CHAPTER 3 - Ang Sungay ng may Sungay

2547 Words
Sa uri ng trabaho ni Rizza ay hindi maiwasang may mga nakakabangga siya unexpectedly. Lalo na sa tuwing nakakatanggap siya ng death threat ay alam na niyang may kinalaman na ito sa kaniyang trabaho. Pero nang oras na iyon ay iba ang kutob niya. Bakit ang PI niya ang tumawag pero sa unang pagkakataon ay na-ambushed siya. "What a hell! Human---" Hindi na natapos ni Rizza ang pagsasalitang mag-isa dahil namataan niya ang gun man pero hindi ito nag-iisa kaya't agad siyang nagmani-obra. Hind man siya car racer pero kayang-kaya niyang patakbuhin nang napakatulin ang sasakyan. Without a warning! "Wala akong pakialam kung mamatay ka ngayon din hayop ka!" Ngitngit niya saka walang babalang binangga ang pinagtataguan ng isa sa nagpapa-ulan ng bala. Kitang-kita niya ang pagtilapon nito kaya't muli niyang pinaharuthot ang sasakyan palapit dito. Sa ginawa niyang iyon ay namataan niya ang isa pang gun man na tatalihis sana. "Mga salot kayo sa lipunan! Kampon ni satanas!" Abot hanggang langit ang galit niya dahil sa tensiyong nadarama. Ang lisensiyadong kalibre kuwarenta-isingko niyang baril ay nagamit niya ng wala sa oras. Dinampot niya ito sa lagayan at pinaputukan ang patakas na lalaki. "Buti nga sa iyong gago ka!" muli ay bulong niya nang nakitang natamaan ito. Bababa na sana siya upang habulin ito pero gumanti ito ng putok na naging sanhi ng kamuntikang pagtama ng bala sa kanyang katawan pero dahil naagapan niya ay muli siyang nadaplisan. "Sige, tumakas ka lang hayop ka. Pero hindi ibig sabihin na hindi kita hahabuling tarantado ka. Hahanapin kita kahit saang lupalop ka man ng mundo magtatago!" Nagpupuyos ang kalooban niya nang tuluyang nakalayo sa paningin niya ang isa pa sa gun man. Kaya imbes na ipagpatuloy niya ang paghabol dito ay ang napuruhan niya ang hinarap na akmang babangun upang tatakas pero agad niya itong pinusasan. "Ngayon ipakita mo ang tapang mong hayop ka. Isang tanong isang sagot! Nasaan ang PI ko?!" Itinutok niya ang hawak na baril. Kulang na lamang ay kalabitin niya. "Wala akong alam sa sinasabi mo!" mariin nitong sagot. "Inuulit ko! Nasaan nag PI ko?" Idiniin niya sa katawan nito ang baril. Sa tensiyong nadarama ay sukdulan ang galit sa kalooban niya. "Wala nga akong alam eh---" Sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng puso niya ay isang tanong na walang maayos na sagot, isa ring putok. "Gago! Takot ka naman pa lang mamatay! Sa paa mo pa lang iyan at tandaan mo sa sarili mong baril nanggaling ang balang tumama sa paa mo! Ngayon, kung ayaw mong ora mismo ay mamatay ka, sagutin mo ng maayos ang tanong ko. Nasaan ang PI ko?" muli niyang tanong. Pero matigas ang ulo ng lalaki dahil hindi ito sumagot kaso napatingin ito sa ibang dereksyon kaya agad niya itong sinundan ng tingin. Subalit iyon ang pagkakamali niya dahil nakaposas man ito ay hindi naging imbalido. Mabilis din ang kilos nito, sinipa siya kaya naman natumba siya pero hindi naging sagabal upang mabitawan ang hawak na baril. Wala sa isipan niya ang tuluyan ito pero dahil sa pagsipa nito sa kanya ay tuluyan na niyang kinalabit ang hawak na baril. Hindi man sa mismong noo nito ang natamaan pero sa tiyan. Masakit man ang katawan niya dahil sa pagtilapon at daplis ng dala sa balikat niya idagdag pa ang nasa paa ay pinilit pa rin niya ang bumangon. Paika-ika siyang lumapit sa duguang lalaki. "Ngayon bago pa kita tuluyang patayin, nasaan ang PI ko? Bilis! Sagot na!" kulang ang salitang nag-aapoy upang ilarawan ang galit niya sa oras na iyon. "Wala na ang gago mong tauhan! Patay na siya. Kung nag-ingat lang sana siya at walang nakarinig sa lakad niya ay buhay pa sana siya pero gago eh! Hindi niya alam kung sino ang binabangga. Buti nga sa kaniya---" gusto lang niyang malaman kung nasaan ang PI niya pero mukhang iba ang malalaman niya kaya't agad niya itong hinablot saka muling tinutukan ng baril. "Sino ang nag-utos sa inyo upang itumba ako?!" Hinablot niya itong muli saka idiin sa leeg ang hawak na baril. Pero nanatili itong tahimik na mas nagpainit sa kumukulo niyang dugo. "Isa! Pagbilang ko ng tatlo at wala ka pang maisagot ay talagang mamamaalam ka na sa mundo!" Pananakot niya rito. "Dalawa!" Wala sa plano niya ang patayin ito dahil alam at ramdam niyang marami pa siyang malalaman dito pero mukhang matigas ang ulo na hindi nadadala sa pananakot ang gago kaya't wala na siyang pagpipilian kundi ang ituloy sa tatlo ang bilang at akmang kakalabitin na ang gatilyo ng baril niyang hawak. "H-huwag! Si Sir Venson ang may utos na itumba ka. Siya din ang pumatay sa PI mo kani-kanina lang." Nanginginig sa takot na pag-amin nito Alam naman niyang papatayin din nila ito lalo at hindi niya napuruhan ang isa. Sa isipan niya ay mas mabuti pang dalhin niya ito sa mismong tahanan ng taong binanggit. "Patayin mo na lang ako, Atorney Dela Rosa, bago mo ako ihagis sa harapan ng bahay ni Sir Venson. Kahit mabubuhay ako ay sila rin ang papatay sa akin," wika nito sa kaniyang pananahimik. "Ikaw na rin ang nagsabi na patayin at ihagis kita sa tahanan nila kaya't pagbibiguan kita." Ismid nya saka walang babalang kinalabit ang hawak na baril. Wala na rin siyang inaksayang panahon. Itinali niya ang wala ng buhay na lalaki sa likuran ng sasakyan niya. Akmang bubuhayin na niya ang makina ng natigilan siya dahil sa naalala. "Tingnan natin ngayon kung sino ang kinakalaban mong hayop ka!" Ibinagsak niya ang hawak na baril saka kumuha ng ballpen at papel sa loob kaniyang sasakyan. "Wala kang bayag, Venson Cayetano! Nagkakamali ka ng taong ipinatumba dahil ako mismo ang papatay sa iyo." Isinulat niya ng mabilisan ang mga kataga saka idinikit sa katawan ng tauhan ng mortal niyang kaaway. Hindi na siya nagsayang ng oras, agad niyang pinaharuthot ang sasakyan niya saka tinungo ang tahanan ng mga Cayetano. Samantalang galit na galit ang anak ng tagapagmana ng mga Cayetano dahil sugatang bumalik ang tauhang inutusan upang ipaligpit ang abogadang wala na yatang ginawa kundi ang painitin ang ulo niya. "Gunggong! Pinaulanan n'yo na nga ng bala hindi n'yo pa tinuluyan! Kayo pa ang sinugatan!" sigaw nito sa nahihiparan ding tauhan dahil nasa likuran ang tama ng baril. "Hindi naman namin alam na marunong pala ang gagang iyon sa pamamaril Boss kaya't nagulat kami ng bigla niyang binundol ang kasama ko saka ako binalikan. Mabuti na nga lang nakatakas ako," hirap man ang lalaki pero nagawa pa ring sumagot. "Ang sabihin mo ay kaya kayong talunin ng isang babae! Paano kung mapapaamin niya ang kasing bobo mong kasama? Sige nga, Dado? Paano kung ikanta niyang tayo ang may kagagawan sa pagkamatay ng private investigator niya. Kilala n'yo namang matinik ang hayop na iyon eh!" Kuyom ang kamao ni Venson dahil sa pagngingitngit. "Hayaan mo, Boss, kapag okay na ang sugat sa likod ko ay babalikan ko ang abogadang iyon. Pasensiya ka na talaga, Boss. Babawi na lang ako sa ibang ipapagawa mo," muli ay wika ni Dado. "Siguraduhin mo lang iyan, Dado. Dahil alam mo kung ano ang mangyayari sa iyo kapag muli kang papalpak! Hala puntahan mo na ang mga kasamahan mo ng magamot n'yo na iyan," sabi na lamang ni Venson. Hindi na umimik si Dado dahil simulat sapol ay alam na nila ang kaparusahan ng pumapalpak sa ipinapagawa ng boss nila. K-A-M-A-T-A-Y-A-N. Kaso hindi pa nakalayo ang pobreng sugatang si Dado ay dumating naman ang rumaragasang puting sasakyan na walang pakialam kung makakasagasa ito. Hindi man lang pinansin ang mga guwardiya sa main gate bagkus ay dere-deretso ito sa mismong harapan ng mortal na kaaway. She's in furious mode! Wala siyang pakialam kung masagasaan man niya ang lahat basta galit siya. Gusto niyang patayin ang taong nagpapakulo sa dugo niya. "Salamat sa tauhan mong kagaya mo ring walang bayag hayop kang tarantado ka, Cayetano! Sa ayaw at sa gusto mo'y magkikita tayo sa RTC bukas ng umaga!" malakas na sambit ng dalaga saka pabalyang ibinaba ang malamig ng bangkay na tauhan nito. Hindi na rin niya hinintay na makasagot ang halatang nagulat sa kanyang pagsugod. But who cares! Basta galit siya at nasa tamang panig siya! Kung hindi lang sana nila dinisturbo ang pang-eemote niya'y hindi sila aabot sa gano'ng pangyayari. Idagdag pa ang kaalamang pinatay nila ang pinagkakatiwalaan niyang private investigator. Muli siyang napabalik sa harapan ng lalaking hindi pa nakakahuma saka walang babalang kinuwelyuhan. "Make it sure na makapagdadala ka ng abogado na magdedepensa sa iyo lalaking walang bayag! Dahil ako mismo ang magpapakulong ngayon sa iyo for a multiple cases against you! Kahit itinago mo ang bangkay ng PI ko, hahanapin at hahanapin ko siya. Kapag nangyari iyon humanda ka dahil hindi lang sa kulungan ang bagsak mo kundi sa impeyerno!" Nawala na yata lahat ang takot niya dahil sa halo-halong emosyon. Kung walang pasintabing kinuwelyuhan niya ito'y gano'n ang ginawa niyang pagbitaw. Pabalya niya itong binitawan na kung hindi naagapan ng mga tauhan ay natumba sa sahig. "The hell I care!" she murmured when she sees the reaction of her mortal enemy. Hindi na siya muling lumingon sa kinaroroonan ng mga ito. Simugod siya sa tahanan nito na parang may tauhang isang batalyon dahil sa kabiglaan ay halos nagkanda-tisod tisod naman ang mga securities dahil sa rumaragasang sasakyan. "Aahhh! Mga inutil! Hahulin ninyo ang adelantadang iyan! Bakit n'yo hinayaang nakaalis! Habulin ninyo ngayon na!" malakas na utos ni Venson ng nakahuma. Pero sino nga ba ang hahabulin nila kung nakalayo na ito? Hindi na nila alam kung saan hahanapin? Na ang mga walang kuwentang tauhan ay hindi man lang pinagkaabalahang inalam ang plate number ng sasakyan nito. "Itapon n'yo sa ilog ang gunggong na iyan! At magsipaghanda kayong lahat dahil baka susugod na naman ang gaga!" Umaabot hanggang langit ang usok ng ilong niya lalo na ng nabasa ang sulat ng nagdala sa bangkay ng tauhan niya. Wala nang nangahas na sumagot o nagsalita. Sabagay sino pa nga ba ang mangangahas na sasagot lalo at halatang galit na galit ang amo? Wala, dahil ayaw pa nilang sumunod sa ipinapatapon nito. "Ahhh! Makikita mo ang hinahanap mong babae ka! Ibabalik ko lahat ang mga iyan sa iyong gaga ka," animo'y isa itong bubuyog dahil bulong ito ng bulong. Hindi matanggap-tanggap ng isipan niyang kaya siyang sugurin ng nag-iisang babae. Ang babaeng simulat sapol ay tinik na sa lalamunan niya. Sa kabilang banda, hindi naman alam ni Enrico kung maiinis o matatawa sa bestfriend niya. Hindi naman sa hindi niya kilala ang kapatid nito pero bihira niya itong makita lalo at lagi itong wala kapag nagbabakasyon siya at dumadalaw sa pamilya nila. Kung hindi nga lang ito bukambibig ng kaibigan niya ay baka nakalimutan na rin niya ang pangalang Clarizza Antoinette. "Bro, naman baka pasukan na ng bangaw iyang bunganga mo. Saan na ba nakarating ang imahinasyon mo," tinig mula sa screen ng laptop niya ang pumukaw sa kanya. "Ikaw, Dela Rosa, tigil-tigilan mo nga ako. Sabi ko namang hindi ko ugali ang mang-agaw sa mahal ng may mahal. Look magpinsan sina Daddy at Mama Jamellah, ibig sabihin nasa second generation kami ni Zack. So bakit ko liligawan ang kapatid mo samantalang nobyo niya ang pinsan ko?" napapantastikuhan niyang tanong. Hindi man sila laging nagkikita pero para naman silang mga babaeng laging nag-uusap sa internet. Dito kinukulit ni Francis Timothy ang kaibigan na ligawan ang kapatid. Gusto niyang lumigaya ito, kahit may sungay ito ay mahal na mahal niya ito. "Tsk! Tsk! Ikaw, Enrico Garreth Cameron, kasasabi ko lang na mahigit isang buwan nang nawawala si bayaw to be na wala ng kasiguraduhan. In other words, hindi alam ni bunso kung sila pa ba o hindi dahil kasabay ng pagkawala ni Zack Joseph ay kasabay din nito ang pagkawala ng communications nilang dalawa." Nakailing namang salungat ni FT sa nasa kabilang panig ng mundo. "Heh! Manahimik ka, Dela Rosa! Matulog ka na lang kaysa kinukulit mo ako sa ganyang bagay. Kahit na nawawala ang pinsan ko hindi natin alam kung ano ang rason. Okay, let's say magagawa kong ligawan ang kapatid mo pero what if I'll fall in love with her tapos biglang susulpot ang kasintahan niya eh 'di ako ang kawawa. Ikaw na rin ang nagsabing hindi mahirap mahalin ang kapatid mo at iyan ang kinatatakutan kong mangyari na baka ako rin ang mahulog sa sarili kong bitag," hindi maipinta ang mukhang pahayag ni Enrico. "Hmmm, sige kung iyan ang desiyon mo, 'Bro. Hahanap na lang ako ng ibang makakagawa para kay bunso. Ako kasi ang naaawa sa kaniya na halos hindi na mapermi dito sa bahay dahil sa pagpapabalik-balik niya sa Laoag upang makibalita sa mga magulang ng nobyo niya. Sige na 'Bro, bukas na ulit tayo mag-usap," pangungunsensiya pa ni Francis Timothy saka akmang papatayin ang internet. "Hoy, Francis Timothy Dela Rosa. Huwag na huwag mo akong madrama-dramahan diyan. Umayos ka kung gusto mong---" "Alam mo naman 'Bro, kung gaano ko kamahal ang nag-iisang babaeng kapatid ko kaya't gagawin ko ang lahat para mapasaya siya. Ang maibalik ang datimg sigla sa kaniyang katauhan ay ayos na sa akin. Kaya't ibaba ko na nag tawag ko para makahanap ako sa friend list ko ng gagawa pa---" Kung pinutol ni FT ang pananalita ng kaibigan ay gano'n din ang ginawa nito sa kanya. "Okay! Okay, fine! Huwag ka ng magdrama. Oo na liligawan ko na ang kapatid mo para manahimik ka na riyan at huwag ng magdrama!" malakas niyang sabi kaso iyon naman ang malaking pagkakamali niya. Naisahan na naman siya nito. Nadala na naman siya sa drama nito. Abot hanggang taenga na naman ang ngiti nito na hindi matigil-tigil sa paghalakhak. "Walang bawian, Bro. Alam ko ang bakasyon mo kaya't huwag ka ng umatras. Simulan mo sa online call or sa number niya alam ko namang kunti lang ang mababawas sa milyunes mo sa tawag. I love you, My Friend." He's smiling ear to ear because of happiness. "Tsk! Tsk! Kalalaki mong tao mahilig ka pa sa drama." Nakailing na nauwi sa ngiwi. Naisahan na naman siya nito. Akmang sasagot ang kaibigan niya na nasa kabilang linya pero hindi na nito nagawa ang nais o ang pananalita dahil sa kalabog ng pintuan. Doon iniluwa ang sugatang babae, hawak ang baril at halatang galit na namumula pa nga ang mukha nito. "Ahhh, Kuya, help naman diyan! Pakilinis ang microbyong dumikit sa balikat at paa ko. Kasalanan ng lalaking walang bayag kung bakit natamaan ako. Subalit humanda siya dahil hindi lang iyan ang ibabalik ko sa kaniya oras na nasa loob siya ng rehas! Make it sure na mawawala iyan, Kuya. Dahil haharapin ko ang demonyong iyon sa RTC bukas. Now na, Kuya, bago pa makita nila Daddy at Mommy." Nakapikit man ang mata niya pero nagawa pa rin niyang nahilata sa higaan ng kapatid. Hindi na niya hinintay na makasagot ang kapatid. Nahilata na lang siya sa higaan nito kaya naman hindi na niya nakita ang nakangiwi nitong mukha at ang kausap. "I'll call you later," FT says to Enrico in sound less motion saka hinarap ang kapatid na halatang pagod na pagod. Dahil hindi pinatay ng bestfriend niya ang laptop nito ay malaya niyang pinanood ang paglinis at pag-asikaso nito sa kapatid. Dito niya napagmamasdan ng malaya ang dalaga na idol na yata si Gabriela Silang sa tapang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD