CHAPTER TWELVE Siam Alonzo AS USUAL, I guided them as they exited my classroom. Si Sir Neu, nanatili lang nakaupo sa harap ng table ko, nginingitian ang mga estudyante ko. Nang kaming dalawa na lang ni Sir Neu ang naiwan sa classroom, "You seem distracted." Nahalata pala niya. Bigla naman akong nahiya. Hindi porque may "karimarimalim" na nangyari sa aming dalawa, hindi ko dapat kalimutan na director siya ng eskwelahang pinapasukan ko. Napayuko ako at napatingin sa sapatos ko. "Sorry, Sir." Matagal din ang katahimikan na bumalot sa’min. Para bang nakikiramdam lang sa isa’t isa. Sa buong maghapon ngayong araw, ngayon ko lang siya nakita, ngayon lang siya nagpakita. Jusko, Siam! Parang kagabi lang e magkasama kayo, pero kung umasta ka ngayon, e, parang isang taon kayong hindi nagkita.