"Tatalikuran mo ba talaga kami para lang sa babae na 'yon?" Napabuntong hininga si Kade bago humarap sa kanyang mga magulang. Kanina pa siya tulala sa kawalan at tahimik lang na nakatayo sa labas ng balcony. Iniisip niya ang mga pwedeng mangyari. "Nagkakilala lang kayo doon ng isang gabi, son," mariing salita ng mommy niya na lalong nagparindi sa tainga ni Kade. Isang gabi, pero mula no'n hindi niya na nakalimutan si Oly. "Buhay mo ang kumpanya. Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos." Hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang balikat at diretsong tinitigan. "Ito naman ang gusto niyo," matipid na sagot ni Kade. "Ang gusto namin ay makapangasawa ka ng matinong babae. Hindi namin alam ang tungkol do'n kaya namin siya nilapitan. Isang malaking pagkakamali kung ipagpapatuloy mo pa 'to. Masis