Nagulat si Kade sa biglaang pagsigaw ni Oly. Tumigil ito sa paghalik sa kanya at takot na takot na nagtukop ito ng kanyang dalawang tainga kasabay nang mahinang pag-inda sa bawat kulog at kidlat na dumadagundong sa buong kwarto. "Hey, are you alright?" banayad na tanong ni Kade habang unti-unting umuupo. Parang batang umiling si Oly. Wala sa loob niyang niyakap nang mahigpit si Kade saka siya nagtago sa leeg nito. "Sshhh, okay lang 'yan. Kulog at kidlat lang 'yan." Alangang hinimas ni Kade ang likuran ni Oly. Ngayon niya lang ito naranasan, ang magpatahan ng isang tao. Palibhasa ay wala siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Lagi na lang, lagi na lang siyang tumitiklop pagdating kay Oly. Hindi siya makaangal. Kung sa iba naman ito ay sigu