Chapter 1

1307 Words
“Brit, handa ka na?” Lumapit sa akin yung coach ko. “Coach, alam mo naman diba na palagi akong handa,” sagot ko. Sobrang kampante ako sa laro ko ngayon. I heard that my opponent was unbeatable as well. Hindi naman sa pinagyayabang pero hindi pa rin ako natalo sa mga sinalihan ko. Mixed Martial Arts is my field. It’s in my blood. Hindi ako natatakot sa makakalaban ko. Siya ang dapat matakot sa akin. Kung ako sakanya, umuwi nalang siya dahil nagsasayang lang siya ng oras para kalabanin ako. “’Wag ka lang masyadong kampante. Raja is not an easy opponent,” paalala ni coach. “Ako din naman coach ‘a.” I pointed at myself. “Hindi din ako basta-basta,” kompyansa kong saad. Nasapo ng coach yung noo niya dahil sa kayabangan ko. Totoo naman ‘a! “Just don’t get too much of yourself. Hindi tayo pwedeng matalo ngayon. There is no place for defeat,” aniya. “Coach, hindi ka mabibigo,” panigurado ko sakanya. He smiled and put a hand on my shoulder, “I trust you.” Hindi nagtagal ay nasa ring na ako at kaharap ko ngayon yung makakalaban ko. Raja… Nakangisi niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Di hamak na mas malaki yung pangangatawan niya. As an MMA fighter, maliit yung pangangatawan ko, but my muscles are still visible. Magugulat nalang kayo sa lakas ko. Some say that I’ve got a strength of a man and a speed of a cheetah. They’re not wrong. Totoo naman talaga. Speed and strength? That’s power man! Simulan na ang bakbakan! Nakangising sumugod sa akin si Raja pero nakailag ako. Di naman sa pagmamayabang but she can’t keep up with my speed. “You’re fast,” ngisi niya. “You’re a piece of cake,” pang-aasar ko sakanya. Ang ngisi niya kanina ay napalitan ng galit. “We’ll see about that,” galit niyang saad. Walang sabi siyang sumugod sa akin. Akala ko susuntukin niya ako pero yung paa niya yung papalapit sa akin. She attempted to kick me on the head but she failed. Ilag lang ako nang ilag. Pinag-aaralan ko pa kasi yung mga atake niya. “Why aren’t you attacking?” Galit niyang tanong. Maybe she got exhausted from all the attacks but always ended up disappointed. “Pake mo?” Mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko at sumugod. Nabasa ko na yung susunod niyang atake. Napansin ko na malakas yung kanan niyang paa sa pagsipa. Kaya nung nakita kong itinaas niya yung kanang paa niya ay inihanda ko yung kamay ko so that I can push it. Fortunately, I did kaya nawalan siya ng balanse. She kissed the floor and that is when I wrestled her on the floor. I smashed her face using my fists. Nakita ko ang pagdudugo ng ilong niya kaya agad lumapit yung referee at ipinaghiwalay kami. Una akong kumalas at pumunta sa gilid kung nasaan yung coach ko. “Good one…” He mouthed kaya mayabang ko siyang nginitian at nag-thumbs up na siyang ikailing niya. Nilingon ko yung direksyon ni Raja habang ini-ispeksyon ng referee. Masama niya akong tiningnan. Laro lang to. Walang pikonan. Tsk… Akala ko matatapos yung labanan sa loob lamang ng dalawang rounds pero nagkamali ako. Napuruhan ako ni Raja pero malayo lang ito sa natamo niya mula sa akin. Kampante ako kasi alam kong ako ang mananalo. Nabigo ako kasi natapos ang rounds na hindi ko siya napatulog. Malakas nga din siya. Pumunta na kami sa gitna kasama yung referee. Oras na para i-anunsyo kung sino ang panalo. I arrogantly smiled at the crowd. Nakita ko namang nakangiti sa akin yung coach ko. It’s a sign. Malaki talaga ang posibilidad na ako yung panalo. Tiningnan ko si Raja na puno ng sugat yung mukha. Kawawa siyang tingnan. Nung naramdaman niyang nakatitig lang ako sakanya ay humarap siya sa akin. She got this devilish smirk plastered on her face saka siya umirap. Kung dudukutin ko kaya yang mga mata mo! Binalewala ko yung pagngisi niya. Sana pala ipin yung pinuntirya ko kanina. Parang nagslow-motion yung paligid nung i-aanunsyo na ang nanalo. Mula sa slow motion, huminto yung mundo ko. The referee raised Raja’s hand… Nakatulala akong nakatingin sa kawalan. Siya ang nanalo… Tangina! Nagsimula na siyang umiyak. Ang arte! Lumuhod pa siya nag bow sa mga nanunuod. Napatingin ako sa gawi ni coach at nakita ko kung paano siya nakiki-pag-argumento sa referee. Nakakunot yung noo niya, pilit inintindi yung sinabi ng referee. “What the fvck?!” when I returned to my senses, I shouted. Napatingin sa akin ang lahat pati yung mga camera ay nakatutok sa akin. “Aren’t you gonna congratulate me?” tanong ni Raja pero binawalewala ko lang siya. Lumapit ako announcer at hinablot yung mic na dala niya. “I won the fight!” malakas na sigaw ko. “You all saw it right?” inilibot ko yung buong ring, “Look at us, physically!” Nagsimula nang nagbubulongan yung mga nanunuod. I am really sure that I won! Lumapit sa kin yung isang staff and patted my back, “Calm down, Britta. Let’s not make a scene.” “So I made a scene?” mapait akong tumawa. “’E ano ang tawag dito? Hindi ba eksena ang nangyaring pagkapanalo nang babaeng ‘yan ‘e di hamak na mas maganda ang naipakita kong performance kesa sa kanya!” pangangatuwiran ko. Lumapit yung isa pang staff, pilit akong pinapakalma pero hindi ako nagpatinag. That belt is mine! “Just accept defeat Britta. That’s life. Hindi tayo ang palaging nananalo,” sabi sa akin nung staff. I looked at him like he’d grown a head over his shoulder. “No. Alam ko sa sarili ko na ako ang nanalo!” “Not all the time na nasa iyo ang korona,” napalingon kaming lahat kay Raja habang nilaro-laro niya yung belt. “Inggit ka?” Nandilim yung paningin ko. Nanggigigil akong nakatingin sa kanya. Gusto ko nang sumugod sakanya at lumpuhin siya pero pinigilan ko yung sarili ko. Binalewala ko yung sinabi niya at hinarap ulit yung staffs. “Binayaran ba kayo ng babaeng ito?” turo ko kay Raja. Umiling yung staff,. “We don’t do under the table.” “But I don’t see the sense of her winning!” sigaw ko ulit. Biglang sumabat si Raja, “The referees decision is final and irrevocable~” pakanta-kanta niyang sabi para na iniinis ako pero binalewala ko ulit siya. “Play all the videos again. You all recorded it, right? Let the crowd decide!” I insisted. Nahagip ng paningin ko ang referee. When our eyes met agad siyang bumawi ng tingin. He’s fvcking guilty! Nagsimula na akong humakbang papalapit sa referee nang mapahinto ako sa sinabi ni Raja, “Why can’t you just admit it. Talo ka.” Nilingon ko siya. Imbes na sa referee lalapit ay sakanya ako lumapit. She got this very annoying smirk across her face. Oh how I want to erase that! “You cheated, didn’t you?” kalma kong kompronta sa kanya. “You’re accusing me without any evidence? Hindi naman ata tama ‘yan,” she smiled. “I won because I deserved it.” Deserve my ass! “That is why you were smiling evilly earlier,” I argued, “Because you knew that no matter what would happen, you will still win!” She tuck her hair behind her ear. “I smiled because I knew at that moment, I won.” “That’s bullshit!” sigaw ko. “Oh honey,” lumapit siya sa akin at nilaro-laro yung nakabraid kong buhok. “Accept it…” she went closer to me and whispered. “…that you are not strong enough.” Kanina pa kumukulo yung dugo ko sa babaeng ‘to. Humiwalay siya sa akin at ngumiti. “Okay?” This time, ako na yung ngumisi. “Not strong enough, huh?” Itinaas ko yung kamao ko at sinuntok siya. She fell hard on the floor, unconscious. Lalapit pa sana ako para tapusin na yung buhay niya pero pinagtutulungan na ako nang mga tao para ilayo sa kanya. “I should’ve done that earlier!” nanggigigil kong sabi. And I knew at that moment, that I will be the news headline tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD