CHAPTER 36

2144 Words

"Oly, pinapatawag ka sa Chairman's Office. May nagawa ka bang mali?" Nahinto sa pagtatrabaho si Oly nang lumapit sa kanya ang kanyang boss na si Lian. Pinaghalong gulat at kaba ang naramdaman niya habang nililingon ito. "First time nagpatawag si Chairman ng sales secretary. Kaya kung may nagawa ka, magsabi ka na ngayon sa akin," anito na nag-aalala rin kay Oly. Masipag kasi ang dalaga, sumusunod agad sa lahat ng utos at kahit kailan ay hindi pa nagreklamo. "Matutulungan kita kapag nagsabi ka na ngayon," ulit ni Lian. "Po?" Nakipagtitigan si Oly na namumutla na ngayon. "Wala po akong alam, ma'am. Ginagawa ko naman po ang lahat ng trabaho ko," kasinungalingang sagot ni Oly. Napalunok siya nang hindi magpatalo ang kanyang boss sa pakikipagtitigan. Pilit siya nitong inuusisa na para bang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD