CHAPTER 2

1416 Words
    “The most and fast-rising eligible bachelor Dr. Jed Marco Lopez, also known The Oncologist, made another trademark in history of Medicine.”     “This 30 year–old handsome medical practitioner who tops his licensure exams way back six years are now making her own footprints on a medical career. He was a member of the prestigious elite team experimenting with the advanced technology of Cryoprecipitation and Stem Cell treatment for cancer patients. Won as one of the best researchers in Harvard School of Medicine and claiming now the number 1 spot on the most desirable men of his generation.”     “Along with the wits, glam and the fame he's having. He is now joining the medical family of Veztra Medical City together with the fast-rising Surgeon; Dr. Daniel Blake dela Vega and The Ace Neurosurgeon Dr. Jairus Vaughn Saavedra, their team is a blast!”     “But just like the mention two gorgeous men who were happily married. Mahawaan na din kaya siya ng wedding vows and promises kagaya ng dalawa? Is he also being able to tie his knot just what his colleague and best friends did?”     “Is he also believed that Science made this one girl for him- “     "Hey!” sigaw sa akin ni Amanda, the moment that I snatched that magazine away. Siya lang naman yung bestfriend ko at naging pamilya ko mula ng tumigil ako dito sa Pilipinas, mahabang kuwento kung paano kami humantong sa pagkakaibigan nitong bruhang ito.     Mula ng mamatay si Phyllis—yung kapatid ko, pag hihiganti na ang laman ng utak ko. Gusto kong makuha ang hustisya na huling hiling ng ate ko. Ulila na ako, itinapon kami sa ampunan ng mga kamag anak naming ayaw kumuha ng responsibilidad.     Well at least naging maganda naman ang kinalabasan dahil napunta naman kami sa magandang mga kamay. Nakarating kami sa Canada, nakapag aral ng maayos at heto nga! Isa na akong sikat na model. Sa katunayan, hindi naman yun ang pangarap ko.     Pangarap kong magkaroon ng isang simple at buong pamilya. Yung tipong gigising ka sa umaga para ihanda ang mga gamit ng asawa mo. Yung tutulungan mong gumawa ng assignment yung mga anak mo kapag hindi nila kaya.     I want to be a plain housewife. Hirap ng pangarap ko no?     "Huy!" kuhit sa akin ni Amanda.     "Ha?"     "Lumilipad na naman yang utak mo. Nakita mo lang yung picture ni Marco natulala ka na diyan." ngising tukso niya sa akin. Umikot lang ang mata ko sa kanya.     "Puwede ba! Huwag mong mabanggit–banggit sa akin iyang pangalan ng lalaking iyan! Nakakasira lang ng araw." irita kong banat sa kanya.     "Bitter pa din, teh?" Namilog agad ang mga mata ko sa sinabi niya.     "Aba't! Kailan ka pa natuto ng mga ganyang words, Amanda?" Namilog ang mga mata ko. Maybe she's possessed or something? Dahil hindi mag sasalita ng ganon ang isang katulad niyang elitista.     "Anu ka ba Cass, relaxed! Hindi ibig sabihin na nasa bahay lang ako wala na akong alam sa mga nangyayari sa labas." natatawa niyang sagot sa akin.     "Paano ba naman iyang asawa mo, halos ikulong ka na dito sa bahay." sinimangutan ko siya. Nakita kong tumayo ito saka lumapit sa akin at ipinatong ang kamay sa magkabilang balikat ko.     "Gusto ko din naman ito. Maliit pa si Jace at gusto ko ding pagsilbihan ang mag ama ko." nilingon ko na lang siya tinutukoy niya yung napaka cute niyang anak. Four years old pa lang si Jace pero kita mo na agad na may future talaga ang bata. Sobrang mana sa ama na si Jake, sana lang hindi nagmana sa kasungitan yung bata.      "By the way, ang cute niya diyan ah!" kinindatan pa niya ako. Umalis ito saglit at pagbalik niya, may dala na siyang meryenda. Yung picture ni Jed sa magazine yung ibig niyang sabihin. Na–featured ito sa isang men's magazine at talagang hinalukay ng kung sino mang hitad na writer na iyon ang lahat tungkol kay Jed.     Kahit naman siguro sino mabibighani ng ka-guwapuhan niya. Well okay. Inaamin ko, guwapo naman talaga siya at kahit walang sakit magkakasakit para lang magpatingin sa kanya no.     "Oh! Please!" iritado na ako. Pakiramdam ko konting-konti na lang hahantong na itong usapan na ito sa hindi magandang.     "Why can't you accept the fact na hindi mo siya matatakasan, Cass? Marco is a great man. That magazine didn't justify how responsible and the great man he is. At alam kong hindi pa din nawawala ang pagmamahal diyan sa puso mo pag dating sa kanya or else you would not be the finest model, but loveless." she mockingly said saka inilapag yung mga pagkain. Pinagdiskitahan ko na lang yung cake, tinusok-tusok ko iyon na para bang andun yung mukha ng lalaking iyon.     Damn him! For being so freaking hot and gorgeous on that pictures! Tama si Amanda, hindi na-justified ng husto ng magazine na iyon kung sino si Marco. Hindi lang siya matalino, sikat, ubod ng yaman at ubod ng guwapong nilalang sa balat ng lupa! Kundi isa din siyang mapag mahal na tao. At naging saksi ako doon, kung paano niya inialay ang lahat-lahat para sa akin. Kung paano niyang bitawan ang lahat para sa akin. Kung papanong handa niyang talikuran ang lahat para sa akin.     "Madi, please. Are we going to keep talking about him over and over?" Hinilot ko ang sintido ko sa nag- uumpisang kirot na nararamdaman ng ulo ko. At mas lalo pa ng dibdib ko.     "Yes! If that would be the reason para matauhan ka at makita mo ang katotohanan kung ano ang tinatapon mo!" giit nito sa akin. Pagak akong tumawa. Parang linya ko ata iyon ah!     "Amanda, nakita mo naman kung gaano na siya kataas ngayon. Kung noon hindi ako enough sa kanya, what more pa ngayon?" Yeah. I'm not enough for him before, and I will never be enough for him now.     "Still the insecure girl! Cassie, iba ka na ngayon. Iba na ang situwasyon niyo ngayon, sikat ka na din na modelo. Bakit ka ba nagpapatalo sa pag iisip ng mga bagay-bagay na hindi naman nag e-exist? Tell him why you chose to leave him. Panahon na din para malaman niya ang lahat."     I smiled bitterly.     "Anu pang dahilan ko para sabihin sa kanya ang mga iyon, Amanda? May mag babago ba kung malaman niya ang lahat? You see, everything that was happened was for our own good. He is the best doctor in the country, he cured so many lives. I'm one of the nicest asses of the fashion world and I'm happy." At ayoko ng umasa sa isang bagay na alam ko namang matagal ng sira at hindi na mabubuo pa.     Mataman lang akong tinitigan ni Amanda. Parang pilit niya akong pinapaamin sa kasalanang kailanman hindi ko ginawa. Napalunok na lang ako ng makita ko ang mukha niyang nag pipigil mag salita. She knows me very well; she can see my soul in her own eyes kaya nag iwas na lang ako ng tingin.   "Are you really happy right now, Cassiedy? REALLY happy? Kahit hindi mo sabihin nababasa kita at alam mo kung ano ang nababasa ko ngayon sayo? Panghihinayang...na kahit marami kang puwedeng gawin para maituwid ang nakaraang pagkakamali wala kang lakas ng loob. Hanggang kailan mo papahirapan ang sarili mo?" malungkot na sabi ni Amanda.     Hindi ko magawang salubungin ang bawat pagtitig niya sa akin. Ayokong ipakita sa kanya ang mahinang bahagi ng pagkatao ko. Iba na ako ngayon, mas okay na sa akin kung ano at sino ako. Nang sa gayon hindi ko na mararamdaman ang sakit at pag durusa. Kailangan kong maging matatag at matapang.     Nagpakawala ako ng malalim na hinga.     "It–It doesn't matter now, Amanda. I choose this, to be like this. And I intend to keep it that way." napalunok ako para mawala ang bara na pakiramdam ko na nakadikit sa lalamunan ko. I hate stuttering.     "And what about Jazs?"     "Walang kinalaman dito si Jazs, Amanda—"     "No. Malaki ang kinalaman dito ni Jazsmine, Cassie." ilang beses siyang umiling, nanginginig na ako.     Bakit ba napunta sa ganito ang usapan namin. Nag punta lang naman ako dito sa bahay nila dahil bored ako at kagagaling ko lang sa isang 1-week road show. I need rest at si Amanda lang naman ang tanging naging kaibigan ko. Pero dahil lang sa isang magazine article ng lalaking iyon nabuksan ang mga bagay na hindi dapat.     "H-Hindi na siya dapat madamay pa dito." naguguluhan kong sabi. Everything about Jazs, protective ako.     "She is, Cass. The moment that she was raised into this world and fathered by Marco. She has the right to know, and so was he." Natigagal ako sa sinabi niya sa akin. At parang ang lahat ng bagay huminto, at bumalik sa nakaraan.      Sa panahong kailangan ko si Marco, sa panahong tanging siya lang at ako ang mahalaga.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD