Kanina pang umaga tinatanong ni Oly ang kaibigan niyang si Herl kung tama pa bang nananatili siya sa kumpanya. Gusto na ni Oly'ng mag-resign at humanap na lang ng trabaho sa ibang kumpanya. Wala kasi siyang lakas ng loob kung makakasalubong niya ang mga Cuevas. Paano kung isang araw, ipahiya na lang siya ng mga ito? Mukhang hindi niya kakayaning lumaban. Hindi rin siya makapagtrabaho nang mabuti kapag iniisip niyang anytime ay ipapatawag siya ng mga ito. Ano nga bang magandang gawin ni Oly? Kailangan niya ba talagang gawing makapal ang mukha niya? Pagkatapos ng ginawa niya sa Pamilya Cuevas ay nananatili siya dito at tumatanggap ng pasweldo galing sa kanila. "Oly, kanina ka pa tulala. Ano kakong bibilhin mong ulam?" Binunggo ni Herl ang balikat ni Oly. Natauhan naman ito at tumuro sa ku