CHAPTER 4

3089 Words
"Herl, hindi talaga ako mapalagay." Hinubad ni Oly ang kanyang pony bago tingnan si Herl na nakapamewang. Nag-leave si Oly sa trabaho para sumama kay Herl sa Cuevas Empire. Pagmamay-ari ito ng pamilya ni Kade at bukod sa kinakabahan si Oly na may makakilala sa kanya na naga-apply na sa iba ay kinakabahan din siyang makaharap ang binata. Ano na lang ang sasabihin nito sa kanya? Gulong-gulo na ang isip ni Oly. "Parang ayoko na talaga." "Bakit? Kailangan mo 'to, Oly." Kinuha ni Herl ang pony sa kamay niya at muli siya nitong pinusod. "Paano kung mahuli nila ko?" "Sino namang huhuli sa'yo doon?" "Alam mo na. Baka may makakita sa akin." Humawak na sa sintido si Herl, nawawalan ng pag-asa para sa kaibigan niya. "Lahat ng tao, Oly. Dumadaan diyan. Okay lang kung may makakita sa 'yong naga-apply ka sa iba. Ano naman sa kanila? Okay sana kung tataasan nila ang pasweldo sa'yo. Pero hindi, eh! Dadagdagan pa nila ang trabaho mo! Gumising ka nga!" Inikot siya ni Herl paharap sa salamin at nginitian. "Ngayon lang magkakabakante sa company namin. Ayaw mo pa bang i-grab ang opportunity?" Suportado siya ni Herl. Paano kasi ay hindi niya pa sinasabi dito ang tungkol sa nangyari sa kanila ng Cuevas na 'yon. "Oly, matalino ka, maganda kaya hindi bagay sa'yo na magpakahirap ka doon." Inayos ni Herl ang buhok niya sa gawing tainga. "Triple ang laki ng kita ko kaysa sa'yo. Sasayangin mo pa ba ang opportunity na 'to? Alalahanin mo, kailangan mo ng mataas na sweldo para masuportahan hindi lang ang pamilya ng Tita Gweda mo. Kundi para rin sa future mo." "Sino pa bang magba-back out niyan? Nag-speech ka na." Parehas silang natawa at pikit matang tumango si Oly. Pilit niyang inaalis ang kaba at mga hindi dapat isipin sa kanyang utak. Hindi naman siguro sila magkikita araw-araw ni Kade at baka hindi rin siya nito makilala. Pinahiram siya ni Herl ng magandang dress na susuotin para sa first interview. Nakasuot siya ngayon ng fitted black dress at stilettos. Pinusod ni Herl ang kanyang buhok para mas maging maganda ang itsura niya pagdating sa kumpanya. Nang makarating sila sa labas ng building. Natulala siya sa laki nito. Hindi niya inaasahang sobrang laki pala talaga ng pinagtatrabahuhan ni Herl. Ang expensive tingnan ng labas nito lalo na sa loob. "Bakit ganito dito? Para kayong nagpapagandahan ng suot," bulong niya habang nakakapit sa braso ni Herl. Mahinang tumawa si Herl. "'Wag kang gaanong magpahalata. Kunwari belong ka dito. Kaya nga kita dinamitan nang ganyan." "Ang gastos pa lang maging employee dito." "Malaki naman ang sweldo. Saka ganyan naman talaga dapat. Presentable ka." "Herl, siya ba 'yung sinasabi mo?" May lumapit sa kanilang isang sobrang gandang babae. Hindi maiwasan ni Oly ang pagtitig sa kanya. "Yes, ma'am," bibong sagot ng kaibigan. "Kinuhanan ko na siya ng number. Sobrang dami ng nag-apply. Baka this day, malaman mo na agad kung pasok ka." Baling nito kay Oly. "By the way, Kristin nga pala." Nakipagkamay ito sa kanya at pamaya-maya pa ay tinalikuran na rin sila nang may tumawag. "Ang ganda niya. Pang miss universe." Humagikgik si Oly sa pagtawa nang tingnan siya ni Herl. "Baliw. Lahat na lang pinansin mo. Paano ba 'yan? Dito ka na. Papasok na ko sa work." Tumango si Oly at niyakap nang mahigpit si Herl. "Bakit sobrang lamig ng kamay mo? Easy lang 'yan sa'yo. Kaya mo 'yan." Tinawanan siya nito at kinawayan na habang umaatras palayo. "Good luck!" pahabol nitong sabi bago siya tuluyang talikuran. Tahimik siyang umupo sa pagitan ng dalawang babae. Panay ang ayos ng mga ito. Samantalang si Oly, hindi na magawang mag-ayos dahil sa mabilis na pagtibok ng puso niya. Ito ang unang beses niyang maghahanap ng trabaho kahit may existing pa siya. "Balita ko hanggang hapon tayo dito." Nakinig siya sa mga babaeng nagku-kwentuhan sa kanyang tabi. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya nang malamang si Mark Kade William Cuevas ang final interview. Ngayon, hindi na maiwasan ni Oly ang pagbuklat sa binigay na kopya ni Herl ng mga pwedeng itanong sa loob. Ayaw niyang mapahiya ang kaibigan at ayaw niya ring mapahiya sa harapan ng binata. "Ms. Olyiana Rodriguez?" Gulat na napatingin si Oly sa babae. Maganda ang tindig nito at maganda ring manamit. "Ako po 'yon, ma'am," kabado niyang sagot, tinatago sa likuran ang papel na bigay ni Herl. "This way." Ngumiti ito at naunang lumakad. "Pumasok ka na." Huminto ang babae sa isang malaking pinto. Sobrang ganda ng facility dito. Hindi katulad ng sa kumpanya nila. Kabado siyang tumingin sa paligid. Malinis ang lugar at sa gawing dulo ay natulala siya nang makitang may maliit doong zen at sa gilid ay may fountain. "Olyiana Rodriguez?" "Ahm, yes, ma'am." Natauhan agad si Oly at dahan-dahang naupo sa isang bangko sa mismong gitna ng kwarto. May tatlong babae sa harapan niya, puro matatanda na ito at mukhang matagal na ring nagtatrabaho sa kumpanya. "Please tell us about yourself," nakangiting panimula ng isa. Bumuga ng hangin si Oly para ikalma ang sarili bago sumagot. She aced the interview. Gamit ang kanyang matalinong pagsagot at magagandang ngiti. From fifty five, twenty silang natira para sa exam. Habang tumatagal, nawawala ang pangamba ni Oly. Mas tinutok niya ang sarili sa pagte-take nito para makapasa. "Sure ka ba sa sagot mo?" May kumalabit sa kanya. Napatingin si Oly na kanina pa tahimik at kinakabahan sa magiging resulta. "Ha?" "Nangopya kasi ko sa'yo kanina. Mukhang matalino ka, e." Ngumiti ang babae at nakipagkwentuhan sa kanya. Kahit pa mabait ito, medyo umiiwas si Oly na mapalapit. Lahat sila magkakakumpetensya dito. Wala siyang pwedeng pagkatiwalaan. Sinabihan na siya ni Herl noong maga pa lang na magpaka-lowkey lang ngayong araw. Napangiti siya at napa-yes nang matawag ang pangalan niya. "Bakit ako?" usal ng babae na katabi niya ngayon. "Kinopyahan lang naman kita, ah?" Sisi pa nito kay Oly. Hindi tuloy makapag-react si Oly. Natulala siya habang nakabaling ng tingin sa babaeng nagmumuryot ngayon. Kung nangopya lang ito sa kanya, malamang ay tinulungan siya ni Herl para makapasa sa exam. "Lahat ng tinawag ko. Maghanda na kayo. Ang next interview niyo kay CEO na." Hindi na talaga siya makakaiwas. Sa dami ng pumila para sa posisyon na 'to. Tatlo na lang silang natira at kung hindi siya papasok ngayon sa loob ng office ni Kade ay para niya na ring sinayang ang effort para makapasok. Humugot ng lakas ng loob si Oly bago pikit matang pumasok sa loob. Naabutan niya ang upuan nito na nakatalikod kaya naman nakahinga pa siya nang maluwag bago tumayo malapit sa lamesa ng binata. Halos manigas si Oly mula sa pagkakatayo nang biglaan itong umikot. Napatitig agad siya sa mga masusungit nitong mata. Saka napalunok nang mapunta ang tingin sa labi nito. Siya pa rin ang first kiss ni Oly, ang lalaking kahit na ngayon niya lang nakaharap nang maayos ay kahit kailan hindi niya na makakalimutan. "Your name?" Seryosong tumingin si Kade sa resume ni Oly. Nawala ang kaba ni Oly. Siguro nga ay hindi siya nito nakikilala at ang mga magulang lang nito ang kumukuha sa kanya. "Your name." Sumandal na si Kade at seryoso siyang tinignan kaya nataranta si Oly. "Olyiana Rodriguez, sir." "Take a seat." Ngumiti ito. Ramdam na ramdam ngayon ni Oly ang pagkabog ng dibdib niya. Hindi siya makapaniwalang nangyayari na talaga ang lahat ng 'to ngayon. "So.." Ngumuso si Kade habang nag-iisip. Sa labi niya natuon ang atensyon ni Oly. "Tell me about yourself, Ms. Rodriguez." Sinara ni Kade ang file ni Oly saka siya nito tinignan. Naguguluhan si Oly dahil sa kakaibang pagtingin nito sa kanya. Sa tingin kasi na 'yan ng binata ay parang kilala siya nito at nagpapanggap lang. Iniisip niya na kung kilala siya nito ay wala ring kwenta ang pagsagot niya. Dahil sure siyang iniisip na ni Kade ngayon na isa siyang mababang klaseng tao. Isang stripper at patay gutom na binigyan niya ng free sausage noong nakaraan. Napakagat tuloy ng labi si Oly, na siya namang nakakuha ng atensyon ni Kade. Mapupula ang labi ng dalaga, lalo pang gumandang tingnan dahil sa lipstick na nilagay nito. Parehas lang silang nagpapakiramdaman. "Mahirap ba ang tanong ko?" Sumandal si Kade, tinatansya ang sarili. Ngayon lang siya na-attract nang ganito sa isang babae. "I'm Olyiana Rodriguez, currently working as an accountant at.." Napalunok si Oly, natataranta dahil sa mga mata ni Kade na hindi umaalis ng tingin sa labi niya. Mukhang tama siya, kilala nga siya nito. "Continue.." Mostra nito. Pinilit ni Oly na alisin ang kaba niya. Sayang naman ang pinaghirapan nila ni Herl kung hindi siya dito mapapasok. Confident niyang sinagot ang lahat ng tanong ni Kade at nakita niyang sobrang professional din naman nito. Pagkatapos ng mga tanong ay kinamayan pa siya nito bago palabasin ng kwarto. "Ang bilis ng naging interview sa inyo. Palibhasa kailangan na kailangan na." "Ang mahal dito." "Libre ko naman. Mamili ka na lang," pabirong mataray na sagot ni Herl. "Hi, Ate Love. Kaibigan ko, si Oly." Baling nito sa tindera sa loob ng canteen. "Damihan niyo po ang lagay sa kanya, ha?" dugtong pa nito saka tumawa. Titingin-tingin lang si Oly sa paligid. Naninibago dahil ibang-iba talaga ang lugar at sobrang ganda. Hindi siya maka-get over. "Kapag napasok ka na dito. Lagi na tayong sabay kakain," excited na sabi ni Herl habang umuupo. "Ayon siya, oh. Nandaya siguro siya kanina sa exam. May kilala pala siya dito, e." Sabay nilang nilingon ni Herl 'yung babae kanina. "Anong sinasabi no'n?" "Paano kasi nangopya raw siya kanina sa akin. Pero ako lang ang napasok para sa final interview." "Aba matindi! Nangopya na nga, galit pa?!" Pagpaparinig ni Herl. "Shhh! Tumigil ka nga!" bawal sa kanya ni Oly. "Tinulungan mo ba ko kanina?" bulong niya ulit sa kaibigan. "Hindi, bawal ang kapit dito. Dapat mapasok ka sa sarili mo." Nagsimula na itong kumain pagkatapos irapan 'yung nang-aapi sa kaibigan niya. "Oh? Bakit ka tumatayo?" "Tumayo ka rin dali!" madiing bulong nito kaya napatayo agad si Oly. "Good afternoon, sir," kanya-kanyang bati ng mga empleyado kay Kade. Para itong mga elementary na bumabati sa teacher kaya pinipigilan ni Oly ang pagtawa niya. Siniko siya ni Herl nang mapansin nito ang pagkapilya niya. "Sorry, natatawa lang ako. Kailangan ba kasing ganyan?" "Syempre, dapat sipsip ka." Umupo na ito at muling bumalik sa pagkain. "Siguro ang daming ginagawa ngayon ni Sir Kade. Hindi naman 'yan kumakain dito, e. Ngayon lang." "Hindi?" Tumigil sa pagkain si Oly at lumingon kay Kade na pinapauna ngayon sa pila. "Oo, laging sa labas." Umiwas agad si Oly nang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Kade. Nataranta siya na para bang nabuhusan siya ng sobrang daming yelo. "Bakit namumutla ka diyan? Nakakita ka ba ng kakilala mo?" Lumingon-lingon si Herl sa paligid. Hindi na makasagot si Oly. Kakaiba ang kaba niyang naramdaman noong magtama ang mga mata nilang dalawa. "Sir Kade." Napatayo naman si Herl. "Wala ng bakante. Pwede ba ko dito?" "Sir, dito na lang po kayo," sabat ng ilan. "Yes, sir," sagot naman ni Herl nang titigan siya ni Kade. Tahimik itong naupo malapit kay Oly. Bumalik ang lakas ng t***k ng puso niya. Anong gagawin niya? Balewala kay Kade ang pagtitinginan ng mga tao. Hindi rin naman ito kumikibo at panay ang pasimpleng sulyap lang kay Oly. "Pwede rin ba kong maupo dito?" Lapit ng isang matabang lalaki. Alangan na tumingin si Herl kay Kade na tahimik na kumakain bago lingonin ang lalaki. "Syempre naman po, Sir Jang," nakangiti niyang sagot. "Sino 'to?" "Ah, kaibigan ko po, si Oly. Sinabihan ko siyang mag-apply dito." "Good luck." "Thank you po." Alangan na ngumiti si Oly, naiilang na dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nagtama ulit ang tingin nila ni Kade. Umiwas agad siya sabay inom kunwari sa baso. Saka pasimpleng binalikan ng tingin ang binata. Gwapo talaga 'to. Hindi siya makapaniwalang ito ang first kiss niya. "Na-interview na ba siya ni President?" bulong ni Jang kay Herl. Tumango ito at bahagyang sinipa ang kaibigang si Oly para mostrahang sumipsip sa president nila. Umiling si Oly at, "aray!" "Ay! Sorry, sir!" Napatayo si Herl sabay silip sa ilalim ng lamesa. "No, it's fine." "Tanggal ka na mamaya," pabirong bulong ni Jang. "'Wag ka kasing malikot, Herl." Pagpaparinig nito nang tingnan silang dalawa ni Kade. Natawa si Oly na ikinatingin ng tatlo sa kanya. Mabilis siyang umayos at nakayukong pinigilan pa ang tawa. "Ah, teka." Gulat niyang pinigilan ang kamay ni Kade. "Allergic ka diyan, 'di ba?" Natauhan siya at dahan-dahang pinakawalan ang kamay nito. Nakuha niya ang atensyon ng lahat kaya kunwari siyang tumawa. "Sorry, allergy kasi 'yung kapatid ko diyan." Pag-ayos niya. "Wala ka namang kapatid, ah?" Sinipa niya agad si Herl. "Sorry." "Actually, you are right. Allergy nga ako sa sausage na 'to. Sa'yo na lang." Ngumiti ito na para bang nang aasar at nilagay sa plato niya lahat ng sausage. Napaisip si Herl. Nilakihan niya ng mga mata si Oly habang minomostra ang president nila. "Sir Kade, gusto mo nito?" sipsip na alok naman ni Jang ng ulam niya sa plato. Hindi siya pinansin ni Kade. Nakatingin lang ito ngayon kay Oly na sobrang naiilang na. "Sir Kade, nandiyan na po sila Mr. Delos Santos." Bumaling si Oly sa pamilyar na boses at napatitig kay Henry na ngumingiti sa kanya ngayon. "Ms. Oly, nandito po pala kayo ngayon." Takang tumingin si Herl sa kaibigan. "Dito ka nagtatrabaho?" palusot na tanong ni Oly kay Henry. Maganda siyang ngumiti at yumuko rin para makigalang. Seryosong tumayo si Kade na sinundan naman agad ni Henry. "Sige po." Ngumiti siya. "Hoy, Oly! Paano mo nakilala 'yung secretary ni Sir Kade?" Hinila siya ni Herl. "Saka paano mo nalamang allergy si Sir Kade diyan?" "Ha?" Napatingin si Oly kay Jang bago bumalik ng tingin kay Herl. "Nagkita kami dati sa kumpanya." "Sa kumpanya niyo? Bakit naman siya nandoon?" Takang sumandal si Herl. "H-hindi ko rin alam! Bakit ba tanong ka ng tanong?" nakalabi niyang sagot at pasimpleng sumulyap kila Kade na papalayo na ngayon. "Eh, kasi nga. Maldito rin madalas 'yon." "Sino?" "Si Henry!" "Sshhh, baka marinig ka," bawal ni Jang at agad namang napatikom ng bibig si Herl. "Totoo 'yon. Parehas 'yang hindi makausap. Ewan ko na lang talaga kung mapapasok ka. Hinawakan mo, e." "Ha?" "Bingi ba 'tong kaibigan mo?" nakatawang biro ni Jang nang kalabitin si Herl. "Sinabihan na kasi kita." Baling naman ni Herl kay Oly, nag-aalala sa kaibigan. "Sinabi ko na rin lahat sa'yo ng alam ko tungkol kay Sir Kade. Tapos ginawa mo pa rin. Ang sabi ko sa'yo magpaka-lowkey ka lang, 'di ba?" Napalitan ng kaba ang pagkailang ni Oly. Mukhang hindi nga para sa kanya ang trabaho na 'to. Nakalimutan niyang ayaw nga pala ni Kade sa mga babae. Eh, paano naman kasi! May dahilan naman si Oly. Kung ito nga ay hinalikan siya nang walang paalam at sinabi pang, "kiss me," panggagayang bulong ni Oly habang nakatitig sa salamin ng banyo. Pagkatapos mag-ayos nang konti ay tumuloy na rin siya sa waiting area. Naabutan niya doon ang dalawa, nakaupo na at nagtsi-tsismisan. Nang umupo siya, tumigil ang mga ito na para bang siya itong pinag-uusapan. "Oy," kibo ng isa habang humahalukipkip. Mataray siya nitong tinignan na pinagtaka niya. "Ako ba?" "Oo, ikaw." "Nakita ka namin kanina, ha? Mukhang luto na 'yung laban. Nilandi mo na 'yung presidente dito." "Anong pinagsasasabi niyo?" Kumunot na ang nuo ni Oly, naaalibadbaran sa mga sinasabi ng mga ito. "Hindi na kami magtataka kung ikaw ang matatanggap." "Oo nga, saka balita rin namin. Kahit kaninang exams, may tumulong lang sa'yo kaya ka nakapasok." "Sabi nila bawal 'yon, ah," pagpapalitang sabi ng dalawa. "Hindi ako nandaya sa exams saka wala akong nilalandi," pikong sagot ni Oly bago tumayo at maupo malayo sa dalawa. Nagpatuloy ang mga ito sa pagtsi-tsismisan tungkol sa kanya. Hindi na tuloy siya mapalagay. Ang ayaw niya sa lahat ay 'yung pinag-uusapan siya nang ganyan. Lalo na't kung hindi niya naman talaga ginagawa. "This area is secured by cctv. Lahat ng kilos niyo at sinasabi ay rinig ng itaas." Sabay-sabay silang tumingin sa babae na nakaturo sa itaas nila. "And I'm here to inform you two that you didn't pass due to disrespect." Napanganga ang dalawang babae at takot namang napatayo si Oly nang sa kanya ibaling ng matandang babae ang tingin. "Follow me," utos nito sa kanya. Sumunod naman si Oly habang titingin-tingin sa dalawang dinaanan niya ngayon. Mga nakanganga pa rin ang mga ito at iritableng tumatayo na mula sa upuan. "Olyiana Rodriguez? Am I correct?" Huminto ito sa tapat ng HR habang nakatingin sa resume ni Oly. "Yes, ma'am." "Here is your data. Pwede ka ng pumasok." Yumuko si Oly nang lampasan siya nito at nagpasalamat. Kabado naman siyang bumaling sa pinto. Iniisip kung tanggap na ba siya o hindi. Masusungit ang mga mukha nito nang pumasok siya. Lalong tumibok tuloy nang mabilis ang puso ni Oly habang dahan-dahang nauupo sa silyang tinuro sa kanya ng babae. Ngumiti siya nang may sumulyap sa kanya pero hindi tulad kanina na mababait ito, ngayon ay panay suplada ang kaharap niya. Dahil ba hinawakan ko si Kade kanina? Ang o-OA naman nila dito. Napatayo ulit siya nang makita si Herl na nakasilip sa pinto. Kumaway ito sa kanya at ngumiti saka umalis din agad. "Siya ba 'yon? Sinabayan ba talaga siyang kumain ni Sir Kade kanina?" Tumingin sa likuran niya si Oly nang may marinig na bulungan. "Oo, siya 'yon. 'Wag ka ng maingay. May dalawa ng nabigyan ng sample kanina baka tayo pa masunod." "Akala ko ba bawal dito ang palakasan?" "Malandi, e." Walang pasabing lumabas si Oly ng pinto. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa papel niyang binigay kanina. "Herl, uuwi na ko," paalam niya sa kaibigan na nakita malapit sa lobby. "Tapos na?" masaya nitong tanong. "Ano? Nakapasok ka ba?" "Ewan, ayoko na. Hayaan mo na. Sa iba na lang ako hahanap." Pinilit niyang ngumiti para hindi ito mag-alala sa kanya. "Ano ba 'yang sinasabi mo?" "Bakit kasi ganito 'yung mga tao dito? Mababa nga ang sweldo sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko pero kahit minsan hindi ako nasabihan ng mga tao doon na malandi." "Sinabihan ka nino?" galit nitong tanong kaya pinigilan na siya ni Oly habang iniilingan. "Aalis na ko. Hayaan mo na. Marami sila, Herl." "Pero, Oly!" Habol ni Herl nang tumalikod na siya. "'Wag kang umalis. Sayang." "Hindi na. Mas okay pa doon sa workplace ko kaysa dito." Malungkot siyang umiling at bago pa tumulo ang luha niya ay tumalikod na ulit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD