"Bakit bigla mo kong sinundo sa harapan nilang lahat?" takang tanong ni Oly nang huminto sila sa stoplight. Kanina pa kasi tahimik sa pagitan nila ni Kade. Ganito naman lagi ang binata, kung kailan lang gustong magsalita saka dinadaldal si Oly. Napansin 'yon ni Oly kaya naman siya na 'tong naghanap ng topic. "Why not?" matipid na sagot ni Kade habang nakatingin pa rin sa daan. "Wala lang. Syempre kasi baka may makakilala sa'yo." "I don't care. Ikaw lang naman ang nagpapatago sa mukha ko. If it weren't for you, I will not hide this.." Nahinto si Kade sa pagsasalita nang malingon kay Oly. Namumula ang mga pisngi nito habang nangingiti. "What?" masayang tanong ni Kade habang napapatitig kay Oly na ang ganda ng ngiti. Pagdating nila sa apartment ni Oly ay hindi na bumaba ng kotse si Kade.