga telenobela ang mga sinasabi nya? May balak ba syang mag-artista? Pero wait lang... "Anong sabi mo?! May asawa na ako?!" ang hindi ko makapaniwalang sigaw. He looked down at parang pinipigilan nya talaga ang sarili nya sa pag-iyak. "I was so worried about you dahil hindi ka sumipot sa date natin kagabi kaya binilhan kita ng supplements na ini-rekomenda ng doktor mo kahapon. Pumunta ako sa bahay mo kaninang umaga." he explained. Wait, pumunta sya sa bahay ko?! ANG IBIG SABIHIN AY NAGKITA SILA NI DEMON?! Hindi ko alam pero bigla nalang ako tinayuan ng balahibo ng dahil sa sinabi nya. Hindi kaya… Hindi kaya ininom narin ni Demon ang dugo nya?! NO!!! ANG JUSTIN KO! HINDI KO MAPAPATAWAD ANG DEMONYONG BAMPIRA NA YUN PAG KINAGAT NYA ANG JUSTIN KO! "Then someone open the door. Isang black haired guy na nagpakilalang asawa mo..." ang patuloy nya. Huh? Black haired guy? Teka, may iba pa bang tao sa bahay ko? Diba gray haired si Demon? Pero una sa lahat ay gusto ko sanang inspeksyonin si Justin dahil baka kinagat narin sya ni Demon. Pero imposible din. Ayaw nga ni Demon na malaman ng iba ang tungkol sa kanya diba? Atsaka kung kinagat talaga sya ni Demon ay baka wala na sya ngayon. "I hate to say this pero ayokong sumira ng isang pagsasama. Ayokong maging isang kabit. So even if it pains me..."saka sya nagtaas ng mukha. "Goodbye..." Yun lang saka sya madramang nagtatakbo paalis na para bang nasa mga pelikula lang. Bwiset. Kung hindi ko lang siguro sya gusto ay baka sinapak ko na sya. Kung maka-drama din. May pa-goodbye-goodbye pang nalalaman. Telenobela lang kuya? Pero hindi ang corny at cliché na walkout ni Justin ang issue dito kundi ang wrecking effect ng bampirang housemate ko. He wrecked my dream lovelife! At ano ba ang sinabi nya kay Justin ha?! Na asawa ko sya?! Hah! Sumosobra na sya ha! Hindi na pwede to! Yes! He came in like a wrecking ball! And I just closed my eyes and swung! Cheh. Napapakanta ako sa di tamang oras. ********************** And our class just ended. Hapun na kaya excited na ang lahat lumabas sa impyernong school na 'to. "Jane! Sama ka sa amin ng Erik fluffy-fluffy ko? Magpapa-henna kami ngayon!" ang yaya ni Carlie habang nakasabit ang braso nya sa braso ni Erik at naglalakad na kami palabas ng building. "Ah, pass na muna ako. Meron na ako eh" saka ko pinakita uli ang marka na nasa leeg ko. "Hays, ang ganda naman! Saan ka ba nagpa-henna ha? Gusto ko rin ng ganyan! Ang cool eh!" ang parang batang sabi naman ni Erik. "Naku wag ka ng mainggit Erik fluffy fluffy ko! Gusto mo, couple tattoo ang ipalagay natin?" si Carlie. "Ah sige! Para mas masaya magpa-permanent tattoo nalang tayo!" si Erik. "Permanent tattoo? Ano yun?" ang tanong ko. "Eh di permanenteng tattoo! Yung hindi nabubura! Unlike sa henna na tumatagal lang ng weeks or months!" si Carlie. "Hay ang sweet-sweet naman ng Erik fluffy fluffy ko! Gusto mo talaga ng couple tattoo na hindi nabubura noh dahil gusto mo forever tayong meron nun?! " "Oo naman Carlie chuchu ko! Ganun kita kalove!" At nagkiss pa sila sa gitna ng daanan. Ew. Konti nalang talaga at baka mailabas ko na itong nasa bibig ko. "Aray!" ang naitili ko nang may biglang bumangga sa akin na isang estudyanteng babae. "Ay! Sorry po!" yun lang ang sinabi nya saka sya nagmamadaling tumakbo papunta sa gate. Doon lang din namin napansin na may pinagkakaguluhan sila sa gate. At pansin kong puro babae ang nandoon. Anong meron? Spaceship ni kokey? Kathniel? JaDine? At ganun nalang sila kung magwala at magtilian? "Ano kayang meron?" si Carlie at nauna na silang naglakad papunta doon ni Erik. Napahinga nalang ako ng malalim at nagpatuloy din sa paglalakad. No choice. Iisa lang ang gate sa school kaya doon din ako lalabas. "Hays, ang gwapo nya" ang rinig kong bulungan habang papalapit ako. "Para syang model. Ang hot nya!" "Ang ganda ng gray eyes nya. Natural kaya yan?" Huh? Gray eyes? Hindi kaya... "Hoy, ikaw na babae na mukhang tangang nakatayo dyan. Lumapit ka dito" then I heard that cold voice. Bigla namang nag-open ang daanan at lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon dahil ako lang naman talaga ang tinatawag ng malamig na boses na yun. And I was right. Cold gray eyes and wavy gray---eeekk! Bakit black na ang kulay ng buhok nya ngayon? Nagpakulay sya? Pero mas maganda yung gray! Teka, sinabi ko bang maganda? Hindi noh! Walang maganda sa bampirang ito! Pero ano pa ba ang choice ko? Tao ako at bampira sya kaya no choice kundi ang sumunod sa kanya. I walked towards him at nasilip ko nalang sa sulok ng mata ko ang parehong nakangangang sina Carlie at Erik. Siguro iniisip ng mga ito na nagto-two time ako. Waaah! "Sakay" he said in a cold but firm voice. At kung iniimagine nyo ay katulad ng sa mga vampire movies at anime na isang mamahalin at bagong brand ng kotse ang dala nya, pwes nagkakamali kayo. Isang ladies bike po ang dala nya mga kaibigan. Agad naman akong sumakay sa upuan na nasa likuran ng bike at para kaming nasa Lovers in Paris na umalis galing school. Habang rinig ko parin ang pinaghalong disappointment at kilig mula sa mga schoolmates ko. "Ano ba 'to? Mahirap version ng vampire?" I murmured. "I was expecting much more than this. Baka naman sa mahirap na bampira ako napunta? May mahirap palang bampira? Ang malas ko lang at hindi katulad nina Edward Cullen ang nakilala ko" "I heard all of it." he said in a cold voice. Eeekkkk!!! Narinig nya ba ang lahat ng yun?! Ang talas naman ng pandinig nya o talagang malakas lang ang bulong ko? Teka, may malakas bang bulong? "Hindi ako pwedeng magdala ng mamahaling sasakyan dito sa pulubing lugar ninyo kundi makaka-attract yun ng atensyon" Kung maka-pulubi naman to. Sorry lang ha at mahirap kami. Sorry lang. Nahiya naman ako sa yaman mo. Sorry talaga. Pero syempre sa utak ko na yun sinasabi. Baka marinig na naman nya at kung ano pa ang gawin nya sa akin. "Teka, pwede bang magtanong kung okay lang?" ang tanong ko. "What?" he said that in a cold voice kaya biglang nagtayuan ang mga balahibo ko. "E-eh kasi...bakit mo ba ako sinundo sa school?" ang nanginginig kong tanong. "Because I'm starving at ang tagal mong umuwi" Sinabi nya yun na parang wala lang. Pero para sa akin ay parang atomic bomb yun na itinapon sa akin. DIYOS KO?! DITO NA BA MATATAPOS ANG MALILIGAYANG ARAW KO?! Anong ibig sabihin nun pag bampira ang nagsabi nun sayo?! Eh di ikaw ang magiging menu for the day!!! KYYYYAAAAHHH!! WAG PO! ANEMIC AKO!!! "H-ha? Eh a-ano...anemic ako eh..." I voiced out. Malay mo maawa sya sa akin diba? Atsaka isa pa, mate kami diba? At tama bang kainin mo ang mate mo? HA?! TAMA BA YUUUUUNNN??! Nagwawala na ako sa isipan ko at sa totoo lang iniisip ko na kung paano pa ba ako mabubuhay sa mga susunod na mga araw. "Don't be stupid. Ang bobo mo. I want normal foods" Hay, ganun naman pala eh. Pero... HUH? Kumakain pala ng normal foods ang mga bampira? "We eat normal foods, stupid" he said that na parang nababasa nya ang iniisip ko. Kahit papaano ay na-relieve naman ako nun. Kahit na ika-ilang ulit nya akong tinawag na STUPID. Kung makalait lang. Sorry ha, bobo ako. Sorry lang. Nahiya ako sa katalinuhan mo. Sorry talaga. Ang sarcasm ko sa kanya inside my head. "But not for long." ang sabi pa nya. "Huh?" "If people get nasty, I prefer to feed on them so if you won't stop putting sarcasm inside that little brain of yours, I swear I'll fed on you" he said. Eeeeeekkkkk!!! NABABASA NYA ANG INIISIP KO?! KUNG GANUN....KANINA NYA PA AKO NARIRINIG NA SINA-SARCASTIC SYA?! "Of course I do" he answered. "Once the contract has been made, a vampire can already hear the thoughts of his mate so you betta watch out for what you're thinking or I'll kill you" For a moment ay gusto kong tumili sa takot. "If you scream, I'll kill you more" O sige na. Wag nalang. Wala na talaga akong takas!!! He smirk. ********** Ang ending ay dumating din kami sa bahay. Pero pagbukas ko palang ng pintuan ay agad ko ding isinirado ito. "Maling bahay ang napasukan natin. Baka sa kabilang bahay ang bahay ko" ang pormal kong sabi nang dahil sa hindi ko matanggap na bahay ko ang nabuksan ko. "Don't be stupid. This is your real house" ang sinabi nya saka sya nagpatiunang pumasok. At naitatanong nyo siguro kung bakit hindi ko matanggap na bahay ko yun. Unang-una sa lahat: THE PLACE IS IN A BIG MESS!!! Nagkalat ang mga cellophane ng junkfoods na naiwan ko sa cupboard sa may kusina. At eto pa, naka-open pa ang ref na iniwan kong punong-puno ng new stocks of food. At ngayon ko lang napansin na wala na itong laman. Diyos ko, parang hihimatayin ata ako. Pero hindi... "Hindi kaya ninakawan tayo? Oh my God!!" ang naitili ko. Pero iba ang isinagot nya. "Cook for me. I want fried rice" "S-so...ikaw ang umubos ng lahat ng new stocks ko sa ref?" ang hindi ko makapaniwalang tanong. "Human foods tastes awful" he said then he turned on the TV. Awful daw pero naubos nya ang isang ref ng new stocks ko in just a day?! "I can hear you" he said while not looking away from the TV. Agad naman akong ngumiti. But deep inside I was screaming dahil ubos na ang allowance ko para bumili ng bagong stock ng pagkain. "Ah sige, maglilinis muna ako bago magluto ng pagkain mo."ang mahinhin kong sabi. "Cook my food first before cleaning up. And then fix my bed. I want to sleep early. I'm tired" ang utos nya. Opo. Yun ang utos nya sa nagmamay-ari ng bahay na'to. Hays, kung hindi ka lang bampira---!!! "What?" ang biglang tanong nya. "Huh?" His cold gray eyes looked at me and for a moment, I felt the chills that it brought into my body. "What you gonna do, human?" Nang itanong nya iyon ay pakiramdam ko ay para akong kakapusin ng hininga nang dahil sa takot. Nakalimutan kong naririnig nya pala ako!!! Kaya napatawa nalang ako ng hilaw. "S-sabi ko nga eh, magluluto na ako. Sige, maupo ka muna dyan at hintayin mo ang lulutuin ko."ang naginginig kong sabi saka dali-daling pumunta ng kusina. Agad ko ng sinimulan ang pagluluto ng fried rice. Ang awkward lang na kumakain pala ng fried rice ang bampira? Pasimple ko syang sinilip sa dulo ng mata ko. At hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit ba sya nagpakulay ng buhok. "Ah, uhm” ang kunwa’y ubo ko para makuha ang atensyon nya.”P-pwede bang magtanong?" "It's my human form" "Eh?" "Itatanong mo diba kung bakit nag-iba ang kulay ng buhok ko? Then the answer is it’s my human form" "Ah, so yung gray---" "Is my vampire form. That's my true form." "Ah." ang naisagot ko lang saka sinimulang maghiwa ng mga ingredients. Atleast nag-uusap na kami ngayon ng masinsinan at wala ng halong 'bobo', 'stupid', at 'pulubi'. "But still, you are" he said then smirk. "Huh?" "You are still bobo, stupid, and pulubi" ang sabi nya na parang wala lang saka inilipat ang channel ng pinapanood nya. I gritted my teeth. At kung anime lang ito ay baka may lumalabas ng ugat sa noo ko. But I calmed myself. There's no point in arguing with him dahil talo parin ako. He'a damn vampire while I'm a fragile human! At may bonus pa! Anemic! Pero tama, may nakalimutan pa akong itanong sa kanya tungkol sa contract. Dahil wala narin akong kawala sa konratang ito ay itatanong ko nalang sa kanya ito. "Eh diba may kontrata tayo? So, wala man lang ba akong pipirmahan na parang agreement o whatsoever para naman---" "That is not necessary" ang sagot nya lang. "Eh---" His cold gray eyes turned to look at me again and I felt a lump at my throat. Bwiset. Napapa-english ako sa sobrang takot sa kanya. "You're whole life is mine. That's the contract" yun lang ang sabi nya saka lumingon naman sa tv. Napanganga ako. Pero nang mainitindihan ko kung ano ang ibig nyang sabihin ay parang maiiyak na naman ako. Oo nga naman, paano pa ba ako makakawala sa nakakatakot na nilalang na ito? Naputol lang ang pag-iisip ko nang bigla syang magsalita ulit. "There's a strange looking human who wants to give these to you this morning" ang biglang sabi nya saka may itinapon na maliit na cellophane sa akin. Strange looking human? Paano naging strange? Mukha bang hindi tao kaya strange looking? Grabe talaga kung makalait ang bampirang ito sa mga tao. "I can hear you" he said. I fake a smile. "Ay, sorry po." saka ko sya inisnab nung hindi na sya nakatingin at tinignan ang laman ng cellophane. Iron supplements. Tama. Si Justin nga pala ang nagdala nito. Saka ko lang din naalala ang sinabi ni Justin. Black-haired guy? Na nagpakilalang asawa ko? Tinignan ko ang gwapong bampirang iyon na busy sa panunuod ng tv. "Ano ba ang sinabi mo kay Justin noong nandito sya ha?" DEMON'S POV: I've been holding on for so long. And I'm trying hard as I can to control my thirst. I did not fed in a day and it means hell. To think that I lost so much of my power from that stupid contract. I tried to eat normal foods but its not enough. And now I'm forcing myself not to look at her neck and trying as hard as I can to focus at this damn television. This stupid girl doesn't have any single idea of how close she is to be my next meal. But I just can't hurt her. I can't. "Ano ba ang sinabi mo kay Justin noong nandito sya ha?" she asked. And now she's asking about that stupid lover of her. I smirk. I couldn't forget that pitiful stupid face of his. She's still sleeping at my side when the doorbell rang. I don't want to wake her up from her sound sleep so I stood up from the bed and went to the noisy door. I opened the door and saw this guy. "Ah, nandyan ba si---" "Wala" Of course, I know who is the person he's looking. I can read it from his head. Reading the minds of the humans have been my forte for years, with contract or not. "Ah..." I saw curiosity into his head. He's asking himself if who am I and what am I doing in Jane's house in this early hour of the morning. But I waited for him to ask. "Ah kung ganun, pwede bang ikaw nalang magbigay nito sa kanya? Iron supplements yan. Sige, bye" He turned around but he's dying of curiosity. So he turned and looked at me again. And this time, he asked the thing I’ve been dying to answer. "Pwede bang malaman kung kaanu-ano ka ni Jane?" I almost put on a smirk but I forced myself not to. "Her husband" And then I shut the door right into his face, leaving him outside with a mouth wide open. I love that pitiful expression from that human's face. It somehow gave me a satisfaction. With a bored look, I turned to her and forced myself not to smirk. "Nothing" Then I turned to watch the television again. And this time I heard her mind. Wala daw pero ang sabi ni Justin ay nagpakilala syang asawa ko. Tsk. Marunong din palang magsinungaling ang mga bampira? Wow ha. I smirk. But when I was about to be hooked with this boring television, I heard her scream. "Aray!" And then I smell the last thing that I wanted to smell especially if it's coming from her. Blood. JANE'S POV: "Ay bwiset, ang shunga-shunga ko talaga" ang naimura ko nalang habang nakatingin sa nahiwa kong hintuturo. Agad akong nagpunta sa sink at hinugasan yun. Pero sa paglingon ko ay bigla nalang akong nanlamig at napaatras. Because I came face to face with that hungry looking red eyes of his with his gray hair. "I've changed my mind. I want your human blood." he said in a hoarse voice na para bang nahihirapan sya. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD