Dalawang pusong nagmamahalan, sinulit ang bawat oras na magkasama. Hindi man sila natutulog sa iisang kuwarto pero hindi maaring walang nangyayari sa kanilang dalawa simula ng may nangyari sa pagitan nila sa paraisong unang kaganapan ng intimate affair nila. Nakakahalata man siguro ang mga nakapaligid sa kanila pero walang nangahas na nagsalita o sumita. Isang gabi bago ang pagbabalik ni Enrico sa Madrid. Sinadya ni Garrette ang anak sa kuwarto nito. Itinaon na tulog na ang nobya nito para makausap ng maayos ang anak. "Oh, ikaw pala, Daddy, halika maupo ka." Agad namang pinapasok ng binata ang amang napagbuksan kahit alanganing oras na. "Salamat, anak. Maari ba kitang makausap ng masinsinan?" tanong ni Garrette. Kaya naman agad ding itinigil ng binata ang pag-iimpake at isinara ang pin