CHAPTER 1 - Malditang May Sungay

2260 Words
"Oh bunso, what's the matter with you? Halos sumayad na ang nguso mo sa sahig ah. Ano ba ang problema mo?" maang na tanong ni Marcus Xander sa bunsong kapatid. "Wala." Iniwan siya nito. Sa haba ng tanong niya ay isang salita lang ang isinagot. Pero dahil hindi mapakali o mas tamang sabihin na hindi sanay na nakikitang ganoon ang bunsong kapatid ay sinundan niya ito. "Huwag mong sabihing wala kang problema dahil hindi ka naman magkakaganyan kung wala." Humarang siya sa dinaraanan nito. Kaya naman ang kanina pa nakasimangot o mas tamang sabihin na lukot ang mukha ay muling napaupo sa nadaanang sofa. "Baliw at siraulo ang taong walang problema iyan ang totoo, Kuya. Ano ang problema ko? Well matagal na akong may problema, Kuya. At problemang puso kaya't wala kang maitutulong. At kung ako sa iyo ay huwag mo akong kulitin. Maliwanag ba?" Salubong ang kilay at nagsilabasan ang linya sa noong sagot ni Rizza pero ang mga mata ay nakapikit kaya't hindi napansin ang makahulugang tingin mula sa kausap. "Alam mo, Sis. Ikaw na rin ang nagsabing lahat tayo ay may problema. Tama ka riyan pero dahil ikaw ang pinag-uusapan ay ikaw muna ang magsasabi kung ano ang problema ng puso mo. Okay, nandito lang ako bunso kung ano ang problema mo. Baka makatulong ako." Naupo naman siya sa katabing sofa na kinauupuan nito. Pero bago pa makasagot muli ang dalaga ay dumating ang mga magulang nila mula sa bayan. "Mukhang may meeting ang mga anak natin, Honey? Baka naman they need our help?" ani Xander sa asawa dahil napansin din naman nila ang pagiging tahimik ng maldita sa pamilya nila. "Ay, wala akong problema, Daddy. Si bunso lang, dahil may heartache raw siya. At wala raw akong maitutulong doon. That's why I'll shut my mouth baka ako ang gisahin niya." Itinaas agad ni Marcus Xander ang mga palad. Para bang nanunumpa dahil sa inasta. Dahil dito'y iminulat ni Rizza ang mga mata. Sa pagdilat niya ay agad itong lumayo ng bahagya sa pag-aakalang sasapakin niya ito. "Ayan, ayan. Iyan ang napapala mo, Kuya. Sabi ni Lolo Amor, inubos mo raw ang alak nila gawa sa ubas kaya't nagiging nerboyoso ka na rin. Tsk! Tsk! Ang hilig mong magdaldal eh. Ipapahuli kaya kita sa mga nasa ubasan ni Lolo Amor nang makita mo ang hinahanap mong better half mo." Problemado man ang dalaga pero nakuha pa rin niyang biruin ang kapatid. Ganoon naman silang magkakapatid eh! They're just same as the other siblings. Sometimes they have a misunderstanding but at the end of the day magkakaayos silang lahat. "Si Lolo talaga oo. Ibinuking na naman ako." Napasimangot tuloy ito. Totoo naman kasing bihira siyang umuwi sa mismong tahanan ng mga magulang. Dahil mas madalas siya sa tahanan ng mga ninuno. Ang mapagmahal niyang Lolo Amor at Lola Dawn. Silang dalawa ni Alejandro Amor ang kasa-kasama ng mga ito sa family house nila kaya't alam ng mga ito ang where about nila. "Di umamin ka rin, anak? Sus, kung hindi mo pa sinutil-sutil ang kapatid mo ay hindi ka pa madudulas. Isa lang ang masasabi ko, kung may napupusuan man kayo ni Ally sa winery ng Lolo ninyo ay magseryoso kayong dalawa. Dahil kahit tauhan lang sila roon, ako mismo ang magpapataw ng parusa kapag malaman kong pinagloloko ninyo sila. Maliwanag ba, anak?" tanong ni Xander Lam-ang sa panganay na anak. Sa pag-aakalang nalihis na ang usapan ay akmang tatalihis naman nang layas ang dalagang pinag-uusapan. "Hey, young lady, where are you going?" agad na tanong ng kanilang ina. Kaya naman napakamot siya sa ulo saka muling naupo. "Diyan lang sa balkon 'My, magpapahangin," sagot na "Okay, okay, let's all go there para mapag-usapan natin kung ano ang problema mo," muli ay wika ng Ginang. Pero umiling lamang ang dalaga. Gusto niyang mapag-isa. Kaya pa naman niya ang dinadala niyang problema kaya't siya na lang muna. "Salamat na lamang po, Mommy, Daddy, and of course you my dear brother. Gusto ko lang mapag-isa, huwag kayong mag-alala dahil sasabihin ko rin naman sa inyo kung ano ang gumugulo sa isip ko. Ngunit sa ngayon maari bang hayaan n'yo muna akong mapag-isa?" patanong niyang sagot. Kaya naman walang nagawa ang tatlo kundi ang hayaan ang bunso sa gustong gawin. Laking pasasalamat nila at out of the country ang pangalawang kapatid na si Francis Timothy dahil kung nagkataon na nandoon ito'y hindi sila makakasingit. Close naman silang lahat pero mas bini-beybi nito ang bunsong kapatid. Nang nawala na ito sa kanilang paningin, agad nilang tinanong si MX. "Ano raw ba ang problema ng kapatid mo, anak? Bakit mukhang maari ng sabitan ng kaldero ang nguso?" hindi mapakaling tanong ni Mayla. "Wala namang ibang sinabi, Mommy, kundi ang problemang puso. Eh si Captain Santiago naman ang alam kong nobyo niya eh." Kibit-balikat nito. "Well, well, hayaan na lang muna natin ang malditang may sungay kung tawagin ninyo. Kilala naman natin siya eh magsasalita rin si Rizza kapag hindi na niya kaya kaya't let her be," sang-ayun na lang din ni Xander sa mag-ina niya. Sa kabilang panig ng mundo, sa HOSPITAL MADRID kung saan nagpatuloy ng trabaho si Enrico matapos pumanaw ang pinanilbihan niya ng ilang taon. "Oh, Doctor Cameron, you're not going home yet?" tanong ng isa ring doctor. Pero imbes na sagutin ang tanong nito'y sinagot din ng tanong. "What time is it, Doctor Morales?" balik-tanong ng binata. Kaya naman ang papaalis ng doctor ay bahagyang tumigil sa harap mismo ng kapwa doctor. "My Dear Friend, if I don't know you since the beginning. I'll that you're working too much for your family but you can live your life without working. So what's on that seriousness? C'mon get up, Doctor Cameron, it's time to go home it's past five in the afternoon," anito. Napangiti naman ang binata dahil dito, nag-aaral pa lang sila ng kaibigan sa paaralan ng Espanya ay magkakilala na sila kaya't hindi na nakapagtataka kung may alam ito sa buhay. Tatlo silang magkakaibigan, siya, si Dela Rosa at ito. They are all surgeons in Spain. "I just said it's time to go home my friend not to have those day dreaming. And besides, I thought you told me that Dela Rosa is in town?" Pukaw pa nito sa kaniya at sa pagkakarinig sa pangalan ng kaibigan ay agad niyang isinaayos ang kaharap na monitor saka hinarap ang ilang papeles sa lamesa. "Vamos mi amigo Tienes razón, él está en la ciudad ahora, (Come on, my friend. You're right he's in town now)," may pagmamadaling sagot ng binata. Nais pa niyang paghahagkan ang kaibigan dahil sa pagpapaalala na darating ang isa pa niyang kaibigan. "Sí, vamos, pero no puedo ir contigo ahora. Solo extiende mis saludos a él. Mi familia y yo vamos a visitar a mi suegra, por eso no puedo ir a ver a Dela Rosa. En la voluntad de Dios algún otro día, (Yeah, let's go. But I can't go with you right now. Just extend my greetings to him. My family and I are going to visit my mother-in-law, that's why I can't go to see Dela Rosa. In God's will some other day, I will see him too)," sagot nito. Kaya naman wala na rin siyang nagawa kundi ang sumabay dito at nag log out bago nagkahiwalay sa parking area. After sometimes of driving ay nakarating din siya sa kaniyang bahay. Pero nasa bakuran pa lamang siya ay nakita na niya ang sasakyan ng pinsan niyan si Aries. At halos hindi pa siya nakakababa sa sasakyan ay patakbo nang sumalubong sa kaniya ang pamangkin. "Gracias papá por venir a casa. Venimos a visitarte papa. ¿Qué te hace esperar tanto? (Thank you, Papa, for coming home. We come to visit you, Papa. Why you came home so late?)" Pinaghahagkan pa siya nito. "Ang laki mo na, anak. By the way salamat sa pagbisita, anak. Come, let's go inside because I need to change my clothes," masaya niyang sagot. Pagpasok pa lamang nila sa main door ay sinalubong na siya ng tanong ng pinsan niya. "Saan ka pupunta, insan? Aba'y wala ka pa namang binibuhay ah. Bakit lagi kang nagmamadali?" sita ni Aries sa pinsan, anak ng papa Garrette niya way back on his young age. "Insan, naman kadarating ko pa lang nanenermon ka na. Pero teka lang kanino ako nagkautang at bigla ninyo akong dinalaw?" Nakangiwi niya itong nilapitan. "Te echamos de menos, Enrico, y además ha pasado mucho tiempo desde que entraste a nuestra casa. ¿No nos extrañas también? ("We miss you, Enrico. And besides, it's been a long time since you visited us in our home. Don't you miss us too?)" tanong ng hipag niya. Ang dating asawa ng matandang inalagaan niya way back then. One of the richest in the whole Spain but living in simplest way. "May Theo at mga barako na kayong anak ni insan pero hindi ka pa rin nagsasalita ng tagalog, Leonora. But by the way, I miss you all. Kaya lang naman ako nagmamadali dahil susundin ko ang isa kong kaibigan sa airport baka nakahanda na naman nag machine gun noon na parang babae. I just came home to change my clothes." Humarap din siya sa hipag. "I love you, pinsan. Huwag ka ng sumimangot diyan. Paliparin mo na si Tandang Maliit para may makasama kayo pansamantala. Hindi na bale, hahabol kami ni Timothy pagdating namin. Just please yourself here, my dear cousin," may pagmamadali pa ring sagot ni Enrico saka nagsimulang humakbang upang tunguhin ang pangalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang kuwarto. Pero hindi pa siya nakailang hakbang nang may nagsalita. "Kung hindi ka lang anak ni Kuya Garrette malamang bugbog sarado ka na sa akin, Enrico. Pero kung ang pagmamadali mo ngayon ang paraan para makahanap ka na rin ng love of your life sige go ahead pero make sure na may ihaharap ka na sa akin." Nakangising pang-aasar ng bagong dating and only to found out na ang kasasabi lamang niyang si Tandang Maliit! "Lewis Roy!" masayang sambit ni Theodora Aries ng mapagsino ang bagong dating. "Yes baby and she's my wife go and bless to her," sagot ni Lewis saka iginaya ang bata kay Darlene na may kalakihan na rin ang tiyan. In his mind (Enrico) kaya naman pala nandoon lahat ang tatlo dahil dumating ang tiyuhin nilang kaedaran nila. "Peace na tayo, Tito Lewis este Lewis pala. I'll be back later with my friend but not that sure for the love of my life wala pa akong nakilala," may pagmamadali pa rin niyang wika. Kilala na niya ang magtiyuhin, sa kalokohan ay wala siyang pamana sa mga ito. Kaya't bago pa siya maigisa na buhay ng dalawa ay binilisan na niya nag pumasok sa sariling kuwarto at naligo ng mabilisan. Hindi nagtagal ay muli siyang lumabas upang tunguhin ang sasakyan. "Ang zipper mo bukas!" Pahabol pang kantiyaw ng tiyuhing kaedad. "Insan ang buhok mo hindi mo pa sinuklay, kulot-kulot pa naman!" ani pa ni Aries. Natigilan siya sa narinig pero agad ding nagpatuloy ng mapagtantong pinagloloko na naman siya ng mga ito. Dinig na dinig pa niya ang tawanan ng mga ito kaya't hindi na niya pinatulan ang biro nila dahil talagang hindi siya makakaalis kapag ginawa niya iyon. As the days goes on, dahil ilang araw ng hindi nagpapakita at nagpaparamdam ang nobyo niya ay sinadya niya ang best friend nito. Ang kasintahan ng kaibigan niyang si Michael Carrick at kapwa abogado. "Napadalaw ka, Attorney Dela Rosa, maupo ka." Iginaya siya nito sa nakahilerang upuan. "Ikaw naman, Sis, wala tayo sa courtroom kaya't Rizza na lamang." Napangiwi siyang tumitig dito. Sobra naman kasing formal. "Kahit na, Attorney Dela Rosa. You pay me a visit tapos I'll call you by your name? By the way, hindi mo naman siguro ako dadalawin kung wala kang importanteng sasabihin. Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Attorney Dela Rosa?" may ngiti sa labing tanong ni Julianna Marie pero napukaw ang ngiting iyon ng nagsalita ang panauhin. "Please, Sis, baka naman may balita ka sa nobyo ko? Maari mo ba akong tulungan upang makausap ko siya? It's been two weeks na wala siyang paramdam samantalang wala naman kaming problemang kinakaharap," anito. Sa boses pa lang ay hindi na maipagkakailang may problema. Kaya naman ang nakangiting mukha ni Julianna ng dumating ang dalaga'y naging seryoso rin. Kagaya rin pala niya itong iniwan sa eri ng kaibigan niya. Hindi man niya alam kung ano ang tunay na nangyari pero nandoon ang katanungang bakit sila iniwan na walang paalam at bigla na lamang hindi nagparamdam. "Sorry, Sis, pero kung ilang linggo na siyang hindi nagparamdam sa iyo ay ganoon din sa amin dito sa Camp Kidapawan. Ilang linggo na rin siyang hindi nagrereport dito, Sis. Kung ako sa iyo mas mabuting dumiretso ka sa mga magulang niya baka sakaling may alam sila kung nasaan si ZJ. Sorry, Sis, wala talaga akong alam diyan diyan." Hinging-paumanhin ni JM. Pare-parehas lang silang walang kaalam-alam kung nasaan ang kaibigan niya. "Okay lang, Sis, wala kang kasalanan. Sige maunana na ako para makapunta ako sa kabilang barangay sa bahay nila. Thank you, Sis, for entertaining me kahit wala rito ang nobyo ko." Itinago man niya pero nahulog pa rin ang butil na crystal sa pisngi niya. Agad niya rin naman itong pinunasan dahil ayaw niyang kaawaan siya. Umalis si Rizza sa Camp Kidapawan na walang napala o walang nakuhang impormasyun tungkol sa nobyo niya pero nagtungo siya sa tahanan ng nobyo niya na dala ang pag-asang may malalaman siya sa mga magulang ng nobyo na bigla na lamang hindi nagparamdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD