Oras

1156 Words
Para kang bagyo na bigla-bigla na lang dadating sa buhay ko, tapos iiwan ako na tangay pati ang buo kong pagkatao... At parang bumagal ang oras. Gusto kong sabihin sa kanya. Gusto kong sabihin na lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Natatakot ako na baka tuluyan na akong malunod. At baka hindi niya ako magawang sagipin. Sobrang saya ko nung naging magkaibigan kami. Simula nun, lagi na kami nung magkasama. Walang hanggang saya yung nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya, nakaka-usap, nakakasabay pag-uwi. Basta. Kakaiba siya. Isang mainit at mahangin na umaga ng Mayo nung unang beses ko siyang makita. Hindi ko inaasahan na siya pala yung lalaki na magpapabago ng pananaw ko sa buhay. Dahil wala kaming pagkakapareho. Siya ang unang lalaki na nagparamdam sa akin ng pagmamahal. Siya ang unang lalaki na binigyan ako ng sari-saring emosyon ng sabay-sabay. Siya. Anlakas ng daldalan sa canteen. Pero rinig ko pa din ang pagtawag niya sa pangalan ko pupunta sa pwesto niya. Pinapunta niya ako para magpaturo ng calculus dahil ilang araw din siyang di pumasok. May mga pinasagutan ako sa kanyang mga test. Tinitigan ko siya. Yung kurba ng mga labi niya na kasing tamis ng cherry na nakapatong sa isang cake, yung matangos niyang ilong na kasing perpekto ng bulkang mayon, yung mata niyang masigla na nagtataglay ng mahahabang pilik, yung buhok niyang matingkad na medyo humaharang sa parang iginuhit na hugis puso niyang mukha. Nakakahumaling. At bigla syang tumitig sa akin at pinitik ako sa noo, sabay sabing "Salamat. Di ko talaga alam ang gagawin ko kung di kita nakilala." Dumampi ang labi niya sa noo ko at nagpaalam na. At parang bumabagal ang oras. Gusto kong sabihin sa kanya. Gusto kong sabihin na lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya. Pero laging dinadaga 'tong dibdib ko. Ewan ko. Siguro dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin. At hindi na hihigit pa dun. Acquaintance party nun sa school. Palagi naman kami ang magkasama sa mga ganitong okasyon. Ang gwapo niya ng gabing iyon. Kaya hindi ako nagtaka nung andaming lumapit sa kanya at inimbitahan siyang sumayaw. Naiinis ako. Naiinis ako kapag may iba siyang kasamang babae. Yung natutuwa siya na kasama sila. Yung ayos lang sa kanya na hindi niya ako kasama. Pero ano pa nga bang magagawa ko. Ito na yata ang kapalit ng pananahimik ko sa nararamdaman ko. Bigla siyang lumapit sa akin at hinila ako para sumayaw. Hindi ko alam kung naririnig niya yung malakas na t***k ng puso ko, kung napapansin niya yung pagputi ng mukha o kung nararamdaman niya ang pagngatog ng tuhod ko. Sa bawat segundo na lumilipas, lalo ko lang napapagtanto na mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya. Nakakadala. At bigla syang tumitig sa akin at pinitik ako sa noo, sabay sabing "Late ka kanina. Pero salamat at dumating ka." Dumampi ang labi niya sa noo ko at nagpaalam na. At parang bumabagal ang oras. Gusto kong sabihin sa kanya. Gusto kong sabihin na lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya. Pero laging dinadaga 'tong dibdib ko. Ewan ko. Siguro dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin. At hindi na hihigit pa dun. Dumating ang ika-21 kaarawan niya. Dun nangyari ang di ko kailanman inasahang mangyayari. Kung pwede mang ma-pulbos ang puso, siguradong yun ang nangyari sa puso ko. Ipinakilala niya sa lahat ang kanya daw na una at pang-huling magiging nobya. Tumigil ang oras sa di ko mamalayan na dahilan. Andun, nakatayo ang lalaking matagal ko ng iniibig nang patago, kasama ang tunay niyang minamahal. Masaya at walang inaalala. Oo. Inlove ako pero unti-unti na itong nawawasak. At bigla syang tumitig sa akin at pinitik ako sa noo, sabay sabing "Masaya ako at nakadating ka. Sana nag-enjoy ka." Dumampi ang labi niya sa noo ko at nagpaalam na. At parang bumabagal ang oras. Gusto kong sabihin sa kanya. Pero para ano pa? Kaibigan lang ang turing niya sa akin. At hindi na hihigit pa dun. Ang bilis ng panahon. Dumating na ang graduation namin. Ang malupit na pamamaalam. Pinanuod ko siyang kunin ang kanyang diploma. Habang nasa stage siya, hindi niya napigilan ang umiyak pero ang lapad ng kanyang ngiti. Ang bagay na simula pa lang ay nagpalutang na sa aking mga paa. Ang una kong minahal sa kanya. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin, at sinabing "Graduate na tayo. Sa wakas." Dumampi ang labi niya sa noo ko at nagpaalam na. At parang bumabagal ang oras. Gusto kong sabihin sa kanya. Gusto ko nang malaman kung kaya niya akong sagipin... At eto ako ngayon, nakatitig sa lalaking pinangarap ko, habang naglalakad siya suot ang puting barong pangkasal, habang sinambit niya ang mga salita ng pangako hanggang sa dumampi ang labi niya sa babaeng kanya ng asawa ngayon. At tumulo ang luha ko. Bago sila tuluyang umalis ng simbahan, lumapit siya sa akin at sinabing "Salamat at dumating ka.. Eto. Basahin mo. Baka eto na din huli nating pagkikita." At binigyan niya ako ng halik sa pisngi. At parang bumagal ang oras... Pinanuod kong umalis ang lalaking tangi kong minahal sa tanang buhay ko. Unti-unti lumalayo sa akin habang unti-unti akong nalulunod sa pagsisisi... binasa kong sulat. "...Yung pag-explain niya sa akin ng mga math equations na parang alam niya ang lahat, yung pagtugtog niya ng gitara at pagkanta niya na sadyang nakaka-high, yung mga titig niya na parang ikaw lang ang importante sa kanya. Nakakadala. At parang biglang titigil ang oras sa tuwing dadampi ang labi ko sa noo nya. Tatalikod agad ako para hindi niya makita na namumula ako. Dahil dun ko lang maipapakita ang nararamdaman ko. Dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin. At hindi na hihigit pa dun." Hindi pumapalya ang luha ko sa pagtulo sa tuwing binabasa ko ang sulat na ibinigay niya sa akin sampung taon ang nakakaraan. Siya. Siya na bestfriend ko. Best friend ko na akala ko hanggang kaibigan lang ang turing sa akin, ang best friend kong tulad ko rin na hindi maisa-salita ang nasa loob niya, best friend ko na mag-isa ring nalulunod sa lalim ng nararamdaman niya. Ang best friend kong masaya nang kasama ang mga ulap. Ngayon ko lang nalaman ang halaga ng oras. Madami akong katanungan pero alam kong di mo na ako masasagot. Kung tumaya lang sana ako, panigurado may napuntahan ang pusta ko. Siguro nabuhay kami sa happy ending na walang ending. Ang mga salitang mahirap ng ibalik ay ang mga salitang kailanman ay hindi mo nagawang sambitin. Dahil takot kang magkamali. Dahil takot kang maiwan. Dahil takot kang masaktan. Pero paano mo malalaman na para sa iyo kung hindi ka magbubuwis. . Ang sakit ay kabilang na sa buhay natin. Hindi ito mawawala. Pinag-aaralan lang natin kung paano kakayaning indahin ito. Wala tayong genie sa mundong ito para ibigay ang lahat ng kahilingan natin ng walang kapalit. Lumilipas ang oras. Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD