"Buntis ka?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Richard bago sumandal sa upuan at disappointed na humigop ng kape. "Oo, matagal na." Pinagmasdan lang siya ni Oly. Silang dalawa lang ngayon sa loob ng coffee shop. Hindi kasi nakagawa ng paraan si Oly para tumanggi kanina. Basta na lang siyang hinila ni Richard para mag-lunch sa labas at iniwan si Herl. "Don't.." Pumikit si Richard. Parang may nakabukol sa lalamunan niya at hindi siya makapagsalita. "Ano 'yon?" "Don't tell me na ang pinsan ko ang ama." Napaisip si Oly dahil sa tanong nito. Pwede niya na bang sabihin 'yon? Pwede niya na bang sabihin na si Kade ang ama ng dinadala niya? Si Richard pa rin ito. Sure siyang kapag sinabi niya dito ngayon ang totoo ay baka malaman na rin ng mga magulang ni Kade at magkagulo-gulo ang lahat.