Chapter 1 6th Birthday

1006 Words
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you! Yyyyeaaaahhhh!", agad naman naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao matapos kantahin ang 'Birthday Song' para sa kambal na sina Ezra at Efra sa kanilang pang-anim na taong gulang ngayong February 14, 2002. Nakatayo ang dalawang bata sina Ezra at Efra sa tapat ng kanilang tag-iisang birthday cakes kasama ang iba pang iba't ibang pagkaing pangmayaman. Sa harapan naman nila sa di kalayuan ang kanilang mga magulang at ang mga bisita. Sa mansion lang ng mga Morales' ginanap ang kanilang kaarawan dahil napakalaki naman ng kanilang mansion na sasapat sa iba't ibang klase ng okasyon dahil sa lawak at laki nito. Ang mansion nila ay may sariling function hall kung nasaan sila ngayon nagce-celebrate. Anak ang kambal ng kilalang isa sa pinakamayamang negosyante sa boung bansa ang mag-asawang Samantha at Ephraim Morales. Tanyag na mababait ang mag-asawa at malinis na magtrabaho kung kaya't marami silang mga kaibigan at marami ring ibang mga negosyanteng hanga sa kanilang dalawa. Nakatira sila sa Urdaneta Village sa Makati na isang eksklusibo at pribadong enclave na tanging residential dahil ipinagbabawal nito ang operasyon ng mga komersyal na establisyimento sa loob nito. Ang tinitirhan din nilang lugar ay isang gated community na tahanan ng mga mayayamang pamilya at mga expatriates. Marami silang bisita karamihan ay mga kapwang negosyante at kani-kanilang kaibigan at mga kamag-anak. Parehong masayang masaya ang kambal sa kanilang kaarawan at lalo na't aliw na aliw din sila habang kinakantahan ng 'Happy Birthday Song'. Very close ang kambal sa isa't isa at marami ring pagkakatulad sa mga kagustuhan ngunit malayo rin ang kanilang physical na kaanyuan. "Blow the candle na mga anak" hiyaw ni Mrs. Samantha Morales, kanilang mommy sa di kalayuan matapos kantahin nila ang 'Happy Birthday Song'. "Wait, mommy!", sagot ni Efra. "Can we make our wishes first before we blow the candles?", request ni Efra sa mga magulang. "Okay, tahimik po muna tayong lahat upang makapagwish na ang mga bata", utos ni Mr. Ephraim Morales sa mga bisita. Siya ang ama ng kambal at mapagmahal na asawa ni Mrs. Samantha Morales. Humarap si Efra kay Ezra na kitang kita sa mukha na masayang masaya ito. Inilahad niya ang kanyang dalawang kamay sa harapan ni Ezra at nagsalita, "Hold my hands, Ezra" Nilapit ni Efra ang kanyang mukha sa tapat ng kanang tainga ni Ezra habang sila ay nakahawak kamay. "What is your wish Ezra?", tanong niya kay Ezra at agad naman siyang umayos ng pagkakatayo. Saglit naman napaisip si Ezra sa katanungan ni Efra kung anong kanyang magiging kahilingan. Nang nakapag-isip na si Ezra agad naman siyang gumanti ng bulong sa kambal niyang si Efra upang sagutin ang tanong. "I want to be like mommy", sabi ni Ezra at tumawa naman ng mahina na parang kinikilig. Ganoon din ang reaksiyon ni Efra ng marinig niya ang kapatid. Saglit nilang nilingon ang kanilang mommy na kitang kita sa mukha ang bakas ng pagtataka. Kargang karga naman ng kanilang mommy ang kapatid nilang babae na si Gabriela na isang taong gulang pa lang. "What is your wish, Efra?", bulong ulit ni Ezra kay Efra. Tila ba'y sabik na sabik nalaman din ang nais ng kapatid. Sumagot naman agad si Efra kay Ezra. "I want to be like daddy!" bulong sa kanya. Pareho nilang nilingon ang kanilang daddy na may bakas ring pagtataka sa mukha nito habang karga karga din ang isang kapatid din nilang lalake na si Samuel na tatlong taong gulang din. Kitang kita rin nila ang isang kamay ng kanilang daddy na nakahawak sa bewang ng kanilang mommy. Sa murang edad ng magkapatid, they already admire their parents kung gaano nila kamahal ang isa't isa sa pamamagitan ng sweetness nila. Parehong mapagmahal at maalaga ang kanilang mga magulang. Ni minsan di pa nila nasaksihan ang mga ito na nag-aaway. Kung kaya ay ganoon din ang pakikitungo ng kambal sa isa't isa at mapagmahal at maalaga rin sila sa kanilang mga kapatid. "Are you done sharing your wishes each other kuya, ate?" inip na tanong ng kanilang mommy. Nagkatinginan naman ang kambal at nagtawanan habang hawak hawak pa rin ang kanilang mga kamay. "What are your wishes, sweethearts?" malumanay na tanong ng kanilang daddy. Medyo naguguluhan din sila kung ibabahagi ba nila ang kanilang wish. "Sweethearts, look at us" pakiusap ng mommy nila. Agad naman nilang nilingon ang mommy nila. "Can't you see us, sweetheart? We are all like Zombies na because we are very very hungry. Can you tell us your wishes na then blow the candles right after so we can all start eating and enjoy the food?" mahabang reklamo ng kanilang mommy ngunit nakasmile ito habang nagsasalita. Tapos nagpuppy eyes ito sa kanilang dalawa. "I want to be like you, daddy!", Efra. "I want to be like you, mommy!", Ezra. Sabay namang sumagot ang kambal at nagtawanan na parang kinikilig. Nang marinig ng kanilang magulang at ng mga bisita ang kanilang wish, sabay sabay din sila nag "aahhhh" dahil namangha at nasweetan sila sa wish ng magkapatid. Sabay din inihipan ng magkapatid ang kanilang birthday candles sa ibabaw ng kanilang cake. Tag-iisa sila ng cake at magkaiba rin ang kulay at desinyo. Ang birthday cake ni Ezra ay madaming iba't ibang kulay at may desinyo itong unicorn. Ang cake naman ni Efra ay kulay asul at pula. Spiderman naman ang desinyo ng kanyang cake. Agad namang lumapit ang mag-asawa sa kanilang kambal at niyakap sila at bumati ulit habang karga din nila ang mga nakababatang mga kapatid ng kambal. "Happy birthday, ate Ezra and kuya Efra! Good job!", bati at komplemento ng daddy nila. "Maraming salamat po sa inyong lahat sa pagdalo ng kaarawan ng aming mahal na kambal. Simulan na po nating kumain. Feel free po at sana mag-enjoy kayong lahat!" Anunsyo ni Mr. Ephraim sa mga bisita. Nagsilapitan naman kaagad ang mga service crew upang pagsilbihan ang mga bisita. Ang mga bisita naman ay agad nagsilapitan sa mga inihandang pagkain at kumuha ng mga pagkain na kanilang gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD