Nakatingin ako sakanya habang inaayos niya ang mga baril na gagamitin. He actually looks so fine doing the thing that he usually do. Ano kaya kung aakitin ko siya? Sobrang seryoso niya kasi. Kung titingnan mo siya para siyang walang oras to loosen up.
Humakbang na ako papalapit kay Zyan nang may tumawag sa akin.
“Britta baby~”
Nilingon ko si Cosmo na nakabuka yung braso, handa na siyang yakapin ako. At hindi nga ako nagkamali, he immediately embraced me with a hug.
“Cosmo…” Natatawa kong saad. I know for the fact that he got this huge crush on me. Pero alam ko sa sarili ko na hanggang magkaibigan lang talaga.
“I miss you…” Exaggerated niyang sabi.
“Cosmo ilang minuto lang tayong hindi nagkita,” I responded.
Kumalas siya sa pag-akap sa akin, “It feels like forever!”
“Tsk…” Nilingon namin si Zyan. “Ang arte. Nag-cr lang naman.” He smirked.
“Ang epal mo talaga Zyan, ” Nakabusangot na sabi ni Cosmo kay Zyan. “Ang epal mo talaga sa love story namin ng baby ko.”
Natatawa siyang tiningnan ni Zyan, “ Love story?” He chuckled. “Alam mo ba na sa isang love story dapat kayong dalawa ang nagmamahalan? Sa case niyo, nag-iisa ka lang.”
Nakakatawa silang tingnan. Para kasi silang mga bata kung mag-away. May punto naman si Zyan. Pero sana hindi na niya sinabi yun kay Cosmo. Nakakasakit naman kasi yung katotohanan.
“At least ako may happy crush life. ‘E ikaw? Sa tandang mong ‘yan wala ka pang jowa,” panlalait ni Cosmo.
“HAHAHAHA.” Hindi ko napigilang tumawa. ‘E kasi totoo naman. Zyan glared at me kaya natuptop ko yung bibig ko. Nag-peace sign ako sakanya. “Sorry, hehehe.”
Mula sa akin, binalik niya ang tingin niya kay Cosmo, “Hoy bata. 3 years lang yung agwat natin. Kung makapagsabi ng matanda kala mo naman sobrang tanda ko na.”
“’E bakit palagi kang umeepal?” Cosmo fired back. “Siguro nagseselos ka no dahil may Britta ako.”
“Hindi mo siya pag-aari,” kunot-noo niyang sabi.
“Oooohhh~” Nagulat na sabi ni Cosmo. “Di kaya’y may gusto ka din sakanya!” Nagulat ako sa sinabi niya. “Hoy tanda. ‘wag mong subukang kunin sa akin si Britta.”
“Asa ka naman. Wala akong gusto sa kanya,” Zyan said.
Maarte kong hinawakan yung dibdib ko, “Ouch ha. Para mo na ring sinasabing hindi ako girlfriend material.”
Hindi nila ako pinansin at patuloy lang silang nagpipikonan. Hay nako! Parang mga bata talaga.
Lumapit nalang ako kay Finn. Para ko na itong nakakabatang kapatid. He’s doing stuffs that he is good at, inventing.
“Na-iingayan ka ba sa kanila?” bulong ko sakanya.
“Oo, kaya nga naghahanap na ako ng paraan para mapatahimik sila.” Sagot niya.
“Yan na ba yun?” nakikiusyoso ako sa ginawa niya. Isa itong maliit na chip. Mukhang nakita ko na ito nuon ‘a.
“Pamilyar ba?” tanong niya sa akin.
“Oo. Di ko lang maipunto kung saan ko ito nakita,” singkit-mata kong sagot.
“Sa Ragnarok. Yung chip na nakakakuryente. Try natin sa kanila,” Nakangisi niyang sabi.
“Luh ang creepy mo naman,” turo ko sa ngisi niya. “Pero sige, para tumahimik na buhay natin.”
“BABY?!” sigaw ni Cosmo kaya napalingon kaming dalawa ni Finn sakanya at kay Zyan na nakakunot ang mga noo. “Pinagpalit mo na ako kay Finnian?”
Mukhang yun talaga yung nasa isip ng dalawa. Sobrang lapit kasi ng mukha namin ni Finn kasi nga ang liit nung chip.
“So what?” nang-aasar na sabi ni Finn sa kanila. “Ano ngayon kung ako pinili niya?”
Pinigilan ko ang sarili kong matawa. Sobrang epic na kasi ang mga reaction nila and I don’t want to spoil the moment.
“Ikaw’ng bata ka!” Humakbang si Cosmo papalapit kay Finn pero naunahan siya ni Finnian. Naibato na ni Finn yung chip at kumapit ito sa n****e ni Cosmo. Sa lahat ng makapitan sa n****e pa talaga. “Ow!”
May pinindot siya sa hawak niyang remote at dun na nakuryente si Cosmo kaya agad itong humandusay sa sahig. Gulat na gulat si Zyan sa nangyari kay Cosmo.
“What the fvck?!” sigaw niya.
“It works!” Ngisi ni Finn.