Everytime na umaalis din ang mommy at daddy we also come here upang ibilin kami sa taong matagal ng nananahimik. Alam kong tinatakot lang naman kami ni mommy pero sadyang matatakutin naman talaga kami kaya ginagawa rin namin lahat ng pagpapakabait upang hindi talaga kami multuhin ni Tita Mera.
Hindi namin kasama ang ibang mga kapatid ko ngayon dahil abala sila ngayon sa gaganaping birthday party namin mamaya kaya ako lang dinala ni mommy today dito sa cemetery.
******
I chose the yellow floral halter dress na mid thigh length na pinaresan ko ng beige na 1 inch heel sandal. Hindi ako mahilig sa high heels dahil hindi rin naman ako gaano kaliit. Sakto lang 5'5.
The dress is really suited to my fair skin dahil mas nakakafresh. Klaro rin ang kurba ng aking balakang dahil tulad din ni Tita Mera pinagpala rin ako ng cup B boobs, malapad na balakang at matambok na pwet.
After kong magmake up, naglagay lang ako ng light make up dahil nangangati ang mukha ko kapag marami na masyado nilalagay sa mukha ko. Minamasdan ko ngayon ang sarili ko sa salamin before akong lumabas sa room ko.
Nang makalabas na ako sa room, isasarado ko na sana ang pintuan ko ng makarinig din akong pagbukas ng pintuan sa ibang silid. Hinanap kaagad nito ng mga mata ko kung saan nanggagaling.
Nakita ko rin na lumabas si Efra mula sa kanyang silid sa bandang dulo. Napansin naman niya agad ako. Nagsalita siya habang naglalakad na siya ngayon papunta sa kinaroroonan ko.
"Ohh? Lalabas ka na? Hintayin mo ko sabay na tayo." Efra.
Parang naman nagslow motion ang oras habang naglalakad siya papalapit sa akin.
Hahayst napakagwapo talaga ng kambal ko. Nakasoot siya ng kulay puti na poloshirt na nakatuck-in sa khaki pants niya, penarisan din niya ng white snickers. Bagong gupit ang buhok niya na medyo wet look dahil sa wax na ginamit niya. Maaliwalas ang kanyang mukha. Sakto lang din ang katawan niya hindi masyadong payat. Binatang binata na talaga siya.
Nakatingin lang siya sa kin habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko.
Bakit parang ang lagkit? Bakit parang iba ang nararamdaman ko sa twing tinitignan niya ako. Ang bilis ng t***k ng puso ko, bakit kinakabahan ako ng walang dahilan? Gosh! Feeling ko nagkakasala ako juice-colored sa kapatid ko pa.
Close kami pero habang tumatagal nararamdaman ko ang pagkailang ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin na nakakadagdag kagwapohan niya dahil sa dimples niya sa magkabilang pisngi. Ang mga naniningkit niyang mga mata ay tila ba'y ngumingiti rin. Makapal ang kanyang kilay, saktong tangos rin ang kanyang ilong, at mamula-mula pa niyang lips, maputi rin ang kanyang balat, itim ang kanyang buhok, dark brown na mga mata at pantay at maputi ang kanyang mga ngipin.
Gwapo na, cute pa! Hahayst sana hindi nalang kami magkadugo! Ano ba tong pinag-iisip ko self? Nababaliw ka na talaga! Nagpunta na talaga sa kabilang mundo ang kaluluwa ko. Tulala naman self?
Hindi ko na namalayan na nasa tapat ko na pala siya. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Ehemm. Happy birthday, sis!", sabay yakap ng mahigpit sa akin.
Dahil sa ginawa niya bumalik na rin sa wakas sa earth ang kaluluwa ko.
"Happy birthday too brad!" saglit din niyang hinalikan ang tuktuk sa aking noo.
Hindi ko alam pero parang sasabog ako, ang sarap din niyang yakapin. Grabe ang bango!
Kumalas siya sa pagkakayakap at may dinukot siya galing sa gilid ng kanyang soot na pants.
"Turn around sis.." tumalikod din ako agad. Naramdaman ko ang paghawak niya sa buhok ko.
"Gosh! Bakit parang nakukuryente ako?" sa utak ko.
Napapikit ang mga mata ko sa hindi ko na maintindihang pakiramdam.
"Pahawak, sis." utos sa akin ni Efra.
Napadilat ako na naintindihan ko naman kaagad na hawakan ko ang buhok ko.
Naramdaman ko nalang ang pagkabit niya sa maliit na bagay sa leeg ko. It's a simple gold necklace na may maliit na white diamond na hugis puso sa gitna ng hugis puso rin na pendant na gold din.
When he's done binalik niya muli sa likod ko ang buhok ko, bahagya niya munang inayos at pinihit niya akong paharap sa kanya muli. Mas lumawak ang kanyang ngiti ng makita niya ang necklace sa leeg ko.
"Perfect! It suits very well.. That's my birthday gift for you."
Ang ganda at type na type ko talaga ang mga ganitong designs. I like simple but elegant enough na mga jewelries.
"Thank you, brad! Ang ganda! Nagustohan ko super! Alam na alam mo talaga ang mga gusto ko. hehe" niyakap ko siya ulit at niyaya ko na siyang lumabas para umpisahan na ang kasiyahaan.
Hinila ko ang kanang kamay niya at nagsimula na akong maglakad ng biglang ---
"Arrrayyy!!!" hinila rin niya ang kamay ko pabalik na pinagtaka ko.
"Bakit? Anong problema, Brad? Ang sakit ng bra--" natigilan ako sa pagsasalita ng inilahad pa niya ang kaliwang kamay niya.
Tinignan ko ang mukha niya na nakataas na ngayon ang kilay na parang may hinihingi. Napaisip naman ako saglit na maintindihan ko bigla ang ibig niyang sabihin.
Humihingi rin siya ng birthday gift sa akin. Ang totoo may hinanda rin akong birthday gift para sa kanya kaso hindi ko alam kung gusto rin ba niyang makatanggap ng gift mula sa akin at tiyaka baka hindi rin naman niya gagamitin.
Ilang gifts na naibigay ko sa kanya ngunit hindi ko na man siyang nakita na ginagamit ang mga 'yon. Ibibigay ko rin naman yong gift ko sa kanya mamaya, aanhin ko naman yon kung hindi ko ibibigay.
"Huh? Gusto mo ng gift mula sa akin?"
"hmmm, Every year naman may gift ka sa akin, asan na?" ginagalaw pa niya mga daliri niya.
"Hindi mo naman gusto yong mga gifts ko sa'yo" malungkot kong sabi sa kanya at niyuko ko ang ulo ko.
"Sinong nagsabi?" he smirked.
"Hindi naman kita nakita na ginamit mo yong mga gifts ko sa'yo. Yung mga laruan nga noon na binigay ko sa'yo isang beses ko lang nakita na ginamit mo. Tinatapon mo lang yata eh!" litanya ko.
"Hindi ahhh, siyempre tinago ko para hindi ko mawala. Akin na!"
"Oo na, pero mamaya ko pa yon ibibigay sa'yo. Lumabas na muna tayo baka kanina pa tayo hinihin---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang magsalita si daddy sa di kalayuan habang papalapit siya sa amin.
"Ezra, Efra! What are you two up to?