May naramdamang pagkadismaya si Oly sa nangyari. Para siya ngayong nasa isang malungkot na music video at siya ang bidang babae. Malungkot na lumalakad sa daan habang iniisip ang lahat ng nagawa niyang kabaliwan. Lalo na noong nakaramdam siya ng safety habang nakayakap nang mahigpit kay Kade. Akala niya magtatagal ang pantasyang iyon. 'Yon pala ay pahiram lang. Sino nga ba si Olyiana? Bakit ba siya nag-expect mula kay Kade? Eh, hindi nga nito masabi kung gusto ba siya nito o pinaglalaruan lang. "May nagsungit ba ulit sa'yo?" Napahinto siya sa akmang pag-hakbang muli sa lupa. Gayon pa man ay kabaliktaran naman ang nangyari sa puso niya. Bumilis ang pagtibok nito habang dahan-dahan niyang itinataas ang tingin sa lalaking naka-aninag ngayon sa mukha niya. Si Kade 'yon na nakamagandang ngi