"Now tell me the truth," seryosong saad ni Kade nang makasakay sa loob ng kotse. Matalim niyang hinarap ang kanyang lolo saka ito nginitian nang mapait. "Bakit ka kasama ni Oly?" tanong niya saka binawi ang ngiti. "Nagkita kami sa park." "Grandpa, I'm not stupid. I know you very well. Lahat ng kilos mo, lahat ng galaw mo, lahat may katuturan. Hindi ka magpapalisaw-lisaw lang sa daan nang ganitong oras para gumala. Spill it out. Anong kailangan mo sa girlfriend ko?" "Wala akong kailangan sa kanya. You can relax, my boy." Lalong nainis si Kade nang umalis ito ng tingin. Sumandal ito at pumikit na talagang nananadya. "Kumakampi ka sa kanila without knowing her." Masama ang loob ni Kade habang pinapasindi ang makina ng kotse. "Seryoso ko sa kanya. 'Wag na 'wag niyo siyang gagalawin," ser