Tahimik na nakiramdam si Oly sa mga kasama niya. Para silang hindi isang pamilya, puro sa business nakatuon ang atensyon nilang lahat. Maski ang ilang kasama rin nila ay 'yon din ang inaatupag imbes na makipag-usap tungkol sa kanya-kanyang buhay. Lumaki siya sa hirap at parang nagiging proud siya na hindi sila ganito. Hindi man siya minahal ng Tita Gwenda niya, tuwing kakain naman sila ay tinatanong siya nito ng mga personal na bagay. Tulad ng ilan ba ang trabaho mo? Kumakain ka ba sa tamang oras? Sinong makakasama mo do'n? At marami pa. Gano'n din naman ang ilan nilang kaanak na kinalakihan niya. Hindi sila puro ganito na parang walang pakialam sa isa't isa. Hindi tuloy maiwasan ni Oly na mapahawak sa tiyan niya. Ayaw niya ng ganito. Sisiguraduhin niyang hindi lalaki ang anak niya sa ga