"Akala ko malinaw na sa inyo ni Chairman Yang ang lahat? Ano 'tong kumakalat na balita? Ipapakasal niya ang nag-iisa niyang apo kay Luke Matias." Humarap ang lolo niya sa kanya kaya nahinto si Kade mula sa pagpasok ng pintuan. Iba talaga ang nagagawa ng ganitong balita, siya ang may maagang meeting pero nauna pa dito ang lolo niya. "Sir Kade, naiwan niyo–" Pati si Henry ay nagulat. Natigilan siya sa pag-aabot ng documents kay Kade dahil sa presensya ng matanda. "Good morning, sir." Agad siyang yumuko at dali-daling lumabas. "Hindi mo naman siguro hahayaang mawala na lang ang lahat ng pinaghirapan natin. We need them. We need that connection, Kade." Hindi pa rin sumagot si Kade. Nanatili siyang tahimik habang iniisip ang lahat. Kaninang umaga noong makita niya 'yon ay hindi na siya nagul