HALOS pagsisisihan ni Rizza ang pagpunta niya sa tahanan ng kaniyang nobyo. Dahil tugmang-tugma ang mga binitawang salita ng ina nito sa sa binitawan ng kaibigan ni Zack Joseph o ang kaniyang nobyo.
"Sorry, Iha, pero ilang buwan ng wala si Zack Joseph dito. Ganoon na rin siya katagal na nawawala kaya't I'm really sorry kung wala kaming maibalita sa iyo."
Hinging-paumanhin ni Jamellah sa kasintahan ng anak.
Kaya naman parang pinagsakluban ng langit at lupa ang dalaga sa narinig. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla na lamang itong naglaho samantalang wala naman siyang natatandaan na nag-away nila upang iwasan siya nito.
"Ate Rizza, huwag ka ng malungkot. Ayaw ko sanang sabihin pero mas magandang simulan mo ng kalimutan si Kuya dahil nagawa niyang bigla na lamang hindi nagparamdam sa iyo. Oo, hindi natin alam kung ano ang dahilan niya pero nagawa na niyang hindi nagpaparamdam sa iyo ano pa kaya sa mga susunod na araw?" patanong na sabad ni Jamaica Faith.
Alam naman nila ang lugar na pinuntahan ng kapatid pero ayaw din nilang umasa ang nobya nito. Kapwa nila babae ang dalagang Dela Rosa at ramdam nila ang nararamdaman nito.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Sis, Tita. Mahal na mahal ko si Zack Joseph kahit away-bati kaming dalawa. Sa ngayon wala akong masabi kundi ang sana magpakita siya kahit makipaghiwalay ng maayos ay okey na. Kung hindi na siya masaya sa relasyon namin ay palalayain ko siya ng buong puso. Huwag lang ganito, para akong tanga na basta na lang iniwanan sa eri," mapait pa sa ampalaya na wika ni Rizza.
Sa binitawan niyang salita ay walang nakapagsalita agad sa kanila. Kaya sinamantala na niya ang tumayo at nagpaalam.
"Sige po mauna na po ako. Kung sakali man pong tatawag o magpakita siya sa inyo'y pakisabing may nobya pa siyang naghihintay sa paliwanag niya. Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin."
Tumayo na siya at handang aalis. Bakas ang lungkot sa mukha niya habang nagpaalam.
Sobrang sakit!
Parang gusto niyang magwala! Ano ba ang kasalanan niya sa mundo at gano'n na lamang ang kinahinatnan ng buhay pag-ibig niya? Hindi na niya hinintay na makasagot ang mag-inang Santiago dahil ayaw niyang ipakita sa mga ito na umiiyak siya. Kaya ng nasa sasakyan na siya'y hindi niya agad binuhay ang sasakyan. Dahil doon niya ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Kulang na lamang ay masira ang manibela ng sasakyan dahil sa galit niya. Pinaghahampas niya ang manibela.
Ang hindi niya alam ay nasaksihan lahat iyon ng mag-ina. Dahil sa paghihinagpis ay hindi na niya napansin ang mga taong nakamasid sa kaniya. Kung ilang minuto siyang nasa gano'ng posisyon ay hindi niya alam hanggang sa mapagdesisyunan niyang ituloy ang kaniyang biyahe.
"Kawawa naman si Ate Rizza, maano ba kasing nagpaalam si Kuya. Tama din si Ate eh. Kung hindi na siya masaya sa relasyon nila'y sana nakipaghiwalay na lang ng maayos. Bigla na lamang nang-iiwan," malungkot na wika ni Jamaica Faith sa ina nang nakaalis na ang nobya ng kapatid.
"Alam mo, anak. Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa dahil nauunawaan ko silang pareho. Kung ano man ang mga katanungan na nagpapagulo sa isipan natin ngayon ay masasagot iyan sa takdang panahon. Pero sa ngayon na wala tayong kaalam-alam ay hayaan na muna natin sila sa nangyayari. Sabi nga natin everything happens for a reason."
Hinarap ng Ginang ang anak.
Hindi na sumagot ang dalaga dahil tama rin naman ang ina. Wala rin naman silang karapatan na makialam kung ano man ang dahilan ng bawat panig.
Samantala, walang nagawa sina Enrico at Francis Timothy ng iginisa sila ng magtiyuhing Aries Dale at Lewis Roy. Kaya naman laking pasasalamat nila ng sa wakas ay nagsiuwian ang mga ito at silang magkaibigan na lamang ang naiwan.
"Tsk! Tsk! Kung hindi ko lang kilala ang pinsan at tiyuhin mo aba'y iisipin ko talagang pinagkakaisahan ka nila."
Nakangiwing hinarap ni Francis Timothy ang kaibigang parang sinabugan ng granada dahil sa pangangantiyaw ng dalawa. Isali pa ang asawa ng tiyuhin nitong kaedad nila na mas malala pa yata sa asawa kung mangantiyaw.
"Ikaw naman, Thim, ano pa ba ang tawag doon kundi ang pinagkaisahan nila ako? Sus, nakita mo namang mula pagdating natin kanina ay tayo na ang laman ng usapan." Napangalumbaba tuloy ito.
"Mas malala pa ang tiyahin mo, Bro. Aba'y kung gaano mangantiyaw ang asawa niya ay mas malala pa siya." Pagsang-ayon na rin ni Timothy.
Dahil dito ay napangiti ang parang sinabugan ng granada na si Enrico. Tama, kaedaran nila ang tiyuhin niya at ang asawa nito. Wala naman siyang masasabi rito dahil kung pakikisama lang ang hanap mo ay wala kang masasabi. Ang Great Grandma SHERYL na nga lang nila ay sobrang mahal na nito.
"Hep! Hep! Anong nginingiti-ngiti mo riyan, Cameron? Kung may balak kang mag-imagine aba'y sabihin mo ng maayos para makatulog na ako ng hindi madisturbo ang panaginip mo habang gising ka."
Pinamaywangan tuloy niya ang kaibigan. Mukhang may balak pa itong mag-imagine.
"Tsk! Tsk! Ikaw, Dela Rosa ka para kang babae. Baka naman may balak kang mag---" Pero agad itong pinutol ni Francis Timothy ng marahang sapak.
"Aba'y kung nagkataon lang na babae ka, baka sa iyo ko mismo papatunayang hindi ako bakla. Abah sa guwapo kung ito sabihan mo akong bakla," wika pa nito.
Pero dahil sa tinuran nito ay agad nakaisip ng kalokohan si Enrico. Alam niyang wala sa isip ng matalik niyang kaibigan ang kalokohan kaya't walang pasabi niya itong pinaghahampas ng unan. Hindi nga siya nagkakamali dahil nagulat ito sa inasta niya pero agad itong nakabawi. Kaya naman ay para silang nabuhay mula sa pagkahimlay na nagkaroon ng extra power. Pagod sila dahil galing sa trabaho si Enrico nang nagsidatingan ang mga panauhin niya. Samantalang sinundo pa niya sa airport ang kaibigan niya. Pero hindi sagabal iyon upang mawalan sila ng lakas na para bang nakawala sa hawla at nag-pillow fight. And when they realized what they have done, they burts into laughter.
Then...
"Anong plano mo ngayon, 'Tol?" Francis Timothy finally asked in serious question.
"Wala pa, 'Tol. Itutuloy ko pa rin ang trabaho ko rito. Hindi naman sa wala akong mapapasukan sa bansa natin dahil kung tutuusin matagal ng naghihintay sa akin ang trabaho," sagot ni Enrico.
"Hihintayin mo pa bang wala kang mapapasukan 'Tol? Alam mo, 'Tol, hindi ko alam kung ano ang mayroon sa bansang ito at halos ayaw mong umuwi sa atin. Kung hindi pa nagkataon na ako ang ipinadala ng pagamutan eh hindi pa tayo nagkita after two years."
Nakailing na umayos si Timothy sa pagkakaupo.
Napangiti ng mapakla si Enrico dahil dito. Tama naman kasi ang kaibigan niya. Halos hindi siya umuuwi ng sariling bansa. Malaki ang perang iniwan ng dati niyang amo sa kaniya. Si Senyor Eric na ilang taon na ring namayapa. Maari niyang gamitin sa pagsisimula ng sarili niyang clinic pero kagaya ng kaibigan niya ay hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit halos hindi niya maiwan-iwan ang bansang Espanya.
"Para saan na naman nag ngiting iyan, Enrico Cameron? Aba'y huwag mong sabihin uubusin mo ang unan diyan sa pillow fights baka wala ng masandigan ang mga kamag-anak mo kapag sila ang dadalaw," muli ay biro sa kaniya ng kaibigan.
"Tsk! Masyado kang advance thinking, Dela Rosa. Alalahanin mo ang sabi ni Tandang Maliit. Sa susunod na pagkikita natin ay may maiharap na tayo sa kanya. Baka ikaw mayroon pero ako malabo," nakangiwi niyang tugon.
"Baliktad, 'Tol. Dahil ikaw ang may pag-asa na may maipakilala basta uuwi tayo ng bansa. Dahil nandoon si bunso ay mali pala may nobyo na rin iyon kaya't magpakatandang binata na lang tayo."
Nakatawa nitong biro.
"Tado gawin mo pa akong mang-aagaw eh kung hindi ako nagkakamali ay si Zack Joseph ang nobyo noon. Nabanggit lang ni Tandang Maliit sa amin ni Aries na may nobya daw si Zack Joseph kaso hindi ako sure kung ang kapatid mo." Binatukan tuloy niya ito.
Kaya naman kahit magmadaling-araw na sa bansang Espanya ay para silang mga batang naghaharutan. Ang humupa na nilang damdamin sa pagpi-pillow fight ay muling nauwi sa habulan.
As the days goes on!
Tuluyan ng nawalan ng balita at kumunikasyon si Rizza sa kasintahan. Kahit patuloy siyang nagpabalik-balik sa Laoag City upang makiusap sa mga magulang nito na tulungan siya na alamin kung nasaan ito. Pero iisa lang lagi ang sagot ng mga ito.
"Sorry, anak, pero wala kaming maitutulong diyan. Kung ako sa iyo'y kalimutan mo na siya kasi kung mahal ka niya'y nagpaalam sana siya sa iyo."
Tumatak na iyon sa isipan niya. Iyon ang laging sagot ng ina nito. Ramdam din naman niya ang kasenseruhan nito dahil walang ina na nagnanais na nasasaktan ang isang anak kahit pa sabihing hindi ito ang ina niya pero ramdam niya ang pagpapahalaga nito sa kanya.
Until...
"Sumama ka kaya sa akin bunso? Alam ko namang kayang-kaya ng bulsa mo ang mag-tour around the globe eh," paanyaya sa kaniya ng Kuya Timothy niya.
"At saan mo naman ako dadalhin, Kuya Francis Timothy? Baka naman nakalimutan mong may hawak akong kaso." Pinamaywangan niya ito.
"As if naman, bunso. Aba'y hindi pa naman tayo naghihirap upang abusuhin mo amg sarili mo sa trabaho. Bunso, naman alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon I'm not saying na oras na upang kalimutan mo siya dahil hindi naman natin alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla siyang nawala pero ako ang mas nasasaktan sa tuwing nakikita kitang malungkot. I miss the old Clarissa Antoinette Dela Rosa, ang maldita na bitchichay na may sungay," wika ng binata.
Tsk! Tsk! Agawan n'yo pa ng puwesto ang bitchichay!
Kaya naman napangiti ang dalaga, ngiting bihirang masilayan dito simula ng hindi nagpaparamdam ang nobyo nito. Pero bago pa nakasagot ang dalaga na sasang-ayon sana sa kapatid ay bigla namang tumumog ang cellphone niya kaya't itinaas niya ang palad na parang nanunumpa upang patahimikin ang kapatid at masagot niya ang cellphone.
"What? Are you sure of that? Okay, okay, I'm coming," sagot niya sa nasa kabilang linya.
"We will talk some other time, Kuya. I need to go." Paalam na lamang niya sa kapatid na pansamantalang nakalimutan ang paghihinagpis ng puso dahil sa itinawag ng nasa kabilang linya.
Dahil sa pagmamadali ay hindi na niya napansin ang mga magulang na nasa likuran na akmang lalapit at makikisali sa usapan nilang magkapatid.
"Saan daw pupunta ang kapatin mo, anak?" tanong ni Mayla.
"Iyan ang tanong na hindi ko masasagot, Mommy. Kasi may tumawag na hindi man lang nag-hello si bunso." Kibit-balikat ni Timothy.
Nang nakaupo na ang mga magulang nila ay saka nagsalita ang padre de pamilya.
"Ayaw ko sanang makialam sa problema niya. Subalit bilang ama ninyo ay ako ang nasasaktan sa nakikita kong kalagayan niya. Hindi ako sanay na tahimik siya, samantalang lagi naman siyang nakikipag-bonding sa atin. I miss the old Clarissa Antoinette," malungkot nitong saad na sinundan ng asawa.
"Asawa ko, walang magulang na nagugustuhan ang nalulungkot na anak. Sa tingin mo ba ay masaya ako? Kung maaring ako na nga lang sana ang makaramdam sa pinagdaanan niya ay gagawin ko," anito.
Dahil dito ay napangiti ang binata. Masuwerte rin sila sa kanilang mga magulang dahil kahit nasa tamang edad na sila ay supportive pa rin sila sa kanilang magkakapatid.
"Hindi ko naman sinasabing pabayaan na natin siya, Mommy, Daddy. Dahil kadugo natin siya pero believe me kayang-kaya niya iyan. Matapang si bunso at alam ko balang araw ay makakalimutan din niya si Captain Santiago. Let's support her," nakangiti niyang sabi.
"Tama ka, anak. Pero teka lang parang may naulinigan akong inaaya mo si bunso ah. Saan ba kayo pupunta?" may pagtatakang tanong ni Xander.
Muli ay napangiti ang binata, lalo na kapag naiisip niya ang plano niya sa bunso niyang kapatid.
"Tour around the world, Daddy. Malay natin doon siya makakita ng mas nababagay sa kany." Hindi niya tuloy naitago ang kilig sa kalooban niya.
Hindi naman sa pakikialam sa personal nitong buhay pero mas hindi niya ito hahayaang makulong sa nakaraang pag-ibig. Bigla na lamang naglaho ang kasintahan nito. Malaki ang respeto niya sa binatang opisyal pero sa ginawa nito kahit hindi nila alam ang dahilan ay inaamin niyang dismayado siya rito.
"Well, well, we trust you anak. And do your best para sa plano mong iyan. But make sure na hindi maaapektuhan ang trabaho ninyo," segunda na lamang ng kanilang ina.
"Don't worry, Mommy. Everything gonna be okay. Just trust me para rin ito kay bunso," sagot pa ng binata.
Kaya naman sumang-ayon ang mag-asawa sa pangalawang anak. Tiwala naman sila sa mga ito kaya't wala silang tinutulan sa bawat mungkahi. Sila ang mga magulang na susuportahan ang mga anak sa bawat ninanais. Subalit kailanman ay hindi konsintedor.
Sa kabilang banda, nasa lugar na itinatawag ng PI ni Rizza nang makaramdam siya ng kakaiba. At bago pa siya makaiwas, makapagsalita ay bigla siyang paulanan ng bala na hindi naman niya alam kung saan nanggagaling.