"Herl, paano kung hiwalayan ko na lang talaga si Kade? Magagalit ba siya? Isusumpa niya ba ko kapag ginawa ko 'yon?" Tulala si Oly. Napatingin naman sa kanya si Herl. Gusto siya nitong batukan dahil sa kagagahang sinasabi. "Bakit mo 'yon gagawin? Pagkatapos ka niyang ipaglaban." "Alam ko. Pero hindi para sa kanya ang ganitong buhay. Maraming tumitingala sa kanya dahil magaling siya sa lahat ng bagay. Napakabata niya pero sobrang taas na ng narating niya. Tapos isang tulad ko lang ang nagpabagsak sa kanya." "Ah, alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan. Dahil ba kina Fiona at Harlene? Hay, nako! Dapat kasi tinawag mo ko no'n. Kahit matanggal ako, sasabunutan ko talaga silang dalawa." "Tama sila, Herl. Ako ang dahilan kung bakit nahihirapan nang ganito ngayon si Kade. Kapag nawala ako, map