"The swimming pool is open sa gustong magswimming.", turo nya ang direction ng pool na may mga tao na rin na nakabantay na roon at may mga pagkain na rin sa mahabang mesa sa di kalayuan galing sa swimming pool.
"The playground is also open para sa lahat", tinuro din nya ang direction ng playground na may iilang tao na rin na nakabantay doon.
"There is also a playroom for babies and toddlers", turo din nya sa direction ng playroom na transparent lang ang pagitan upang mas madali makita at masubaybayan ang mga tao sa loob lalo na ang mga bata. Mayroon na ring limang tao sa loob naghihintay, kumakaway pa sila na tila naintindihan nila ang pag-introduce ng silid sa kanilang amo.
"There is also a movie room sa mga gustong manood ng latest movies for kids", itinuro din nya ang direksyon ng movie room.
Dahil nga ay children's party minabuti ni Ephraim at Samantha na mag-eenjoy ang mga bata at iba pang mga bisita. Tanghali nila ipinagdiriwang ang kaarawan ng kambal upang masulit naman ng mga bata ang oras ng pag-eenjoy sa kanilang inihanda.
Napakalaki ang mansion ng Morales dahil isa sila sa Top 10 na pinakamayan sa buong bansa ng Pilipinas. Hindi na talaga ipagkakaila na kayang kaya nilang gumastos ng napakamalaking pera ikasasaya lang ng kanilang pamilya.
Marami silang mga establishemento ng pagmamay-ari nila kasama na doon ang Morales' Hospital kung saan pinanganak ang kambal at ang mga kapatid nila, paaralan, hotel, condominium, sikat na pagawaan ng alahas ang Blue Pearl Company, pagawaan ng sikat na wine, at marami pang-iba.
Agad naman kumuha ang mga bisita ng pagkain at kanya-kanyang pumwesto na sa mga nakahandang mga mesa at upuan.
Tinawag na rin ni Samantha ang babysitter ni baby Gabriela upang makapagpahinga na rin ng maayos ang baby. Gusto nya rin asikasuhin ang kambal.
Pinatawag na rin nya ang babysitter ni Samuel yung 3 years old na baby nila upang asikasohin din ito. Habang pinapakain ni Samantha ang kambal todo asikaso naman si Ephraim sa mga bisita.
Nang matapos ng kumain ang kambal pinapabantayan na nila ito sa kanilang mga yaya. Gusto ng kambal magswiming kaya dali dali naman sila pumunta ng kanilang silid kasama ang mga tagapangalaga nila upang magbihis.
Agad din naman kumuha ng pagkain si Samantha at nakijoin na rin sa table ng mag-asawang Guevara na isa sa pinakamalapit nilang kaibigan.
Si Doctor Gabriel Guevara ay isang Pediatrician nagtatrabaho rin sa Hospital ng Morales at ganoon din ang kaniyang asawa na si Doktor Maria Guevara bilang isang OBGYNE.
Si Maria Guevara rin ang nagpapaanak kay Samantha at awtomatiko naman si Dr. Gabriel ang Pediatrician ng mga anak nila.
May dalawang anak din sila ang panganay nila ay kasing edad lang din ng kambal at kaklase rin nila ito.
Masaya silang nagkamustahan at nagkwentuhan. Samantalang ang ibang mga bisita naman ay nagkalat naman iba't-ibang area. May nasa pool area, playground, at sa playroom nagbabantay ng kanilang mga anak.
"Ayos lang ba kayo?" tanong ni Samantha sa mag-asawang Guevara.
"Yeah we're fine! Hindi ka dapat mastress sa amin" sagot ni Maria Guevara na ngingiti-ngiti pa.
"Ma-iba tayo Sam, alam na ba nila?", tanong ni Dr. Gabriel Guevara.
"Hindi pa. Hindi ko alam kung kailan ang tamang panahon na ipapaalam ko sa kanila" sagot ni Samantha.
"May balak ka pa rin ba?", Maria.
"Oo naman, nahihirapan ako ehh. Kaso hindi ko alam kung saan nga ba ako nahihirapan, natatakot ako baka hindi nila matanggap ang katotohanan at mag-iba ang pagtingin nila sa kin. Ganun naman kasi kadalasan nangyayari di ba?Hindi ko yata kakayanin pag ganun talaga ang mangyayari naguguluhan ako. Ayaw ko rin naman ipagkait ang katotohanan sa kanila" malungkot na pagkakasabi ni Samantha.
"Siguro sa tamang panahon, Sam. Napakabata pa nga ng panahon baka hindi ka rin nila maintindihan ngayon" Gabriel.
"Oo nga! Parang totoo na nga ehh.. Parang gusto ko na lang ding panindigan" at bahagyang tumawa.
"Ang cute talaga ng dalawa, nakakainggit! Di katulad ng mga anak namin na palaging nag-aaway. Nakakastress!" Maria na nakahawak pa sa kanyang sintido.
"Matured na rin kasing mag-isip si Efra at very kuya talaga ang dating niya sa mga kapatid nya" pagmamalaki pa ni Samantha kay Efra.
Inbitado rin nila ang mga kaklase ng kambal sa Day Care at lahat ng mga empliyado ng mga pinagmamay-ari nila sa Maynila. Siyempre nandiyan din ang kanilang mga kamag-anak.
Hindi rin mawawala ang iilang celebrities na dumalo rin sina Kris Aquino, Boy Abunda, Heart Evangelista, at iba pang artists.
Talagang napakadaming tao ang dumalo sa kanilang mansion ngayon. Yung ibang mga dalaga pa at binata pa na dumalo ay nauna na rin nagsiuwian matapos kumain. May iilan ding mga businessman at politiko at iba pang mga bisita na hindi na rin nagtagal doon.
Samantha
When the party is finally over, umabot ito hanggang 5:30 na ng hapon. Maagang nakatulog ang mga anak ko dahil sa pagod. Lumabas na ako mula sa silid ni Gabriela at iniwan ko na siya sa room niya kasama ang kanyang babysitter.
Binisita ko naman ang asawa ko sa library room niya upang yayain na siyang mag-inuman. Bahagya naman nakabukas ang pintuan ng library room kung kaya't kitang kita ko rin ang asawa kong abala na seryosong nakaupo sa kanyang swivel chair, nakasuot siya ng reading glass habang nakaharap sa kanyang computer. Napansin naman niya agad ako habang papalapit pa ako ng silid.
"Hi, Hon!" sambit ng asawa ko at tinapunan ako ng napakatamis na smile. Nagsmile din ako.
Pagkapasok ko sa room ay dumiretso agad akong lumapit sa kanyang bandang likuran. Yumuko ako upang yakapin siya mula sa likuran niya.
"I miss you!" paglalambing ko.
"I'm almost done, Hon!" aniya.
Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya. Kinuha nya ang kanyang suot na salamin at ipinatong niya sa ibabaw ng mesa na nasa harapan niya. Inatras nya naman ng kaunti ang inuupuan niyang swivel chair at hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako upang maupo ako sa kaniyang kandungan.
Malungkot akong nakaharap sa kanya ngayon. Ipinatong ko ang braso ko sa balikat nya at tumingin sa kanya habang naramdaman ko rin ang mga braso niya na nakapulupot din sa aking bewang.
"I need a drink, hon", malungkot kong sabi.