Chapter 5 Kilabot

1045 Words
"Ezra, Efra! What are you two up to? Kanina pa kayo hinihintay ng mga bisita. Lumabas na tayo" Si Daddy. Huminto na siya sa tapat namin at tiningnan kaming dalawa. "May problema ba?" tanong ni Dad. "Si Brad kasi dad naniningil sa kin ng birthday gift" "Then?" "I'll give it to him naman po but later dad" "Meron pa la eh, mamaya na yan son. Let's start the celebration first. Anyway, Double Happy Birthday Son... and to you beautiful!" Isa-isa kami niyakap ni dad. "Thank you, dad!" sabay naman naming sagot ni Efra at sinimulan na naming maglakad patungo sa venue. Nauna na si daddy, nakasunod naman kami ni Efra sa kanya. "Let's go, sis." inakbayan niya ako habang naglalakad kami. Nilagay ko naman ang kaliwang kamay ko sa bewang niya para masabay ko ang katawan ko sa kanya. Bago kaming dalawa nakarating sa area ay bumulong siya sa akin, pinaalalahanan niya ako, "Yung mamaya ha, 'wag mong kalimutan" kinalibutan ako bigla. Napahinto na ako sa aking paglalakad at naramdaman kong uminit ang mukha ko. Anong nangyayari sa 'kin? Alam kong yung gift ko ang tinutukoy niya? Pero bakit iba ang epekto ng pagbulong niya sa kin at sa bawat salita na sinabi niya? Bakit parang biglang nagiging berde ang utak ko? Habang tumatagal nagiging abnormal ang takbo ng utak ko at pati na rin ang katawan ko. May sakit na nga ba ako? Yung kaluluwa ko rin panay ng punta sa solar system. "Sis?.. Sis?..Anong nangyayari sa yo? Oyy?" niyuyogyog na pala ako ni Efra. "Huh?" Bakit wala na akong maintindihan? "What's happening to you? Ngayon ka pa kakabahan na every year naman tayo nagce-celebrate ng birthday ng ganito. Magpakita na tayo para naman matapos kaagad tong party, okay?" habang hawak hawak pa niya ang balikat ko. Tanging tango na lang ang sagot ko. Umikot siya sa likuran ko at hinawakan niya muli ang balikat ko saka niya ako dahan tinutulak papunta sa pwesto namin. ********* "Ezra, Efra, 'wag nyong pababayaan ang mga kapatid nyo ha. Isang buwan lang naman kami sa States. Babalik din kami kaagad matapos ma-solve ang problema doon. Anong gusto nyong pasalubong mga anak?", mommy. Nandito kaming lahat magkakapatid sa labas ng bahay upang ihatid sila mommy at daddy sa sasakyan nila. Medyo nasanay na rin kami na naiiwan dito at mag-aalaga sa mga kapatid namin. Hindi rin naman kami pinapabayaan ng mga kasambahay namin at naniniwala rin kami na nandyan lang din si Tita Mera nakabantay sa amin. Bumalik si Daddy sa loob ng bahay dahil may muntik na siyang makalimutang dalhin. "Boyfriend Mommy gusto ko po. hehehe Array! Anong problema mo? Bakit mo ko binatukan?" sabi ko pero binatukan ako kaagad ni Brad. Ang bilis talagang maasar ni Efra. Ang sarap niyang asarin palagi kaso nananakit talaga. "Ako nga hindi pa naggi-girlfriend tapos ikaw pagbo-boyfriend na nasa isip mo?" "Eh ano naman ngayon? Edi, maggirlfriend ka rin, problema mo?" "Tama na yan! Sige Ezra etry ko na hanapan kita ng boylet haha" "Mmooommm?!!!" sigaw ni Efra ni Mom na hindi makapaniwala sa sinabi ni mommy. "Hehe Thank you, Mommy! I love you! The best ka talaga! hahaha" sabay yakap ko kay mom. "Yung ideal ko Mom ha, lams na! I need boyfriend na talaga Mom to protect me from Brad hmmp!" tinarayan ko si Efra at kinindatan ko si Mommy. "Don't worry kuya Efra, I will not have boyfriend yet so you wont hit me like ate" sabad ni Gabriela. Natatawa ako sa sinabi niya na mas kinainis niya pa lalo. Ang cute niya talaga. "See, Brad? Pati si baby girl natin natatakot na sayo." "I remind you Efra, don't hurt your siblings. You must take good care of them, anak. Protect them from harm as an older brother hindi yung ikaw pa ang nananakit. Are we clear, son?" warning ni Mom. "Yes mom, I'm sorry! Hindi na po mauulit. I'm sorry sis" "Good! Thank you, son!" niyakap naman siya ni mommy. "What did I miss?" tanong ni Daddy na kalalabas lang niya ulit. "Dad, can we sleep in your room? Baka tabihan ako ni Tita Mera wala pa naman kayo" Samuel na matatakutin. "Sure! Pano ba yan, we need to go sweethearts! Pabaong grouphug naman!" bumukad naman ang kanyang mga braso upang yakapin kaming lahat. We grouphugged as we let our parents go. Nang hindi na namin matanaw ang sinasakyan nila mommy at daddy naggrouphugged ulit kaming magkakapatid at sumigaw ng "AMUSEMENT PARK!!!" kagabi pa namin pinagplanuhan ito. Napagod kaming apat sa pamamasyal kanina boung araw. 4pm na kami nakauwi sa bahay at natulog sa kanya-kanyang silid. Ginising nalang kami ng kasambahay namin bandang 6:30 na upang maghapunan. Matapos maghaponan ay kanya-kanya na rin kaming naligo at nagbihis ng pantulog upang ganapin namin ang final trip namin ngayong gabi, yun ay ang 'film showing'. We are now in our parent's bedroom watching 'XMen'. Malaki kasi ang kama nila mommy kaya dito ang hide out namin everytime na wala sila. Malaki rin ang TV kaya perfect talaga manood ng movie dahil Sunday bukas walang pasok sa school. Eto rin ang favorite quality time naming magkakapatid na kung saan malapit kami sa isa't isa sa mahabang oras. Mahilig kaming apat sa mga action films kaya magkakasundo talaga kaming apat pag tungkol na sa mga palabas. Lahat kami nasa ilalim ng kumot at puro nakasandal ang aming likuran sa headboard. Magkatabi kami ngayon ni Efra sa gitna sa kanan ko ay si Gabriela, sa kaliwa naman ni Efra ay si Samuel. They used to be magkatabi si Samuel at Gabriela ngunit masyadong maingay si Gabriela habang nanonood, si Samuel naman ayaw paistorbo sa kanyang panonood kaya pinaglayo namin sila. Mahilig din kaming kumain ng popcorn at uminom ng gatas kapag nanonood kami ng palabas sa gabi para mahimbig ag tulog naming lahat. Kami ni Efra were doing our best to be a good example to our siblings and to keep our siblingship closer and stronger. Pinagbabawal din sa amin ni mommy at daddy na magmura kahit gaano pa katindi ang galit, bawal din kaming uminom ng alak habang nag-aaral pa lang kami. Saka na raw kaming uminom kung may mga trabaho na raw kami. Naintindihan naman namin sila dahil kahit kailan hindi talaga namin narinig mula sa kanila ang magmura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD