CHAPTER TWO
Siam Alonzo
ENNEO.
I really can’t explain how embarassed and uncomfortable I am whenever I heard my pen name to anyone who reads my works.
Hindi na ako nasanay sa ganito. Madalas ko kasing marinig ang aking pen name sa mga co-teachers ko. Pinag-uusapan ‘yong mga libro ko.
Kapag ka gano’n, nananahimik lang ako o kaya asking them to shut up. Napagkamalan nga nila akong anti ni Enneo. As if, duh! Ano ‘yon? Tamang bash kay self, ganern?
I can’t tell anyone about my secret, about being an erotic writer. Aside sa nahihiya ako, I also have trust issues.
At aside din sa pagiging isang manunulat, isa rin akong primary moral values teacher sa Bleu Academy, isang primary-secondary private school.
Since then, to be a successful writer is my only dream.
Napasok lang ako sa pagiging guro dahil sa isang lesson..? Motivation? How do I name that experience?
Noong time na naghahanap ako ng universities na papasukan at journalism ang balak kong i-take noon. Nakasakay ako ng jeep noon at may dalawang musmos na bata ang nakasabit sa entrance ng transpo–which was malapit ako sa kanila.
Then, umupo sila sa lapag ng jeep. The boy–he looked a ten year old–was holding an Abakada. He was teaching his sister–I supposed–how to read.
That scene really hitted me differently. Those children inspire me somehow. Kaya noong nag-apply ako sa mga univs, primary education na ang sinulat ko as my main course. And here I am, a primary teacher.
Balak ko naman lumipat sa public school. For now, ie-enjoy ko muna ang pagiging private teacher.
“Good afternoon, Sir! Nag-lunch ka na?” dinig ko mula kay Teacher Yesza.
Automatic na napahinto kami sa paglalakad sa corridor nang makasalubong namin ang director ng Bleu Academy, si Sir Neu Spencer.
He was wearing a white long sleeve polo pairing with a black pants and leather shoes. His hazel nut eyes holds a strong gaze with a glint of mischievousness.
He’s so neat and tall. Ay wow, Siam? Maka-tall eh halos pantay lang ang height niyo. Siguro nasa two inches lang ang lamang niya.
Nagawi ang tingin ni Sir Neu sa’kin at isang ngiti ang ibinigay niya. “Good afternoon, Mr. Alonzo.”
Nginitian ko rin siya at binati.
Actually, Sir Neu is a kind person. Mukha lang siyang playboy but he’s friendly and really nice to everyone. Halos lahat yata ng mga teachers at staffs dito sa eskwelahan niya eh ka-close niya.
“O, ‘wag niyong kakalimutan ang meeting mamaya, ha?” paalala niya sa’min. “Mauna na ako.”
Napatango na lang kaming dalawa ni Teacher Yesza habang hinahatid ng tingin ang papalayong director.
“Ang gwapo talaga ni Sir, ano?”
Hindi makapaniwalang nilingon ko ang kasama ko. “Don’t tell me pinagnanasahan mo si Sir Neu?” I asked in disbelief.
Nang mawala na sa paningin namin si Sir Neu, nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.
“Aba, eh, sino ba’ng hindi, ha?” balik na tanong nito sa’kin. “Saka, ‘kita mo kung paano ka tingnan ni Sir kanina? Parang gusto ka niyang kainin! Naku, Siam! Sana all!”
Nakakunot ang noo na sinulyapan ko siya. “Gaga! Ano’ng pinagsasabi mo?”
Yesza sighed in disbelief before she answered, “Ang sinasabi ko lang naman, baka bet ka ni Sir.”
“Ako?” Tinuro ko ang aking sarili at tumango siya. “Bet ni Sir Neu? Ayos ka lang ba, Ma’am? Hindi ako babae.”
“O, eh, ano ngayon?” She shrugged. “Pwede naman ‘yon, ah? Lalaki sa lalaki. Alam mo, Sir Alonzo, try to read some Enneo’s works. Man to man writer ‘yon. Doon ko na-realize na may mga bagay na posible.”
Napairap ako at napailing sa tinuran nito. Heto na naman po tayo! Nadawit na naman ang pen name ko. Si Sir Neu lang ang topic namin, hindi ako.
“Hay, naku, Yesza! Reminder lang, ha? Ang lalaki ay para pa rin sa babae. Hindi ang lalaki para sa lalaki.”
Okay po, madlang pipol. Nagiging ipokrito na ako sa mga sinasabi ko. Pero tama si Ma’am, eh. As a writer, naniniwala akong may mga bagay na posible.
I’m not against to man to man. It is just I am being defensive. Sumosobra ako sa pagde-defend at pagtatago.
“Hay, naku, Siam! Reminder lang din, ha?” gaya nito sa sinabi ko. “Na si Eba nagmula sa tadyang ni Adan. So, I, therefore conclude na lalaki si Eba.”
I slapped myself mentally. Ang dami yatang nakuha ng babaeng ito sa mga gawa ko.
“At saan mo naman nakuha ‘yan, ha, aber?”
Taas ang noo na nilingon ako nito. “Eve is Steve ni Enneo.”
Ngayon, natampal ko na ang sariling noo dahil sa sagot niya. Naadik na!
“DON’T forget to bring your assignment tomorrow, okay?” Huling paalala ko sa mga estudyante ko.
“Yes, Teacher!” My students answered in unison that made me smile.
“Good. Now, goodbye, class!”
Sabay-sabay silang tumayo at nag-paalam. “Goodbye, Teacher! See you tomorrow!”
I left my things on my table and assists my students to exit the classroom. Nang makalabas na silang lahat, I went to my table and gathered my things.
Napaangat ako ng ulo nang may kumatok sa pinto. And there was Sir Neu, leaning against the door. Nakasuksok ang kaliwang kamay niya sa bulsa ng pantalon.
Tumigil ako sa pag-aayos ng gamit. “Sir.”
“Nag-dismiss ka na yata.”
I chuckled lightly. “Yes, Sir. Ayokong ma-late sa meeting natin.”
Naglakad siya papasok ng classroom and stop his tracks near at my table. I can smell his masculine scent. Ang bango. Nakakaadik. Parang gusto kong pumikit at samyuhin ang amoy niya.
Ay, leche! Ano ba itong pinagsasabi ko?!
“Sabay na tayong pumunta sa conference room,” pagaaya niya.
“Eh, naku, Sir. Mauna na lang ho kayo. Hindi pa po ako tapos sa pagliligpit eh,” sagot ko sa kanya at tinapunan ng tingin ang mga gamit ko.
“Nah! Go on, it’s okay. I can wait.”
Tinitigan ko ang mukha niya. Mukha namang desidido siyang mag-hintay kaya inayos ko na ang mga gamit ko. Naglakad-lakad naman siya sa loob ng classroom.
“‘Buti at napadpad kayo sa lungga ko, Sir.” I joked without looking.
I heard a soft chuckle from him–that causes a drum inside my left chest. “I was just wandering around. ‘Tapos nakita kong bukas pa itong classroom mo.”
Napatango na lang ako. Hindi na rin nagsalita si Sir. Tanging tunog ng sapatos na lamang niya ang naririnig ko.
“Ready?”
Napatalon ako ng bahagya sa gulat and felt some thing slip out of my hand nang marinig ko ang boses niya sa gilid ng leeg ko. Ano ba ‘yan?! May lahing kabute ba siya?
I blushed due to embarassment when I earned a laugh from him. “Jumpy, Mr. Alonzo. I’m sorry,” aniya na may ngiti sa labi.
“Huwag ka kasing nanggu-gulat, Sir!”
“I’m not. Sorry. Sorry!” He said between his chuckles while his both hands were lifted up as if he was surrendered.
Sabay kaming napalingon ni Sir Neu nang makarinig kami ng katok sa pinto.
“Ma’am Yesza!” masiglang banggit ni Sir Neu.
Binigyan muna ako ng nakakalokong tingin ni Yesza bago nilingon si Sir Neu na katabi ko lang. “Uy, Sir! Nandito ka pala!” bulalas nito na animo’y nabigla.
“Yeah. Hinihintay ko kasi itong si Siam.”
Pareho kaming napatingin ni Yesza kay Sir Neu dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Kung hindi kasi ‘Mr. Alonzo’, ‘Sir’ ang madalas na itawag niya sa’kin. Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko–which is really felt different... for me.
I turned my gaze on Yesza when she blow a whistled. “Siam pa nga.” She said under her breath.
Pinanlakihan ko na siya ng mata, indicating her to stop. Nagkibit balikat lang ito.
“Are you done, Siam?”
I heard a ‘wiw’ from Yesza pero hindi ko na ito pinansin. Baka lalo lang ito mang-inis.
“Ah, yes, Sir. Tara na?”
Tumango si Sir Neu. “Sure. After you.”
Binitbit ko na ang mga gamit ko at sinabayan na sa paglabas ng classroom si Yesza.
Alam kong mabait si Sir pero naguguluhan ako sa inaakto niya. We encountered each other before without these gestures he just showed.
“Ikaw, ha?” Yesza nudged my shoulder with hers. “Alam natin na may pagka-formal si Sir Neu in or off work. Pero bakla! Tinawag ka niya sa pangalan mo!”
“Big deal pa ba ‘yon?”
“Kung sa’yo, hindi. Sa’kin, sobrang big de–”
Hindi natapos ni Yesza ang sasabihin nang may tumawag sa pangalan ko. We both stop in our tracks and look behind. We saw Sir Neu, holding a familiar binder notebook.
I frowned and asked, “Bakit?” to Sir Neu.
Before he could answer, his phone rang. Bahagyang nataranta si Sir, hindi alam kung ano ang uunahin: ang kausapin ba ako o kunin ang cellphone sa bulsa niya. But in the end, he choose the latter.
“Nothing. Dumiretso na kayo sa conference room,” habilin niya. “Hello, Kuya? Of course! I’ll be there before seven.” At nag-simula na siyang maglakad at lagpasan kaming dalawa ni Yesza.
“Ay? Ano ‘yon?” takang tanong ni Yesza.
Nagkibit balikat ako bilang sagot habang tinatanaw ang papalayong bulto ni Sir Neu. Sa hindi malamang dahilan, napatingin ako sa kaliwang kamay niya na may hawak na itim na binder.
And an unfamiliar emotion starts to build up inside me.