Tinignan ni Oly nang masama si Fiona nang makipag-unahan ito sa hawakan ng pinto. Kanina pa nito kinukuha ang atensyon ni Kade kaya ayaw ng magpatalo ni Oly. "Bitaw," aniya saka mas hinigpitan ang pagkapit sa pintuan ng kotse. "Ayoko nga. Ikaw ang bumitaw. Pwesto ko 'to," pakikipagtalo ni Fiona. "Ano?" Handa ng makipag-away si Oly. Nakita 'yon ni Kade kaya pumagitna na siya sa dalawa. Kanina pa sumasakit ang ulo niya sa mga ito. "Fiona, doon ka na sa likod," seryosong utos ng binata. "But this seat is mine." "Kade," parang batang bulong ni Oly, nagrereklamo ang pagtingin nito sa boyfriend niya. "Si Oly diyan," sagot ni Kade. "No, I want here." "Fiona, nagtatagal tayo dahil sa'yo." "Bakit kasi sinama mo pa siya? Ang usapan natin tayo lang." "Maiiwan siya sa kotse mamaya." Pagti