Couple of hours later...
"Oh, Attorney Dela Rosa, mukhang hindi ka mapakali ah? May problema ba ang dilag ng departamento natin?" tanong ng may edad na judge.
"Wala naman po, Sir Madrid," sagot ng dalaga.
"I know you already, Iha. I worked with your father way back then and I'm proud to say that you're his young version. Alam kong may bumabagabag sa iyo kaya't sabihin mo na malay mo makatulong ako," giit pa nito.
On her mind (Rizza) kilala rin naman niya ito at sa katunayan isa ito sa kaibigan ng Daddy niya. Iyon nga lang ay nagretiro na ito nang sumabak siya sa pagkaabogada samantalang si judge Madrid ay nagpatuloy. Parang hinintay lang na may kapalit ito sa puwestong iiwan.
"Okay come to my office kung may nais kang sabihin, Iha," muli ay wika ng judge nang napansin ang pagkabalisa ng dalaga.
Kaya naman agad inayos ni Rizza ang gamit sa lamesa saka dinampot ang bag pack at sumunod sa judge pagkatapos niyang isara ang sariling opisina.
"Maupo ka, anak. Anong maitutulong ko sa iyo?" agad nitong tanong nang masiguradong nakasara ang pinto.
"Boss, sino ang may hawak sa kaso ni Venson Cayetano?" balik-tanong ng dalaga imbes na sagutin ang tanong nito.
"Si Attorney Gracelyn Sandoval, Iha. Bakit?" patanong na sagot ng judge.
Dahil dito ay napangiti ang dalaga. Kahit hindi nniya close friend ang binanggit ng judge pero kilala niya ito. Hindi man sa RTC naka-base pero sa government law firm din ito. Kung hindi siya nagkakamali ay kaedaran ito ng ama niya at maaring kakilala rin nito.
"Maari ko ba siyang makausap, boss?" nakangiti niyang tanong.
Ah! Mabait pa rin sa kaniya ang langit.
"Oo naman, Iha. Maari mo siyang puntahan sa opisina niya lalo na kung confidential iyan or ask your father to accompany you there. They know each other but my point there is she's getting ready for her retirement. By the way, maari ko bang malaman kung ano ang rason at naitanong mo iyan?" patanong ding pahayag ng judge.
Hindi sinagot ng dalaga ang tanong ng judge. Subalit bahagyang inilislis ang damit sa bandang balikat saka ipinakita ang naka-band aid o sugat likha nang pagkakabaril.
"See this wound, Sir? Kagagawan iyan ng tauhan ni Cayetano. Remember my PI? Wala na siya sa kagagawan din ng Cayetanong iyon. At para sa tanong mo Boss kung bakit ko naitanong iyan sa iyo ay gusto ko lang namang saluin ang kaso. Kaya gusto kong makausap si Attorney Sandoval kung papayag siya if not I'll need to draft a new plan." Inayos ang damit na inilislis.
"I trust you iha at sana nagtagumpay ka diyan. But please don't forget the law of protocol. Hangad ko ang tagumpay mo as well as justice for your PI." Sang-ayun ng judge bagay na napangiti kay Rizza.
Sabagay, ilang buwan na rin nilang minamatyagan ang mag-amang Cayetano. At isa na iyon sa dahilan kung bakit abot hanggang langit ang galit nila sa kaniya.
"Thank you, Boss. Alam mo na---"
"What we said, what we hear when we leave, we leave it here inside the room." Nakatawang pagtatapos ng judge.
Kaya naman hindi na rin naiwasan ng dalaga ang tumawa. Pero hindi na rin siya nagtagal, matapos siyang nagpaalam ay muli siyang bumalik sa sariling opisina. At sa pag-upo niyang muli sa upuan ay hindi nalingid sa kaniya ang aninong nagmumula sa likurang bahagi ng opisina. Hindi siya nagsayang ng oras, agad niyang dinampot ang baril at patihayang lumapit sa kinaroroonan ng anino para lang malaman kung sino ang nandoon o ang nagmamay-ari ng anino.
"My God! Akala ko patay ka na, Pimentel! Kagaya nang sinabi nila---" Sa gulat ay natutukan pa niya ang nagmamay-ari ng anino na walang iba kundi ang kaniyang PI.
"Hsshh, huwag kang maingay, Ma'am. Dahil ang alam talaga nila ay patay na ako. Ngunit hindi ko pa oras ang mamatay dahil hindi ko pa naibibigay sa iyo ang impormasyong kailangan mo." Putol nito sa kaniya. Kahit halatang nahihirapan ay sinikap nitong itinaas ang daliri upang mapatigil siya.
Dahil dito ay agad niyang isinara o locked ang kaniyang opisina saka muling binalikan ang naghihingalong tauhan. Saka nagsalita. Para tuloy siyang inahing pusa na hindi mapakali.
"Huwag mo ng isipin iyon. Dahil sinugod ko ang gagong at maghaharap sana kami ngayon. Subalit nakausap ko si Judge Madrid. Kaya't nalaman kong hindi pala rito ang may hawak sa kaso nilang mag-ama kundi sa ibang sangay," aniya habang iniaayos ang tauhan.
Napangiti naman ang nasa alanganing si Pimentel. Ang maamo ang mukha niyang Boss pero mabangis at walang kinatatakutan lalo na kapag galit. Ilang taon na rin siya bilang PI nito kaya't masasabi niyang kilala na niya ito.
"Lahat ng dukumentong magdidiin sa mag-amang Cayetano'y nasa bangko na, Ma'am. Doon ko inilagak bago kita tinawagan at laking pasasalamat ko dahil ginawa ko ang bagay na iyon dahil ang hindi ko alam ng tumawag ako sa iyo ay nakasunod na sa akin ang mga tauhan ni Venson. Tama siya ang bumaril sa akin ng dalawang beses. Subalit tanga ang mga tauhang inutusan dahil basta na lang din akong itinapon na hindi man lang tsi-nek kung humihinga pa ba ako o patay na. Kaya't ngayon lang ako nakarating dito ay palihim lang din pero oras na magcheck ang pamunuan ng RTC sa mga cameras nila'y makikita nila ako," paliwanag niya kahit halos nakapikit na.
Para sa dalaga kahit sugatan siya ay mas inaalala pa niya ang tauhan. Sa isip niya ay siya pa ang inisip nito imbes na dumiretso sa pagamutan upamg ipagamot ang sarili.
"Mamaya ma tayo mag-usap, Pimentel. Kailangang magamot ka. Saglit lang at tatawagan ko si Kuya upang pumarito at nang magamot ka niya." Pagpapatigil niya rito lalo at kitang-kita niyang nahihirapan na ito
"Salamat, Ma'am. Kung hindi na ako sisikatan ng araw ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Sigurado akong nag-aalala na siya ngayon at pakiusap, Ma'am. Tulungan mo silang makalayo rito sa La Union. Dahil oras na malaman nilang may pamilya ako ay siguradong idadamay nila." Nakapikit na ang PI.
"Don't say that, Pimentel. Mabubuhay ka pa at oo ililikas ko kayong tatlo kapag kaya mo na. Kahit saan basta mailayo ko kayo rito," aniya habang abala sa pagdiyal sa numero ng kapatid.
"Aahhh! Ano ba, Kuya Timothy! Sagutin mo ang tawag ko!" Kaso napangitngit siya dahil ilang beses na siyang nag-diyal subalit walang sumasagot.
Pero agad na napalingon sa PI niya nang wala siyang narinig na imik mula rito. Subalit agad din siyang nakahinga ng maluwag nang malamang humihinga pa ito. Napakaloyal nito at sa pagkakataong iyon ay muli na naman niyang napatunayan ang katapatan nito. Mas iniisi pa nito ang mga ebidensiyang ibinangko kaysa ang kalagayan. Kaya't mas naiinis siya sa kaniyang kapatid dahil nakailang beses na siyang nakatawag ngunit wala pa ring sinagot.
Samantalang nasa canteen ng pagamutan ang binatang si Francis Timothy nang tumunog ang cellphone. Ayaw sana niyang sagutin lalo at kunting oras na lang ay duty na niya kaso makulit ang caller. Sunod-sunod ang tawag nito.
"Sh*t si bunso pala! Napaano kaya ang malditang bitchicahy na ito?" Piping mura niya nang mapagsino ang caller.
"Hel---"
"Makinig ka, Kuya Francis Timothy Dela Rosa. Come here in my office right now here in RTC. Emergency services! Bring your medicine bag and medical equipment dahil ipapagamot ko ang sugat ko! Alam kong nasa trabaho ka as I am. Ngunit kung gusto mo pang may kasama kang lalabas ng bansa pumarito ka na bago pa ako mamatay! Now na!" Utos ng dalaga na nasa kabilang linya. Hindi naman sa tinatakot niya ito pero ginawa lamang niya iyon upang puntahan siya on the spot ng Kuya niya.
Kaya naman, imbes na mag-meryenda ang kaawa-awang si FT ay hindi na. Dahil binayaran na lang ang na-order na hindi pa naibigay. Bumalik na lamang siya sa kaniyang opisina at gumawa ng note na emergency services sa labas. Nagpaalam siya sa mga kasamahang nasa nurses station at nang nalamang ang kapatid niya ang dahilan kung bakit siya aalis ay pinasama pa ang isang male nurse para raw may assistant siya. Sa isang salita, hindi pa naglipat oras ay nasa RTC na ang dalawa. Dahil kilala naman doon ang abogadang may sungay ay agad silang pinapasok.
"My God! What happened to him! He's almost lifeless!" malakas na sambit ng binata nang nakapasok na sila ng male nurse. Aba'y pinaglukuko siya ng malditang may sungay subalit hindi rin. Mas malala nga lang ang pasyenteng kailangan niyang gamitin.
Kaso!
Pero hindi agad sumagot si Rizza bagkus ay lumapit sa napatangang male nurse dahil na rin sa pasyenteng nasa sofa. Halatang ilang oras nang nanganganib ang buhay dahil nawalan ng dugo. Ganoon pa man ay lumapit siya rito. Mas mainam na ang magsigurado. Kailangan niya itong deretsahin.
"Sorry, Boss, pero deretsahin kita. Kakampi o kalaban? Kasi kung kalaban ka ako mismo ang magpapatanggal sa iyo sa pinapasukan ninyo ng kapatid ko. Oo, hindi ako presidente upang gawin iyan ngunit lawyer ako at may katungkulan ako rito sa RTC at kaya ko iyang gawin. Ngunit kung kakampi ka namin upang itikom ang bibig mo about this patient here ako pa mismo ang magbibigay ng pabuya para sa isang tulad mo. Sorry for this but I'm just after the privacy and confidentiality of my PI's life," pahayag niya.
Ah! What ever! Hindi siya papayag na may malagas sa mga malapit sa kaniya.
Napangiti naman ang male nurse o mas tamang sabihin na napahanga ito sa inasta ng abogada. Nauunawaan naman niya ang nais nitong iparating. Nagpakatotoo ito, hindi iyon lingid sa kaniya dahil ganoon din sa kanilang mga nurses. Confidentiality is very important.
"Huwag ka pong mag-alala, Attorney Dela Rosa dahil kagaya ng confidentiality ng mga hawak naming records sa hospital ay ganoon din dito sa opisina mo. Makakasa ka na kapag lalabas na kami ni Doc Dela Rosa dito'y maiiwan lahat dito ang nakita at narinig ko. But for now please let me help him. Kailangang gamutin ang sugat niya(PI) bago siya tuluyang mamatay." Nakangiti niyang itinuro ang halos wala ng buhay na PI.
Hindi na sumagot ang dalagang bitchichay bagkus ay nagbigay-daan siya upang makalapit ito ng husto sa kuya niyang nagsimula ng linisin ang sugat ng PI niya upang matanggal din ang bala sa tiyan nito. Hindi maaring mamatay ito. It's not for her but for his family.
After sometimes...
"Kung mas natagalan pa siguro ang pagkatanggal ng bala sa katawan niya ay baka hindi na siya nakaligtas. Subalit kagaya mo yata siyang madulas sa bala. Puwedi ka ng makahinga ng maluwag, Sis," ani Francis Timothy nang natapos ang paglinis at pagtanggal sa balang nasa katawan ng private investigator ng kapatid niya.
Ang kapatid niyang may sungay kapag nagagalit. Mas matapang Ito kaysa sa kanila ng Kuya MX niya.
"Mabuti naman kung ganoon, Kuya. Kawawa naman siya. Ako pa ang inisip kaysa ang sarili niyang buhay. Imbes na nagtungong pagamutan upang maagapan siya ay ako pa ang una niyang tinungo upang ipaalam na ligtas ang mga ebidensiyang hawak namin." Napatingin si Rizza sa tauhang payapa nang natutulog. Halatang stable na ang paghinga nito.
"Ganyan ka niya kamahal nilang amo, Sis. Maaring investigator siya subalit tao rin siyang may nais protektahan. At ikaw iyon. Gusto niyang matapos na ang hawak ninyong kaso dahil alam niyang hindi ka rin titigil hanggangt hindi nabibigyang katarungan ang mga taong inaapi. Dahil alam niyang kahit malditang may sungay ka ay nakikita niyang niyayakap at tinutulungan mo kahit sino ang lumalapit sa iyo."
Bahagyang tinapik ni Timothy sa balikat ang kapatid niya.
Hindi sa pagmamayabang ngunit ganoon ang kapatid niya. Wala itong pinipili upang tulungan. Minsan pa nga ay ito ang kusang gumugasto sa mga taong walang pambayad. Ito ang nagsisilbing tagapagtanggol ng mga mahihirap. Malditang may sungay ito ngunit iyon ang tawag sa nila rito. Mainitin kasi ang ulo. Maiksi ang pasensiya.
"Iyon na nga, Kuya. Kailangang makaligtas siya dahil ang mag-ina niya upang may mag-alaga sa kanila. Baka sila ang mapapahamak kapag hindi natin sila mailikas ay siguradong makarating ito sa mga ito na may pamilya siya. By the way, maraming salamat sa inyong dalawa."
Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa kapatid at sa pasyenteng namumutla la rin dahil sa kulay ng pinaghalo-halong emosyon.