Chapter 4

2091 Words
Agad kong hinawakan ang sarili kong katawan, dinaramdam kung may masakit ba. Napahinga ako nang maluwag nang wala namang mali sa katawan ko. Virgin pa ako! Never in my life I woke up at somebody else's bed. Ngayon lang. And to think that I woke up with a headache— which means I was totally drunk last night— hindi ko mapigilan ang mag-overthink! What if I did something terrible last night? What if nagkalat ako or worst taking my pants off? Damn! Ang sakit sa ulo isipin yung mga what ifs! Hindi kasi natin namamalayan yung mga ginagawa natin kuno if we were under the influence of the alcohol. 'E ako ngang hindi umiinom baka mas malala yung nagawa ko. Honestly, okay lang naman if ever nagsuka ako kagabi o di kaya ay pinahiya ko yung sarili ko. Basta hindi lang yung p********e ko. Goodness! Yun nalang talaga yung tanging naiisip ko knowing that I'm under the same roof with 3 men. Agad kong tiningnan nang masama ang mga lalaki na nasa harap ko. “Hoy kayo!” tinuro ko sila isa-isa. “Kung may balak kayong halayin ako ‘wag niyo nang ituloy.” Nagkatinginan silang tatlo na para bang naguguluhan sila sa sinabi ko. Acting innocent, huh? “HAHAHAHA,” nagulat nalang ako nang bigla silang tumawa nang malakas. Yung tawa nila nakakainsulto. Parang sinasabing baliw ako. Mas lalo ko silang sinamaan ng tingin sa paraan nilang pagtawa. “Wala kaming balak sa’yo na masama, okey?” sabi nung may nunal sa gilid ng mata. “Pati kami biktima din.” “Biktima?” tanong ko pabalik. Biktima? Biktima ng ano? Naguguluhan man ay pilit kong nilagay yung atensyon ko isasagot nila. “We also got kidnapped. Hindi ka nag-iisa,” sabi nung bata. Tiningnan ko sila isa-isa. Sinusuri ko kung nagsasabi ba sila ng totoo. Ayokong maniwala sa kanila. We're obviously strangers to one another. Tsaka hindi ako ganun kadaling nagtitiwala. Hinintay ko yung susunod nilang gagawin pero mukhang yun na yun. Gusto ko pa sanang malaman yung buong detalye pero mukhang yun lang talaga alam nila. Looks like they're telling the truth. I know when someone is lying. Pero kahit na. I should never let my guard down. "Kung ganun," panimula ko. "Sino ang nagkidnap sa atin?" tinaasan ko sila ng kilay. If this is a kidnap dapat may kidnapper. And as of now, wala pa akong maisip kung sino ang may lakas na loob na kidnapin ang isang Britta Zermeno. Dude, ni wala ngang gustong makipagbakbakan sa akin, kidnap na ba? He got guts! "As far as I can remember, it was Eustace Bejar," sagot nung lalaking malakas yung s*x appeal. Bet ko siya. Hihihi. Brit! Shatap! Anyway, mukhang pamilyar yung pangalan na sinabi niya. Kilala ko ba ito? Kung kilala ko siya, saan ko siya nakilala at kailan? “I am Eustace Bejar,” said the man. “I have an offer for you.” Agad nanlaki yung mga mata ko. s**t na malagkit! Si Mr. Bejar? That deceiving son of a b***h! He tricked me! Kung siya nga ibig sabihin, may nilagay siya sa ininom ko? Sana hindi ko nalang yun tinanggap! Sana nagpatuloy nalang ako sa pagsasayaw sa dance floor kahit hindi naman talaga ako dancer, kahit parang tuyo akong sumayaw. Minsan talaga ang sarap batukan ng sarili ko. I've been deceived tons of times pero andito pa rin ako, nagpapauto. Kaya siguro ako palaging nasasaktan. Kakasabi ko lang kanina na hindi ako ganun nagtitiwala pero look at me now. Napunta lang naman ako sa sitwasyong ito because I let my guards down and I trusted that deceiving jerk. “That stupid motherfvcker!” sigaw ko. “So naalala mo na,” sabi nung bata. “Anyway, I would like to introduce myself. I am Finnian Villegas, 18,” turo niya sa sarili niya. He looks neat. Nakasuot kasi siya ng salamin. Parang nerd lang. Tsaka base sa paraan niyang magsalita, he sounds like a smart kid. “Ako naman si Cosmo Echavarria, 22,” pakilala nung maputing lalaki na may nunal sa gilid ng kanyang mga mata. “Can I just say that you look beautiful in your morning face?” dugtong niya saka kumindat. Napangiti ako sa ginawa niya. Charming. He got the looks. Sobrang gwapo niya. I bet he got girls following behind him at school. I also think he flirts a lot. Or kaya niya ako kinindatan kasi bet niya ako? Sorry. Feelingera lang. Maganda naman ako 'a! Pwede na. Ngayon naman ay tiningnan namin yung nag-iisang lalaki na hindi pa nagpakilala. To be honest, he got my attention. Hindi dahil sa s*x appeal niya kundi mukha siyang misteryoso. I love finding out what’s behind that mysterious aura. O baka umandar naman yung pagkakamalandi ko? Hayst. Nung naramdaman niya na hinintay namin siyang magpakilala ay napabuntong-hininga siya. “ Zyan Cespedes, 25,” pakilala niya. Hinintay namin siyang dugtungan yung introduction niya pero wala na kaming narinig pagkatapos nun. Yun na yun? Magrereklamo pa sana ako nang biglang magsalita si Cosmo. Diba ang dali kong magmemorize ng pangalan. “And you are?” tanong niya sa akin. “Ako?” turo ko sa sarili na siyang ikinatango niya. “I’m Britta Zermeno,” ngiti ko. This is new. People don't usually ask for my name. Hindi naman sa pagmamayabang ha. You see, I'm known to people. Just because I am a MMA fighter. Kaya biglang umalon yung dibdib ko matapos niyang tanungin yung pangalan ko. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Baka siguro na overwhelm ako kasi it's been a long time since people asked for name. Just missing those days. “Britta Zermeno?” gulat na sabi ni Finn. “You mean THE Britta Zermeno? The one who knocked down Raja after the fight?” At ito na naman po tayo. Pati ba naman dito pag-uusapan namin ang issue na ‘yan? Am I that famous? I thought that they might not know me. Just when I started getting sentimental. Bummer. “Wait,” sabi ni Cosmo. “You really did that?” Bumuntong-hininga ako. “I did. Now can we move on?” I really don’t want to talk about it. Nakakabad mood kasi 'e! Kapag napag-usapan talaga ang Rajang yun kumukulo talaga dugo ko. That was my fight and she took it with her dirty games. Shameless btch! “Dude! You were so cool!” sabik na sabi ni Finn. I know I'm cool. Cool is my middle name. Char. That was the second time I heard that. Una ko yung narinig mula kay Gelai. Wait… Shocks! Si Gelai! Panic began crawling on my system when I realized that I left my drunk sister on that bar. She's alone! Kinakabahan ako. Paano kung may nangyari sa kanyang masama? Paano kung balikan siya nung lalaking sinapak ko para makaganti sa akin? Walang hiya ka talaga Britta! Wala kang kwentang kapatid! Before I could start losing myself, may biglang pumasok sa silid. Medyo nagloading pa yung utak ko. Pamilyar kasi yung mukha ng mama na pumasok. Nung nagsink in na sa akin ang lahat ay agad ko siyang sinugod. “You motherfvcker!” But before I could reach him, the three boys stopped me. “Huminahon ka, Britta,” halos magkasabay nilang sabi. “Bitawan niyo ako! Papatayin ko ‘yang lalaking ‘yan!” Pagpupumigilas ko. “You’re finally awake, Ms. Zermeno,” nakangiting sabi niya. “Makawala lang ako dito, God knows what I’m going to do with you!” sigaw ko. “Tama na,” sabi ni Finn. “Why are you stopping me? He put you in this kind of situation as well. Why aren’t fighting back?!” sigaw ko sa kanila. “We can’t,” bulong ni Zyan kaya nabaling sakanya yung atensyon ko. “Fighting back gives us no good.” “Why?” naguguluhan kong tanong. “They implanted microchip on us,” he said as he touched my neck. I flinched when he touched it. “Once we go against him, you’ll be dead in no time. Wala tayong kawala.” "You will be electrocuted when you go against him," dugtong pa ni Finn. Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Seryoso? I could die in just a snap. Tanginang buhay naman ito 'o! Nung medyo kumalma na ako ay saka na nila ako binitawan. So namatay na ako kanina pa kapag hindi nila ako pinigilan? Binalik ko yung mga mata sa tanginang lalaki na nasa harap ko. Ang sarap talaga burahin yung ngisi niya sa mukha gamit kamao ko. Kung pwede lang talaga. “You heard it right,” ngisi ni Mr. Bejar. “Walang kang kawala.” He doesn't deserved to be called Mr. Bejar. She don't deserve respect. He deserve all the misfortune in the world and I am not kidding. Pinanlisikan ko siya ng mata. If looks could kill he would have been dead by now. “Nasaan kapatid ko?” I asked, trying to contain myself. “She was too drunk to walk so I drove her home,” he replied. “Paano mo naman nalaman kung saan ako tumira?” mapait kung tanong. “I know everything about you. Kaya kita kinuha,” sagot niya. “I had to make sure that I chose the best.” Chose the best? Nagpakawala ako ng hangin. Hindi ako makapaniwala na ito pala yung ibig niyang sabihin nung nasa bar kami. Unbelievable. Tiningnan ko isa-isa yung mga kasama ko sa silid na ito. “So this is the team that you were talking about?” Naalala ko kasi na kailangan niyang bumuo ng team. Anong team naman kaya? ‘Yan ang hindi ako sigurado. Ang nasisigurado ko lang ay hindi siya basta-bastang kumidnap ng mga miyembro. From the looks of these three people beside me, hindi sila basta-basta. “You’re sharp,” sabi niya. “Ito nga.” “What kind of team?” tanong ni Finn. “You kidnapped us without us knowing.” I mentally slapped myself. First impression of Finn was smart but he's asking this kind of question? May nangingidnap ba na nagsasabi kung bakit nila ito ginawa? Ito na ata ang pinakatangang tanong na narinig ko sa tanang buhay ko. “A team that is composed of brains and skills,” isa-isa niya kaming tiningnan. “A team that would retrieve the key of the north, south, east and west.” Pft. Oki ang korni! Key of the north, south, east and west? Anong pinto naman ang mabubuksan ng mga susing 'yan? Kapag ba nakuha namin ang susi ng north ay mabubuksan namin yung factory ni Santa Claus? “If you are trying to make a team like the suicide squad, give up,” sabi ko at humakbang papalapit sa kama saka umupo. “I don’t like to do it.” First of, we are not the suicide squad. Yung suicide squad ay may ginawa silang Criminal Law Enforcement. Meaning ginamit nila yung kakayahan ng mga convicts para sa kabutihan or against something worst. Second, I don't follow orders from someone. Sabihin niyo nalang na ako yung pinakamatigas na ulo na athlete. Totoo naman. And lastly, nakakatamad. “And why is that?” Ngisi niya. “Because I’m not at my best when doing things out of force. Magsasayang ka lang ng oras sa akin,” I said. Well, it was true. I want to do things under my will. Kung ayoko. AYOKO. Parang spoiled brat lang. “Hmm…” he hummed. He fished his phone inside his pocket. “Sinabi ko bang inuwi ko sainyo yung kapatid mo?” he smiled michieviously. “Oops, my bad,” patuloy niya saka pinakita sa akin yung picture na nasa phone niya. It was Gelai! She’s smiling na para bang nag-eenjoy siya. Mukha naman siyang okay na para bang walang mali. Pero may kasama siyang nakaitim. And that man doesn’t look good. “What are you up to?” my voice was threatening him. “I sent one of my men to watch over your sister. I knew that I wouldn’t be able to convince you to work for me,” he grinned. I knew it! I knew it! Talagang may ib-blackmail siya against me. Pina-imbestigahan niya kami isa-isa at nalaman siguro niyang matigas yung ulo ko at hindi ganun kadaling pakiusapan. “Fvck you…” mura ko sakanya. Gusto ko sanang magwala pero naisipan kong baka mapatay niya ako. “That leave you no choice,” sabi niya pero ginantihan ko lang siya ng masamang tingin. Hindi ako makapaniwalang naisahan niya ako. He's like one step ahead of me. Para siyang isang chess player. Yung may advance move siyang iniisip sa utak niya before makakilos yung kalaban niya. Ang masaklap ay hindi kami yung kalaban niya sa larong chess. Kami yung mga pyesa. Sa worse part is, hindi ako ang King o ang Queen. Ako ay isang pawn lamang. A small and innocent pawn. Isa-isa kong tiningnan ang mga kasamahan ko sa silid na ito. Are we going to pull it off? Are we gonna do it? A team that would retrieve something that is unfamiliar to us? Is this like mission impossible?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD