"Hindi ka namin pipiliting manirahan dito, anak. Lalo at nasa La Union naman ang trabaho mo. Pero kapag may oras ka, feel free anytime to come here para dalawin kami ng Mommy, Lola at lolo ninyo," ani Garrette sa manugang. Kaso mukhang kasabay nang paglipad ng eroplano sa gabing iyon na sinakyan ng panganay na anak ay nawawala ito sa sarili. Di yata't iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Well, hindi rin naman nila ito masisisi dahil dalawang linggo rin itong nasa kanila. Kung ilang araw na nasa bansa si Enrico ay ganoon din katagal ang manugang nilang nasa Baguio. Tuloy! "Kinakausap ka ni Tito baka naman kung saan-saan ka na nakarating diyan ha?" Palihim na siko ni Timothy sa kapatid. "Let her be anak. Natural lang iyan na kasabay nang paglipad ng sinakyang eroplano ng asawa niya ay