CHAPTER 3

985 Words
"Wala ka pa ring kupas, Dude! Maaasahan ka talaga!" yun ang narinig kong bungad na bati sa kanya ng kaibigan niyang si Lindon.     Agad ko namang nakita ang nakakalokong ngiti ni Jed. Yung ngiti na iyon na makakapag pawala sa katinuan ng sino mang babae na makakaharap niya. Iba lang kasi talaga ang tabas ng mukha niya eh. Para bang ibinuhos talaga ng mga parents niya ang lakas nila noong ginawa siya. Parang walang mali sa hulma niya.     "Kung makita mo lang dude ang reaction ni Ruth nung sinabi mong break na kayo, damn! She almost fulls the lake with her tears." William, his friend added. They were all Filipino. Half. They grew here in Canada but born in the Philippines. At marunong din silang mag tagalog.     But wait. Tama ba yung narinig ko? Break? Nag break sila ni Ruth? That brat–looking girl in our University?     Pero sa pag kakaalam ko ako ang girlfriend ni Jed! In fact, we were celebrating our 8th month together!     "Iba talaga itong kalibre ng kaibigan natin eh, matalino na sa academics matinik pa sa babae!" Lindon make his ego boost more sa sinabi niya. Nanatili lang akong nakatabing sa pader ng hagdaan kung saan sila nag uusap ngayon. I hate to gossip pero mabait pa din sa akin si Lord para ipadinig sa akin ang usapan nila. Mariin akong nakasandal sa malamig na semento na parang dun ako makakaamot ng lakas sa susunod na maririnig ko mula sa kanila.     "How about, Cassie? Matagal na kayo Jed, siya lang ang tinagalan mong girlfriend don't you think masiyado mo na siyang pinapaasa?" pigil ang pag hinga ko habang inaabangan ang isasagot ni Jed sa tanong nila at daig pa sa horror movies na napanood ko ang kapit ko ngayon sa dibdib ko. Anytime kasi parang lalabas na ang puso ko na durog.     "I'm not done yet with her."     "Not done yet with her. Dude, attached ka na yata sa kanya eh, you just don't admit it."     "It's just a game for me, and I'm not that stupid for you to think that I will like her. Kagaya din siya ng mga ibang babae, clingy." walang pakialam niyang pahayag.   Diko na namalayan ang pag patak ng mga luha ko ng marinig ko ang sinabi niya.     I thought that he loves me. Sa ilang buwan na magkarelasyon kami mas nakilala ko ang totoong Jed. He was lonely, scared. Ibang-iba sa ipinapakita niya sa labas. I don't know if it is his façade just for him to cover up his sadness inside.     "Sana lang dude, sa ginagawa mong iyan bumalik talaga si Coleen sa iyo. Ilang beses ka na ba niyang nakitang may ibang babae? Pero parang hindi effective, and that sweet girl Cassie, she's madly in love with you. It is written all over her face. We think she isn't like the others." buti pa yung iba nakikita ang kaibahan ko sa mga naging babae niya, bakit si Jed hindi makita iyon.     "Coleen is another case, I may like her before, but she makes me realized that women can't be trusted."     Napakagat ako sa labi ko para hindi umalpas ang nanganganib na hikbi na tatakas sa aking pag iyak.     "They are a waste of time. A toy, to give me satisfaction. Kailanman, hindi ko ibibigay sa kanila ang chance na saktan nila ako. Not even, Cassie."     Napatakip ako sa aking bibig para pigilin ang pag buhos ng damdamin ko para sa kanya. Mabilis akong napatakbo at nilisan ang lugar na iyon.     All this time. I thought what he had for me was real! He just using me! At kapag nagsawa na siya, itatapon niya din akong parang basura?     Bakit ako pa? Bakit kailangang ako pa ang napili niyang saktan?     Para ng sasabog ang dibdib ko sa sobrang pagsakit nito na para na akong mamamatay. Iniiyak ko lang ng iniiyak sa buong araw ang hapdi at sakit ng pang-gagamit sa akin ni Jed. Ang hapdi-hapdi na din ng mga mata ko at parang sumuko na din ang mga tear ducts ko para iyakan pa siya. Napalitan ng galit ang pagmamahal ko para sa kanya. Parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko lahat ng pinag-usapan nilang magkakaibigan.     He will also dump me like trash anytime, soon.     That would never happen.     Pinunasan ko ang mga takas na luha sa pisngi ko at inayos ang sarili ko, humarap ako sa salamin at nakita ko ang isang mahina at durog na Cassiedy.     "This would be the last time I will cry for you Jed." matatag kong sabi sa harap ng salamin.     "You want to play games, Jed? I'll give it to you. Gusto mo akong sirain? Puwes, ako. Wawasakin kita."       NAPABALIKWAS ako sa pagkakahiga habang habol ang aking paghinga.     Dream.     Napanaginipan ko na naman ang tagpong iyon. Ang sandaling iyon ng buhay ko kung saan pinatay ko na ang anumang mabait at malambot na bahagi ng pagkatao ko.     That time, I was eighteen. Full of life, hope, and dreams. Pero isang lalaki lang ang mananakit sa akin dahilan ng pagiging bato ng puso ko. I rebelled. I tried different kinds of vices that would divert my feelings for him. Just for him to see na hindi niya ako kayang kontrolin. Na hindi niya ako masasaktan ng basta ganon na lamang.     My heart was broken, but it was shattered into tiny bits of pieces when I found out that my sister died. No. Pinatay si ate Phyllis. Nang sarili niyang asawa. Nagunaw ang mundo ko at isinisi ko lahat sa sarili ko kung bakit nangyari iyon sa kanya.     I focused my life on how I will make that evil criminal pay. Kaya umalis ako ng Canada pero bago iyon, ginawa ko ding miserable ang buhay ni Jed. I used his own friend, Lindon to helped me hurt Jed.     Anim na taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin ang lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na alam kung kailan ko mabubuong muli ang sarili ko, o maibabalik ko pa ba ang dating Cassiedy na minsang nangarap kasama ng isang tulad ni Jed Marco Lopez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD