Dahil kumpleto naman ng gamit ang binatang doctor na si Francis Timothy ay hindi siya nahirapang tanggalin ang bala na nasa balikat ng kapatid. Siguradong napalaban na naman ito ng wala sa oras.
"Ang bait naman yata ng may sungay na ito ah. Himalang hindi daing nang daing," bulong niya ng sa wakas ay natapos ang paglilinis sa sugatang balikat ng kapatid.
Ang bunso niyang kapatid na mas lalaki pa kaysa sa kanila ng Kuya MX niya kung kumilos.
Pero napangiti siya nang napansing tulog na pala ito sa mismong higaan niya, patunay lamang ang pino nitong hilik. Kaso ang hawak na baril ay nasa palad pa rin na para bang may kukuha o aagaw.
"Sa ganda mong iyan kapatid ay ang pagka-abogada pa ang napili mong bokasyon. Sabagay nasa lahi na natin ang pagka-alagad ng batas like Grandpa and Daddy. Kaso sumubra ka naman yata sa tapang dahil hanggang sa pagtulog mo ay hawak-hawak mo ang iyong baril. Diyan ka na matulog mahirap na kung gisingin pa kita baka sa akin mo itutok iyan. Good night kapatid kong may sungay."
Kinumutan niya ito ng maayos bago tinungo ang sofa bed kaso muli siyang tumayo at ibinalik sa tamang puwesto ang mga ginamit. Ayaw na ayaw niya ang makalat.
Nang natapos niya ang lahat, naibalik ang mga ginamit niya sa paglilinis sa sugat ng kapatid ay saka pa lamang niya naalalang hindi niya pala napatay ang laptop. Kaya naman ay muli niya itong hinarap at hindi siya nagkamali nandoon pa rin nag bestfriend niya na matiyagang naghihintay sa kaniya. Ibubuka pa nga lamang niya ang labi ay inunahan na siya nito.
"Paano ko liligawan ang kapatid mong may sungay eh sobrang tapang, 'Bro? Aba'y gusto ko pang magparami ng lahing Cameron kaso kung siya ang liligawan ko ay baka ako ang mawalan ng kaligayan."
Salubong nito sa kaniya na may mga guhit sa noo.
Kaso pinagtatawanan lamang ito ni Francis Timothy. Hindi naman siya manhid upang hindi mapansin ang attraction ng kaibigan sa kapatid. Well, alam niyang kaunting push pa ay papayag na ito. Babaero ito ngunit malaki ang tiwala niya rito. Kaya't ito ang naisip niyang sabihan. Babaerong walang babae naman ang bansag ng pinsan nitong kaedaran at nakapag-asawa ng Espanyola.
"Bro, kapag gusto ay maraming paraan, subalit kapag ayaw ay mas maraming dahilan. Ikaw pa ba, bro? Kayang-kaya mo iyan. Just do it and you'll across the bridge when you get there. Alam kong matinik ka sa mga chika-babes kaya't puwedi mo iyang gamitin kay bunso," makaluhugan niyang wika.
"Sa pagkakaalam ko, bro ay mga doctor tayo hindi makata. Sige na, Bro, matulog ka na rin baka magising pa iyang natutulog sa likod mo. Aba'y may hawak pa namang baril." Napailing na lamang si Enrico.
Dahil kitang-kita niya ang lahat mula sa pagpasok ng dalaga hanggang sa paglilinis ng kaibigan niya dito hanggang sa kinumutan ito kapatid. Hindi man lang naibaba ang hawak na baril. Hindi na rin nagtagal ang dalawa sa pag-uusap. Nagpaalam sila sa isa't-isa pansamantala na sa ganoong oras sa susunod na araw ay mag-uusap na naman.
Dahil nasa higaan niya ang kapatid ay sa malapad na sofa na lamang siya nahiga gamit ang bagong unan at kumot dahil ang sa kanya ay ginamit din ng may sungay na mabait pansamantala dahil tulog.
Kung si Francis Timothy ay nahilata na handa ng matulog, si Enrico naman ay tinungo ang banyo upang maligo. May dinner sa bahay ng dati niyang alaga na si Senyor Eric na ang biyuda nitong hipag na niya at ang pinsan niya ang nakatira. Laking pasasalamat niya na wala siyang duty ng hapong iyon para makapaghanda siya ng maayos dahil kapag nagkataon igigisa na naman siya ng pinsan.
After sometimes....
"Wala din naman sigurong masama kung susubukan ko ang sinasabi ni Francis. Hindi mahirap mahalin ang kapatid niyang may sungay. She's beautiful indeed, mas gumaganda pa siya kapag nagagalit," bulong niya habang nagbibihis dahil sa pagkaalala sa babaeng sobrang tapang.
"Siguraduhin mong matatanggal ang microbyo diyan kuya at magtutuos kami ng lalaking walng bayag bukas." Naalala pa niyang sabi nito."
"Hanep ang babaeng iyon. Dinaig na yata ang mga kapatid na lalaki dahil sa tapang. Well, sabagay hindi na iyon nakakapagtaka dahil sa uri ng trabaho niya." Muli siyang natigilan dahil sa pagkakaalala sa babaeng may sungay. Subalit aminin man niya o hindi ay talagang maganda ito.
Hindi na rin siya nagtagal. Ilang sandali pa ay tahimik na siyang nagmamaneho patungo sa tahanan ng mag-asawang Aries Dale at Leonora. Dumating ang batang nakipanirahan sa tiyuhin nilang si Lewis Roy II sa Pilipinas. Taunan lamang itong umuuwi. Either bitbit nito ang abuelong ayaw magpatawag ng Lolo kaya't Uncle Lewis ang tawag.
Kinabukasan sa tahanan ng mga Dela Rosa o ng mag-asawang Mayla at Xander.
"Hon, nandiyan ba ang bunso natin?" tanong ng una sa asawa.
"Hindi ko alam, honey. Ngunit teka lang, nandiyan naman yata ang sasakyan niya ah," sagot ni Xander.
"Iyon na nga, honey. Nasilip ko kanina pa ang sasakyan niya pero para namang walang tao sa kuwarto niya." Napatingala si ang Ginang sa ikalawang palapag ng kabahayan kung saan naroon ang silid ng bunsong anak.
"Ha? Paano nangyari iyon, honey? Kung nandiyan ang sasakyan ay dapat nandiyan din siya. Pero saglit nga lang at check ko kung talagang nandiyan siya." Hindi na hinintay ng padre de-pamilya na makasagot ang asawa. Nagsimula na siyang lumakad palapit sa hagdan upang makaakyat subalit muli siyang natigilan nang nagsalita ang asawa.
"Sige nga, Hon. Ako ang kinakabahan sa anak natin eh lalo at halos hindi na napermi rito sa bahay," anito.
Hindi na sumagot si Xander bagkus ay naging mabilisan ang kilos upang makarating agad sa pangalawang palapag kung saan naroon ang kuwarto ng dalaga. Kahit siya ay kinakabahan para sa anak nilang dalaga. Kung sino paang babae ay ito pa ang sumunod sa yapak niya noong kapanahunan niya bilang abogado.
Then...
"Wala naman yatang tao rito," bulong niyan nang nakailang katok siya ngunit walang sumasagot.
"Oh, Honey. Nandiyan ba anak natin?" dinig niyang sigaw at tanong ng asawa niyang nasa unang palapag ng kabahayan.
"Wala namang sumasagot, Hon," sagot niya.
Kaya naman kahit may kataasan ang hagdan nila at may edad na ang ilaw ng tahanan ay naging mabilisan ang pag-akyat nito. Agad na nagtungo sa silid-tulugan ng bunso nilang anak.
"Saglit nga, Hon at subukan kong buksan baka sakaling hindi naka-lock. Ano na naman kaya ang problema ng babaeng ito at nakaharang lang sa hallway ang sasakyan," hindi malaman kung bulong o ano ang pagkasabi ni Xander na halatang aligaga na. Aba'y nag-iisang babae ito at risky ang trabaho kaya't hindi siya masisisi kung ganoon siya mag-alala.
Laking pasasalamat nila ng nalaman na hindi naka-locked ang pintuan pero ganoon din ang takot nila nang napagtantong wala roon ang dalaga. Halatang walang natulog sa higaan nito dahil maayos pa rin ito. Kung ano ang pagkaayos nito sa nagdaang-araw ay ganoon pa rin.
"Diyos ko! Nasaan na ang anak natin?" may pag-aalalang tanong ni Mayla.
"Iyan na nga, hon. Wala tayong alam kung nasaan siya---"
Pero hindi na ito natapos ni Xander dahil bumukas ang katapat na kuwarto at doon ay lumabas ang pangalawang anak.
"Oh, Mommy, Daddy, anong ginagawa n'yo riyan?" agad na tanong ni Timothy nang napansin ang mga magulang sa silid ng kapatid.
"Ang kapatid mo, anak, nawawala samantalang nasa hallway ang sasakyan niya. May alam ka ba kung nasaan siya?" bakas ang pag-aalalang balik-tanong ng ina.
Kaya naman napangiti ang binata kaso sapak ang napala mula sa ina.
"Ay, Mommy naman, bakit ka nanapak? May kaagaw na ba sa pagkabunso ni may sungay este ni Rizza?" Nakatawa niyang ilag dahil nakaamba na naman ang palad nito.
"Umayos ka nga, Francis Timothy. Ang sabi ng Mommy mo ay nawawala ang kapatid mo. Tinatanong niya kung may alam ka kung nasaan siya hindi ang pinaglukuko mo kami. Aba'y sa akin ka sasamain kung hindi ka umayos-ayos diyan." Hindi nakataiis si Xander kaya't hinarap ang anak.
Kaya naman!
"Huwag kayong mag-alala dahil hindi nawawala ang may sungay. Mahimbing pa ang tulog niya kaya't huwag n'yo siyang disturbuhin kung ayaw ninyong lalabas na naman ang sungay niya."
Kay lapad ng ngiting nakabalatay sa mukha ni Timothy habang hawak-hawak ang batok saka naglakad patungo sa hagdan upang makababa sa unang palapag ng kabahayan upang makapagkape.
Kaya naman agad sumunod ang mag-asawa sa anak. Aba'y talagang pinaglukuko sila ng anak nila! Ito ang mananagot oras na wala ang babae nilang anak.
"Francis Timothy, saglit lang. Huwag na huwag mo kaming pinagloloko ng Mommy mo ha. Paano naging mahimbing ang tulog niya eh wala namang tao sa room niya?" kunot-noong tanong ni Xander sa pag-aakalang pinagloloko sila ng binata.
Pero imbes na sagutin siya nito ay tinawag ang kasambahay saka nagpagawa ng kape.
"Kapag ako ang mapuno sa iyo ikaw ang paghahanapin ko sa kapatid mo nanng hindi ka makapasok sa trabaho mo. Isang tanong, isang sagot, Francis Timothy, nasaan ang kapatid mo?" nakapamaywang na tanong ng Ginang.
Kaso bago pa man makasagot ang binata ay boses naman nang pinaghahanap nila ang pumailanlang. Sa tinis pa lamang nito ay parang nasa korte na.
"Kuya Francis! Kuya Francis! Ahhhh, akala ko ba ay tinanggal mo na ang mikrobyo sa balikat ko? Bakit ang hapdi pa rin? Nasaan ka ba't linisin mo ulit ito? Ahhh, paano ko mahaharap ang lalaking walang bayag na iyon sa RTC bukas?" sigaw ni Rizza habang palabas siya sa kuwarto ng Kuya Timothy niya sa pag-aakalang gabi pa.
Pero agad ding umayos nang napansin ang mga magulang sa tabi ng kapatid. Ah! Mukhang nanaginip na naman siya!
"Hep! Hep! Saan ka galing at mukhang may tama ka sa balikat?" maagap na tanong ni Xander nang nakita ang pupungas-pungas na anak.
"Diyan lang sa kuwarto ni Kuya, Daddy. Diyan ako natulog kagabi," labas sa ilong niyang sagot.
"At anong nangyari sa balikat mo anak? Kailan ka pa naging pabaya na hindi nagbibihis bago matulog?" nag-aalala na ring tanong ng Ginang.
Aba'y disenteng tao ang anak niya sa kaniyang pagkakaalam. Subalit mukhang naging burara ito at hindi man lang magawang nagpalit ng damit mula sa trabaho.
Kumbaga umaga pa lang pero nasa interrogation room na ang dalaga, ang pagkakaiba nga lang ay nasa sariling bahay. Kaya naman ang bagong gising na buong akala ay gabi pa ay muling napasimangot dahil sa sunod-sunod na tanong ng mga magulang. Ah! May tama na nga ang balikat niya tapos maaga pa siyang nakasalang sa sita-rogation.
"Sabi ko naman kasi sa inyo Mommy, Daddy, huwag kayong maingay dahil lalabas sng sungay ng may sungay," natatawang saad ng binata lalo na nang napansin ang nguso ng kapatid.
"Kapag ako ang makalapit sa iyo, Kuya--- Ahhh, come here na Kuya. Check my wound again kailangan kong papasok ngayon dahil may meeting ako sa RTC." Hinarap ni Rizza ang kapatid upang ipalinis muli ang balikat bago bumaling sa mga magulang.
"Huwag po kayong mag-alala, Mommy, Daddy. Dahil malayo ito sa bituka. Anong nangyari? Daplis lamang ito mula sa baril ng tarantadong L tauhan ng lalaking walang bayag na iyon. Pinatay pa ang PI ko kaya't magtutuos kami sa RTC ngayon!" Ayon muling umusok ang bunbunan ng may sungay sa pagkakaalala sa mortal na kaaway.
"At sa akala mo ay lalabas ka ng ganyan? Sabi mo may mikrobyo pa sa balikat mo tapos aalis ka at pupunta ng RTC? Anak naman baka naman puweding ipagpaliban mo iyang lakad mo na iyan at maalagaan muna kita." Salungat ni Mayla sa anak.
Pero as hard headed as she is, walang nagawa ang pagtutol nila sa desisyon ng anak.
"Mommy, para daplis lang eh. Hindi ko pa ikakamatay iyan basta tinanggal ni Kuya ang mikrobyong kumapit diyan na hindi man lang ako ginising at nakalipat ako sa room ko. By the way, thank you to all of you sa malasakit but for now I need to be ready dahil kailangang mabigyang hustisiya ang pagkamatay ng PI ko," saad ng dalaga saka pumasok sa sariling kuwarto.
Hindi na nakita ang makahulugang tinginan ng tatlo na nasa paanan ng hagdan na nakatingala pa sa kinaroroonan niya. Nang nawala ito sa paningin nila ay ang binata naman nag binalingan.
"Ano raw ang nangyari sa kapatid mo, anak? Aba'y sumubra naman yata ang tapang niya ah. Kung pinatay nila ang PI niya aba'y may umalma sa mga tinalo niya sa mga kasong hawak," ani Xander.
"Kilala n'yo naman po si bunso, Daddy. Kapag sinabing puti hindi iyan maaring gawing itim. About what happened to her? Kung naalala ninyo halos kadarating niya kahapon nang may tumawag I mean nang tumawag ang PI niya pinuntahan niya ito upang kausapin daw sana ito. Kaso nabulilyaso at ang masaklap patay na raw ito at inamin pa ng tauhan ni Cayetano na ito ang may kagagawan. Ayon, eh di sinugod ni bunso ang loko hinamon ng harapan sa RTC." Nakailing na pagkukuwento ng binata.
"Pero teka anak anong kinalaman ng kuwento mo sa sugat sa balikat niya?" nandoon pa rin ang pag-aalala sa boses ng Ginang.
"Napasabak sa laban ang bunso ninyong anak, Mommy. At dahil kasing-tigas ng bato ang ulo niya ay nadaplisan lang naman nag balikat niya at kagaya nang sabi niya malayo iyon sa kaniyang bituka lalo at nalinis ko naman. Baka nanaginip lang iyon kanina kaya't sumigaw. Kaya't kung ako sa inyo halina't makapag-almusal na tayo," kibit-balikat na tugon ng binata.
Pero ang ama na pinagmanahan ng dalaga sa pagka-abogada ay hindi natinag. Bilang dating abogado ay ramdam niya ang nararamdaman ng anak. Gusto nitong mabigyan ng hustisiya ang pagkamatay ng pinagkakatiwalaang tao. Pero sa pangalang binanggit ng anak ay nag-alala siya dahil pangalan pa lang ay bigatin na ito. Hindi naman sa natatakot siya dahil may tiwala naman siya sa kakayahan ng anak. Although may ilang kasong hawak ang anak na natalo dahil sa bumaliktad ang testigo.
"Mauna na kayo sa hapag at puntahan ko muna si bunso. Yeah, we know her. Kaso mukhang malalim ang pinaghuhugutan niya," wika niya saka nagsimulang lumakad paakyat sa hagdan.
Subalit nakailang hakbang pa lamang siya ay pababa naman ang taong pinag-uusapan na halatang bagong ligo at handa na namang lalabas.
"You're not going anywhere anak unless na kakain ka muna. Paano mo mahaharap nag lalaking walang bayag kung walang laman nag tiyan mo?" Humarang siya sa tapat nito.
Sa narinig ay napangiti ang dalaga. Alam naman niyang nag-aalala ang mga ito sa kaniya at nauunawaan niya iyon kaya't upang pukawin ang agam-agam ng mga ito'y hindi na niya sinalungat ang nais nila.
"Hep! Hep! Bunso naman may balak ka pa yatang magpakanlong kay Daddy ah. Halika na kasi sa kusina naamoy ko na ang paborito mong almusal." Hindi rin nakatiis na singit ng binata.
"Heh! Saan mo itinago ang baril ko, kuya? Kapag hindi mo inilabas iyon ang baril mo ang kukunin ko," pabirong ismid ng dalaga bagay na ikimasamid ng ama't ina.
"Bunso naman---" Pero hindi na pinatapos ng dalaga ang sinabi ng kapatid dahil naalalang naiwan pala sa mismong hinigaan sa kuwarto ng Kuya.
"Diyan muna kayo at kukunin ko. Just in case baka magamit ko na naman today." May pagmamadali itong tumayo at patakbong umakyat patungo sa kuwarto ng kapatid.
Kaya naman wala silang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin at hindi nga nagtagal ay bumalik ito at iniayos ang hawak na baril sa bag pack. Puno man ng pag-aalala ang mga magulang nito'y wala na ring nagawa kundi nag suportahan ito.
"She is really hard-headed but it's her assets after all," sambit ng padre de-pamilya.