“Britta Zemeno, hindi tinanggap ang pagkatalo mula kay Raja…”
Pagkagising ko sa umaga ‘yan agad yung bumungad sa akin. I knew that I would be the talk of town. Hindi naman talaga ako aatras kapag may manghingi ng interview mula sa akin. I knew I was right at hindi na magbabago ang isip ko nun.
Nakaupo ako sa couch dito sa munting apartment na tinitirhan ko pansamantala habang nanunuod ng news. Hindi ako rich at hindi ko afford and condo kaya sa apartment muna. Nasa probinsya kasi talaga ako tumira. Bisaya ko, do.
Narinig ko ang pag-ring ng phone ko kaya inabot ko ito mula sa center table at sinagot.
“Oh?”
“Ay wow! Ang sarap ng hello mo,” sagot sa kabilang linya.
“Wala ako sa mood, okay? ‘Wag muna akong awayin,” walang gana kong sabi.
Kausap ko ngayon yung kapatid ko. She had always been my biggest supporter. Mula pa nung nagsimula ako, siya palagi yung kasama ko papunta dito sa Manila. Kaya lang, sa labang ito, hindi siya nakasama. Naging busy na din kasi siya. Graduating student.
“Mangugumusta lang ako.” she said
At alam ko na kung ano ang pag-uusapan. Tungkol na naman ito sa dun sa laban. Maraming nagmemessage sa akin kagabi pero ni-isa wala akong nireply-an. Alam kong pangangaralan na naman ako. Tsk.
“Okay lang ako,” walang-gana kong sabi.
“Tara,” aya niya bigla.
Kunot-noo kong tiningnan yung phone ko. Tara daw?
“Tara saan?”
Naguguluhan kong tanong. Kala mo naman andito siya. Napabalikwas ako nang may kumatok kaya napalingon ako sa pintuan, “Teka lang, may kumatok…”
Tumayo ako at lumapit sa pintuan. I’m not expecting some visitors today kaya nakakapagtaka. Siguro ito na yung mga reporters para kunin yung pahayag ko. Nung binuksan ko yung pintuan ay nagulat ako sa taong nakaharap ko.
“Surprise, Ate!” sigaw nung babaeng nakaharap ko.
Agad akong niyakap ng kapatid ko. Akala ko nasa probinsya siya pero andito siya ngayon sa harap ko. Hindi ako makapaniwala!
“Gelai! Kelan ka pa nakarating?” tanong ko nung kumalas na kami sa pagyayakapan.
“Ngayon lang ate! Obvious naman, diba?” pamimilosipo niya kaya agad ko siyang binatukan. “Aray naman!” reklamo niya sabay himas sa parte kung saan ko siya tinamaan.
“’Yan ang makukuha mo. ‘Wag mo akong pilosopohin,” irap ko sakanya.
“Edi sorry na,” paumanhin niya saka bumulong, “ Hindi naman mabiro.”
Nakita kong may mga maleta siyang dala kaya inaya ko na siya papasok sa loob. Agad naman siyang umupo sa maliit na couch saka niya itinaas yung paa niya at inilagay sa center table. Wow ha.
“Akala ko busy ka?” kunot-noo kong tanong.
Minulat niya yung mga mata niya at tumingin sa akin, “Well, actually hindi ako busy. Kahapon sana yung dating ko para makapanood sa laban mo. You know I don’t want to miss your fight, right?” tanong niya kaya napatango ako. “Basically, I-su-surprise na sana kita. Kaya lang nagka-aberya sa flight kaya ayun, ngayon lang ako nakarating.”
Napailing nalang ako, “At kailan ka pa natutong magsurprise?”
“Kailangan pa ba yang matutunan?” irap niya sa akin. Napangiti nalang ako.
Lumapit ako sakanya at tumabi, “Buti nalang at wala ka kahapon.”
“Anong mabuti nalang?” hindi makapaniwala niya akong nilingon. “Sayang nga’t hindi ako nakarating kahapon ‘e! Hindi ko nakita sa personal yung suntok mo kay Raja!” natatawa niyang sabi, “She deserved it!”
We both laughed. Sa mga ganitong mga bagay talaga magkakasundo kami.
“You thought that was cool?” tumatawa kong tanong.
“It was!” tawa niya, “If I was there, dalawa tayong bubugbog sakanya!”
We both ended up laughing. Minsan talaga kailangan ko ng kausap para mawala yung problema ko. Kahit papaano gagaan yung luob ko.
“Ate how about we go out tonight,” Aya niya.
“Go out? Saan naman?” tanong ko.
“Punta tayo club! Tutal stress ka naman,” sabik niyang saad.
Naningkit yung mga mata ko habang nakatingin sa kanya, “Saan mo natutunan ‘yan?”
“Ate pati ba ‘yan pag-aaralan? Kanina ka pa ‘a,” she pouted.
“Change topic ka naman ‘e. Sabihin mo nga sa akin,” sabi ko.
“Na?” sinagot niya yung tanong ko ng isa pang tanong. Tsk.
“Napabarkada ka ano? May night life ka na? Umiinom ka na?” sunod-sunod kong tanong.
“Ate naman ‘e. Alam ko ang mga ganyan kasi nababasa ko ‘yan,” she defended herself.
“Pagtarong dira,” pagbabanta ko.
“Lagi! Wala ka bang tiwala sa akin?” she clutched her chest.
Napabuntong-hininga nalang ako. I’m just too overprotective when it comes to her. Kaming dalawa lang kasi ang anak nina nanay at tatay kaya inaalagaan ko ‘yan ng mabuti. We lost our bunso. Si Carlo. He died because of cancer. Hindi namin alam na naghihirap na pala siya sa sakit niya, hindi niya lang sinabi sa amin. We were heartbroken. Isang taon ding na-paralyze yung pamilya namin dahil sa nangyari. Kaya todo na ako sa pagbabantay kay Gelai.
“Sige na nga!” pagpayag ko.
First time kong pumasok sa isang club so I don’t know what to expect. Of course, hindi mawawala yung inuman. Nung nakapasok na kami, parang mababasag yung eardrums ko sa lakas ng sounds. May mga lasing na din na sumasayaw sa dance floor. Agad kong hinawakan sa pulsuhan si Gelai nang may nakita akong naghahalikan sa gilid.
Sinipat ko yung suot ko. So far hindi naman ako under-dress. Nilingon ko si Gelai. Nagulat nalang ako na halos puputok na yung s**o niya.
“Hoy! Nasaan yung suot mong jacket kanina?” pinanlakihan ko siya ng mata.
Itinaas niya yung kamay niya kung nasaan yung jacket niya.
“Isuot mo ‘yan!” turo ko sa dala niya.
“Ate…” she started pouting, “Nasa club tayo. Nababagay yung suot ko!”
“’E sana pala sa maligayang bubuyog nalang tayo pumunta kung ‘yan din naman pala susuotin mo,” pinanlakihan ko siya ng mata, “ Parang binebenta mo na yung kaluluwa mo.”
“Ate, look around,” inilibot ko yung paningin ko. “Malayo yung suot ko sakanila. Look at them. Kulang nalang magbikini.”
“Kapag binastos ka sa mga lalaki dito, sinasabi ko sa’yo,” sabi ko.
Agad niyang pinulupot yung kamay niya sa braso ko, “Andito ka naman para protektahan ako diba?”
“Luh, asa ka. Kapatid mo ako, hindi mo ako bodyguard,” biro ko sakanya.
“Ate tibo ka ba?” she randomly asked.
“Gago, hindi ‘a!” gulat kong tingin sa kanya. “Kahit ano nalang pumapasok d’yan sa kukote mo!”
“Kasi madalas lang kitang nakikitang nagdamit pambabae. Palagi ka nalang naka T-shirt at pants,” pang-aasar niya.
“Pambabae naman yun ‘a!” sigaw ko sakanya.
“’E hindi ka din nagpapakita ng skin,” aniya.
“Nagpapakita ako uyy! Tuwing may laban ako madaming balat yung pinapakita ko. Gusto mo makita abs ko?” hamon ko sakanya.
“’Wag na,” Sabi niya. “Mabuti pa’t umupo na tayo. Kanina pa tayo dada nang dada dito.”
Umupo na kami sa may upuan. Of course. Saan ba dapat kami umupo? Diba sa upuan? Hayst.
Nag-order na din kami ng maiinom. Habang hinihintay ito ay nilibang ko yung sarili kong manuod muna sa mga nagsasayawan sa dance floor.
Maya-maya pa ay dumating na yung inumin namin at nagsimula na kaming uminom. Nagulat nalang ako nang maubos ni Gelai yung bote niya.
“Problemado ka girl?” tanong ko sakanya.
Nung inilagay niya yung bote niya na wala nang laman ay tumingin siya sa akin habang may tumutulong mga luha sa mata.
“Ate~” naiiyak niyang sabi kaya agad akong lumapit sakanya.
“Hoy anyari sa’yo?” tanong ko sakanya.
Hindi na siya nakasagot kasi nagsimula na siyang umiyak. Niyakap ko nalang siya at pinatahan. I thought that we went clubbing para damayan niya ako sa pagkatalo ko. Mukhang ako yung dadamay sa kanya ngayon. Hay nakong batang ‘to.
Nung nahimasmasan na siya ay agad siyang humarap sa akin.
“You okay?” tanong ko ulit.
Naweirduhan nalang ako nang bigla siyang ngumiti.
“Sayaw tayo!” masigla niyang aya.
I wasn’t able to respond because she started dragging me to the dance floor. Nagsimula na siyang sumayaw habang ako naman ay pinagmasdan lang siya. There were still tears on her face but she was too occupied to wipe it. Hindi mataas yung level of tolerance niya sa alak kaya madali siyang tinamaan.
Ano kaya ang rason kung bakit siya umiyak?
Naalerto nalang ako nang may lalaking lumapit sa kapatid ko. He was crashing his body against hers kaya agad akong lumapit sa kapatid ko at tinago siya sa likuran ko.
“Hi there,.” Pang-aakit sa akin nung lalaki. I only stared at him, giving him the feels that I’m not interested.
“Baby come here,” he motioned his hands for me to get closer.
Nagsimula na siyang lumapit sa akin upang hawakan ako. Pero bago pa siya makalapit sa akin ay sinuntok ko na siya. Sobrang lakas nun kaya siya napaupo sa dance floor. Pinahid niya yung dugo sa gilid ng kanyang labi.
“What the fvck?!” gulat niyang sigaw.
May mangilan-ngilan na nakapansin pero agad din nilang binalewala. Everyone here is probably drunk to care about what is happening.
“Asshole!” sigaw ko sakanya bago tumalikod.
Why do I always end up punching someone?