Kanina pa naghihintay si Kade sa harapan ng kanyang kotse. Bawat minutong nagdadaan ay tumitingin siya sa kanyang relo at sa elevator kung bubukas na 'yon. Halos kalahating oras ng late si Oly sa usapan nila. Gusto niyang umakyat pabalik sa office kaso lang nando'n ngayon si Harlene sa isang meeting. Tumakas lang si Kade para makalabas kasama ni Oly. Ngunit bakit kasi napagkatagal ng dalaga? "Sorry, kanina ka pa ba?" Gustong magalit ni Kade kaso lang natulala siya nang makita si Oly. Sobrang ganda nito ngayon. Nakasuot ito ng long pink dress, elegant heels at alahas. Naka-ayos din ang buhok nito at mukha. Napakagat ng labi si Kade habang nangingiti. Sinalubong niya agad si Oly sabay "hi." "Pangit ba?" Huminto si Oly saka tinignan ang sarili. Umiling si Kade nang nakangiti. "Sobrang