"Oly, kailan magiging kayo ni Mark?"
"Herl, hindi na ulit kami nagkita mula noong ilibre niya tayo. Sabi ko naman sa inyo, walang kami at kahit kailan hindi magiging kami. Saka may atraso pa sa akin 'yon."
"Hay, binusted mo ba?"
"Wala akong karapatan para bustedin 'yon." Sumaldak si Oly sa couch at umunan sa hita ni Herl.
"Pero 'yung totoo? Type mo?" Ngumisi si Herl at nilaro ang buhok niya.
"Kung sa itsura, sobra."
"Tama ako. Gwapo nga."
"Pero sa ugali, fifty-fifty ko."
"Bakit naman?"
"Eh, kasi–" Napaisip si Oly.
"Eh, kasi?"
"Hay, sige na nga. Aamin na ko sa'yo." Pumikit si Oly at kumunot naman ang nuo ni Herl. "'Wag mo kong sasaktan ha?"
"Bakit naman kita sasaktan?"
"Siya 'yung first kiss ko," mabilis niyang sabi sabay pikit habang nakalagay ang mga braso sa mukha para protekta sa magiging reaksyon ni Herl. Napadilat siya nang hindi siya nito paluin o sabunutan man lang dahil sa kagagahan.
"Nakilala mo 'yon sa bar?"
Nakabusangot siyang tumango habang nakikiramdam sa kaibigan.
"May asawa?"
Umiling lang si Oly.
"Girlfriend?"
"Balita ko, wala."
"Kala ko ba naka-mask ka no'n?"
"'Yon na nga! Nakilala niya ko!" ma-dramang sagot ni Oly. "At pati na 'yung pamilya niya," nakalabi niyang dugtong.
"Umabot ka na sa pamilya niya? Aba, iba na 'yan."
"Mali ka ng iniisip! Kinausap nila ko." Pag-upo ni Oly saka bumaling ulit kay Herl.
"Okay."
"Babayaran daw nila ko kapalit ng pagsagot ko agad sa anak nila. Tapos sabi pa nila 'wag ko na raw pahirapan ang anak nila at kapag kinasal pa kami. Dadagdagan pa nila 'yung ibibigay na pera para sa akin. Ang baliw, 'di ba?!"
"Hindi mo tinanggap?" tulalang tanong ni Herl.
"Syempre, hindi!"
"Gaga ka!"
"Aray!" angal niya nang hilahin ni Herl ang buhok niya pababa.
"Bakit hindi mo tinanggap?!"
Gulat niyang tinignan si Herl. Hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon nito.
"Chance mo na 'yon na makaahon ka sa hirap, Oly!"
"Ibebenta ko 'yung sarili ko?"
"Hindi naman, e. Halatang-halata naman na type mo 'yon," parang kunsumidong sagot ni Herl sabay sandal sa couch na tila ba nadidismaya. "Ang bobo mo sa part na 'yon," sabi pa nito.
"Hoy! Ikaw nga itong galit na galit noong nag-stripper ako tapos ngayon ganyan 'yang mga sinasabi mo?!" angal niya.
"Hoy ka rin! Abay, may mali ba sa gagawin mo na 'yon? Sabihin mo ng hindi mo kukuhanin 'yung pera nila. Pakasalan mo na lang 'yung mokong na 'yon kasi mukhang mabait naman saka type ka. Nakita mo pati mga magulang interesado sa'yo. Saka ako, Oly. 'Wag mo na kong lokohin, hano? Sure na sure akong type mo rin!"
Umiwas na si Oly, totoo naman kasi. "Makatulog na nga lang."
"Tinanggihan mo pa. Siguradong may nahanap na 'yong iba sa club. Naunahan ka pa ng kagaya nila Venus."
"Hindi siya nagka-club!" Pikon niyang harap kay Herl na tinawanan nito. "Saka! Saka!"
"Ano?" mapang-asar na tanong ni Herl.
"Saka ano! Saka!"
"Puro ka saka! Baka mamaya umani ka na ng bigas!"
"Herl!" Parang batang sumipa-sipa si Oly.
"Awu, kawawa naman ang bata. Ginto na naging bato pa."
"Bwisit ka, 'no!"
"Puntahan mo siya."
Huminto si Oly sa pabirong pagngawa at tumitig kay Herl.
"Puntahan mo 'yung prince charming mo. Malay mo type ka pa rin," ulit ni Herl saka siya nginitian.
"Hindi na 'yon. Kung type niya ko, pupuntahan niya ko ulit."
"Ikaw kasi hindi mo pa tinali sa'yo. Pabebe ka rin, e!"
"Tumigil ka na nga! Babatuhin na kita!" Pabirong hinawakan ni Oly ang tsinelas niyang suot sabay busangot. "Makita mo!"
Tumawa lang si Herl. "Sayang, aayain ko pa namang mag-outing sa Boracay."
"Ewan ko sa'yo."
Pabirong tumalikod si Herl at bumaling ng tingin sa cellphone niya. "Sayang talaga. Ang tagal na rin pala. Isang linggo na rin kayong 'di nagkikita. May nakilala na nga 'yon."
"Pamwisit ka, 'no?"
"Tsk. Tsk. Kawawang bata."
Nakabusangot na pumasok si Oly sa kwarto niya. Binagsak niya agad ang sarili sa kama habang iniisip ang naging desisyon. Nilalason lang ni Herl ang utak niya. Eh, hindi naman siya niligawan talaga ni Kade. Saka minsan lang naman silang nagka-usap nang matino. Imposibleng magugustuhan siya nito.
"Herl.." Hindi niya mapigilang labas.
Nakangiting lumingon sa kanya si Herl. "Ano?"
"May bakante pa ba sa inyo?" Umupo si Oly sa tabi ni Herl habang nakabusangot na parang batang iniwan sa daan.
"Wala na. Nakahanap na sila ng tao para sa posisyong pinag-applyan mo dati."
"Ahm.." Gusto niyang magtanong ng tungkol kay Kade kaso ayaw niya ng ipaalam 'yon kay Herl. "Eh, secretary ng presidente? Wala bang hiring? 'Di ba masungit ka mo 'yon?" Ngumiti agad siya nang tingnan siya ni Herl. Binaba nito ang cellphone at siya na ang hinarap.
"'Wag mong pangarapin na maging secretary ka niya. Saka, 'di ba? Kilala mo si Henry? Tapos aagawan mo pa siya ng pwesto?" natatawang sagot nito.
Napanguso si Oly. Oo nga pala, hindi niya naalala.
"Bakit na nga masungit 'yung presidente niyo?"
"Ewan, pinanganak na 'yong masungit."
"Wala pang asawa?" Alam niya namang wala. Gusto niya lang na mapunta ang usapan hanggang sa maitanong niya kung may girlfriend na ba si Kade.
"Paano magkakaasawa 'yon?" nakatawang sagot ni Herl. "Eh, lahat nga ng babaeng lumalapit sa kanya sinusungitan niya."
"Edi wala ring girlfriend?" Tumigil siya sa pagngiti nang tingnan siya ni Herl nang kakaiba. "Edi bakla nga," dugtong niya para makaligtas.
"Sabi nila."
"Hmmm.." Tumango-tango siya kahit hindi naman nakikiayon. Sa galing na humalik ni Kade imposibleng bakla 'yon. 'Yan ang nasa isip ni Oly.
"Ang gwapo pa naman, 'no? Sayang." Umiling-iling si Herl.
"Matino ba talaga 'yung presidente niyo?"
"Oo naman! Jusko, kung makikita mo–oh?! Oo nga pala! Na-interview ka niya! Saka tumabi siya sa atin noong kumakain tayo sa canteen."
"At sinabihan na ko ng lahat na malandi," dugtong ni Oly na ikinatigil ni Herl.
"Ikaw naman kasi, sineryoso mo. Edi sana maganda na sweldo mo ngayon."
"Makatulog na nga lang."
"Hayaan mo. Sasabihan kita ulit kapag may bakante na."
Ang tagal na mula noong hindi sila nagkita pero laging nagmamasid si Oly. Hinihintay na baka magkasalubong ulit silang dalawa.
"Oly, friday naman ngayon! Sumama ka na!" pangungulit ni Herl.
Gusto nitong makipag-inuman sa barkada ni Timmy pero nahihiyang mag-isang pumunta.
"Hindi nga pwede. Baka magkagastos pa ko doon. Uuwi ako next week kila Tita Gwenda."
"Ang unfair mo naman, ih! Ako sinasamahan kita kahit saan!"
"Herl, wala na kong pera." Hatak na ni Herl ang braso ni Oly.
"Oly, sinabi ko na nga sa 'yong libre ko! Kahit iwan mo pa dito 'yang wallet mo! Please? Ngayon lang ako inaya ng mga friends niya. Saka malay mo makakilala ka na do'n. Ang tanda mo na. Mag-boyfriend ka na."
Walang nagawa si Oly kundi magpahila kay Herl. Pinahiram siya nito ng damit. Isang pulang fitted dress na medyo kita ang ilang bahagi ng likuran niya. Gano'n din naman ang suot ni Herl. Magkaiba lang ng design sa bandang ibaba ng dress.
Tulad ng plano, iniwan niya ang wallet sa bahay nila. Wala siyang planong gumastos doon lalo na't siguradong maho-holdup ang wallet niya pag-uwi sa Tita Gwenda niya.
Hila-hila siya ni Herl habang sumisiksik sila sa mga taong nasa paligid. Crowded ang lugar at sobrang ingay kaya napapatakip si Oly ng tainga.
"Hi!" Kaway ni Herl at lumapit naman agad si Timmy sa kanila.
"Herl, long time no see!" bati ng isang kaibigan ni Timmy.
"Kaibigan ko, si Oly."
"Hoy! Hoy! 'Wag niyo 'yang tingnan nang ganyan! Mabait 'yang si Oly!" bawal ni Timmy sa tatlong kaibigang kasama. Nailang tuloy si Oly sa mga tingin ng lalaki sa buong katawan niya.
Isa lang ang bakante sa tabi ni Timmy. Tuloy napilitan si Oly na tumabi sa isang kaibigan nitong lalaki.
"Brix," pakilala agad ng tinabihan niya. Nakipagkamay siya sa lalaki at mabilis na tinignan si Herl nang halikan ng lalaki ang likuran ng kamay niya.
Minostrahan naman ni Herl si Timmy kaya napatingin ito kay Brix.
"Okay lang 'yan, Oly. Single rin 'yan." Ngiti ni Timmy.
Single, pero hindi naman ito type ni Oly.
Medyo dumasog si Oly sa gawing gilid para makalayo. Binigyan siya nito ng isang basong beer at muling nginitian na para bang nilalandi siya. Hindi sanay si Oly kaya naman ngumingiti-ngiti na lang siya.
Panay lang ang tanggap ni Oly ng beer kaya naman nangangamba na si Herl. Mukha kasing isang kalabit na lang kay Oly ay matutumba na 'to.
"Si Flash!" Biglang turo ni Timmy na tinignan din ni Herl. "Halika, ipapakilala kita. Sa kanya 'tong bar."
Sinulyapan saglit ni Herl si Oly bago siya nagpahila sa boyfriend niya. Lasing na lasing na talaga 'to. Mabuti na lang at hindi pa nagwawala.
"Wala ka ba talagang boyfriend?" Ngisi ni Brix habang umaakbay kay Oly.
"Meron."
"Sinasabi mo ba 'yan dahil 'di mo ko type?"
Lasing na tumango si Oly na tinawanan ni Brix.
"Ang cute mo," sabi pa nito at sinalat ang pisngi ni Oly. Nagising tuloy ang diwa ni Oly, tinulak niya palayo si Brix na hindi ikinatuwa ng binata.
"Herl!!" sigaw ni Oly pero masyadong malakas ang tugtog.
"Pre, 'wag mo na 'yang patulan. Lasing na. Magagalit si Timmy," bawal ng isa nilang kasama.
"Tsk, type mo rin ba?" Ngisi ni Brix at muling pinasadahan ng tingin ang katawan ni Oly.
"Herlll!!!" sigaw niya ulit na nakakuha na ng atensyon ni Herl.
"Ikaw na ang bahala kay Timmy. Sabihin mo inuwi ko na 'yung kaibigan niya kasi lasing na." Tumayo si Brix at nakangiting tinapik ang kasama.
"Sasabit ka diyan, pre," hindi sangayon na sabi nito.
"Ako kasing bahala."
"Herrrrllllll!!!" Napatingin si Oly sa kanyang braso nang hawakan siya ni Brix. "Bakit? Bitiwan mo ko."
"Lasing ka na. Maingay dito. Halika, iuuwi na kita."
"Hindi na, sabay kami ni Herl. Heeeerrrllll!!!"
"Lasing na talaga." Tawa nito at inakbayan si Oly. He shouted in pain. Napatayo rin ang dalawa nilang kasama.
"Easy, pre." Pagpapahinahon ng dalawa. Binitawan ni Kade ang kamay ni Brix saka binuhat si Oly palabas ng bar.
"Ibaba mo ko! Heeeeerrrrrllllllll!!!"
"Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" Binaba siya ni Kade pasandal sa loob ng kotse.
"Heeerrll~!" Tinakpan niya ang bibig ni Oly ng kamay niya. "Hmmmm!! Hmmm!!!"
"Iinom-inom. Hindi naman pala kaya," kunsumidong bulong ni Kade nang makatulog si Oly. Nakabuntong hininga niyang sinara ang pinto at napatingin sa kaibigan ni Oly na si Herl.
"Nasaan na si Oly?!"
"Brix!" galit na sigaw naman ng boyfriend nito.
Inis na napailing si Kade habang pinagmamasdan ang mga ito. Umikot siya para makasakay at hinayaang mag-alala ang mga kasama ni Oly.
"Kade, hi," lasing na bati ni Oly nang nakangiti. Napasulyap tuloy sa kanya si Kade at nangiti rin.
Paggising ni Oly, gulat siyang napatayo at tarantang napalingon sa paligid.
"Hala! Baliw!" gigil niyang sabi sa sarili nang makitang panglalaki ang suot niyang t-shirt. Sobrang laki no'n sa kanya at . . . kilala niya ang amoy no'n.
"Good morning."
Mabilis siyang napatingin kay Kade na seryoso ngayon ang mukha habang nakasandal sa pintuan at nakatingin sa kanya.
"Pa-pa-paano.. Pa-paano.."
"Don't worry. Hindi kita ginalaw," sagot ni Kade dahil sa tarantang pagtingin sa kanya ni Oly habang nakahawak sa suot na damit. "Pumikit ako noong pinalitan kita ng damit," kasinungalingan niyang dugtong kahit ang totoo ay titig na titig siya at pilit pinipigilan ang sarili.
"Paano ko napunta dito? Si Herl?"
"Ewan ko. Hinahanap ka niya kagabi."
"At?"
"Dapat ba nilapitan ko siya para sabihing nasa kotse kita?" sarkastikong sagot ni Kade na ikinatigil ni Oly. "Hindi ka niya natulungan. Muntik mo ng ipahamak ang sarili mo kagabi. Alam mo ba 'yon?"
Hindi nakasagot si Oly.
"Kung hindi mo kayang uminom. Hindi ka dapat umiinom."
"Sorry.." nakayukong sabi ni Oly.
"Para saan?"
"Naabala kita." Mas humigpit ang kapit niya sa laylayan ng suot na damit.
"Tumayo ka na. May nakahanda ng umagahan sa lamesa."
"Hi-hindi na!" Tumayo agad si Oly. "Uuwi na ko. Nasaan ba 'yung mga damit ko?"
"Wala na." Tumalikod na si Kade para mapasunod si Oly sa lamesa. Alam niyang parang aso itong susunod.
"Paanong wala na?"
"Puro suka na 'yon kaya tinapon ko na."
"Pe-pero!"
Humarap sa kanya si Kade at nagpamewang.
"Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang suot ko."
"Kung hindi ka naglasing. Hindi sana ganyan ang suot mo."
"Kahit na! Hindi mo na sana tinapon!"
"Kumain ka na." Nagdasog ng isang upuan si Kade at minostrahan si Oly na umupo. "Pinabilhan na kita ng damit kay Henry kaya umupo ka muna dito at kumain."
Ang bossy kaya sumunod na lang si Oly. Bago kumuha ng pagkain ay sinulyapan niya muna si Kade na seryosong nagkakape lang ngayon sa harapan niya at may tangan na newspaper.
"Salamat."
Sumulyap lang ng tingin sa kanya si Kade.
"Ngayon ko lang nalaman na gentleman ka pala."
Ngumiti si Kade. "Ngayon alam mo na."
"Bakla ka ba?"
"Gusto mong malaman ang sagot?" pilyo nitong balik kay Oly habang nakasulyap sa itaas ng newspaper.
Napalunok naman si Oly at mas pinili na lang tumahimik dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Mahirap na lalo na't silang dalawa lang ang nasa loob ng bahay.
Matagal pa siyang naghintay sa pagdating ng damit. Hindi naman na-bored si Oly dahil sa luwang ng tinitirhan ni Kade. Parang bata siyang ikot nang ikot habang nakamasid naman si Kade nang hindi niya nalalaman.
Tumigil si Oly nang may makitang picture ng isang babae. Maganda 'yon at hindi kamukha ni Kade kaya napaisip siya.
"Nandiyan na si Henry."
Gulat na binaba agad ni Oly ang picture at tinignan si Kade na masungit ang dating.
"Sorry, ano, kasi, ang ganda niya." Dumiretso siya agad sa sala, hindi na hinintay ang sasabihin ni Kade. Nakakatakot ang itsura kasi ng binata, para siya nitong pinapatay sa matalim na tingin.
"Good morning, ma'am," bati ni Henry.
"Alin diyan ang sa akin?"
"Lahat po."
Napanganga si Oly habang lumalapit. Tinignan niya ang bawat laman ng paperbag saka binalik ulit ang tingin kay Henry.
"Bakit ang dami? Isa lang ang kailangan ko."
"Hindi ko po kasi alam ang tipo mo."
"'Wag mo na kong i-po. Mas matanda ka pa nga yata sa akin," nakalabing sabi ni Oly at kumuha na ng isang damit.
Pumasok ulit siya sa kwarto ni Kade at naghubad ng suot na t-shirt. "Ahhh!!" matinis niyang tili.
"What?!" kabang pasok ni Kade at mas lalong tumili si Oly nang makita siya.
"Sabi mo wala kang ginawa sa akin!!!" Pinalo niya ng damit si Kade.
"Wala akong ginawa sa'yo! Aray! Tumigil ka nga!" reklamo ni Kade.
Tumigil si Oly pero hindi tinanggal ang matalim niyang tingin kay Kade.
"Ano 'tong nasa katawan ko?! Bakit ang dami kong pula-pula?!" inosenteng sigaw ni Oly na mahinang tinawanan ni Kade. "Sinabi ko pa namang gentleman ka!" Muli niyang hinampas si Kade.
"Baby, hindi ko 'yan gawa." Nakangisi siyang lumapit kay Oly hanggang sa makorner niya 'to sa pader. "Ikaw ang may gawa niyan sa sarili mo."
"Wow, ha! Ang gandang palusot, Cuevas!"
"Ang inosente mo," manghang bulong ni Kade, natatawa pa rin kay Oly. "'Yang pula-pula na 'yan. Init 'yan ng katawan mo. Hindi 'yan kissed mark."
Natigilan si Oly, hindi dahil sa sinabi ni Kade, kundi dahil sa pagsalat nito sa pula malapit na sa dibdib niya.
"Bastos ka talaga," nanggigigil niyang bulong kasabay ng pagkuyom ng kamao. Naramdaman 'yon ni Kade.
"Bibigyan kita ng isa para malaman mo ang itsura," mabilis na sabi ni Kade bago umamba ng suntok si Oly. Hinalikan niya ito sa leeg at nilagyan ng hickey.
Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Oly. Ang amba niya ng suntok ay naging mahigpit na yakap kay Kade.
"At 'yan ang tinatawag na love bite," proud na sabi ni Kade habang nakangiti at nakatingin sa nilagay niya kay Oly.
Nawala ang ngiti sa labi niya nang mabaling siya sa mukha ni Oly na nakapikit ngayon na tila ba nasarapan sa ginawa niya. Natulala siya at napalunok.
"Sir." Katok ni Henry na nagpabalik kina Oly at Kade sa realidad. Dumilat na ulit si Oly at umalis naman si Kade sa pagkakahawak sa magkabilang bewang ni Oly.
Sabay silang lumayo sa isa't isa na tila ba naiilang.
"Yes?" naisipang sagot ni Kade kay Henry. Mabilis siyang lumakad para sumilip sa pinto.
"Tumawag po ang mga magulang niyo. Gusto po nilang doon kayo maghapunan sa inyo," magalang na sagot ni Henry.
"Okay, sige."
"Sige po?" gulat na ulit ni Henry dahil ni minsan ay hindi pa 'to pumayag nang ganyan kabilis.
"Oo, sige. Umalis ka na."
"Ahm, okay po." Yumuko si Henry at dali-daling umalis.
Bumalik naman ng tingin si Kade kay Oly habang sinasara ang pinto ng kwarto. Hindi pa rin nagbibihis si Oly, wala pa rin itong suot bukod sa panloob. Nakayuko na tila ba may iniisip.
"Ihahatid na kita," pasimpleng kibo ni Kade, pinapakiramdaman si Oly.
"Ah, oo," wala sa sariling sagot ni Oly at mabilis niyang pinulot ang mga damit sa sahig.
"s**t, Oly!" Naubusan na ng pasensya si Kade dahil sa tagal ng pagkilos ni Oly.
Huli na noong tumingin si Oly, nahigit na siya ni Kade sa bewang at nahalikan sa kanyang labi. Napakabilis ng paghalik nito sa kanya na para bang wala ng bukas. Pero kahit pa gano'n, kahit pa parang mabubura na ang labi niya sa paghalik ni Kade ay hindi siya umangal. Lumaban din siya sa paghalik ng binata habang pumipikit nang madiin at yumayakap sa mga bisig nito.
Napasinghap si Oly nang bumaba ang halik ni Kade sa kanyang leeg. Lalo siyang hinila ni Kade palapit hanggang sa maitulak siya nito pahiga sa malaking kama.
Tulalang pinagmasdan ni Oly si Kade nang maghubad ito ng damit sa harapan niya.
"Teka," natauhang sabi ni Oly nang bumalik sa paghalik si Kade. "Kade.."
"Bakit?" hingal nitong sagot at tinitigan siya sa mga mata.
"Sorry pero hindi pa ko handa sa gusto mong mangyari ngayon." Hawak ni Oly sa dibdib ni Kade para medyo ilayo ito sa kanya.
"Bakit?"
"Uuwi na ko."
"Hindi ka uuwi." Paghawak ni Kade sa magkabilang kamay ni Oly saka ito ipwenesto sa itaas.
"Uuwi na ko," natatakot na ulit ni Oly.
"Oly," pikit matang bigkas ni Kade nang tumigil siya sa paghalik sa leeg ng dalaga.
"Ayoko no'n."
"Bakit? Hindi naman kita sasaktan," masuyong pakikipag-usap ni Kade habang hinihimas-himas ang pisngi ni Oly. "Dali na. Promise, hindi ka masasaktan." Muli niyang hinalikan si Oly pero hindi na ito humalik pabalik sa kanya kaya masama ang loob niyang huminto.
"Gusto ko na talagang umuwi. Please?"
"Okay, sige."