“Bakit mo siya binugbog ate?” tanong sa akin ni Gelai nung nakabalik sa kami sa aming upuan.
“Binastos ka niya,” hindi makapaniwala ko siyang tiningnan, “Gusto mong pabayaan ko nalang yun?”
“Come on, ate. Chill out,” she said.
Kumunot yung noo kong napatingin sa kanya, “So gusto mo ngang pabayaan ko nalang yun?”
She looks sober now. Mukhang natauhan siya nung pinatumba ko yung bastos na lalaki kanina. Balak pa man sanang akitin ako. Well guess what, hindi ako ganun kadaling bakuha, boii.
“Hindi naman sa ganun,” she gave up. “Mabuti pa’t uminom nalang muna tayo. Masyado na tayong nastress.”
So ayun nga. Bumalik sa kami sa inuman. Chika dito chika doon. Kahit saan nalang umabot yung topic namin hanggang sa parehas na kaming tinamaan ng alak. Pero mas tinamaan siya. Hindi naman kasi bago sa akin ang pag-iinom. Siguro bago sakanya. Maya-maya pa ay nakatulog na siya.
“Hoy, Gelai,” sinundot ko siya pero hindi siya umimik. “Pasagad raman ug inom gud. Hindi naman pala kaya.”
Pinabayaan ko nalang siyang matulog sa sofa at saka ako lumagok ulit. Matagal-tagal na din akong hindi nakainom. Super busy na din sa training na hindi naman nagbunga.
Hayy. Nakakastress talaga. Sa tuwing bumabalik sa isip ko yung nangyari kahapon nababadtrip talaga ako. Just a picture of Raja smirking makes me wanna murder her in person!
Lumagok ulit ako saka patuloy iniisip yung nangyari kahapon. Kung napatumba ko kaya siya in the middle of the round, siya pa rin ba ang mananalo? Feel ko kasi talaga na binayaran niya yung referee o di kaya’y pinaboran siya nung judges. And unfair naman kasi. Siguro hanggang sa pagtanda di ko pa rin ito makakalimutan. It stained my record, dude!
Nagsimula nang umikot yung paningin kaya napangiti ako, “Ito na! Lasing na ako!”
Iniwan ko yung natutulog kong kapatid at pumunta sa gitna ng dance floor. Parang gusto kong sumayaw. Nagsimula na akong sumayaw ng bonggang-bongga.
Hindi naman sa pinagyayabang pero magaling din akong sumayaw. Kinahiligan ko na kasi ito mula pagkabata at nadala ko ito hanggang sa pagtanda.
I raised my hand, letting my body groove with the music. Lasing na kung lasing basta gusto kong sumayaw. Lasing nga ako pero alam ko pa naman yung mga ginagawa ko.
May bigla nalang lumapit sa aking lalaki. Nasa may 30’s na siya. Akala ko isa siya sa mga bastos na lalaki na kadalasang makikita sa bar pero hindi.
“Britta Zermeno, right?” tanong niya sa akin. Hindi ako huminto sa pagsayaw habang tiningnan siya.
Siguro kakausapin naman ako tungkol kahapon. Naman ‘e! ang hirap maging famous!
“Yeah,” sagot ko, “Anong kailangan mo?”
“I’m Eustace Bejar,” alay niya sa kamay niya. Napahinto ako sa pagsayaw at tinanggap yung kamay niya, “I have an offer for you.”
“Offer?” tanong ko pabalik, “What kind of offer?”
“Shall we take a sit first?” tumango ako saka kami lumapit dun sa upuan ko kanina, kung nasaan yung kapatid kong lasing.
“And she is?” turo niya kay Gelai.
“That’s my sister. Don’t mind her,” I replied.
He looks amused while exchanging glance from my sister to me, “You must be very close.”
I only nodded at him. Kinuha ko yung isang bote ng alak at inabot sa kanya, but he politely declined kaya ako nalang yung uminom nito,
“Get to the point,” pinikit ko yung mga mata ko saka agad ko naman itong minulat, “Anong offer ba ‘yang sinasabi mo?”
Tumikhim muna siya saka umupo ng maayos, “I saw what you did earlier to that boy,” sabay turo sa dance floor. “I then thought that it was kinda’ familiar.”
“Binastos niya kapatid ko kaya ko yun nagawa,” napahinto ako nang may naisip ako. “Anak mo ba ‘yun?” I referred to the boy that I punched.
Mabilis naman siyang umiling. “No. Hindi ko yun anak,” tawa niya.
“Buti naman kung ganun,” napahinga ako ng maluwag. “Sige, continue…”
“Yeah,” he continued, “Gaya ng sabi ko, pamilyar yung ginawa mong pagkasuntok. Dun ko naalala na kaya pala pamilyar kasi yun din yung nangyari kahapon sa MMA fight.”
At tama nga ako. Ito na naman tayo. Pinaalala na naman yung laban kahapon.
“Are you one of those reporters?” tanong ko dito. “If so, kung ano man yung statement ko ngayong gabi, ‘wag mo masyadong seryosohin. Hindi matino ang pag-iisip ko ngayon. Kita mo naman diba na nakainom ako,” turo ko sa alak ng mesa.
He only smiled, “I like your personality Ms. Zermeno,” napakunot yung noo ko.
I like you personality naman nuon.
“Let’s get straight to the offer, Mr. Bejar. You’re taking too much of my time,” I said.
“I need you in my team,” diretso niyang sabi. “I am putting a team together and your strength is much needed. Kailalagan namin ang lakas mo. The way to give your punches screams power!”
It was literally flattering, really. Alam ko naman yung powers ko. I am all aware of that. Pero iba pa din yung dating kapag galing sa ibang tao. Others’ perception really does matter.
“What team are you talking about? Can we get into the details?” nakangiti kong tanong. Hindi mawala yung ngiti ko sa labi dahil sa sinabi niya. Nakaka-proud sa sarili.
“Unfortunately, I can’t tell you yet. If you finally made your decision to join us, saka ko na sasabihin sa’yo,” he replied.
My smile turned into a frown.
“Sorry. I don’t accept offers that easily. Especially kapag hindi detailed,” sabi ko sakanya saka lumagok ulit ng alak.
“We’ll get there Ms. Zermeno. Mapapa-oo din kita,” kampante niyang sabi.
“Begging for my approval is not easy,” I smiled.
“Maybe,” He said. “Let’s toast!”
Nagulat nalang ako nang may inabot siyang cocktail. Um-order pala siya. Napatingin ako sa alak na nasa mesa. Ubos na pala ito, kaya siguro siya um-order. Inabot niya sa akin yung isa saka ko naman ito tinaas.
Agad ko itong linagok kaya napapikit ako as I felt the liquor travelling from my mouth to my throat. Saraaaap!
Nung inimulat ko yung mata ko ay mas lalo pa akong nahilo. Tiningnan ko yung lalakeng nasa harap ko saka ko binalik yung tingin ko sa basong hawak ko.
“Anong meron dito?” turo ko sa alak na nasa kamay ko. “Why do I feel funny?”
Tumawa ng mahina si Mr. Bejar, “It’s what happens when you’re drunk, Ms. Zermeno, everything seems funny.”
“Oh!” napatango nalang ako sa sinabi niya, “You’re right.”
Before I can order another set of liquors, I fell on the couch as darkness devour me.
I smelled the sweet aroma of a coffee. Gusto ko nang imulat yung mga mata ko pero ang sarap pang matulog. Ang lambot-lambot ng higaan saka ang bango pa. I cuddled myself with comforter. Ang lamig din kasi ng environment, parang may aircon.
Kailan pa nagka-aircon yung apartment?
Agad kong minulat yung mga mata ko saka ko napagtantong wala ako sa kwarto ko! Wala ako sa apartment! Nasaan ako?!
Inilibot ko yung mga mata ko. Ang ganda naman ng kwartong ito! Pambabae talaga! May glow in the dark pa na stars sa ceiling!
Pero hindi!
I shouldn’t be distracted! Dapat ang iniisip ko ngayon ay kung paano ako nakapunta dito? Bakit ako nandito?!
Bigla nalang bumukas yung pintuan kaya hinanda ko yung sarili ko. Kung may balak siyang saktan ako magkakamatayan muna kami!
Iniluwa nang pinto ang isang binatilyo. Nasa may 17 o 18 na ito. Hindi mapagkaila ang kagandahang taglay nito pero no-no muna ako. 21 na ako at hindi ako pumapatol sa mas bata pa sa akin. Jusko!
“Sino ka?” tanong ko dito.
“Gising na pala ang aming prinsesa!” sabik niyang saad.
Nakarinig naman ako nang mga yabag papunta sa kwartong ito saka bumukas ng malaki yung pintuan. Iniluwa nito ang dalawang lalaki.
Yung isa ay mas mataas pa keysa nung nauna. Yung ngiti abot tenga. Parang ang saya niyang makita ako. Gwapo din ito tsaka sobrag puti. May nunal siya sa gilid ng mata niya at sobrang ganda din ng ngiti niya.
Yung isa naman ay ang pinakamataas sa kanila. He looks interested in seeing me pero hindi katulad nung isa, hindi siya nakangiti. He’s actually tanned at well-built na yung body niya. Mukhang nag-gy-gym. Singkit din yung mga mata niya at grabe yung s*x-appeal.
“Good morning!” Halos magkasabay nilang bati.
Oh God! Why am I here?